Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

8

Araling Panlipunan
Quarter 2 - Module 4:
Ang Simbahang Katoliko: Isang
Makapangyarihang Institusyon sa
Gitnang Panahon at Ang Krusada
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 4: Ang Simbahang Katoliko: Isang
Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon at Ang Krusada
First Edition, 2020

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary
for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission
to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Gingoog City
Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Development Team of the Module

Author: Glaiza Q. Magriña


Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD Alging S. Lloren, PhD
Elvira Ruvi U. Camocamo
Evaluator: Ricardo Vidad
Illustrator & Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Layout Artist:
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar
CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS-Araling Panlipunan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

1
Aralin
Pagbagsak ng Imperyong
1 Romano

Suriin

Basahin at Matuto
Sa puntong ito, matutukoy natin kung papaano naging matatag at mabisa ang
organisasyon ng simbahan.
Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan

Nagkaroon ng mabisang organisasyon ang mga lider ng simbahan mula sasimpleng


presbyter, lumilitaw ang mga pari at Obispo. Namumuno ang Obispo sa balungsod at nasa
ilalim ng Obispo ang mga pari sa mga lungsod ng parokya. Nagkaroon
ng malawakang paglaganap ang simbahan patungo sa lalawigan at doon sumasangguni ang
mga pari sa Obispo tungkol sa gawaing espiritwal, pangkabuhayan at edukasyon. Siya rin
ang namamahala sa kaayusan at kapayapaan sa lungsod.

Ang mga Obispo na tinatawag na Arsobispo ay nakatira sa malalaking lungsod


na naging sentro ng kristiyanismo. Ang isang Arsobispo ay may kapangyarihan sa Obispo sa
ilang karatig na maliliit na lungsod. Ang Santo Papa ang pinakataas-taasang
pinuno ng Simbahang Katoliko na nakatira sa kanlurang Europa sa Roma at nabibilang din
ang Papa sa mga Arsobispo, Obispo at mga pari ng mga parokya.

Ang pagpili ng Santo Papa nagsimula noong ika-11 na siglo ng mga Kolehiyo
ng mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan at depende kung sino ang gusto ng
Kardinal at doon sa konseho ng Lateran pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng
Papa noong 1719.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon
2014, ISBN:978-971-9601-67-8, pahina 231-232

2
Pagyamanin
Gawain 1: Halina’t Sagutan!
Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang activity na susukat sa iyong
natutunan tungkol sa paksang tinalakay.

Panuto: Ilarawan ang tungkulin ng mga sumusunod. Isulat ito sa iyong


sagutang papel.
Pari - _____________________________________________________
Obispo-____________________________________________________
Arsobispo-_________________________________________________

Isagawa

Gawain 2: Sagutan Mo!


Panuto: Punan ang hinihiling sa talahanayan. Isulat sa sagutang papel.

Pagbagsak ng Imperyong Roman


Dahilan sa Pagbagsak ng Imperyong Dahilan sa pagkahati ng lipunan ng
Roman Imperyong Roman

3
Aralin
Uri ng Pamumuno sa
2 Simbahan at ang mga Monghe

Tuklasin
Gawain 1: Tuklasin Mo!
Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang Gawain na susukat sa iyong
natutunan tungkol sa ating panibagong paksa.
Panuto: Suriin ang larawan sa tatlong pangungusap. Isulat sa sagutang papel.

https://www.canstockphoto.com/preacher-
6569222.html 4

Suriin
Basahin at Matuto

Nalaman mo sa naunang modyul ang tungkol sa mga namumuno sa simbahan.


Ngayon, mas lalo nating pag-aralan ang kanilang mga ambag sa kabihasnan. Basahing
mabuti ang teksto sa ibaba at bigyang pansin ang kanilang nagawa sa kanilang
pamunuan.

4
Pinuno/ Paraan ng Pamumuno
Papa
*Nagpatawag ng Konseho ng Nicaea, ang unang ecumenical council ng
simbahang Kristiyano, na nagpupulong sa sinaunang Nicaea (ngayon
Constantine ay İznik, Turkey) upang magkaisa ang buong imperyo ng Roma at ang
the Simbahan.
Great *Itinatag at pinalakas ang Konseho ng Constantinople at nagkaroon ng
iba’t-ibang uri ng mga Obispo sa lahat ng malalaking lungsod ng Imperyo.
Ang Roma ang piniling pangunahing diosesis at nakikilala ang Obispo ng
Roma na pinakamataas na pinuno ng simbahan na tinatawag na Santo
Papa.
*Ang Petrine Doctrine ay binibigyang-diin sa kanyang panahon na kung
saan ang Obispo ng Rome ang tunay na tagapagmana ni San Pedro at
Papa Leo the pinuno ng kristiyanismo. Ang emperador ng kanlurang Europa ang nag-
Great utos na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo sa Roma at mula noon
(440-461) kinilala ng buong kanlurang Europa ang Papa sa mga kristiyano.
Itinatanggi naman ang pagkapinuno ng Santo Papa ng taga Silangang
Europa hanggang sa panahong ito.
Ibinuhos niya ang kaniyang buong kakayahan sa paglilingkod sa
Simbahan sa buong kanlurang Europe.
Papa Sa kanyang panahon natamo ang sukdulang pagpapalaganap ng
Gregory I kristiyanimo sa mga lugar ng mga barbaro at tagumpay na maipalaganap
ang kristiyanismo sa kanlurang Europa. Dito rin nagsimula ang
pagpapadala niya ng mga misyonero sa lugar ng England, Ireland, at
Scotland na sumasampalataya ng Kristiyanismo
Sa kanyang panahon naganap ang labanan ng kapangyarihang secular
at eklesyastikal ukol sa “power of investiture” o karapatan magkaloob ng
tungkulin sa mga tauhan ng simbahan na nagsimula pa sa panahon ni
Papa Haring Henry IV ng Germany. Dito itiniwalag si Haring Henry IV sa
Gregory simbahang Katoliko at gumanti na ipatalsik ang Papa Gregory VII. Pero
VII kalaunan, sumuko si Haring Henry at humingi ng kapatawaran sa Papa
at binawi ang pagtitiwalag nito.
Sa kanyang pamumuno sa Simbahan, ang karapatan ng mga pinunong
secular na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng Simbahan ay
tinanggal niya.

Pamumuno ng mga Monghe

Mga Gawain ng mga Monghe. Masigasig ang mga monghe sa pangangalaga nila sa
mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Romano. Ang lahat ng mga libro
sa monastery ay iniingatan nila sa aklatan at gumagamit sila ng balat sa hayop dahil
hindi pa natuklasan ang palimbagan ng mga papel. Napangalagaan hanggang sa
kasalukuyan sa pamamagitan ng pagsisikap nila, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna
at panggitnang panahon. Nakatulong sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng
Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa ang makatarungang pamumuno ng
mgamonghe sa kanlurang Europe.

Maganda ang pakikitungo ng mga Monghe sa mga tao sa paraan ng pagpapakain sa


mga mahihirap sa monasteryo, inaalagaan ang mga maysakit at tinulungan na
makaligtas sa mga kalaban. Nagtatag ang simbahan ng mga paglilitis sa hukuman para
sa nagkasala na kinakasangkutan ng mga pari at karaniwang tao. Dahil dito nahikayat
5
ang mga tao na sumunod sa kautusan at kaayusan ng pamumuno ng simbahan. Isa sa
mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga monghe ay ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa utos ng Papa sa panig ng kanlurang Europa. Napasampalataya nila ang
mga barbarong Visogoth sa Spain, ang Anglo-Saxon sa England at Ireland at higit sa
lahat, naging martir si St. Francis Xavier na tinaguriang Apostol ng Asya at dito nagsimula
ang pagpalaganap ng kristiyanismo sa utos ng Papa

Pagyamanin

Gawain 2: Pamumuno Ko, Nagawa Ko!


Sa puntong ito, susuriin natin ang mga nagawa at paraan ng pamumuno ng mga
pinuno ng simbahan.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na gawain sa iyong kwaderno.
Papa/Pinuno Paraan ng Pamumuno Mga Nagawa
Constantine the Great
Papa Leo the Great
Papa Gregory I
Papa Gregory VII

Isaisip
Gawain 2: Halika at Pag-isipan Mo!
Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang gawain na susukat sa iyong
natutunan tungkol sa ating paksa.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sagutang papel.
1. Batay sa mga tekstong nabasa, ano ang pangunahing papel na ginampanan ng
simbahan noong Gitnang Panahon? Patunayan.
2. Bakit madaling nahikayat ng Simbahan ang mga pangkat barbaro na yakapin ang
Katolisismo?
3. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng Simbahan sa kasalukuyan sa
gampanin nito noong Panahong Medieval? Ipaliwanag.

Aralin
Ang Holy Roman Empire at
3 Krusada

6
Suriin

Ang Holy Roman Empire

481- Sa pamumuno ni Clovis ang iba-ibang tribung Franks ay pinagkaisa at sinalakay


ang mga Roman.
496- Si Clovis at ang kanyang buong sandatahan ay naging Kristiyano.
511- Yumao si Clovis at pinaghatian ng kanyang mga anak ang kanyang kaharian
687- Ang tribung Franks ay pinamunuan ni Pepin II
717- Humalili si Charles Martel sa kanyang ama na si Pepin II
751- Hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo si Pepin the Short
na anak ni Charles Martel
Nagsikap si Charles Martel na Mayor sa palasyo na pag isahin ang France para
hindi na sakupin ang kanlurang Europa. Ang pinakaunang hari ng France na nahirang ay
si “Pepin the Short” at kalaunan ng 768 ay humalili sa kanya ang anak ni Charlemagne o
Charles the Great na pinakamahusay na hari sa gitnang panahon ng Europa. Sa edad
40, ay hinirang niya si Alcuin upang magturo sa lahat ng wika at inimbita din niya ang
ibang opisyal upang sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sa kanyang
panahon sinakop ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang kristiyano.
Habang nagdidiriwang ng pasko ang imperyo noong 800 ay kinoronahan si
Charlemagne bilang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire).

Sa pamamayagpag ng imperyo, binigyan ng pagkakataon ang mga iskolar na


mangangalaga sa kulturang Graeco-Romano.
Nang namatay si Charlemagne noong 814, pumalit sa kanya si Louis the
Religious. Nabigo siyang mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika.
Hinati ng kanyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun
noong 841 sa pagkamatay niya. Ang France ay napunta kay Charles the Bald; ang
Germany kay Louis the German; at kay Lothair ang Italy. Sa paghiwa-hiwalay ng
imperyo, nahirapan ang mga haring Carolingian sa pagpigil sa mga maharlika at muli ay
lumusob ang mga Viking, Magyar at Muslim. Humina ang mga hari nang namayani sa
Europe ang mga maharlika. Ang piyudalismo, isang sistematikong sosyo-ekonomiko,
politiko at military ay nagsimula.

Ang Krusada
Nagkaroon ng krusada dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095 dahil sa
pagsalakay ng mga Turkong Muslim sa banal na pook ng Jerusalem. Inilunsad ng
Kristiyanong Europeo ang ekspedisyong militar na ito. Humingi ng tulong ang
Emperor ng Byzantine sa Papa ng Roma dahil sa pagtangkang salakaying ang
Byzantine. Hinimok ng Papa ang mga kabalyero at pinangakuhang bigyan ng
malalawak na lupain, pumili bilang fief at patawarin ng kanilang mga kasalanan kung
sumali sa krusada.

Unang Krusada
Tagumpay ang unang krusada na pinamumunuan ng mandirigmang Pranses at
mga kabilang sa “nobility”. Tagumpay na nabawi ang Jerusalem noong 1099 ng may
3000 na kabalyero at 12000 na mandirigma at nagtatag malapit sa Mediterranian ng
Estadong krusador. Pero di kalaunan pagkatapos ng limang taon sa pananatili
sinalakay muli sila ng
mga muslim.

7
Ikalawang Krusada Nagkaroon ng maraming balakid ang krusada ni St. Bernard ng
Clairvaux at isa na dito ang pagkalunod ni Frederick at si Phillip ay bumalik sa
France dahil sa kanilang bangayan. Nagtagumpay siya sa pagsakop ng Damascus
at nagsagupaan sila ni Saladin ang pinuno ng Turkong Muslim. Di kalaunan sila ay
nagkasundo na itigil ang labanan at nabigyan sila ng maliit na lupain malapit sa
Babylon.
Krusada ng mga Bata Ang krusada ng mga bata ay pinamumunuan na isang
labing dalawang taon na si Stephanay na naniwala na tinatawag siya ni Kristo
upang mamumuno sa krusada. Maraming mga bata ang nahikayat na sumali pero sa
kasamaang palad marami ang namatay, nagkasakit, at ipinagbili bilang alipin sa
Alexandria.
Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na krusada ang simula sa paghina ng
ekspedisyong militar dahil sa malaking eskandalo ang naganap at mga
pandarambong ng mga krusador. Nagtayo sila ng sarili nilang pamahalaan
hanggang pinatalsik sila ng Papa at tinatawag na “Excomunicado”. Dahil dito
tagumpay ang mga Muslim na makuha ang kuta ng kristiyanismo sa Arce.
Iba pang Krusada Ang iba pang krusada noong 1219,1224 at 1228 ay lahat nabigo
sa pagbawi ng Holy Land. Ang unang krusada lang ang tagumpay na nahawakan
ang Jerusalem sa loob ng 100 na taon pero pagkatapos Nabawi rin ito ng mga
Muslim.
Resulta ng Krusada Mga magandang naidulot ng krusada ay napalaganap ang
kalakalan at komersiyo na siyang dahilan sa pag-unlad ng lungsod at mga daungan,
at napalalim at napayaman ang kulturang kristiyanismo. Nanggaling ang salitang
“Crusade” sa Latin na nangangahulugan na cross at ang mga krusador ay gumamit
ng simbolo ng krus sa kasuotan. Ang krusada ay naglantad sa tunay na hangarin ng
mga krusado at ito ay makapaglalakbay at makapagkalakalan.

Pagyamanin
Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang gawain na susukat sa
iyong natutunan tungkol sa paksang tinalakay.
Panuto: Punan ang hinihiling ng tsart na nasa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa
iyong sagutang papel.
Mga Krusada Pinuno Petsa Nagawa
Unang Krusada
Ikalawang Krusada
Ikatlong Krusada
Ikaapat na Krusada

Isaisip
Panuto: Basahin at sagutin. Isulat ang sagot sa sagutang papel

1. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig?


2. Sa kasalukuyan, anong pangyayari ang maikukumpara sa naganap na krusada noong
Panahong Medieval?

8
Isagawa
Panuto: Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga Krusada.
Punan ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang talata.

Ang Krusada ay isang 1. _______________ na nailunsad ng mga taga Europe sa


panawagan ni 2. __________________. Layunin nito na3. ____________________
sa kasaysayan, maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay ang 4. ________
___________________________________________________________________.
Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga inilunsad na Krusada dahil
5. __________________________________________________________________

Pagtatasa
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kwaderno.
1. Ang ___________ ay isang ekspedisyong military na inilunsad ni Pope Urban II noong
1095.
A. crusade B. revolution C. rebellion D. trade
2. Ito ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay
pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa obispong
kaniyang hinihirang bilang maging pinuno sa simbahan.
A. investiture
B. petrine doctrine
C. baptism
D. excomunicado
3. Sila ang mga pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at
nanirahan sa mga monastery upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.
A. pastor B. sakristan C. monghe D. papa
4. Paano pinalakas ni Constantine ang kapapahan?
A. sa paglakas ng kalakalan
B. sa paglusob ng mga barbaro
C. sa pamamagitan ng konseho ng Constantinople
D. sa pagsasamantala ng malalakas na lokal na burgis
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may magandang naidudulot ng pag-unlad ng
mga bayan?
A. nakatulong ito sa paglago ng kalakalan
B. nakatulong ito sa pagsalakay sa mga karatig-bayan
C. nakatulong ito sa pagbibigay ng suporta sa mga mananakop
D. nakatulong ito sa paglago ng ekonomiya at pag-invest ng mga tao sa stock
markets

9
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

A. Aklat
Antonio, Eleanor D., “Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong
Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila
Philippines. 1999.
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and
Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of
Education, 2014.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo.
Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.
B. Module
Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 8: Ang Simbahang Katoliko
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig- Aralin 3: Ang
Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa
Pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval
C. Sanggunian sa Internet

Canstodlphoto.conm, “Preacher,” Accessed June 1, 2020,


https://www.canstockphoto.
com/preacher-6569222.html
Thefamouspeople.com, “Constantine the Great,” Accessed June 2, 2020,
https://www. thefamouspeople.com/profiles/images/ constantine-the-great-
4.jpg
Catholicireland.net, “Pope Leo the Great,” Accessed June 2, 2020, https://www.
catholicireland.net/wp-content/uploads/2012/11/leo-the-great-3.jpg
Wikipedia.org, “Gregory 1,” Accessed June 2, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/Papa_
Gregorio_I
Prabook.com, “Gregory VII,” Accessed June 2, 2020, https://prabook.com/web/pope_
gregory.vii/3732904

10

You might also like