Nhar LP Kabanata 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 10

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nabubuo ang diwa ng mga pangyayari sa Kabanata IV sa pamamagitan ng pagtukoy sa
mga nawawalang salita sa talata ;
2. nakikilala ang mga tauhan batay sa kanilang mga katangian at gampanin; at
3. nakapagbabahagi ng paraan kung ano ang kayang gawin o isakripisyo alang-alang sa
pamilya.
II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Kabanata IV: Kabesang Tales


B. Sanggunian: De Vera, E.E et al..(2002). Obra Maestra (El Filibusterismo) pahina
XXV-XXIX
C. Kagamitan: laptop at Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
 Magsisipagtayo ang lahat para sa ating  Panginoon, nagpapasalamat po kami sa
panalangin na pamumunuan ni Ella. panibagong araw na ito na inyong
ipinagkaloob sa amin,… Amen.
2. Pagbati
 Magandang umaga sa lahat.  Magandang umaga din po Sir.
 Bago kayo umupo, isaayos muna ang  Opo Sir.
inyong mga upuan at pulutin ang mga
kalat sa ilalim.

3. Pagtala sa lumiban  Ako po.


 Sino yong kalihim ng ating klase?  Opo.
 Pakitala mo lamang ang mga lumiban at
ibigay mo sa akin mamaya ang listahan.

4. Pagbabalik-Aral  Ito ay ang Alamat ng Malapad na Bato,


 Bilang pagbabalik-aral, ano-ano ang Alamat ni Doña Geronima, at Alamat ni
tatlong alamat na ibinahagi ng kapitan at San Nicolas.
ni Padre Salvi?  Ito tungkol sa isang Intsik na muntik ng
 Saan naman patungkol ang Alamat ni San kainin ng buwaya sa ilog. Naging bato
Nicolas? ang buwaya matapos magdasal ng Intsik
kay San Nicolas.
 Mahusay. Ngayon ay tutungo na tayo sa
ating panibagong paksa.
B. Pagganyak
 Panuto: Pansinin ang larawan at sagutin
ang sumusunod.

Larawan ng isang pamilya

 Ano ang inyong nakita sa larawan?  Ito ay larawan ng isang masayang


pamilya.
 Ano ang bumubuo sa isang pamilya?  Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak.
 Bilang anak, ano ang kaya mong gawin o  Kaya kong magtrabaho sa ibang bansa
isakripisyo alang-alang sa iyong pamilya? para lamang matulungan ang aking mga
magulang sa mga pangangailangan.
 Magaling. Palakpakan natin ang mga
nagbahagi ng kanilang opinyon. Bilang
mga anak, may mga bagay na kaya nating
isakripisyo alang-alang sa ating pamilya.
Ito ang paraan natin paano masusuklian
ang kanilang mga nagawa sa atin para
mapabuti ang ating buhay.

C. Pagtatalakay
1. Pagpresenta sa Paksa
 Tatalakayin natin ngayon ang tungkol sa
Ikaapat na Kabanata ng El Filibusterismo
na may pamagat na “Kabesang Tales”.

2. Gabay na tanong
 Ano ang naging epekto sa pagkakahuli ng
mga tulisan kay Kabesang Tales sa buhay (Babasahin ng mga mag-aaral ang mga
nina Tata Selo at Huli? gabay na katanungan.)
 Naniniwala ka ba na may karapatan si
Kabesang Tales sa lupang kanyang
sinasaka? Patunayan.

3. Pagpapakilala sa mga tauhan


 Ang mga tauhan sa Ikaapat na Kabanata
ay ang sumusunod:
 Kabesang Tales: ang ama ni Huli na
dinakip ng mga tulisan
 Tata Selo: ama ni Kabesang Tales
 Huli: anak ni Kabesang Tales na
pumayag na maging katulong para
matubos ang ama.
 Hermana Bali: isang pusakal na
pangginggera na nag-alok kay Huli na
mamasukan bilang katulong.

4. Pagpapakita ng bidyu

5. Pagbubuod
 Guminhawa ang buhay ni Kabesang Tales
noong siya ay naging kabesa ng kanilang
barangay. Nagsimula siyang magkaingin
sa lupang walang nagmamay-ari at
nagtanim ng tubo.

 Naging maunlad ang ani ni Tales sa


kanyang lupain at nang malaman ng mga
prayle ay inangkin ito. Pinatawan ito ng
buwis. Nang tumaas na ito nang tumaas,
nagmatigas si Kabesang Tales na hindi
magbabayad ng buwis hanggat walang
ipinapakitang kasulatan.

 Nilibot niya ang bukid kahit iba na ang


nagbabantay rito. Dala-dala niya ang
kanyang baril at nang ipinagbabawal ito,
gumamit siya ng gulok at palakol.

 Nahuli ng mga tulisan si Kabesang Tales


at humihingi ito ng limandaang piso
kapalit ng buhay ng buhay nito.

 Naisip ni Huli na isanla ang kanyang mga


alahas maliban sa locket na bigay ni
Basilio.

 Namasukan din bilang katulong si Huli sa


tulong ni Hermana Bali, isang pusakal na .
pangginggera, para makaipon at matubos
ang ama. Mabigat man sa kalooban,
iniwan niya si Tata Selo.

 Naging masalimuot ang panaginip ni Huli  Mas nahihirapan ang dalawa dahil lubos
nang gabing iyon. itong umaasa kay Kabesang Tales. Ito
rin ang naging dahilan upang
magkahiwalay ang dalawa.
5. Pagsagot sa gabay na tanong:
 Oo, naniniwala ako na may karapatan si
Kabesang Tales sa lupang kanyang
 Ano ang naging epekto sa pagkakahuli ng
sinasaka dahil ayon sa Regalian
mga tulisan kay Kabesang Tales sa buhay Doctrine, ang tao ay maaaring
nina Tata Selo at Huli? magkaroon ng sariling pag-aari sa
pamamagitan ng Real Estate Acquisition
 Naniniwala ka ba na may karapatan si and Disposition.
Kabesang Tales sa lupang kanyang
sinasaka? Patunayan.

D. Aplikasyon
 Panuto: Buuin ang talata sa pamamagitan
ng pagtukoy sa nawawalang salita nang
mabuo ang diwa ng mga pangyayari sa
Kabanata IV. Hanapin sa loob ng kahon
ang nawawalang salita. Guminhawa ang buhay ni Kabesang Tales
noong siya ay naging (1)kabesa ng kanilang
katulong buwis barangay. Nagsimula siyang magkaingin sa
Limangdaang piso lupang walang nagmamay-ari at nagtanim
Prayle, Kabesa ng tubo. Naging maunlad ang ani ni Tales sa
kanyang lupain at nang malaman ng mga (2)
prayle ay pinatawan ito ng (3) buwis.
Guminhawa ang buhay ni Kabesang Nahuli ng mga tulisan si Kabesang Tales at
Tales noong siya ay naging humihingi ito ng (4) limangdaang piso
(1)_________ng kanilang barangay. kapalit ng buhay nito. Namasukan si Huli
Nagsimula siyang magkaingin sa lupang bilang (5) katulong para makaipon.
walang nagmamay-ari at nagtanim ng Mabigat man sa kalooban, iniwan niya si
tubo. Naging maunlad ang ani ni Tales sa Tata Selo
kanyang lupain at nang malaman ng mga
(2)_______ ay pinatawan ito ng
(3)_________. Nahuli ng mga tulisan si
Kabesang Tales at humihingi ito ng  Kapag tayo ay may karapatang inaabuso
(4)_____________kapalit ng buhay nito. ng iba, gumawa tayo ng paraan upang
Namasukan si Huli bilang maipagtanggol ang sarili sa marangal at
(5)__________para makaipon. Mabigat maayos na paraan.
man sa kalooban, iniwan niya si Tata Selo.

E. Paglalahat
 Anong aral ang nakuha mo sa kuwento?

IV. Pagtataya
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang salitang tinutukoy sa Hanay A. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
_______1. Isang pusakal na pangginggera a. prayle
_______2. Pagsasaka ang ibinubuhay niya sa kanyang b. Huli
pamilya c. Tano

_______3. Ang dating kumupkop kay Basilio na ngayon d. Tata Selo


ay matanda na e. Kabesang Tales
_______4. Ang anak na babae ni Kabesang Tales f. tulisan
_______5. Naging kabesa de barangay g. Hermana Bali
_______6. Namasukang katulong para matubos ang ama
_______7. Hindi naging makatuwiran sa pagpataw ng buwis
_______8. Ang mga kumuha kay Kabesang Tales

V. Kasunduan
Panuto: Gamit ang graphic organizer, ilarawan si Kabesang bilang ama sa
pamamagitan ng pagtukoy sa kanyang katangian.

Kabesang Tales

Inihanda ni: Pinapatnubayan at iniwasto ni:

NHAR MACAYENDEG NORMALIA ILATAN, LPT


Pre-service Teacher Guro sa Filipino 10

You might also like