Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino

Nursery

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin ang mga mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Napagsisikapang tapusin ano man ang sinimulan at may pagpapakumbabang naipagmamalaki


ang natapos na natakdang gawain.

II. PAKSANG-ARALIN:

A. Paksa: Ako at Ang Aking Sarili / Ang Titik A

B. Sanggunian: Batayang Aklat, Bulilit Baybayin (Paglalayag sa Wika at Pagbasa) Aylen Ortiz-
Cabais Ph.D ., mga pahina 2 – 8 Phoenix Publishing House Inc. Quezon City 2015

C. Kagamitan: laptop, PowerPoint presentation

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
 Balik Aral

B. Pagganyak

Pagganyak na Tanong:

Kaya mo na bang ipakilala ang iyong sarili?

C. Paghahanda

Pangkatang Gawain:
 Magbibigay ang guro ng mga papel na may pahilis na linya. Susundin ng mga mag-aaral
ang mga linyang ito.
 Maaaring gawin ng mag-aaral ang nasa ibaba.

D. Pagtalakay

 Babasahin ng mga mag-aaral ang dialog na binibigyang-diin ang salitang may titik Aa.

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang batang babae?
2. Sino ang batang lalaki?
3. Ano ang palayaw ng batang babae?
4. Ano ang palayaw ng batang lalaki?
5. Ilang taon na si Alli? Ilang taon na si Allen?
6. Saan sila nakatira? Saan sila nag-aaral?

E. Pagsasanay/Gawain

Unang Gawain:

 Magpapakilala ang mga bata sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungang nasa


dialog box.
 Magpapakita ng mga larawan gamit ang PowerPoint presentation ang guro ng mga bagay
na nagsisimula sa titik Aa. Hahayaan ng guro ang mga mag-aaral na magbigay ng
halimbawa at ituturo nila ang mga bagay na makikita sa silid-aralan na nagsisimula sa
titik Aa.

Ikalawang Gawain:

 Pakikinggan ng mga mag-aaral ang guro sa pagbigkas ng mga larawang nagsisimula sa


titik Aa. Kukulayan ng mga mag-aaral ang mga larawan ng mga bagay ng may tuwirang
kaugnayan sa kanila.

F. Paglalahat

 Bilugan ang mga larawang nagsisimula sa titik Aa

G. Ebalwasyon

 Kulayan ang mga larawang nagsisimula sa titik Aa.


IV. Takdang-Aralin

 Idikit ang iyong larawan sa kahon. Isulat naman ang hinihingi sa mga patlang.

You might also like