Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Unang Bahagi:

Portpolyo ng Pagkatuto sa Panitikang Filipino


(Pinal na Proyekto)
(Mga Sulating Pang Akademiko)

MGA BAHAGI NITO:

I. PABALAT
Gamitin ang pagiging malikhain upang maipakita ang ideya o kaisipang taglay ng asignatura (Panitikang Filipino) bilang
pangmukhang pahina. Bumuo ng sariling akrostik gaya ng halimbawa sa ibaba.

II. PAMAGAT (Matatagpuan sa ikalawang pahina)


 Titulo ng asignaturang kinukuha o pinag-aaralan
 Buong Pangalan ng Mag-aaral
 Kurso at Antas na kinabibilangan
 Kompletong pangalan ng Tagapagturo (Instructor)

III. PROLOGO (Halimbawang nilalaman, ilapat sa pang-isahan o indibidwal na gawain)* Pansarili po ito gabay lamang ang
halimbawa sa ibaba.

Sina Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado ay nagsama sa paggawa ng blog upang maging isang E-portfolio. Ang portfolio
ay naglalaman ng iba't ibang akademikong sulatin mula sa asignaturang pagsulat sa piling larangan ito ay naglalaman ng mga
kaalaman na maghahatid ng tulong sa iba.

Silang dalawa ay may sagisag panulat na malipayon at maisog na ang kahulugan nito ay masayahin at matapang. May saya sa
pagharap sa kung ano man ang problemang kinakaharap at may tapang upang malagpasan o kayanin at hindi sukuan ang mga hamon
sa kanilang buhay.

Halimbawa : Pinangalanan ng mga manunulat ang portfolio ng LINANG . Sapagkat layunin ng mga manunulat na makapagbigay
kaalaman bilang tulong sa iba tungkol sa iba't ibang akademikong sulatin, tulong na para sa mga estudyante na nangangailangan ng
kasagutan patungkol sa akademikong sulatin.

IV. PASASALAMAT
Halimbawa:
Nagpapasalamat ang mga manunulat sa kanilang pamilya na labis ang suporta sa kanila, sa kanilang guro na si Gng. Ruth
Gabiane, sa paggabay at pagturo sa kanila at sa Poong Maykapal sa pagbibigay sa kanila ng lakas at tibay ng loob sa pang araw-araw
nilang buhay.

Paalala: Ang bahaging ito ay malayang gawin batay sa mga ninanais mong bigyan ng pasasalamat.

V. TALAAN NG NILALAMAN
1. Bionote - Isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang
kaganapan.
 Lakipan ng maayos na kuha ng iyong larawan.

2. Replektibong sanaysay -Pagtalakay sa kahalahagahan ng asignatura

3. Pictorial o photo Essay – Isang uri ng sulatin kung saan ginagamit ng may akda ang mga litrato na nagbibigay kulay o
kahulugan, kaalinsabay ng mga teksto, sa mga paglalahad o pagbibigay diskusyon sa isang usapin o isyu.

Gamitin ang sariling larawan o imahe na magpapakita ng konsepto para sa Panitikang Filipino.

Halimbawang pamagat: “Medya” #Tangkilik

4. Lakbay – Kultura at Lahi


–Isa-isahin ang mga lugar na ang iyong narating sa ating bansa?
--Maglahad ng mga karanasang nauugnay sa Kultura.
Halimbawa:
#TravelGoals?
Isa iyan sa mga nais
kong gawin sa buhay,
kasama siyempre ang aking mga
,kamag-anak at pamilya.

VI. Panukalang Proyekto mo para sa Pagpapaunlad ng Panitikang Filipino


a. Kahalagahan at Benepisyo
b. Mga Pagpaplano at Aksyon
c. Mga Katuwang sa Gawain
d. Mga Inaasahang Resulta at Pag-unlad

Ikalawang Bahagi: KRUS SALITA – SALIKHA (Sariling Likha)


*Narito po ang ilang halimbawa na maaaring tingnan upang maunawaan ang gagawin.
Pamantayan sa pagpupuntos / pagmamarka
Nilalaman o kaugnayan sa paksang aralin -----------------------------------------------------------------------------------------------25 puntos
Sulat-Kamay -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------25 puntos
Pagiging Malikhain----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------20 puntos
Kalinisan ng awtput (presentasyon)------------------------------------------------------------------------------------------------------------15 puntos
Angkop o tama sa panahon ng pagsusumite-----------------------------------------------------------------------------------------------15 puntos
Kabuoan-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------100 puntos

Paalala:
1. 15 tanong mula sa bawat modyul ( Modyul 1-7)
2. Buuin ang tanong gamit ang pahalang (across), pababa (down) at pahilig (slant)
3. Gawin ito ayon sa pansariling pagkatuto at paglikha, pairalin ang katapatan.

You might also like