Mga Bahagi NG Pananaliksik Kabanata 1-5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Mga

bahagi ng pananaliksik kabanata 1-5 pdf

Academia.edu uses cookies to personalize content, tailor ads and improve the user experience. By using our site, you agree to our collection of information through the use of cookies. To learn more, view our Privacy Policy. BAHAGI NG PANANALIKSIK Inihanda ni Reynele Bren G. Zafra, PhD BAHAGI NG PANANALIKSIK 1. Preliminaryong Pahina 2.
Ka Views 11,148 Downloads 366 File size 397KB Report DMCA / Copyright DOWNLOAD FILE BAHAGI NG PANANALIKSIK Inihanda ni Reynele Bren G. Zafra, PhD BAHAGI NG PANANALIKSIK 1. Preliminaryong Pahina 2. Kabanata 1: Paglalahad ng Suliranin 3. Kabanata 2: Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 4. Kabanata 3: Disenyo at
Metodo ng Pananaliksik 5. Kabanata 4: Presentasyon ng mga Datos 6. Kabanata 5: Kongklusyon at Rekomendasyon PRELIMINARYONG PAHINA 1. Fly Leaf. Ito ay isang blangkong papel. 2. Abstrak. Ito ay naglalaman ng pamagat, layunin, metodong ginamit, resulta ng pag-aaral at kongklusyon sa pag-aaral. 3. Pahina ng Pamagat. Nagpapakilala ito ng
pamagat ng pananaliksik. Kanino inihaharap o ipinapasa ang pananaliksik. Kung saang asignatura o kursong nabibilang. Kung sino ang mga mananaliksik PRELIMINARYONG PAHINA 4. Dahon ng Pasasalamat. Tinatalakay rito ng mananaliksik ang mga tao/organisasyong nais niyang pasalamatan. 5. Talaan ng Nilalaman. Nakasulat dito ang nilalaman
ng papel at kaukulang pahina.
6.
Talaan ng mga Graph/Talahanayang Ginamit. Nakalista ang lahat ng talahanayang ginamit. KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN 1. Introduksiyon. Ito ang unang bahagi ng pag-aaral. Inilalatag dito ang isyu o problema na nag-udyok sa mananaliksik upang isagawa ang pananaliksik. Gayundin, mahalagang banggitin ang mga pag-aaral na may
kaugnayan sa problema ng kasalukuyang pag-aaral sapagkat magsisilbi itong gabay. KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN 2.

Suliranin ng Pag-aaral. Inilalatag sa bahaging ito ng pananaliksik ang mga suliranin na nais bigyang-tugon ng mananaliksik. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi.
Una, ang pangkalahatang suliranin ng pag-aaral, at pangalawa, ang mga espesipikong suliranin ng pag-aaral na nakapaloob naman sa pangkalahatang suliranin ng pag-aaral. Kadalasang isinusulat ang mga suliraning ito sa anyong patanong. KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN Pangunahing Suliranin: Ang pag-aaral na ito na pinamagatang
“KOKUSAI KEKKON: ISANG PAG-AARAL SA BUHAY NA KARANASAN NG MGA FIRIPINA TSUMA” ay may pangunahing layunin na malaman ang pagtingin ng mga Pilipina sa kanilang pagkatao bunga ng kanilang karanasan sa intermarriage. KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN Espesipikong Suliraning: 1. Ano-ano ang dahilan ng mga
Firipina tsuma sa pag-aasawa ng isang Hapon? Ano-ano ang sirkumstansiya ng kanilang pagtatagpo? 2. Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng mga Firipina tsuma at paano nila nilabanan ang mga nabanggit na suliranin?
3. Ano ang implikasyon ng kanilang kasarian, nasyonalidad, at social class na pinanggalingan sa relasyon nila sa kani-kanilang asawa? KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN 3. Kahalagahan ng Pag-aaral. Inilalahad dito ang benepisyo o kapakinabangan na makukuha ng isang indibidwal, organisasyon, o institusyon sa pag-aaral.

Sa pagsulat ng bahaging ito, ipinapayo na balikan ang pangkalahatan at espesipikong suliranin ng pag-aaral. Ito ay magsisilbing gabay upang maging masinop ang pagkakasulat ng bahaging ito. KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN 4. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral. Ito ang nagsisilbing parametro ng kabuuan ng pananaliksik. Sa pagsulat
nito, hawak ng mananaliksik ang kalayaan sa pagbuo ng sakop at limitasyon. Maaaring ang sakop ay masukat sa katangian ng kalahok, bilang ng kalahok, aspektong nais pag-aralan sa isang paksa, edad, lugar, at panahong itatagal ng pag-aaral KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN Halimbawa ng Sakop at mga Limitasyon Saklaw lamang ng
pag-aaral na ito na pag-aaralan ang karanasan ng Pilipinang nakapag-asawa ng Hapones at nakaranasan ng paninirahan sa Japan. Hindi lamang ito nililimitahan sa mga kwento ng kabiguan o kwento ng tagumpay upang bigyan ng patas o balanseng pagtingin ang karanasan ng mga Pilipina sa ganitong penomenon. Sa kabilang banda, tanging mga
Firipina tsuma lamang na nakaranas ng paninirahan sa bansang Hapon na kasalukuyan nang naninirahan sa Pilipinas ang naging kalahok sa pag-aaral. Samakatuwid, ang mga Firipina tsuma na kasalukuyang naninirahan sa Japan ay hindi na sakop ng pag-aaral na ito. KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN 5. Teorya ng Pananaliksik.
Tinatalakay sa bahaging ito ng pananaliksik ang teorya, modelo, prinsipyo o paradigm na ginamit sa pag-aaral na umaangkla sa paksa at framework ng pagaaral. Tinatawag din itong teoretikal na balangkas.

Samantala, sa paghahanap ng teoryang gagamitin, ipinapayo na dapat itong suriing mabuti ng mananaliksik upang maisaalang-alang ang kaugnayan nito sa paksa at balangkas ng pag-aaral. KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN 6. Konseptuwal na Balangkas. Ito ay isang estruktura na sariling likha ng mananaliksik na iniugnay sa teorya at
mga suliranin ng pag-aaral. Mahalaga ang bahaging ito sapagkat nagsisilbi itong gabay ng mananaliksik sa magiging daloy ng pag-aaral. KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN 7. Depinisyon ng mga Termino. Naglalaman ito ng mahahalagang konsepto o salita na ginamit sa pag-aaral. Sa kalakaran, may dalawang pamamaraan ng pagbibigay
ng kahulugan ng mga salita na ginamit sa pananaliksik. Una, batay sa Operasyonal na Depinisyon (kung papaano ginamit ang salita o konsepto sa pananaliksik) at pangalawa, batay sa Konseptuwal na Depinisyon (kahulugang nakabatay sa sanggunian). KABANATA 2: REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang Rebyu ng mga
Kaugnay na Pag-aaral ay naglalaman ito ng iba’t ibang artikulo mula sa magasin at pahayagan, dokumentaryo, artikulo sa research journal at mga nagawang tesis o disertasyon na ginamit bilang instrumento sa pagsusuri ng datos sa kasalukuyang pag-aaral. Ayon kay Leedy (2005), mahalaga ang bahaging ito ng pananaliksik dahil ipinapakita nito ang
mga naunang pag-aral kaugnay ng napiling paksa.

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng mga bagong ideya at pamamaraan ng pananaliksik sa isang paksa KABANATA 2: REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Nahahati ito sa dalawang bahagi: ang Lokal na Literatura at Pag-aaral at Dayuhang Literatura at Pag-aaral. Sa pagsulat ng bahaging ito ng pag-aaral, mahalaga na
maglagay ng parenthetical citation bilang pagtupad sa etika ng pananaliksik. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay maaaring talakayin sa ganitong pamamaraan: 1. Talakayin ang buod ng pag-aaral. 2. Banggitin ang pagkakatulad man at pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral. Buod ng KABANATA 2: Pag-aaral REBYU NG MGA KAUGNAY NA
LITERATURA AT PAG-AARAL Sa pag-aaral na isingawa ni Fr. Eugene A. Docoy, Jr. SVD na pinamagtang “Breaking the Bread: Sharing Lives with Migrant Workers in Korea” ay komprehensibo niyang tinatakay ang problemang naranasan ng mga migranteng mangagagawa sa pabrika sa bansang Korea kabilang na ang mga problemang pinansiyal,
sikolohikal, espirituwal at kultural. Sa katunayan, ilan sa mga naranasan ng mga kalahok sa nasabing pag-aaral ang di makatarungang pasahod ng kanilang mga employer sa naturang bansa at ang mataas na placement fee ng mga ahensiya sa lakas-paggawa sa Pilipinas. Nariyan din ang di makataong trato ng kanilang mga employer sa Korea. Ang
problema naman sa wika sa pagitan ng mga manggagawang Pilipino at ng mga employer na Koreano ay kadalasang nagreresulta sa madalas na di pagkakaunawaan at pandaraya sa mga Pilipino. Danas din nila ang labis-labis na pangungulila sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas gaya ng pamilya, kaibigan at kaanak na nagreresulta sa
tangkang pagpapakamatay (33-48). KABANATA 2: REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Pagkakatulad ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay malapit sa kasalukuyang pag-aaral na isinasagawa ng mananaliksik sapagkat gaya ng mga nabanggit sa itaas ay malaki din ang tendensiya na lumabas sa pag-aaral ang mga
impormasyong inilahad sa libro ni Fr. Eugene Docoy, Jr., gaya ng problema sa Pagkakaiba aspektong pinansiyal, sosyal, kultural, at maging sikolohikal. ng Pag-aaral Samantala, malaki ang kaibahan ng pag-aaral na nabanggit sa kasalukuyang pag-aaral sa usapin ng layunin ng pag-aaral, kalahok, at lokasyon ng pag-aaral. Gaya nang nabanggit sa
unang kabanata, tataluntunin ng kasalukuyang pag-aaral ang epekto sa pagkato ng karanasan ng mga kalahok bilang isang may-asawang banyaga at dayuhan sa bansa ng kanyang kabiyak na hindi naman sakop ng pag-aaral ni Fr. Docoy. Ibang-iba rin ang lokasyon at sitwasyon ng mga kalahok sa kasalukuyang pag-aaral. ORGANISASYON NG REBYU
NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL 1. Tematikong Pamamaraan. Sa paggamit ng ganitong pamamaraan, pinagsasama-sama ng mananaliksik ang mga artikulo, babasahin, at pag-aaral na may iisang tema o paksang tinatalakay kahit pa ito ay gawang lokal o banyaga. 2. Kronolohikal na Pamamaraan. Sa ganitong organisasyon, inilalatag
ang mga magiging RRL sa pananaliksik batay sa petsa ng pagkakalathala sa mga ito. ORGANISASYON NG REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL 3. Paghihiwalay ng Lokal at Banyagang Literatura at Pag-aaral. Sa pamamaraang ito ay mas binibigyang-pansin ang pinagmulan ng artikulo o babasahing gagamitin sa pag-aaral. Dito
pinagsasama-sama ng mananaliksik ang lahat ng mga lokal na literature/pag-aaral at saka tatalakayin gayundin ang lahat ng banyagang literatura at pag-aaral. KABANATA 3: DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK Ang Disenyo at Metodo ng Pananaliksik ay bahagi ng anumang pananaliksik-papel na naglalarawan at nagpapaliwanag ng naging/
magiging daloy ng kabuuan ng pag-aaral. Sa bahaging ito, makikita kung paano isinagawa ang pag-aaral. Itinuturing ito bilang gulugod ng kabuuan ng pananaliksik. Sa katunayan, ito ay ang nagsisilbing pangkalahatang plano tungkol sa kung papaano sasagutin ang pangunahin at mga tiyak na problema ng pag-aaral.
KABANATA 3: DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK Sa kabilang banda, ayon kay Trochim (2005) na nabanggit sa website ng US Department of Health and Human Services, ang disenyo ng pananaliksik ay nagsisilbing “glue” o “tagapagbigkis” na nag-uugnay sa bawat bahagi ng isang pananaliksik-papel. Sa katunayan, dahil sa disenyo ng
pananaliksik ay nagiging malinaw ang estruktura o daloy ng pag-aaral.
KABANATA 3: DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK 1.
Disenyo ng Paglalahad. Tinatalakay rito ang uri ng pananaliksik na gagamitin/ginamit sa pag-aaral. Ilan sa mga halimbawa nito ang deskriptibo, ebalwatibo, komparatibo, action research, at iba pa. 2. Metodo ng Pag-aaral. Dito inilalahad ang metodong ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral. Maaaring ito ay interbyu, emersiyon, obserbasyon,
eksperimentasyon, sarbey, pagtatanong-tanong, pagmamasid-masid, pagdalaw-dalaw, pakikisama, o panunuluyan. KABANATA 3: DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK 3. Kalahok sa Pag-aaral. Sa bahaging ito tinatalakay kung sino-sino ang kalahok sa pag-aaral. Ang kanilang deskripsyon, bilang ng mga kalahok, paliwanag kung bakit at paano
sila pinili. PROBABILITY NON-PROBABILITY Random Sampling Purposive Sampling Systematic Sampling Convenience Sampling Stratified Sampling Quota Sampling Cluster Sampling Snowball Sampling KABANATA 3: DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK 4. Instrumentasyon sa Pangangalap ng Datos. Sa bahaging ito ay inilalahad ng
mananaliksik ang mga kasangkapang nagamit upang maidokumento ang mga impormasyon sa pananaliksik gaya ng video recorder, tape recorder, survey questionnaire, at interview guide. 5. Statistical Treatment ng Datos. Ipinapaliwanag din sa bahaging ito kung papaano ginamit at trinato ang mga numerong nakuha. KABANATA 3: DISENYO AT
METODO NG PANANALIKSIK 6. Kalendaryo ng Pananaliksik.
Sa bahaging ito ng pananaliksik, makikita ang planong gawain sa kabuuan ng pag-aaral. Mahalaga ang bahaging ito sapagkat nagbibigay ito ng impormasyon sa mga mambabasa sa mga pangyayari o sitwasyong pinagdaanan ng mananaliksik sa buong proseso ng pangangalap at pagsulat ng pananaliksik. Sa pagsulat ng bahaging ito, maaaring
gumamit ng Talahanayan, Gantt Chart at Naratibo. KABANATA 3: DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK Hunyo 1, 2016 Hunyo 5, 2016 Hunyo 10, 2016 Hunyo 15, 2016 Hunyo 25, 2016 Hunyo 30, 2016 Hulyo 5, 2016 Hulyo 10, 2016 KAUKULANG GAWAIN Konseptuwalisasyon ng Paksa Naaprubahan ang paksang napili ng mga mananaliksik
Naaprubahan ang pangunahin at tiyak na layunin ng pagaaral Pananaliksik at pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral Ipinasa ang buong Unang Kabanata ng Pananaliksik Ibinalik ng guro ang Unang Kabanata na may ilang pagtatama at komento Ipinasa ang rebisyon ng Unang Kabanata Muling ibinalik ng guro ang rebisyon ng Unang
Kabanata na mayroon pa ring komento at pagtatama KABANATA 4: PRESENTASYON NG MGA DATOS Sa tradisyonal na format ng pananaliksik, nabibilang ang Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon ng Datos sa Ikaapat na Kabanata. Sa bahaging ito ng pananaliksik, tinatalakay ang resulta ng pag-aaral sang-ayon sa pangkalahatan at mga tiyak na
suliranin ng pag-aaral. Sa pangkalahatan, kailangang bigyang-pansin ng mananaliksik ang sumusunod: KABANATA 4: PRESENTASYON NG MGA DATOS 1. Organisasyon ng mga Ideya 2. Tamang Gamit ng Wika at Estruktura ng Pangungusap 3. Kaakmaan ng mga Datos at Impormasyon 4. Tamang Pagpili ng Pamamaraan sa Presentasyon ng mga
Datos PAMAMARAAN SA PRESENTASYON NG MGA DATOS 1. Bar Graph. Ang bar graph ay isang uri ng tsart na gumagamit ng bar upang ipakita ang paghahambing sa dalawang bagay na pinagkokompara. Inilalatag nito ang pagkakaiba sa dalawang bagay kaysa sa ipakita ang pagbabago o trends. Ilan sa mga kadalasang ipinapakita dito ang
paghahambing sa sukat, bilang at halaga. Ang presentasyon nito ay maaaring patayo o pahalang. PAMAMARAAN SA PRESENTASYON NG MGA DATOS PAMAMARAAN SA PRESENTASYON NG MGA DATOS 2. Pie Chart. Gaya ng layunin ng bar graph, ang pie graph ay may layunin ding paghambingin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng
pagkakahati-hati ng isang bilog para maipakita ang bahagdan. Ang ganitong presentasyon ng datos ay maaaring gamitin sa pagplano ng diet, distribusyon ng gastusin, at maging oras na ginugugol sa bawat asignatura sa paaralan. PAMAMARAAN SA PRESENTASYON NG MGA DATOS Ang larawan ay makikita sa website ng Departament of Tourism.
Makikita ito sa URL na ito: http:// www.tourism.gov.ph/Pages/IndustryPerformance.aspx) PAMAMARAAN SA PRESENTASYON NG MGA DATOS 3. Line Graph. Ang line graph naman ay naglalarawan ng mga kalakaran o trends ng datos na may koneksiyon sa isa’t isa. Ang nasabing mga datos ay maaaring nagpapakita ng pagtaas at pagbaba o pag-
unlad ng katangian ng isang bagay gamit ang linya at tuldok na naglilinaw sa bilis o bagal ng isang bagay. Mahalaga ang paggamit ng line graph sapagkat nasusubaybayan nito ang pagbabago ukol sa isang bagay sa loob ng isang panahon. PAMAMARAAN SA PRESENTASYON NG MGA DATOS 4. Talahanayan.
Talahanayan (Table) naman ang ginagamit upang ilatag ang mga datos o impormasyon gamit ang dibisyon o kolum. Sa paggamit ng ganitong pamamaraan, mahalagang isaalang-alang ang bilang ng kolum, ang pamagat ng bawat kolum at ang kabuuang pamagat ng presentasyon. PAMAMARAAN SA PRESENTASYON NG MGA DATOS 5. Naratibo.
Anyong naratibo naman ang pamamaraan ng presentasyon ng mga impormasyon sa kwalitatibong pananaliksik. Kaugnay nito, mahalagang bigyang pansin ng mananaliksik ang mga katangian ng isang mahusay na talata sa paglalahad ng impormasyon gamit ang pamamaraang ito gaya ng kaisahan, koherens, emphasis, kasapatan, at kalinawan. PA
KABANATA 5: KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 1. Konglusyon. Kongklusyon. Dito inilalahad ng mga mananaliksik ang kanilang kongklusyon sa kinalabasan ng pag-aaral base sa mga datos na nakalap. 2. Rekomendasyon.
Bahagi ng panaliksik na kakikitaan ng mungkahing solusyon /suhestiyon para sa suliraning natukoy sa pag-aaral. MARAMING SALAMAT You're Reading a Free Preview Page 3 is not shown in this preview. Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance
this website. To keep our site running, we need your help to cover our server cost (about $400/m), a small donation will help us a lot. Please help us to share our service with your friends. Be the first to like this You're Reading a Free Preview Pages 7 to 15 are not shown in this preview. Ang pananaliksik ay isang uri ng papel na may kahalagahan
sapagkat ang resulta nito’y kritikal sa pagpabubuti ng pamumuhay. Hindi madaling gumawa ng papel pananaliksik: kinakailangang taglay ng isang papel ang tamang impormasyon at datos. Sa kadahilanang ito’y nabuo ang mga bahagi ng pananaliksik na siyang nagbibigay-linaw sa mga hakbang at prosesong kailangang sundin at gawin ng mga may-
akda. May apat na kabanata ang isang papel pananaliksik: Kabanata 1: Suliranin at KaligiranTaglay ng kabanatang ito ang mga sumusunod: Rasyunal – Taglay ang rationale ng may-akda, nasasagot ng parteng ito ang mga katanungan tungkol sa pinag-aaralang paksa at bakit ito pinag-aaralan. Ang kadalasang taas nito’y isa’t kalahati hanggang sa
dalawang pahina. Paglalahad ng Suliranin – Taglay nito ang suliranin at ang mga layuning sasagutin o aabutin ng pananaliksik. Kadalasan itong nakasulat sa isang malawak na layunin at may kasunod na tatlo hanggang limang tiyak na layunin.Kahalagahan ng Talakay – Taglay ng bahaging ito ang mga salitang may kahalagahan o kadalasang
nagagamit sa pananaliksik.
Dito ipinaliliwanag ang operational meaning ng isang salita sa kanilang pananaliksik sa halip na usual meaning nito.Batayang Konseptwal – Taglay nito ang teoryang pagbabasehan ng mga may-akda sa pagbuo ng kanilang pananaliksik. Kaabikat ng teorya ay ang personal na pananaw ng may-akda at ang mga ideyang nais nitong bigyan ng diin.Saklaw
at Limitasyon ng Pag-aaral – Taglay nito ang saklaw o kahinaan ng pag-aaral. Nililinaw ng parteng ito ang lawak ng sakop ng pag-aaral. Kabanata 2: Metodo ng PananaliksikTaglay ng kabanatang ito ang mga sumusunod:Disenyo ng Pananaliksik – Taglay nito ang disenyong gagamitin ng pananaliksik (deskriptib, analitik, atpb.). Kinakailangan ito
upang maitatag ang uri ng pananaliksik na gagawin ng may-akda. Respondente – Taglay nito ang lahat impormasyong kinakailangang banggitin sa mga respondenteng aaralin ng pananaliksik, kung paano sila pinili, at kung gaano karami ang kanilang bilang. Importanteng bigyan ng alias ang mga respondente upang masiguro ang kanilang
privacy. Instrumento ng Pananaliksik – Dito pinapakita ang ginamit na questionnaire, tanong sa mga panayam, datos, o istatistikang gagamitin upang makakuha ng datos na makasasagot sa layunin ng pananaliksik. Tritment ng mga Datos – Taglay nito ang inisyal na pagsusuri ng datos na nakalap. Dito aanalisahin ang mga datos upang maikonekta sa
layunin ng papel.Kabanata 3: Pagsusuri at Interpretasyon ng mga DatosTaglay ng kabanatang ito ang mga sumusunod:Pagsusuri – Taglay ng pangatlong akda ang bahagi ng pananaliksik na pinaliliwanag, sinusuri at inaalisa ang datos na nakalap. Sa parteng ito nagagamit ang mga batayang teorya’t mga panlipunang suliranin na nakapagdulot ng
siyang datos.Interpretasyon – Taglay nito ang bahagi ng pananaliksik na naglalaman ng sariling pananaw o implikasyon sa resulta ng mga datos na nakalap sa pananaliksik. Kadalasa’y anyong bilang graph o ‘di kaya’y talahanayan na may kaakibat na tambilang, mas makukumbinsi nito ang mga mambabasa kung ang datos nito’y tama at
makatotohanan. Paliwanag – Taglay ng paliwanag ang buod o lagom ng pagsusuri at interpretasyon na nabanggit sa unang bahagi ng ikatlong kabanata. Kabanata 4: Paglalahad ng Resulta ng PananaliksikTaglay ng kabanatang ito ang comprehensive na resulta ng pananaliksik. Dito’y malinaw na inilalahad at inilalapat ng may-akda ang mga datos na
nakalap at ang implikasyon nito. Sa parteng ito rin sinasagot ang mga suliraning nais na masagot sa unang bahagi ng pananaliksik.

You might also like