Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

1

Aralin Filipino 9-Q4-W7


Mga Kaisipang Nakapaloob sa Noli Me Tangere
7

Mga Inaasahan

Sa araling ito, aalamin mo ang mahalagang nangyari sa mag-inang Sisa at


Basilio. Gayundin, inaasahang magagamit mo ang mga ekspresyon sa
pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay ng opinyon.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:


 pamamalakad ng pamahalaan
 paniniwala sa Diyos
 kalupitan sa kapuwa
 kahirapan at iba pa (F9PB-IV-g-h-60)
2. Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan
batay sa napanood ng dulang pantelebisyon o pampelikula (F9PD-IVg-h-
62)
3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at ng anak
(F9PS-IV-g-h-62)
4. Nagagamit ang angkop na ekspresyon sa:
 pagpapaliwanag
 paghahambing
 pagbibigay ng opinyon (F9WG-IV-g-h-62)
Sasagutan mo ang mga pagsasanay sa nakalaang sagutang papel.

Paunang Pagsubok

Piliin ang angkop na ekspresyon upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. (Sa kabilang dako, Bunga nito) si Sisa ay kaagad pumunta sa simbahan


upang hanapin ang kaniyang mga anak.

2. Ang guwardiya sibil ay (kasingtapang, di-gasinong) ng mga alila sa simbahan.

3. (Sa paniniwala, Inaakala) ni Sisa hindi magnanakaw ang kaniyang mga anak.

4. (Nang, Kaya naman) maramdaman niyang wala nang buhay ang


kaniyang ina‘y siya‟y nanaghoy.

5. (Sa gayon, Samantala) ipinagbilin ni Elias na kung walang taong


darating ay humukay sa paanan ng punong baliti at ang kayamanang
makukuha ay gamitin sa pag-aaral.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikapitong
2

Balik-tanaw

Pabulaanan o patotohanan ang sumusunod na pangyayari sa panahon ng


Kastila:

1. Hinuhuli ng awtoridad ang mga Indyo na nakalimot magdala ng sedula at


pagkatapos ay pinapahirapan ito.

2. Kailangang daanin sa dahas ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan.

3. Marami ang nagiging tulisan dahil sa paghihimagsik sa pamahalaan.

Pagpapakilala ng Aralin

Nais kong basahin mo ang ilang kabanata tungkol kay Sisa at sa kaniyang mga
anak.

Kabanata XVIII Mga Kaluluwang Nagdurusa

Mag-iikapito pa lamang ng umaga ay nakatapos na ng isang misa


si Pari Salvi. Ang pare ay matamlay na parang maysakit. Pumanhik siya
sa kumbento at naraanan niya ang mga manang at manong na
naghihintay sa kaniya para tanungin siya kung sino ang gusto niyang
magsermon sa araw ng Pista sa Pari Damaso, si Pari Martin o ang
coadjutor. Naghintay na lamang silang tawagin ng pari.

Dumating ng umagang iyon si Sisa sa kumbento na may sunong


na isang bakol ng mga gulay na kinuha niya sa kaniyang taniman. Wala
siyang nakitang tao sa kumbento kaya tumuloy sa kusina. Binati niya
ang mga alila ngunit walang sumagot sa kaniya kaya inihanay sa hapag
ang mga gulay na dala-dala at saka tinanong ang alila kung nasaan ang
kura at si Crispin. Tumugon ang alila at sinabing may sakit ang kura at
si Crispin ay umuwi matapos magnakaw sa kumbento kaya ipinagbigay
alam ito ng kura sa guwardiya sibil. Nabingi si Sisa sa narinig subalit ni
isang tinig ay walang lumabas sa kaniyang bibig. Idinugtong pa ng alila
na ang maliit ay nagmana sa ama kaya ganoon. Napahagulgol si Sisa
ngunit ipinagtabuyan siya ng mga alila sapagkat may sakit ang kura.

Kabanata XXI Mga Pagdurusa ni Sisa

Patakbong bumalik si Sisa sa kanilang bahay. Gulong-gulo ang


pag-iisip at pinapanawan ng pag-asa. Maya-maya‟y natanaw niya ang
kapasote ng guwardiya sibil sa kanilang bahay. Lalo siyang nanginig at
hindi makapagsalita. Natuwa lamang siya nang makitang walang
kasama ang mga ito nang pumanaog ng bahay at hindi nila sinunog ang
kanilang bahay. Alam niya kung gaano kalupit ang mga guwardiya sibil
kahit ang mga mayayaman ay hindi nila pinaliligtas. Nagpasya siyang
umuwi ng bahay. Nang masalubong ang guwardiya sibil, tumingin siya
sa malayo. Hindi siya pinansin ng guwardiya sibil.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikapitong
3

Hindi pa gaanong nakalalayo ang mga ito nang bigla siyang


tawagin. Kinilabutan siya ngunit itinuloy rin ang paglakad. Muli siyang
tinawag at minura kaya siya ay huminto. Tinanong siya ng guwardiya
sibil kung siya ang ina ng mga magnanakaw. Hindi siya sumagot.
Hinanap din sa kaniya ang mga perang nawawala kaya sinabi niyang
kahit halughugin ninyo ang aming bahay ay wala kayong makukuha
kahit sikapat. Idinugtong pa rin ni Sisa na hindi lahat ng mahirap ay
magnanakaw.

Sa ganitong pagkakataon, napilitang isama ng mga guwardiya


sibil si Sisa nang sa ganoon ay lumitaw raw ang kaniyang mga anak.
Nakiusap si Sisa na huwag na siyang isama. Hindi pumayag ang
guwardiya sibil kaya muling nakiusap na mauuna na lamang siyang
lumakad sa kanila. Pumayag ang guwardiya sibil ngunit pagdating sa
bayan hindi na siya puwedeng mauna. Halos mamatay si Sisa sa
malaking kahihiyan lalong-lalo na nang masalubong nila ang mga taong
lumalabas ng simbahan at sila‟y pinagtitinginan.

Ikinulong si Sisa sa kuwartel. Nang malaman ito ng Alperes,


pinakawalan niya si Sisa sapagkat hindi siya naniniwala sa kura.
Bumalik si Sisa sa kanilang bahay. Pumanhik siya ng walang imik,
nilibot ang kabahayan, nanaog at lumakad na walang patutunguhan.
Maya-maya‟y naririnig na siyang sumisigaw na “Crispin” at “Basilio”.
Kinabukasan, si Sisa‟y nakitang palaboy-laboy, pakanta-kanta at
nakikipag-usap sa lahat ng nilalang.

Kabanata LXIII Noche Buena

Mula sa malayong San Diego nakarating si Basilio na halos wala


nang ulirat sa isang gubat sa libis ng bundok. Doon ay may isang mag-
anak na ang ikinabubuhay ay pangangaso at pangangahoy. Maraming
halamang gulay sa paligid ng kubo. Ang pamilyang nakatira rito ay
isang matanda, isang dalaga at dalawang bata. Sila ang kumupkop kay
Basilio mga dalawang buwan na marahil ang nakararaan. Nagpaalam si
Basilio sa matanda. Nais niyang makita ang ina at kapatid sa
mahalagang araw na ito. Ibig niyang mahandugan ng pamasko ang
kaniyang ina, ang kaniyang sarili, isang anak na magpapasaya sa isang
ina.

Ayaw pa sanang payagan ni Tandang Selo ang nagpupumilit na si


Basilio dahil mahina pa ito ngunit naantig ang kaniyang kalooban sa
kaniyang narinig. Ipinahatid sa apong si Lucia. Nalungkot ang
dalawang bata sina Huli at Tano.

Pinuntahan ni Basilio ang kanilang kubo ngunit wala itong tao.


Nagtanung-tanong at nalamang palabuy-laboy ang ina at si Crispin ay
walang balita. Hanggang sa marinig niya ang awit ng ina. Sinundan
niya ang tinig. Hindi makalapit si Basilio dahil nasa tapat ng bahay ng
alperes ang ina. Bago na ang alperes at mabait ang asawa nito. Iniutos
ng babae sa kawal na papasukin si Sisa ngunit nang makita ni Sisa ang
kawal ay nagtatakbo. Hinabol ni Basilio ang ina. Nakarating sila sa
gubat. Nakita ni Basilio na pumasok ang ina sa libingan ng mga nuno ni
Ibarra. Hindi siya makapasok dahil isinara ng baliw ang pinto. Nakakita
si Basilio ng puno at kaniyang inakyat at pagkatapos ay nagpatihulog sa
kaniyang ina. Niyapos at pinaghahagkan niya ang ina hanggang
mawalan ng ulirat. Nakita ni Sisa na may bahid ng dugo ang sugat ni
basilio sa noo at bigla itong nagbalik sa katinuan ng isip. Niyapos din at

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikapitong
4

pinaghahagkan nang makilala ang kaniyang anak at nawalan din ng


malay. Nagkamalay si Basilio na yakap-yakap ng ina. Nang
maramdaman niyang wala nang buhay ang kaniyang ina‘y siya‟y
nanaghoy.

Isang lalaking duguan ang dumating. Siya si Elias. Sinabi ni


Elias na malapit na siyang mamatay. Iminungkahi niya na kumuha ng
mga kahoy at pagsama-samahin. Pagkatapos ay sunugin ang kanilang
bangkay ni Sisa hanggang sa maging abo.

Ipinagbilin ni Elias na kung walang taong darating ay humukay


sa paanan ng punong baliti at ang kayamanang makukuha ay gamitin
sa pag-aaral. Nang umalis si Basilio upang kumuha ng mga kahoy ay
bumangong paluhod si Elias at humarap sa Silangan at nagsabi:”
Mamamatay ako na di nakikita ang pagbubukang-liwayway sa aking
bayan! Kayong makamamalas sa kaniya, batiin ninyo siya at huwag
ninyong kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.”

Makaraan ang dalawang oras ay may nakitang siga sa gubat ang mga
nasa bayan.

Ngayon naman ay talakayin natin ang ating aralin sa gramatika.

Ang ekspresyon ay pagpapakita o pagpapahayag ng malayang saloobin


upang maihayag ang nais iparating ng isang tao. Ito ay maaaring magpaliwanag,
maghambing, at magbigay ng sariling opinyon.

Mga halimbawa:

1. Talata
(1) Sa panitikan, ang Feminismo ay isang teorya o kaalaman na
nagbibigay ng tuon sa kalagayan ng mga kababaihan sa loob ng
isang akda. (2) Kalimitan ang mga tauhang babae ay eksploytasyon
ng katotohanan.(3) Ipinakikilala ang mga babae bilang mahina,
marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal at
pantahanan.(4) Kadalasan din sila ay ipinakikilala bilang aping
asawa, babaing walang alam, mahina ang kakayahan, masamang
babae, masamang biyenan at laging huli ang kaisipan sa
kalalakihan. (5) Sa pananaw ng mga feminista, naniniwala sila na
dapat ding bigyan ng katarungan ang mga tauhang babae sa loob ng
isang kuwento tulad ng pagbibigay- halaga sa mga tauhang lalaki.
Sa unang pangungusap ipinaliwanag ang teoryang feminismo at
pinalawak ito sa ikalawang pangungusap. Lalo namang binigyang-linaw
ang feminismo sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa sa
pangungusap ikatlo at ikaapat. Samantalang sa huling pangungusap
binigyan ng mas tiyak na deskripsiyon sa pamamagitan ng pagtutulad.

2. Mga Pangungusap
Higit na nagdusa ang kalooban ni Sisa kaysa kay Elias sa kanilang
sinapit na kapalaran.

Parehong masaklap ang sinapit nina Elias at Sisa.

Ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay ginamit bilang


paghahambing sa pagdurusa nina Sisa at Elias.

3. Pangungusap
Sa aking pananaw, hindi makatarungan ang sinapit ng magkapatid na Basilio
at Crispin.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikapitong
5

Batay sa kuwento ni Basilio sa kanilang ina hindi pinayagan ng Sakristan


Mayor na makauwi si Crispin.

Ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay ginamit bilang


pagbibigay ng opinyon tungkol sa magkapatid na Basilio at Crispin.

Malinaw ba sa iyo ang ating aralin? Ngayon ay isagawa mo na ang mga


gawaing inihanda ko para sa iyo.

Mga Gawain

Gawain 1 Talasalitaan
Isaayos ang mga ginulong letra upang matukoy ang
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng sumusunod na salita.

Tingnan ang letra sa unahan at hulihan upang mabuo ang kahulugan.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat


1. kaladkarin HALI IH N ILKAPGAUTAN
2. ikinulong INIPIIT PIAKNALAAWN
3. ipinagtabuyan PAAILNIS K N A I I L GN A
4. pinapanawan NLAWAAW AN PUUNNG–PNUO

5. pagtungayaw PGSAGIAW PBLUGAONG

Gawain 2 Gabay na Tanong


Unawain at sagutin ang mga tanong.

1. Paano mo ilalarawan si Sisa bilang babae, ina at asawa?

babae asawa

ina

Iba pang mga tanong:

2. Magbigay ng puna sa inasal 3.Ilahad ang mga sitwasyong


ng mga katulong sa kumbento nagpatingkad sa kaapihan ni Sisa
sa kanilang pakikitungo kay sa kamay ng mga guwardiya
Sisa. sibil.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikapitong
6

4. Ipahayag ang iyong naging


damdamin sa ilang madulang
tagpo sa wakas ng nobela “Ang
Noche Buena”
 pagkikita ng
mag- inang Sisa
at Basilio.
 pagbibilin ni Elias 5. May kakilala ka bang tao na
kay Basilio
 pagkamatay ni Elias

Gawain 3 Gramatika
Bigyan ng pansin ang sumusunod na halimbawa. Suriin ang mga
ekspresyong ginamit sa pagpapaliwanag, paghahambing at pagpapahayag ng
opinyon.

1. Noon kailangan mong mag-alis ng sombrero bilang paggalang hindi tulad


ngayon na pagbati lamang ng magandang araw ay sapat na.

2. Maaari kang maipatapon sa malayong lugar dahil sa hindi pagpansin sa


isang opisyal. Sa katunayan, isa itong batas na dapat sundin.

3. Sa pananaw ni Rizal, maraming kautusan noon na ipinakikita ang ang


pang-aapi sa mga Pilipino.

4. Higit na mahigpit ang batas noong panahon ng Kastila kung ihahambing sa


kasalukuyan.

5. Sa aking palagay, matapang si Rizal dahil kaya niyang ipaglaban ang


kaniyang Karapatan.

Mga Katangian ng Sagot Bibigyan ka ng Sumusunod na Puntos


✓ Naibigay ang mga hinihinging punto ng 5 puntos – Kung tinataglay ang 3 pamantayan.
sagot. 3 puntos – Kung tinataglay ang 2 pamantayan.
✓ Gumamit ng angkop na salita at bantas at 2 puntos – Kung 1 pamantayan lamang ang
buo ang pangungusap. taglay.
✓ Kumpleto at malinaw ang pagpapaliwanag.

Tandaan

Narito ang mga dapat mong tandan sa araling ito:

1. Si Sisa ay madalas na sinusuri bilang isang babae na nagtataglay ng


mahinang pagkatao. Sinusuri din si Sisa bilang biktima ng kasawiang
dahil sa kahinaan ng loob ay nasiraan ng bait. Subalit kung
pakasusuriin ang malalim na dahilan ng pagkakaroon ng isang
tauhang Sisa sa nobela ni Rizal makikita natin na siya ay isang
simbolo. Isang sagisag na sadyang inilahad ni Dr. Rizal upang ang
katotohanan sa likod ng ganoong pagkakataon ay lumutang.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikapitong
7

2. May mga angkop na ekspresyon na ginagamit sa pagpapaliwanag,


paghahambing at pagbibigay ng opinyon. Tingnan ang talahanayan.

Pagpapaliwanag sa isang banda, sa kabilang dako,


samantala
dahil sa, sapagkat, palibhasa,
mangyari kaya, bunga nito, kaya
naman
upang, nang, sa gayon, kaya naman

Paghahambing mas/ higit na … kaysa kay/ sa


sing/kasing/magkasing
sim-/kasim-/magkasim-/kasin-/magkasin-
di-gaanong/ di-gasinong … tulad ni / ng
pinaka-

Pagbibigay ng ayon, batay, sang-ayon sa


opinyon sa paniniwala, akala, pananaw,
paningin, tingin, palagay, ni/ng
inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
sa ganang akin, sa tingin, akala, palagay
ko

Isagawa mo pa ang iba pang mga gawain upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa Natutuhan
Ipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang mga kabanata.

1. Pamamalakad ng pamahalaan
“Ang mga guwardiya sibil ay di nakagugunita ng isang ina,” ang
sambit ni Sisa.

2. Paniniwala sa Diyos
Ibig ni Basilio na mahandugan ng pamasko ang kaniyang ina, ang
kaniyang sarili, isang anak na magpapasaya sa isang ina.

3. Kalupitan sa kapwa
Kinaladkad niya si Crispin na humihingi ng tulong sa kapatid.
Tinanganan ni Basilio si Crispin ngunit tinampal siya ng sakristan
mayor. Dinig na dinig ni Basilio ang katawang humahampas sa
hagdanan at ang daing ni Crispin habang pinapalo.

4. Kayamanan
Ipinagbilin ni Elias na kung walang taong darating ay humukay
sa paanan ng punong baliti at ang kayamanang makukuha ay
gamitin sa pag-aaral.

5. Kahirapan
“Hindi lahat ng mahirap ay magnanakaw,” pagtatangol ni Sisa sa
mga anak.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikapitong
8

Pangwakas na Pagsusulit

Piliin ang angkop na ekspresyon upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. (Sa ganang akin, Inaakala) baliw ang taong wala sa sariling bait at
baliw rin ang turing sa nilikhang matayog ang isip.

2. Lahat ng nilikha ay dapat magkaroon ng isang direksyon at adhikain hindi


lamang para sa kaniyang kapwa at lipunan (kaya, upang) magkaroon siya
ng kabuluhan.
3. Tunay na (pinakadakila, magkasingdakila) ang ina sa lahat ng nilikha sa
sa daigdig.

4. (Batay sa, Sang-ayon sa) mga pangyayari sa huling kabanata ibinuwis ni


Elias ang kaniyang buhay para kay Ibarra.

5. Ang pag-ibig ng anak sa kaniyang ina ay dakila (kaya’t, sapagkat) walang


sinomang makapipigil kahit na ang mga guwardiya sibil.

Pagninilay

Ihambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay


sa napanood na dulang pantelebisyon o pampelikula.

Mga ina noon tulad ni Mga ina sa kasalukuyan


Sisa batay sa napanood

Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang mga ibinigay kong gawain!


Magpatuloy ka pa para sa huling modyul sa markahang ito.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikapitong
9

FILIPINO 9
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikapitong Linggo

Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Iskor:

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Paunang Gawain 1 Gawain 1
Pagsubok Talasalitaan (Kasingkahulugan)
Talasalitaan (Kasalungat)

1
1 1 1
2
2 2 2
3
3 3 3
4
4 4 4
5
5 5 5

Balik-tanaw
1.
2.
3.
Gawain 2 Gabay na Tanong.
1.

2.

3.

4.

5. _

Gawain 3 Gramatika
1.
2.
3.
4.
5.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN:
1.
2.
3.
4.
5.
PAGNINILAY: (ilagay sa hiwalay na papel)

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikapitong

You might also like