Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 11

  

I. Layunin

Pamantayang Pangnilalaman:

·        Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
sarili, pamilya, lomunidad, bansa at daigdig.

Pamantayan sa Pagganap:

·        Nasusuri ang kalikasan, katangian at anyo ng iba’t ibang teksto.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

            Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB-IIIa-98)

Batayang Kasanayan:

·        Nalilinang ang ksanayan at kaalaman sa proseso ng pagsulat

·        Nakasusulat ng isang payak at masining na tekstong argumentatibo

·        Nauunawaan ang mga pamantayan sa pagsulat ngtekstong argumentatibo’

·        Naiuugnay ang mga kaisipang nakikita at napakinggan sa sariling karanasan

II. Paksang-Aralin

A. Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

B. Dayag, Alma M., del Rosario, Mary Grace G.(2016). Pinagyamang Pluma. Pagbasa at Pagsusuri ng


Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. QC:Phoenix Publishing House,

pp. 89-111

C. Chart, TV, Laptop, Manila paper

D. Pagtutulungan/Paggalang sa Opinyon ng Iba


 

III. Pamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

Laro: Charade

·        Pangkatin ang mga lalake at babae.

·        Ang dalawang pangkat ay pipili ng isang miyembro na bubunot ng papel kung saan nakasulat
ang mga isyung panlipunan (korapsyon, aborsyon, atbp) na maaring maging paksa sa pagsulat
ng tekstong argumentatibo.

·        Bawat pangkat ay bibigyan ng isang minuto upang iarte ang nabunot na paksa.

·        Ang pangkat na may pinakamaraming tamang sagot ay siyang panalo sa laro.

·        Pagkatapos ng laro talakayin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga salitang pinahuluaan sa laro?

2. Mahalaga ba itong pag-usapan at bigyang-pansin bilang mag-aaral? Bakit?

3. Kung ikaw ay nasa kinauukulan, ano-ano ang maaring gawin sa mga maiinit na paksang ito?

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain (ACTIVITY)

a. Paglalahad ng Aralin: Video Presentation

·        Ipanood sa kanila ang isang video na may pamagat “Paggamit ng mga Hayop sa Pananaliksik ng
Makabagong  Gamot”.

·        Pagkatapos ng video ay ipanood ang isang slide presentation ukol sa paksang pinanood na
naglalahad ng tekstong argumentatibo.

2. Pagsusuri (ANALYSIS)

·        Talakayin:

a)     Ano-ano ang nilalaman ng video at ng lathain na nabasa?


b)     Paano napanindigan ng video/lathain ang nais nitong mapabatid sa manonod?.

c)     Ano-ano ang mga datos o impormasyon na ibinigay upang mahikayat ang


manood/mambabasa?

d)     Bakit mahalaga ang pagbibigay ng datos o impormasyon upang mahikayat ang


mambabasa/manonod?

·        Ipaliwanag na ang tekstong napanood/nabasa ay halimbawa ng tesktong argumentatibo.

3. Paghahalaw at Paghahambing (ABSTRACTION AND COMPARISON)

Magpakita ng Venn diagram na naglalahad ng ugnayan Tekstong Argumentatibo at Tekstong


Persuweysib.

Itanong:

Batay sa Venn diagram, ano ang tekstong arguemntatibo?

4. Paglalapat (APPLICATION)

Pangkatang Gawain:

Balikan ang mga paksang ginamit sa pagganyak.

·        Bawat pangkat ay magkakaroon ng brainstorming  upang makapagsulat ng isang tekstong


argumentatibo.

·        Maaring silang bigyan ng outline sa magiging bahagi ng kanilang tekstong argumentatibo tulad
ng nasa sa ibaba.

·        Ipaalala ang mga dapat tandaan sa isang pangkatang gawain tulad ng pagtutulungan at
paggalang sa opinyon ng kapwa miyembro.  Panatilihin din ang kaayusan at kalakasan ng boses
habang nagtatalakayan.

Paksa/Pamagat:
Unang Talata Panimula
Ikalawang Talata Kaligiran
Ikatlong Talata Ebidensiyang susuporta sa posisyon.
( Maaring magdagdag ng maraming talata kung maraming ebidensya.)
Ikaapat na Talata Counter-Argument

(Ilahad ang lohikal na dahilan na sasagot sa mga hindi sasang-ayon sa


iyong argumento)
Ikalimang Talata Unang Konklusyon
Ikaanim na Talata Ikalawang konklusyon na sasagot sa tanong na,

“E ano ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?”

·        Bawat pangkat ay pipili ng reporter na magbabasa ng kanilang naisulat na tekstong


argumentatibo.

·        Bigyang ang mga mag-aaral ng pagkakataon na magbigay ng puna o suhestiyon sa mga


nabasang teksto.

5. Paglalahat (Generalization)

Itanong:

·        Ano ang tekstong argumentatibo?

·        Bakit sinabing hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatubo at tekstong persuwaysib?

·        Bakit mahalaga ang mga tekstong argumentatibo sa mga usaping panlipunan?

IV. Pagtataya

Ibigay ang mga sumusunod na paksa at hayaan ang mga mag-aaral na pumili ng isa upang
gawan ng tekstong argumentatibo.

Diborsyo

NCoV

Fake News
Paghahanda sa Kalamidad

Teenage Pregnancy

V. Kasunduan

Mangalap sa mga lumang diyaryo na may mga tekstong argumentatibo at basahin ito sa susunod
na pagkikita.

You might also like