Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

I. Layunin
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1
A. Natutukoy ang mga salitang magkakatugma. CG F1KP -IVd-8 /MELC Filipino 1 F1KP-IIIc-8 p.198 (2020-2021)
A.Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan.
Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin
Pamantayan sa Pagganap Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at
nakatutugon nang naaayon.
Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at
maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto
ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
A. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto Natutukoy ang mga salitang magkakatugma F1KP-IIIc-8
Isulat ang code ng bawat
kasanayan.
II. Nilalaman Pagtukoy sa mga salitang magkakatugma

Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao/ Araling Panlipunan/ Music


Pagpapahalaga: Pag iingat
Istratehiya: Pagtuklas na Pagkatuto, Interaktibong Pagkatuto

III. Mga Kagamitan


A. PAKSA : Pagtukoy sa mga salitang magkakatugma
B. SANGGUNIAN:
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
Ikatlong Markahan CG Week 4 F1KP -IVd-8 pp.41, MELCS Filipino 1 F1KP-IIIc-8 p.198
2. Mga pahina sa Filipino
Kagamitang Pang Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Mag-aaral MELCS Filipino 1 F1KP-IIIc-8 p.198
3. Karagdagang Powerpoint Presentation, Filipino Modyul 1, Meta Cards, mga larawan
Kagamitan mula sa https://www.youtube.com/watch?v=4EY4Gc0poMw
Portal ng Learning https://youtu.be/AwyWxM5HyX4
Resouce

IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL

A. Panimulang Gawain Noong nakaraang araw ay pinag usapan natin ang mga
Balik-Aral sa salitang nagsasaad o nagsasabi ng kilos o galaw.
nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng Tingnan nga natin ang bawat larawan at tukuyin kung ito
bagong aralin. ba ay nagsasaad o nagsasabi ng kilos o galaw.
Kapag ito ay nagsasabi ng kilos, ikakaway ang inyong
kamay. At kung ito ay hindi nagsasaad ng kilos ay ikikibit
ang inyong balikat.
Tatawag ako ng isa sa inyo upang pindutin ang laptop
para makita ang bawat larawan.
Tukuyin nga ang salitang kilos na ipinakita sa larawan.
Pagtukoy sa mga salitang
ipinapahayag ng mga larawan:
1.lumilipad

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

2.naglalaro
3.nagdidilig
4.bundok
5.bulaklak

B.Paghahabi sa Pagganyak:
layunin ng aralin Paglalaro: Pagtukoy sa bawat larawan
Paggamit ng Pagtuklas na Pagkatuto at Interaktibong
Pagkatuto

Tukuyin ang bawat larawan. Itapat ang salita sa larawan. Paggamit sa powerpoint
presentation upang makapagsagot.

buto lata kawayan

sampayan mata lobo

Anu ano ang mga nasa larawan? buto, lata, kawayan, sampayan,
lobo,mata
Paglalaro : Palakpak o Padyak

Panuto: Pumalakpak kung ang pares ng salita ay


magkasintunog sa hulihan at pumadyak kung hindi.

1. lata – mata 1.palakpak

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

2. buto - lobo 2.palakpak

3. ilog - sapa 3.padyak

4. dagat - balon 4.padyak

5. kawayan at sampayan 5.palakpak

C. Pag-uugnay ng (Localization and Contextulalization)


mga halimbawa sa A.Bago Bumasa
bagong aralin. 1. Paghahawan ng balakid:

Buuin ang larawan at tukuyin kung ano ito.

Palengke

Panaderya

Tindera

Nakahilera

Maikling pagtalakay sa mga larawan.

Ngayon ay mayroon akong inihandang maikling tula,


1.Umupo po nang maayos.
subalit bago ko ito sa inyo iparinig ay ano-ano ba ang
2.Tumahimik po.
mga dapat gawin ng batang kagaya ninyo kapag
3.Makinig nang mabuti at
nakikinig ng tula?
4.Intindihin po ang tula.
( Tatawag ang guro ng mga bata na magbibigay ng
panuntunan sa tamang pakikinig ng tula. )

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

B. Habang Nagbabasa
Pakinggang mabuti ang mga salita sa loob ng
tulang binabasa.At sagutin ang mga tanong
pagkatapos itong basahin.

1.Pagbasa ng guro ng tula sa pamamagitan ng paggamit


ng “Picture Story”

Isang Araw Sa Palengke


Ni: Marry Ann V. Briz

Sa isang pampasaherong dyip, kami ay sumakay,


Sa palengke pala ang punta namin ni nanay.
Doon kami ay mamimili ng maraming gulay.
Paborito kasi itong ulam ng aking tatay.

Dumaan din kami sa panaderya


Doon kami ay bumili ng pangmeryenda.
Maraming tinapay ang nakahilera,

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

Ang aking gusto itinuro agad sa tindera.

Matapos kong basahin ang tula ay kayo naman nga


ang bumasa nito.
2.Sabayang Pagbasa
3.Pop Corn Reading

C. Pagkatapos Bumasa 1.Palengke


2.Gulay
Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 3.Dahil ang gulay ay paborito ng
1. Saan nagpunta ang mag ina o magnanay? kanyang tatay.
2. Ano ang kanilang bibilhin?
3. Bakit sila bibili ng maraming gulay? 4.Opo.Sapagkat ito ay mabuti sa
katawan.
4. Sa inyong palagay mahalaga ba ang pagkain 5.Opo.Kumakain po ako ng gulay
ng gulay?Bakit? dahil ito po ay nagpapalakas ng
5. Bilang bata dapat ba na ikaw ay kumakain ng katawan.
gulay? Bakit.

Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao/ Araling


1.Palengke
Panlipunan
2.Panaderya
Anu ano ang mga lugar sa pamayanan na
binanggit sa loob ng tula?
Pagiging maingat po.
Magaling! Ang palengke at panaderya ay mga
(Maaaring magkaroon pa ng
lugar sa ating pamayanan.
ibang sagot)
Kapag tayo ay nasa pampublikong lugar tulad
ng palengke at panaderya, anong pag uugali
ang dapat nating taglayin upang hindi mawala
ang ating mga gamit at upang maging ligtas
tayo sa lahat ng pagkakataon?

D.Pagtalakay ng Balikan natin ang mga salitang may salungguhit sa


bagong konsepto at ating binasang tula :
paglalahad ng
bagong kasanayan sumakay nanay
#1 gulay tatay
panaderya meryenda
nakahilera tindera

• Ano ang inyong napansin sa kanilang huling tunog Magkakasintunog.


• Ang mga salitang ito na may magkakatulad na

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

hulihang tunog ay tinatawag na salitang


magkakatugma.

Paggamit ng Ambagang Estratehiya


Bigyan nyo nga ako ng salitang kasintunog ng mga
lugar na makikita natin sa pamayanan tulad ng:

1.simbahan 1.palaruan
2.parke 2. tangke
3.daungan 3.tahanan
4.sinehan 4.pamilihan
5.bahay 5.tulay
(maaaring magkaiba iba ang
sagot)
E.Pagtalakay ng Integrasyon : Music
bagong konsepto at Iparinig at ipaawit ang “Bahay Kubo”
paglalahad ng Panuto: Tukuyin ang salitang tugma upang
bagong kasanayan kumpletuhin ang awiting “Bahay Kubo”. Piliin sa
#2 panaklong ang katugma ng salitang may salungguhit.

Bahay kubo kahit munti Sari-sari


Ang halaman doon ay ____________
( sari -sari, sagana, masustansya )

Singkamas at talong Sigarilyas


__________at mani
(okra, sigrilyas, patola)
Bataw
Sitaw, ________, patani.
(ampalaya, patani, bataw)
Kalabasa
Kundol, patola, upo’t _______
(talong, kalabasa, mani)
Linga
At saka mayron pang labanos, mustasa.
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid ligid ay puno ng _______
( linga,gulay,halaman)
(Hayaang bata ang tumawag ng kapwa mag aaral na
susunod na sasagot)
F. Paglinang sa Pangkatang Gawain (Differentiated Activities/ Instructions)
Kabihasaan
(Tungo sa GROUP 1
Formative
Assessment) Panuto : Tukuyin ang salitang magkatugma upang mailagay ang angkop na salitang bubuo sa
tula.Pilliin ang mga salita sa meta cards at idikit sa patlang.

Ang Hardin ni Lola


Ni: Carlyne Denise M. Begaso

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

Sa hardin ng aking lola,


Tiyak mamamangha ka,
Maraming bulaklak na makulay
Punung-puno ito ng _________.

May mga rosas na mapupula,


At mababangong___________
May gumamelang kulay dilaw,
Na kasingganda ng _________.

Mga ibon ay dumarapo,


Sa sanga ng __________
Dito sa hardin,
Sariwa ang ___________.

araw puno sampaguita hangin buhay

GROUP 2

Panuto: Tukuyin ang mga salitang magkakatugma sa pamamagitan ng pagguhit sa mga ito.

Dito sa Amin
Ni: Carlyn Denise M. Begoso

Dito sa aming tahanan,


Lahat ay nagtutulungan,
Mga ngiti iyong makikita.
Pamilya’y parating masaya.
Kayo ay magiliw na tatanggapin
Dito sa amin.

GROUP 3
Panuto: Tukuyin ang mga salitang magkakatugma. Buuin ang mga hugis upang matukoy ang
mga salitang magkakatugma, pagkatapos, humanda na basahin ito sa harap ng klase.

Bahay – Tulay tahanan - ampunan

kantina -opisina

tindahan

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

pagamutan

GROUP 4
Panuto: Tukuyin ang mga salitang magkakatugma.Pagtambalin ang mga larawan upang
matukoy ang mga salitang magkakatugma.

G.Paglalahat ng Punan ang patlang ng tamang sagot. Pillin ang salita mula sa kahon
Aralin
Ang _____________ ay mga salitang may magkamukang tunog sa ________________.
Ito ay kadalasang ginagamit sa mga panitikan tulad ng _____________at ___________.

awit , tula, tugma , hulihan

H. Pag-uugnay sa Panuto: Tukuyin natin ang salitang katugma ng mga salitang may salungguhit upang mabuo
pang-araw-araw na ang bugtong. Upang malaman ang sagot sa bugtong ay papipiliin ninyo ang bilang at unti unting
buhay lalabas ang larawan na nasa likod ng “PICTURE REVEAL”

1.Nang ihulog ko ay buto, nang hanguin ko ay __________


2.Kaisa isang plato, kita sa buong ____________
3.Dalawang batong itim, malayo ang ___________
4.Isang prinsesa nakaupo sa _________
5. Nakayuko ang reyna hindi nalalaglag ang korona

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

korona, trumpo, mundo, mararating, tasa

1.Singkamas

2.Buwan

3. Mata

4.Kasoy

5.Bayabas

I. PAGTATAYA NG Panuto : Tukuyin sa pamamagitan ng pagbilog ang mga salitang magkakatugma sa loob ng
ARALIN salawikain.

1.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


2.Kapag may tiyaga, may nilaga.
3.May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
4.Habang maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
5.Gawin mo sa kapwa mo,ang nais mong gawin sa iyo.

J .KARAGDAGANG Bumuo ng limang (5) pares ng mga salitang magkakatugma buhat sa mga pantig na nasa loob
GAWAIN PARA SA
ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
TAKDANG ARALIN
AT REMEDIATION ma lu tas lim la
sa ta bu kim ba
V. Mga Tala

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BOROL II ELEMENTARY SCHOOL

Inihanda ni:

ESTRELLITA C. CANTOR
Master Teacher I

Binigyang Pansin:

MA. EVELINA C. SAMANIEGO CARMELITA D. ESPIRITU


Pang ulong Guro III Punung Guro I
Pampurok na Tagapayo sa Filipino

Pinahintulutan:

LORELINA G. SIERRA, EdD.


Tagamasid Pampurok

Borol 2nd, Balagtas, Bulacan


104730@deped.gov.ph
(044) 308 - 2128

You might also like