Fil 10 Q1-M2 Mito NG Pilipinas

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

10

Filipino
Unang Markahan Modyul 2
Mito ng Pilipinas
Filipino – Ikasampung Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 2: Mito ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maricel O. Aperocho
Editors: Arlene C. Bagayas, Ezequil J. Orillo
Tagasuri: Evely C Frusa PhD, Prima A. Roullo, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Alou Camille B. Sabado
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE – Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero EdD, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission – REPS, Filipino
Belen L. Fajemolin PhD – CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – EPS, LRMS
Bernardita M. Villano – Division ADM Coordinator
Prima A. Roullo – EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 228-8825/ (083) 228-1893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloyna naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na
paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na
matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ipagpatuloy natin ang ating pagpapalawak sa mga kaalamang nagpapayabong ng ating


kultura’t kakilanlan. Sa Pilipinas may mga katumbas rin tayong mga kuwento na nalalapit sa mga
katangian na taglay ng panitikan sa pandaigdigang kultura. Katulad ng Mitolohiya ang
katumbas sa atin ay mga kuwentong bayan, epiko at iba pa. Sa araling ito,
ipakikilala ang mitolohiya, mga ilang halimbawa, kung paano natin nasasalamin
ang pamumuhay, paniniwala at pamamalakad ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang
panig ng mundo lalo na bansang Roma na pinagmulan nito.

Sa ating bansa ang Mito ay katumbas ng mitolohiya. Ating tuklasin sa


araling ito ang pakikipagsapalaran ni Wigan at Bugan na nagmula sa Ifugao.

Layunin: Sa pagtatapos ng araling ito, ang bawat isa ay inaasahang;


1. Nauunawang mabuti ang katuturan, kahulugan at pinagmulan ng
mitolohiya;
2. Naipapahayag ang sariling pananaw/ideya hinggil sa nabasang teksto;
3. Natutukoy ang mga pangyayaring may kaugnayan sa kasalukuyang
panahon;
4. Napapahalagahan ang mga mahalagang pangyayari, aral at paniniwala
ng ating mga ninuno;
5. Nakabubuo ng sariling akda na mula araling binasa na nagpapakita
ng kasalukuyang sitwasyon..

Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nasusuri ang kahulugan ng salita at pagkakagamit nito;


2. Naaanalisa ang paksang diwa at esensiya ng halimbawang
mitolohiya; at
3. Nagagamit ang mataas na antas ng salitang kilos sa paglalantad
ng mga pangyayari sa mitolohiya.
Subukin

Sa pagsusulit na ito ay susukatin natin ang inyong paunang kaalaman sa


darating na talakayan. Sagutan ang mga sumusunod na bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.

1. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang


labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni Psyche.
A. aksiyon B. pangyayari C. karanasan D. proseso

2. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay


Psyche.
A. aksiyon B. pangyayari C. karanasan D. proseso

3. Anong ritwal ang itinuro ng mga diyos at diyosa sa mag-asawa


upang sila ay magkaroon ng anak?
A. momma B. bu-ad C. lusong D. lakbay

4. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.


A. dagli B. alamat C. epiko D. mitolohiya

5. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan


at supernatural na mga pangyayari.
A. mito B. alamat C. epiko D. mitolohiya

6. Anong suliranin ang kinakaharap ng mag-asawang Wigan at Bugan?


A. pag-aasawa B. magka-anak C. pera D. tiwala

7. Tumawa si Bumabakker ng marinig ang suliranin ni Bugan. Ano ang


pandiwa sa pangngusap?
A. Bugan B. suliranin C. Tumawa D. bumabakker

8. Isinagawa ng mag-asawa ang na bu-ad upang sila’y


magkaanak.
A. ritwal B. tula C. bulong D. sayaw

9. Bakit ayaw lamunin ng mga hayop si Bugan? Ano ang kanilang


nakita kay Bugan?
A. matapang B. kilos C. kagandahan D. tinig

10. Sino ang nag-imbetang kumain kay Bugan?


A. Igat B. Bumaway C. Pating D. diyos
Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang
naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa
mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa
mga kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan.
Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang naninirahan sa mga bulubundukin ng
Luzon, Visayas at Mindanao.

May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan


sa kanilang epikong “Alim” kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito,
nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang
magkapatid na sina Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang
bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.

Balikan

Isa sa mga pinamanang kultura sa atin ng ating mga ninuno ay ang


mga kuwentong kanilang nabuo mula pa noong unang panahon. Sa
pamamagitan nito, tayo ay mayaman sa mga pamanang kultura hanggang
sa kasalukuyan. Isa ang mga ito sa nagbibigay ng kakilanlan sa ating
pagiging Pilipino. Tuklasin natin ang iba’t ibang paniniwala, ritwal na
kadalasang ginagawa ng mga tao upang mabiyayaan ng kanilang mga
hinihiling. Hanggang sa kasalukuyan tayo’y nanatiling naniniwala at
nagsasagawa ng mga kahalintulad na gawain.
Tuklasin

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-


bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang
nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang
mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-etniko
sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga
naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao. May
kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan sa
kanilang epikong “ Alim” kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito,
nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang
magkapatid na sina Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang
bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.

Babasahin mo naman ang isang mito mula sa Ifugao. Pag-aaralan mo


kung paano nakatutulong ang mitolohiya ng Rome sa pagpapaunlad ng
Panitikang Pilipino at kung paano nakatutulong ang pandiwa sa
pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari buhat sa binasang
mito o ng mga kauri nito. Basahin ang kuwento sa kasunod na pahina.

Inaasahang maipamamalas mo ang pag – unawa at pagpapahalaga sa mitong


“NAGKAROON NG ANAK SINA WIGAN AT BUGAN” muling isinalaysay sa Ingles ni :
Maria Luisa B. Aguilar-Cariño. Isinalin ni Vilma C. Ambat.

A. TALASALITAAN:

1. Igat – isang uri ng isda na napakadulas


2. Ritwal – sinaunag paraan sa pag-aalay sa mga diyos at diyosa.

3. Bu-ad – isang ritwal na ginagawa upang magkaroon ng anak


4. Bugan – sa salita ng Ifugao nangangahulugang babae
5. Wigan – sa salita ng Ifugao nangangahulugang lalaki
6. Momma – pagnguya ng dahon ng buyo, bunga at apog.

B. MGA GABAY NA TANONG:

1. Ano ang pagkakatulad ng mito ng mga Ifugao sa mitolohiyang Cupid


at Psyche?
2. Bakit naging suliranin nina Wigan at Bugan ang pagkakaroon ng
Anak?
3. Sa paglalakbay ni Bugan, ano ang kaniyang hinahanap? Natagpuan
ba niya ang kaniyang layunin?
4. Sa iyong pananaw, tama ba ang ginawa ng mag-asawang Wigan at
Bugan?
5. Anong aral/mensahe ang nais iparating ng nabasang mito?
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño
Isinalin ni: Vilma C. Ambat
Pinagaang paglalahad sa diyalogong anyo ni: Maricel O. Aperocho

Nag-uusap ang mag-asawang Wigan at Bugan hinggil sa kanilang problema


na hindi magkaroon ng anak.

Bugan: “Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang


asawang si Wigan. Nagpatuloy sa pagsasalita si Bugan: “Hindi man lang tayo
magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga
panalangin!”

Sumang-ayon naman ang asawa.

Wigan: “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-momma tayo at saka natin
isipin kung ano ang dapat nating gawin.”

Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesiyon si Bugan na


magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. Nakapagdesisyon si Bugan na
lumakbay.

Bugan: “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko ang mga diyos na sina Ngilin,
Bumakker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.”

Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong,


dumaan sa Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan.
Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita
siya ng igat sa lawa at tinanong siya nito.

Igat: “Saan ka pupunta Bugan?”

Bugan: “Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin,


sapagkat hindi kami magkaroon ng anak ni Wigan.”

Tumawa ang igat sa kanyang narinig.

Igat: “Huwag kang malungkot, Bugan,” wika nito. “Sige magtungo ka sa


silangan at makipagkita ka sa mga diyos.”

Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga


diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya.

Buwaya: “Tao, bakit ka naririto?”

Bugan: “Ako si Bugan ng Kiyangan, at naghahanap ako ng lalamon sa akin.


Wala kaming anak ng aking asawa”.

Humikab ang buwaya at nagsabing

Buwaya: “Hindi kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.”


Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at nakarating sa
tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang
tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika.

Bugan: “Pakiusap, kainin mo na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak.


Ayaw ko nang mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon ng anak.”

Pating: “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda mo”.


Sagot ng pating at inanyayahang kumain si Bugan.

Pating: “Halika muna sa aking tahanan at kumain; bago mo ipagpatuloy


ang iyong paglalakbay.”

Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad


patungong silangan si Bugan.

Sa wakas ay narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin,


Bumabakker, at iba pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya sa
lusong na nasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang
kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.

Bumabakker: “May naamoy akong tao”.

Lumabas siya ng bahay upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy.


Nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa kanyang lusong.

Bumabakker: “Ano’ng ginagawa mo dito, Bugan?” tanong niya habang


kinikilala kung si Bugan nga iyon.

Bugan: “Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin
kami nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan.

Bumabakker: “Kahibangan.! Halika, hanapin natin si Ngilin at kung


nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker habang natatawa sa narinig..

Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong


baboy, manok at kalabaw.

Mga diyos: “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka namin


tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani
at pamumuhay.” Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan.

Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa


pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at
pinasalamatan ang kanilang mga diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang
mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa
sinapupunan ni Bugan.
Gawain 1- A: Pagtatapat-tapatin

Hanay A Hanay B

1. Igat A. sa salita ng Ifugao nangangahulugang babae


2. Ritwal B. sa salita ng Ifugao nangangahulugang lalaki
3. Bu-ad C. isang ritwal na ginagawa upang
magkaroon ng anak
4. Bugan D. isang uri ng isda na napakadulas
5. Wigan E. sinaunag paraan sa pag-aalay sa mga
diyos at diyosa

B. Talakayin natin!

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa binasang kuwento.


Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan sa ibaba.

6. Ano ang pagkakatulad ng mito ng mga Ifugao sa mitolohiyang Cupid


at Psyche?
Sagot:

7. Bakit naging suliranin nina Wigan at Bugan ang pagkakaroon ng


Anak?
Sagot:

8. Sa paglalakbay ni Bugan, ano ang kaniyang hinahanap? Natagpuan


ba niya ang kaniyang layunin?
Sagot:

9. Sa iyong pananaw, tama ba ang ginawa ng mag-asawang Wigan at


Bugan?
Sagot:

10. Anong aral ang nais iparating ng nabasang mito?

Sagot:
Suriin

Alam mo ba na... iba’t iba ang gamit ng pandiwa? Ginagamit ito sa


pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari. Gamit ng Pandiwa:

1. Aksiyon
• May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng
aksiyon/kilos.
• Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um,
ma-, mang-, maki-, mag-an.
Halimbawa ng mga panlapi kapag ikinabit na sa salitang-ugat:
a. Tumakbo (takbo + -um) si Bugan papalayo sa pating.
b. Maalis (alis + ma-) ang Igat sa putik.
c. Manguha (kuha + mang-) ng prutas si Bugan.
d. Maki-inom (inom+maki-) si Ana ng tubig.
e. Maghatakan (hatak + mag-an) kami sa tubigan.
• Maaaring tao o bagay ang aktor.
Ginagamit din na pantukoy na pananda upang
makilala ang aktor ang sumusunod: Ang, Ang mga, Si,
at Sina.

Halimbawa:
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.

Pandiwa Naglakbay
Tumalima
Aktor Si Bugan
Si Psyche
2. Karanasan

• Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin.


Dahil dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.
Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon.
Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.

Halimbawa:

a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.


b. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.

Karanasan Tumawa
Nalungkot
Aktor Si Bumabbaker
Ang lahat
3. Pangyayari

• Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

Halimbawa:
a. Kumukulo ang dugo ni Venus sa nakikita niya sa paligid.
b. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

Pandiwa Kumukulo
Nalunod
Pangyayari sa nakikita niya sa paligid
Sa matinding baha

Gawain 1: Tukuyin mo!

Nauunawaan mo na ang iba’t ibang gamit ng pandiwa bilang aksiyon,


karanasan, at pangyayari. Isagawa mo ang sumusunod na pagsasanay upang
mahasa ang iyong kasanayan kung paano mo mabisang magagamit ang pandiwa.

Gawain 1: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel. Isulat sa


patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksiyon,
karanasan, o pangyayari.

1. Ginawa ni Bugan ang lahat upang matugunan ang kanilang


suliranin.

2. Labis na nalungkot si Bugan sa hindi pagkakaroon ng anak.

3. Natawa si Bumabbaker sa narinig niyang suliranin ni Bugan.

4. Humanga ang lahat sa kagandahan ni Bugan.

5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus


kay Psyche.

6. Patuloy na naglakbay si Bugan upang marating ang tahanan ng


mga diyos.

7. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.

8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan ng


puno.

9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.

10. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.


Pagyamanin

GAWAIN 1. Hamon sa Pag-unawa


Sagutin ang mga tanong.

1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong Ifugao?

Sagot:

2. Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit?


Sagot:

3. Ano ang kultura ng mga Pilipino na masasalamin sa mitong ito?

Sagot:

4. Paghambingin ang mga tauhan, pangyayari at mensahe sa mitolohiyang “Cupid


at Psyche” at “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan.” Sagutin sa tulong ng
dayagram.

Cupid at Psyce Nagkaroon ng anak


sina Wigan a Bugan

Pagkakatulad

5. Batay sa iyong nabasa, masasabi mo bang may impluwensiya na ang mga


mitolohiya ng mga taga-Rome sa mga mitolohiya ng Pilipinas? Pangatuwiranan ang
sagot?
Sagot:
Isaisip

PANDIWA – nagsasaad ng kilos o gawa.


GAMIT NG PANDIWA – Ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan at
pangyayari.
AKTOR/TAGAGANAP NG KILOS:
- Ito ang siyang tagaganap ng kilos o gawa, maaaring tao o bagay.
- Mas madaling matuukoy kung ano ang gamit ng pandiwa sa loob ng pangungusap
kapag una mong makita ang pandiwang ginamit at kung sino ang gumaganap ng
pandiwa o kilos.
- Tukuyin din ang koneksiyon ng pandiwa at aktor sa iba pang salita na nasa loob
ng pangungusap para sa mabulis na pagtukoy sa gamit nito.

Isagawa

Gumawa ng isang pagsasalaysay sa pamamagitan ng Story Map.


Gamitin ang nabasang mito na “Nagkaroon ng anak sina Wigan at Bugan”.
Tiyaking may pandiwang ginamit sa bawat pangungusap.

Narito ang mga nilalaman ng bawat bahagi ng banghay upang


magabayan kayo sa pagbuo ng sagot.

Pamagat - ilagay ang pamagat ng kuwentong binasa.


Tauhan – sa bahaging ito kinikilala ang mga gumaganap sa kuwento.
Tagpuan - dito inilalarawan ang lugar at panahon sa akda.
Suliranin - sa bahaging ito inilalahad ang problema na kinakaharap ngtauhan.
Saglit na Kasiglahan- sa bahaging ito tumataas ang galaw o kilos ng mga
tauhan
Tunggalian - dito pinapakita ang problema o suliranin sa akda na siyang
Kasukdulan - sa bahaging ito ipapakita ang mataas na bahagi
ng kapananabikan na sanhi ng madamdamin o maaksyongpangyayari sa
buhay ng mga tauhan.
Kakalasan - ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa
mga pangyayari sa akda.
Katapusan – ang kahinanatnan ng mga tauhan sa bahaging ito makikita.
Tayahin

Basahin nang maayos ang bawat tanong at sagutin ng wasto. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan


at supernatural na mga pangyayari.
a. Mito b. Alamat c. Epiko d. mitolohiya

2. Anong suliranin ang kinakaharap ng mag-asawang Wigan at Bugan?


a. pag-aasawa b. magka-anak c. Pera d. tiwala

3. Tumawa si Bumabakker nang marinig ang suliranin ni Bugan. Ano


ang pandiwa sa pangngusap?
a. Bugan b. Suliranin c. Tumawa d. bumabakker

4. Isinagawa ng mag-asawa ang na bu-ad upang sila’y


magkaanak.
a. Ritwal b. Tula C. Bulong d. sayaw
5. Bakit ayaw lamunin ng mga hayop si Bugan? Ano ang kanilang
nakita kay Bugan?
a. Matapang B. Kilos C. Kagandahan D. tinig

6. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang


labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni Psyche.
a. Aksiyon b. Pangyayari c. Karanasan d. proseso

7. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay


Psyche.
a. Aksiyon b. Pangyayari c. Karanasan d. proseso

8. Anong ritwal ang itinuro ng mga diyos at diyosa sa mag-asawa


upang sila ay magkaroon ng anak?
a. Momma b. bu-ad c. Lusong d. lakbay

9. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.


a. Dagli b. Alamat c. Epiko d. mitolohiya

10. Sino ang nag-imbetang kumain kay Bugan?


a. Igat b. Bumaway c. Pating d. diyos
Karagdagang Gawain

Magsalaysay ng isang mito na alam na o narinig at gawan ito ng buod.

Susi ng Pagmamarka

Kailangan pa
Pamantayan Magaling (10 Katamtaman ng higit na Kabuuan
puntos) (8puntos) kasanayan
(6 puntos)
Tumpak na
Tama ang Hindi tama ang
tumpak ang
Nilalaman nilalaman na nilalamanna
nilalamang
inilagay sa inilagay sa
inilagay sa
bawat kahon. bawat kahon.
bawat kahon.
Angkop na
Angkop ang Hindi angkop
angkop ang
pandiwa na ang pandiwa
Paggamit ng pandiwa na
ginamit para na ginamit
pandiwa ginamit para
ilarawan ang para ilarawan
ilarawan ang
panahon at ang panahon
panahon at
lunan. at lunan.
lunan.
Isinasaalang ang Hindi
Nagagamit ang
wastong paggamit nagagamit ang
tamang salita,
Gramatika ng salita, bantas at tamang salita,
bantasat
mekaniks sa bantas at
mekaniks sa
pagsulat. mekaniks sa
pagsulat.
pagsulat.
Susi sa Pagwawasto

10. C 10. c
9. D 9. C
8. B 8. A
7. A 7. C
6. C 6. B
5. C 5. C
4. A 4. D
3. C 3. B
2. B 2. A
1. A 1. C
Tayahin Subukin

Sanggunian
Ambat, Vilma C. et.al Panitikang Pandaigdig 10: Modyul ng mag-aaral sa Filipino.
Pasig City: Instructional Materials Council Secreriat (DepEd-IMCS), 2015.

Nagkaroon ng anak sina Wigan at Bugan.youtube.com


PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito
ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng
puna, komento at rekomendasyon.

You might also like