Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

GRADE 12 OB – Humanities

Naririto ang mga gabay na katanungan tungkol sa papel pagsusuri sa sanaysay na Suson Susong Suso ni Jing
Panganiban Mendoza.

1. Suriin ang teksto. Ipaliwanag ang ugnayan ng persona ng sanaysay, ang lalim at pagpapalawak ng karanasan ng
persona at ang pangunahing tema na tinatalakay nito.
2. Paano tumatawid ang usapin ng seksismo sa konstruksyon ng pamantayan ng kagandahan? Paano ito nagiging
instrumento sa pagpapanatili ng mga ideolohiyang pangkasarian (gender ideology).
3. Paano nito naitatakda ang mga umiiral na relasyong pangkasarian? Paano ito humahantong sa pagpapanatili at
pagpapalaganap ng mga problemang kinahaharap ng kababaihan sa lipunan (i.e. objectification, gender based
violence, misogyny).
4. Paano nagsisilbing locus o pinagmulan ng hindi pantay na pagtingin sa mga kasarian ang labis na pagkahumaling
sa pisikal na kagandahan? Magbigay ng iba't ibang manipestasyon at halimbawa sa lipunang Filipino. Maaaring
iugnay din dito ang mga advertisement na tinalakay sa klase, at ang talakayan sa aestetika upang maging mabenta.
5. Mula sa tema ng sanaysay, paano maiuugnay ang ideya ng susocentrismo sa pagsasakapangyarihan ng
kababaihan? Gumamit ng mga mahahalagang datos.

Paalala: Gumamit ng mga kaugnay na pag-aaral. Sumangguni sa mga mapagkakatiwalaang mga pag-aaral at
sanggunian. Narito ang ilan sa mga babasahin na pwedeng magamit ngunit huwag lamang malimitahan dito.

Format: TNR 12, double spaced. Walang takdang limit. May kalayaan sa pamamaraan sa pagsulat ng pagsusuri.
Gabay na tanong lamang ang aking ibinigay.

Deadline: Setyembre 30, 2019. Oras ng klase. Hindi tatanggapin ang huling pagpapasa.

You might also like