Professional Documents
Culture Documents
Local Media1899147245613624392
Local Media1899147245613624392
Local Media1899147245613624392
Florante: Ama ko! Ama ko! Bakit kaya ikaw pa ang naunang nasawi at ako’y
inulila sa gitna ng sakit para kong nakikita ang malupit na parusa sa iyo ng
taksil na si Adolfo.
Para ko pang naririnig dito, aking ama, ang iyong panambitan at dalangin na
ako sana ay maligtas na lamang sa paghihiganti ni Konde Adolfo!
Florante: Ay, mahal kong Laura, paalam na ang abang sinta mong kinulang
palad. Gayon man ay hinangad ko rin ang iyong kaligayahan, madurog man
ang aking mga laman at buto, Laura, ikaw pa rin ang mamahalin ko.
2
Florante: Paalam, Albanyang pinamamayanihan ng lupit at kaliluhan. Malaki
ang aking panghihinayang sa iyo. Pagkabata ko na’y wala akong inadhika
kundi, ang ikaw ay paglingkuran at gugulin sa iyo ang aking dugo. O, Albanya
huwag mo lamang sanang ipahamak ang aking Laura.
Florante: Nasaan ka, laura, sa ganitong hirap? Halina, giliw ko’t gapos ko’y
kalagin kung mamamatay ako’y gunitain mo rin……- hala? Sino? Sa aba ko’t
nasa Morong kamay!
3
Florante: Kung di mo sana kinalag sa puno ng kahoy. Nalibing na sana ako sa
tiyan ng Leon. O, bakit mo pa ako niligtas at di hinayaang malagot ang aking
buhay?
Ang pangalan ko’y Florante at ako’y nakatira sa Albania. Ang ama ko’y si
Duke Briseo at ang mahal kong ina ay si Prinsesa Floresca mula sa Krotona.
4
Nang ako naman ay tumuntong sa ikalabing-isang taong gulang ay pinilit ni
ama na akoy mag-aral sa Atenas.
5
Duke Briseo: Mas maraming kaalaman ang kanyang matututuhan
Sa Atenas na lungsod ng karunungan
Kaya sinta kong Floresca, ikaw ay Huwag mabahala
Ito ay para sa ikakabubuti niya
………………….
6
Florante: Ayaw kong iwanan ang bayan kong Albanya lalo na’t mapapalayo
ako sa aking pinakamamahal na ama’t ina.
Antenor: Huwag kang mag-aalala Florante, ako muna ang kukupkop sa iyo
habang nag-aaral dito, lilipas rin ang lungkot mo, halika Florante at
magugustuhan mo dito sa Atenas sapagkat magkakaroon ka dito ng
maraming kaibigan at matututo ka ng lubos sa paaralan
7
Antenor: Mahusay ka Florante, nakita ko na ikaw ay magaling pala sa
Pilosopiya, Astrolohiya at Matematika
8
(dadating si Menandro at ililigtas si Florante)
(papasok si antenor)
9
Antenor: Florante, lagi mong tatandaan kung ang isasalubong sa iyong
pagdating ay masayang mukha’t paggiliw, lalong pag-ingata’t kaaway na
Lihim, siyang isaisip na kakabakain, mag-iingat ka kay Adolfo munting ginoo.
Muli kayong magkakasama sa isang lugar kahit pa malawak ang Kahariang
Albanya siguradong landas niyo’y muling magkikita. Huwag mong
kalilimutan na ang puso niya’y puno na nang inggit at poot mula sayo,
Datapwat huwag kang magpapahalata, tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa
Sasandatahiy Lihim na ihanda nang may maipagtatanggol sa araw ng digma.
Kamag-aral: Paalam!
10
Humihingi ng tulong ang pakay nila
Nanganganib na itong sakupin
Ni heneral Osmalik ng Persiya.
Linceo: O Duke (titingin kay Florante) Sino ito at saang syudad nanggaling?
Mukha siyang isang bunying gerero.
11
Patunayan mo na ikaw ang matapang na gerero na magsasabi sa buong
mundo ng kapanyarihan ng haring Linceo.
12
Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng tatlong gabing piging
(digmaan)
Lahat: MABUHAY!
13
Hari ng Krotona: Ikinalulugod ko kayo’y naparito at ipinanalo ang digmaan
Florante: O, Laurang aking sinta, ikay huwag ng lumuha naririto ako upang
iligtas ka
14
Laura: O, Floranteng aking irog, salamat at akoy niligtas mula sa kamay ng
morong kalaban
Laura: Florante iyo ring iligtas, ang ama ko’t ama mo kasama na ang iba pang
taga-Albanyang nabilanggo.
………………
Ako si Aladin ng Persya. Ako ay anak ni sultan Ali-Adab. Ako ay isang gerero
na nakaranas at nakipaglaban sa napakaraming digmaan, ngunit ako’y hindi
naghirap dito, dahil wala nang mas hihirap pa sa pagkuha sa babaeng
minamahal ko, sa pagkuha sa kanya ng aking sariling ama.
Oo nga’t sinakop naming ang Albanya ngunit hindi kami nagtagumpay, kaya
ako’y bumalik sa Persya nang hindi kasama ang aking hukbo
15
Sultan Ali-Adab: Ano ang dahila’t ika’y naparito
Iyong iniwan ang Albanya at hukbo?
Ika’y nasa gitna ng dIgmaan
Kaya’t sa iyong pag-uwi ano ang kadahilanan
…………..
Aladin: Ano yun sino iyong nagsasalita?
16
Tagapagsalaysay: Sa madilim na parte ng kagubatang Albanya
Mapagnasang si Adolfo’y kabig-kabig si Laura
17
Ngunit isang pana ang tumama
Tumalima sa dibdib ng Adolfong taksil
Na sa buhay nito ay siyang kumitil
Laura: Laura naman ang aking ngalan at huwag kang mag-alala sa aking
kalagayan
Ako ang siyang prinsesa ng Reynong Albanya anak ni Linceong Tubong
Krotona
Flerida: Nung nalaman kong pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa
bilangguan, dumapa ako sa paanan ng masamang sultan. Hiniling na si
Alading aking irog ay pakawalan at huwag pugutan kapalit nito’y pagpayag
ko sa isang kasunduan, ito ay ang pakasalan ang sultang sukaban.
Nung araw ng kasal namin ng sultan ako ay nakatakas dahil aking ginamit
ang kasuotan ng isang gerero upang hindi makilala ng kahit sino man. Ilang
taon rin akong nagpagala-gala rito sa kagubatan hanggang sa maabutan
kitang muntik nang pagsamantalahan.
18
Laura: Maraming salamat sa iyong kabutihan
Nang dahil sa iyo buhay ko’y naligtas mula kay Adolfong puno ng kasamaan.
Flerida: O Aladin!
Florante:O salamat sa diyos at ika’y ligtassalamat din Flerida dahil puso moy
likas
Ako ngayo’y panatag na pagkat ika’t matiwasay
At dahil rin kay Aladin na nagligtas ng aking buhay
19
Gayon na lamang ang tuwa, ng isang moro ang sumagupa
Sa mabangis na Leon na tila handa
20
(uuwi sa kaharian)
THE END!
21