Final Portfolio in Reading and Writing 1 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SandaanG Damit

Fanny Garcia

Ipinasa ni:
FELICIDARIO JR F.

Ipinasa kay:
Bb. Aivy Lorraine B. Rue
UNANG PAGSUSURI

PAMAGAT: SANDAANG DAMIT

I. Introduksyon
A. Maikling Talambuhay ng May-Akda

.Si Fanny A. Garcia (ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na ngayon ay


Malabon City) ay siyang guro, manunulat, mananaliksik, editor, at tagapag- salin. Nagtapos siya sa
University of the Philippines-Diliman. Siya ay nagwagi ng 2005 National Book Award para sa
Autobiography ng Manila Critics Circle para sa librong Erick Slumbook: Paglalakbay Kasama ang
Anak Kong Autistic (2004).
Si Fanny A. Garcia ay isa ring premyadong manunulat sa Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature sa mga kategoryang maikling kwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong
pambata. May labindalawa na siyang libro kasama na ang bersyong Ingles na "Journeys with My
Autistic Son (2009)." Sa kasalukuyan (2012), nagtuturo siya sa De La Salle University-Manila at sa
University of the Philippines-Diliman. Nakapagturo na rin siya noon sa Philippine Science High
School.

B. Pagkilala sa Akda o Kwento


1. Kailan nailathala

Isinilang sa kasalukuyang Malabon City noong Pebrero 26, 1949, siya ay isang guro,
manunulat (fictionist, essayist, sclriptwriter), editor, mananaliksik, at tagapagsalin. Nagtapos siya sa
University of the Philippines-Diliman ng PHD sa Malikhaing pagsusulat. Nakapaglathala na siya ng
anim na libro: Sandaang Damit at Iba Pang Maikling Kuwento (1994); Apartment 3-A Mariposa
St. (1994); Pitong Teleplay (1995), co-editor; Apat na Screenplay (1997),
co-editor; Erik Slumbook: Paglalakbay Kasama Ang Anak
Kong Austistic (2004), Family Album (2005).

2. Tungkol saan ang akda

Ito ay tumutukoy sa batang mahirap na nakakaranas ng discrimination laban sa mga


Kaklase sa loob ng paaralan dahil sa pisikal nitong kaanyuan at kalagayan. Isang bata na lumaki sa
hirap na hangad lamang ay makapag aral ng maayos at nais mag karoon ng magandang buhay tulad
ng iba. Ang istoryang ito ay nag hahangad sa mga istyudyante na tumigil na sa pang aabuso, sa
panahon ngayon ay maraming mga kabataan ang nang aabuso ng kapwa nila istudyante.

II. Pagsusuri ng Mahalagang Tauhan

A. Pagkilala sa mga Tauhan


Ang mga tauhan sa kwentong binasa ay nag papakita kung paano sila manghusga sa labas
na kaanyuan sa kanilang kapwa kung ano ang nakikita nilang pangit sa kapwa nila ay ito na ay
kanilang huhusgahan at pag tatawanan ang nakakalungkot pa dito ay nag mula pa ito sa paaralan.
Ang batang mahirap na gusto lang mag aral ay nahusgahan ng mga kaklase nito dahil sa kalagayan o
estado sa buhay. Ang batang mahirap ay mabuting tao pati narin ang kanyang ina nangangarap ang
bata na mag karoon sya ng maraming damit at mga bagong gamit.

B. Tagpuan
Paaralan

Tahanan

C. Simbolismo ng Pangunahing Tauhan


Ang batang mahirap ay isang mabuting mag aaral na nais lamang mag aral sya ay
nakakaranas ng panunukso sa loob ng paaralan dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan at kalagayan sa
buhay. Siya ay may magandang talento dahil ayun sa kwento ang batang mahirap ay marunong mag
drawing at naka dikit pa ito sa ding ding ng tahanan nila.

III. Sulyap sa Suliranin

A. Problema
Ang pangunahing problema sa binasang kwento ay ang mga panunukso ng mga mag aaral sa
kapwa nila mag aaral, pangalawa ay ang hindi pa gaano katanggap ng batang babae ang kanilang
katayuan sa buhay kayat nahihiya sya sa mga kamag aral nya na makisabay kumain sa mga ito.
B. Tunggalian

Nung panahong ilang araw hindi pumasok ang Batang mahirap doon nag pasya ang mga mag
aaral at ang guro nya na puntahan sya sa kanyang tahanan dahil nag aalala na sila dito kung bakit hindi
siya pumapasok sa ganong kahabang araw, Pag dating nila sa bahay ng batang mahirap ang nakita nila
ay ang bahay na tagpi tagpi at sa pintuan nito ay ang ina ng bata na pinapasok sila. Hindi agad nila
napansin ang bata kundi ay yung mga drawing sa ding ding na naka drawing, ito yung mga sinabi
nyang tinatago na damit sa bahay nila at ito pala ay drawing.

IV. Buod

May isang batang mahirap na laging tahimik tuwing napasok sa paaralan nahihiya ito sa mga
kamang aral niya dahil sa kanyang istado sa buhay na mahirap. Lagi siyang binubully ng mga kamang
aral nya dahil sa mga suot nyang luma na at mukang matagal na, sa tuwing nag kakainan sila lagi nyang
itinatago ang kanyang baon dahil dahil nahihiya sya sa mga kaklase nya na mamasarap ang baon na
puro sandwich at keyndi, kakain sya pero patago. Isang araw lumaban ang batang mahirap sa mga nang
aabuso sa kanya dahil sa nga sa suot nyang luma na at mukang matagal na ang sabi nya ‘’ Maraming
akong damit sang daan ang dami’’ ang sagot naman ng mga kaklase nya ‘’ Hindi kami naniniwala
ipakita monga saamin’’ Ang sagot naman ng batang babae ‘’ bawal dalhin dito dahil ayoko masira at
hindi ako nag paalam kay mama. At doon nanya inilarawan kung anong klase ang kanyang mga damit
sa bahay nila. Isang araw hindi nalang pumasok ang batang mahirap at sumunod pa ang ilang araw ay
wala parin siya, nag aalala na ang mga kaklase nya at guro nya kayat pinuntahan nila ito sa bahay nila.
Pag dating nila doon nakita ang isang babae na nanay ng bata at pinapasok sila nakita nila na tagpi
tagpi ang bahay at maliit, hindi agad nila napansin ang bata na kaklase nila na ito palay may sakit, ang
napansin nila ang mga drawing sa ding ding na sang daang damit na inilalarawan ng batang mahirap,
Ang mga inilalarawan pala ng bata ay isang drawing.

V. Pansariling Reaksiyon
A. Bakit ito dapat basahin o di-basahin?

Marapat lamang na basahin ito lalo na ang mga kabataan ngayon dahil maraming mga mag
aaral ang nakakaranas ng pang aabuso o mga bullying sa loob at labas ng paaralan. Ang kwentong ito
ay mag bibigay inspirasyon at mag bibigay turo sa mga mag aaral kung bakit masama ang pang aabuso
o bullying. Marami rin sa mga kabataan ngayon ang nahihiya sa kanilang istado sa buhay dahil mahirap
lang sila, maraming mga kabataan ngayon ang hindi pa ganoon kasapat ang isipan para unawaan ang
mga sitwasyon sa paligid nila, maramapat lang na basahin nila ito dahil sa pamamagitan nito malilinang
o mabubuksan ang isip ng mga tao sa kung ano ang totoong nangyayari sa kapaligiran natin.
B. Ano ang natutuhan mo na gusto mong maisabuhay?
Bilang isang mag aaral natutunan ko sa kwentong ito na iba iba tayo ng istado sa buhay hindi
lahat ng mga nakikita nating tao ay nakaka luwag luwag sa buhay, iba iba rin tayo ng pinag dadaanan
may mga taong maraming problema minsan hindi pa nila nakakayanan ang problemang dumarating sa
kanila pero patuloy parin sila sa pag usad. Ako bilang mag aaral marapat ko na dapat hindi ako
humusga sa kung ano ang pisikal na kaanyuan ng kamag aaral ko o kahit mga nakakasalamuha ko dahil
iba iba kami ng istado at pag unawa sa bawat isa. Sa panahon ngayon kailangan natin maging mature
dahil maraming mga tao ang hindi marunong umintidi kung ano ang pinag dadaanan ng iba sa
pamamagitan ng mature ng pag iisip mauunawaan natin na kailangan natin silang intindihin sa mga
bagay na pinag dadaanan nila.

You might also like