EsP7 Q3 ASSESSMENT ANSWER KEY

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Malaybalay City
MALAYBALAY CITY DISTRICT III
Bukidnon National High School, Malaybalay City

Name: ____________________ Score: ___________


Grade & Section: ____________________ Date: ____________
Teacher: ____________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa patlang.
_____ 1. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa
kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
A. Kalayaan B. Karunungan C. Katarungan D. Katatagan

_____ 2. Ano ang tawag sa unang hakbang sa paghubog ng mga birtud sa pamamagitan ng paulit-ulit na
pagsasagawa ng mga kilos na may pagsisikap?
A. Gawi B. Kamalayan sa mga kahinaan C. Pagsasanay D. Pagsasabuhay

_____ 3. Alin ang HINDI katangian ng ganap na halagang moral?


A. Mithiing tumatagal at nananatili
B. Pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga
C. Pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao
D. Prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa kanyang pang-araw araw na
buhay

_____ 4. Sino ang bumuo ng hirarkiya ng mga pagpapahalaga na tinatawag na ordo amoris o order of the
heart?
A. Fr. Dela Torre B. Manuel Dy C. Max Scheler D. Santo Tomas

_____ 5. Ano ang kahulugan ng karunungan?


A. Mapilosopiyang pangangatwiran
B. Pagmamahal sa tamang pangangatwiran
C. Pagkakaroon ng maraming alam sa ibat-ibang larangan
D. Kakayahang humatol ng tama at gawin ang mabuti ayon sa nauunawaan.

_____ 6. “Ang lahat ng mga birtud ay hindi maisasakatuparan kung walang karunungan”, ito ay ayon kay?
A. Aristoteles B. Buddha C. Lockyer D. Socrates

_____ 7. Ito ay birtud na nagpapakita ng paghihinay-hinay upang hindi mahumaling sa kasarapan o kasiyahan.
A. Payak na Pamumuhay B. Pagtitimpi C. Kababaang Loob D. Karunungan

_____ 8. Aling yugto ng kababaang loob naipamalas ng tao ang matapat na pag ganap ng kanyang tungkulin?
A. Abundant Humility B. Sufficient Humility C. Super Abundant Humility D. Extraordinary Humility

_____ 9. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa pagpapahalaga (Values)?
A. Nagmumula sa salitang latin na valore.
B. Obheto ng ating intensyonal na damdamin.
C. Nagbabago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
D. Nangangahulugang pagiging matatag o malakas o pagiging makabuluhan.

_____ 10. Ang mga pagpapahalagang kultural na panggawi ay may katangiang nakagawiang kilos o asal na
katanggap-tanggap sa lipunan. Ano ang halimbawa nito para sa ating mga Pilipino?
A. Pagmano sa mga nakatatanda B. Paggalang sa buhay ng tao
C. Pagiging makatarungan D. Pagkakaroon ng katapatan
_____ 11. Alin ang HINDI nakapaloob sa mga hakbang ng praktikal na karunungan?
A. Pag-aralan ang ebidensiya B. Isakilos ang napagpasyahan
C.Makita ang mga pangangailangan D. Makinig sa payo ng may mga karanasan

_____ 12. Si Dra. Rania Reeda Bahjin ay isang doctor sa malayong Isla ng Sulo ngunit pinili pa rin niya ang
manggamot sa mga taga-Sulu. Anong birtud ang ipinakita niya?
A. Pagtitimpi B. Kababaang Loob C. Payak na Pamumuhay D. Wala

_____ 13. Kabilang ka sa group chat ng inyong klase. Dito ninyo ipinagpapatuloy ang inyong ugnayan at
komunikasyon matapos ang oras sa paaralan. May mga kamag-aral ka na gumagamit ng mga salita
tulad ng pagmumura, malaswa o bastos at panlalait na naging dahilan ng kanilang pag-aaway.
Ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin ko ng personal ang mga nagmumura upang sabihing ihinto na ito
B. Sasabihin ko sa aking mga magulang ang nangyayari upang maaksyunan nila ito
C. Hahayaan ko ang class president na pagbitiin ang mga nag-aaway na kamag-aral
D. Kukunsultahin ko an gaming gurong taga payo kung ano ang pinakamabuting gawin

_____ 14. Alin sa mga birtud ang binibigyang halimbawa sa makabagong katagang “Think Before You Click”?
A. Katatagan B. Karunungan C. Maingat na Paghuhusga D. Pagtitimpi

_____ 15. Si Renato ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil sa labis na
suporta na kanyang natatanggap sa kanyang mga magulang ay hindi na siya nagtatrabaho at
lumalabas siya palagi kasama ang kanyang mga magulang upang mag-inom at magsugal. Nasa anong
antas ng pagpapahalaga si Renato?
A. Banal na Halaga B. Ispiritwal na Halaga C. Pambuhay na Halaga D. Pandamdam na Halaga

_____ 16. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Henry, inilaan niya ang kanyang panahon sa pagtulong at
pagbahagi ng kanyang kayamanan sa mga batang lansangan. Nasa anong antas ng pagpapahalaga
si Henry?
A. Banal na Halaga B. Ispiritwal na Halaga C. Pambuhay na Halaga D. Pandamdam na Halaga

_____ 17. Paano mo maipapakita ang birtud ng pagtitiwala sa sarili?


A. Pagtanggap ng kahinaan B. Pagtanggap ng sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo
C. Pagtanggap ng iyong sarili batay sa reyalidad D. Pagtanggap ng katangian na gustong makamit

_____ 18. Ano ang iyong gagawin upang matawag mo ang iyong sarili na tunay na marunong?
A. Sa pagiging mayabang B. Sa pagiging madaya
C. Sa pagiging maramot D. Sa pagiging maunawain

_____19. Dahil sa labis na katabaan, Si Lenilou ay nagdesisyong magbawas ng timbang sa pamamagitan ng


pag-ehersisyo at pagkontrol sa kanyang pagkain. Inimbitahan siya ng kaarawan ng kanyang kaklase at
maraming nakahandang pagkain na magiging balakid sa kanyang planong pagbabawas-timbang. Hindi
siya kumakain sa mga pagkain na sa tingin niya ay makakasira sa kanyang mithiin. Anong uri ng birtud
meron siya?
A. Kababaang-loob B. Pagmamahal C. Pagtitimpi D. Payak na Pamumuhay

_____ 20. Si Mark ay kontento sa kung anong mga bagay na meron siya at hindi siya sumusunod sa mga
bagay na pinagkakahumalingan ng mga tinedyer na katulad niya. Anong uri ng birtud ang
isinasabuhay niya?
A. Kababaang-loob B. Pagmamahal C. Pagtitimpi D. Payak na Pamumuhay

_____ 21. Ang sumusunod ay mabisang paraan upang malampasan ang tukso na humahadlang sa paghubog
ng mga birtud maliban sa;
A. Pagkilala sa sitwasyong pinagmulan ng tukso
B. Pagtiwala na lilipas din ang nararanasang tukso
C. Pagkunsolta sa mga taong may alam sa mabuting pamumuhay
D. Paghingi ng gabay ng Panginoon sa pamamagitan ng regular na panalangin
_____ 22. Sinasanay ni Ode ang kanyang sarili na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Kahit
nahihirapan siya,ipinagpatuloy parin niya ang pagsusumikap na gumawa ng mabuti. Anong uri ng
birtud ang hinuhubog niya?
A. Birtud bilang gitna B. Intelektwal na Birtud C. Moral na birtud D. Teolohikal na birtud

_____ 23. May pagsusulit sa klase at napansin ni Vida na hindi nagsusulat at putlang-putla ang kanyang
katabi dahil sa matinding sakit ng tiyan. Sinabihan niya ang kanyang guro at nagboluntaryong dalhin ito
sa klinik. Anong Teolohikal na birtud ang ipinamamalas ni Vida?
A. Pag-asa B. Pagmamahal C. Pagmamalasakit D. Pananampalataya

_____ 24. Sa kabila ng mga paghihirap at paghihikahos ng pamilya ni Mang Berting, nananatili parin siyang
matatag at nananalig sa Panginoon na makaahon sila sa hirap. Anong uri ng birtud ang naipamalas ni
Mang Berteng?
A. Pag-asa B. Pagmamahal C. Pagmamalasakit D. Pananampalataya

_____ 25. Tinatawag na “ordo amoris o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga dahil;
A. Ang puso ng tao ang unang pairalin at hindi ang isip
B. Ang puso ng tao ay may sariling katwiran na hindi mauunawaan ng isip
C. Ang puso ng tao ay may kakayahang magpahalag sa mga bagay na may kabuluhan
D. Lahat ng nabanggit

_____ 26. Ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay ng tao. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Hindi nagbabago ang pagpapahalaga lalo na ang nasa higit na mataas na antas
B. Ang Pagpapahalaga ay maaaring para sa lahat o para sa sarili lamang
C. Ang pagpapahalaga ay nagbibigay ng direksiyon sa buhay tao
D. Ang pagpapahalaga ay dapat maging makatarungan

_____ 27. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama?


A. Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga hindi lang ang halaga ang
nasisira kundi pati ang taong hindi tumutugon dito
B. Kahit pa napabayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil sa pagtulong sa kapwa,
nananatili paring mabuti ang kanyang gawain
C. Ang sinuman ay may sapat na kakayahang bumuo ng kanyang sariling pagkatao at magkamit ng
mataas na antas ng halaga
D. Ang lahat ng tao ay nagtatagumpay sa pagtugon sa bawat pagpapahalaga

_____ 28. Ang pagpapahalaga ay nilalayong makamit ng isang tao. Ano ang kahulugan nito?
A. Ang pagpapahalaga ay nagmula sa tao
B. Ang pagpapahalaga ay mabuti sa lahat ng tao
C. Ang pagpapahalaga ay sumasaibayo sa isa o maraming indibidwal
D. Ang pagpapahalaga ay nagbibigay direksyon sa buhay ng tao

_____ 29. “Nararamdaman ng taong may karunungan ang damdamin ng kanyang kapwa.” Ano ang ibig
sabihin ng pangungusap na ito?
A. Ang tao ay pinagkalooban ng kakayahang dumama
B. Ang tao ay nakakaisip ng mabuti dahil siya ay may damdamin
C. Ang tao ay nakapaglilingkod batay sa pagkadama niya sa damdamin ng kapwa
D. Ang tao ay nalalaman ang kanyang layunin

_____ 30. Alin sa mga pangungusap ang katotohanang nagbabago?


A. Ikaw ay nilikha sa wangis ng Diyos
B. Ikaw ay minamahal
C. Ikaw ay may magandang kinabukasan
D. Ikaw ay may kalakasan

_____ 31. Kung ikaw ay overweight, makatuwiran lang na iwasan mo ang mga pagkaing matamis o mataas ang
calories. Anong uri ng moral na birtud ang iyong pinapaunlad?
A. Katatagan B. Katarungan C. Maingat na Paghuhusga D. Pagtitimpi
_____ 32. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian ng mataas na antas ng pagpapahalaga?
A. Mas tumatagal ang mas mataas na pagpapapahalaga kung ihahambing sa mababang mga
pagpapahalaga.
B. Mas mataas na antas kung tumatagal at hindi nagbabago ng panahon.
C. Mas mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay nagiging batayan ng iba pang mga
pagpapahalaga.
D. Kahit dumadami pa ang nagtataglay ng halaga mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito.

_______33. Ang pera ay nakapagbibigay ng saya sa tao ngunit maraming tao na maraming pera ngunit
naghahanap pa rin ng ibang bagay na mas makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon
mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na
makapagpapasaya sa. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas
ng pagpapahalaga?
A. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito.
B. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga halaga.
C. Mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito.
D. Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas
mataas ang antas nito.

_____ 34. Paano makakamit ng isang bata ang moral na integridad ng tao?
A. Maging mapanagutan sa lahat ng kanyang kilos
B. Gamitin nang wasto ang kanyang kalayaan
C. Paglinang ng maingat na paghuhusga at pagsasabuhay ng mga birtud
D. Lahat ng nabanggit

_____ 35. Alin ang HINDI kabilang sa hakbang upang muling mabuo ang pagtitimpi?
A. Aminin ang suliranin
B. Humanap ng tamang tao
C. Gawin ang tamang pagsasanay
D. Sundin ang sariling gusto

_____ 36. Si Michael ay tinatawag ng kanyang Nanay mula sa internet café dahil limang oras na siyang
nagbabad doon. Hindi nakinig si Michael at hindi sinusunod ang kanyang Nanay. Anong birtud ang
pinapakita niya?
A. Kababaang loob B. Pagtitimpi C. Payak na pamumuhay D. Wala

_____ 37. Bakit HINDI taglay ng tao ang birtud sa kaniyang kapanganakan?
A. Dahil ang sanggol ay walang isip at kilos-loob.
B. Dahil ang sanggol ay umaasa lamang sa magulang.
C. Dahil ang sanggol ay ginagabay pa ng mga magulang.
D. Dahil kung pagmamasdan ang isang sanggol ay makikita ang kaniyang kawalang malay mundo.

_____ 38. Sa paanong pamamaraan nakakamit ang birtud?


A. Pagamit ng kaalaman B. Mahabang proseso at pagsisikap ng tao
C. Pagsanay ng gawi/habi D. Pinag-isipang gawing

_____ 39. Ilan sa iyong kamag-aral ay naghahabulan habang wala ang guro. Nabangga ni Tris si Ken na
naging dahilan ng pagkasugat nito. Nang malaman ito ng guro ay pinarusahan niya ang mga
naghahabulan.
Sang-ayon ka ba sa ginawa ng iyong guro?
A. Opo, upang tumigil na sa pagiging magulo ang aking mga kamag-aral
B. Opo, dahil nararapat lamang sila na disiplinahin upang hindi na umulit
C. Hindi po, dahil si Tris lamang ang nakasakit, kaya siya lamang ang dapat parusahan
D. Hindi po, dahil mas makatutulong na magtanda ang lahat kung ipinauunawa ng guro sa klase ang
mga kalalabasan ng pagiging magulo.

_____ 40. Bakit mahalagang malampasan ang mga tukso sa paghubog ng mga birtud?
A. Magbibigay ito ng positibong pagtingin sa sarili
B. Magdudulot ito ng kabutihan sa mga taong naging dahilan sa tukso
C. Magbubunga ito ng tibay ng loob na patuloy na magpakatao
D. Maghahatid ito ng tagumpay sa lahat ng pagkakataon sa buhay

_____ 41. Dahil nagdadalaga na si Kirsten pinapaalalaanan lagi siya ng kaniyang mga magulang na kailangan
niyang magpaalam muna sa kanila bago siya pumunta sa kanyang mga kaklase upang gumawa ng
kanilang mga gawain Kapag hindi niya ito magawa hindi na siya papayagang muli. Ano ang aral na
itinuturo sa kaniya?
A. Mahalaga ang tamang pagpapasya
B. Mahalag ang pagsunod sa mga magulang
C. Mahalaga ang pagtataglay ng moral na integredad
D. Mahalaga ang pagsasabuhay ng tunay na kalayaan

_____ 42. Bilang kabataan, maraming pangyayari sa buhay mo ang hindi naayon sa iyong kagustuhan.
Maraming pagkakataon na ikaw ay nakakaranas ng kabiguan sa buhay. Anong birtud ang
kakailanganin upang makayanan mo ang mga pangyayaring ito?
A. Pagtitimpi B. Katarungan C. Katataganan D. Maingat na paghuhusga

_____ 43. Walang ibang hinahangad si Charmaine kundi ang makamit ang kakuntentuhan sa buhay. Sa
panahon na labis na ang kanyang pagkapagod sa trabaho, naglalaan siya ng panahon upang
magbakasyon upang makapagpahinga. Lagi niyang binabantayan ang kanyang pagkain na kinakain
upang masiguro na napananatili niyang malusog ang kanyang pangangatawan. Nasa sa anong antas
ang halaga ni Charmaine?
A. Pambuhay na Pagpapahalaga B. Banal na Pagpapahalaga
C. Pandamdam na Pagpapahalaga D. Ispirituwal na Pagpapahalaga

_____ 44. Sa anong paraan nagaganap ang moral na kilos?


A. Kung ang isang tao ay pumipili ng isang pagpapahalaga kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga
B. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang pagkatao
pagyayamanin niya ito at pahahalagahan.
C. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang angkop na birtud na mas
makapagpapayaman dito.
D. Matatawag lamang ng mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan ng lahat ng mga birtud.

_____ 45. Paano maipapakita ni Ian ang birtud ng pagtitiwala sa sarili sa kabila ng kanyang pagkamahiyain?
A. Pagtanggap ng kanyang kahinaan
B. Pagtanggap sa sarili batay sa reyalidad
C. Pagtanggap ng sinasabi ng ibang tao sa kanya
D. Pagtanggap sa mga katangiang gusto niyang makamit

_____ 46. Ano ang halimbawa ng kamalayan sa sarili na batayan ng konsepto sa sarili?
A. Pusang nililinis ang kanyang sarili
B. Taong nagpapalakas ng kanyang sarili
C. Taong nagmumuni-muni tungkol sa kanyang sarili
D. Asong tumatahol sa kanyang repleksiyon sa salamin

_____ 47. Anong pamamaraan ang ginagamit upang magkaroon ng kaugnayan ang birtud at pagpapahalaga?
A. May kaugnayan ang pagpapahalaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad ng kabutihan
para sa tao.
B. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang pagkatao
pagyayamanin niya ito at pahahalagahan.
C. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang angkop na birtud na mas
makapagpapayaman dito.
D. Matatawag lamang ng mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan ng lahat ng mga birtud.
_____ 48. Masasabi lamang na tunay na naging epektibo and edukasyon sa pagpapahalaga sa tahanan kung:
A. Tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang mga anak
B. Nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na naisasabuhay ang
parehong halaga na kanilang itinuro
C. Walang sino man sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang pagigigng maingat sa kanilang
mga paghuhusga
D. Lahat ng nabaggit

_____ 49. Paano HINDI naipapakita ang birtud ng payak na pamumuhay?


A. Pagiging tapat sa pakikipagkaibigan
B. Pagbibigay sa mga nangangailangan
C. Pagpili ng mga tunay na mahalaga sa buhay
D. Panggagaya ng makabagong damit mula sa kamag-aral

_____ 50. Sa paanong paraan naipapakita ang napakasaganang kababaang loob?


A. Pagturing sa kapwa na kapantay
B. Pagtanggap sa pahkakamali
C. Pagpapasakop sa Diyos at may awtoridad
D. Paglilingkod sa kapwa na nangangailangan ng tulong

_____ 51. Ano ang maituturing na dahilan kung bakit nahaharap ang isang kabataan sa malaking posibilidad
na maimpluwensyahan ng kanyang kapwa kabataan?
A. Kulang pa ang kanyang kakayahan sa paghihiwalay ng tama at mali
B. Nais nilang maramdaman na sila ay tinatanggap at kinikilalang kabahagi
C. Hindi naging matibay ang mga itinurong halaga ng mga magulang at guro
D. Wala sa nabanggit

_____ 52. Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagbuo ng birtud ng pagtitimpi. Alin ang HINDI ?
A. Gawin ang tamang pagsasanay
B. Gawing mas masaya ang pagsasanay
C. Sumangguni sa mga atong may kaalaman
D. Umiwas sa mga taong pweding makatulong

_____ 53. Magkamag-aral si Henry at Ariel. Sa araw ng pasulit, biglang may inilabas si Ariel ng isang papel sa
harap ni Henry. Ibinulong niya kay Henry na ito ang susi ng kanilang pagpasa sa pagsusulit. Nag-
aalangan si Henry ngunit ayaw naman niyang saktan ang kanyang kamag-aral. Kung ikaw ang nasa
sitwasyon ni Henry, ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako susunod kay Ariel ngunit palihim kung titingnan ang kodigo niya
B. Susunod ako sa kanya upang makapasa ako
C. Isusumbong ko siya sa aming guro
D. Pagsabihan ko siya na mali ang pangungudigo at hindi ito susi sa pagpasa

_____ 54. Gusto ni Zarah na linangin ang birtud ng Karunungan. Sa paanong paraan niya ito makakamit?
A. Pagamit ng kanyang isip upang makaunawa
B. Pagninilayan niya ang kanyang mga nauunawaan
C. Gamitin niya ang kanyang kilos loob tungo sa kabutihan
D. Lahat ng nabanggit

_____ 55. Ang mga sumusunod ay pamamaraan upang matutulak ang isang bata na tunay na mahalin ang
katotohanan at isabuhay ang mga halaga na itinuturo sa paaralan. Alin ang HINDI?
A. Pagtingala sa isang gurong itinuturo at isinasabuhay ang magandang halimbawa.
B. Pagtingala sa isang gurong itinuturo sa mga mag-aaral ang halaga ng pamumuhay sa magandang
halimbawa.
C. Pagtingala sa isang gurong hinahayaang matuto ang kanilang mga mag-aaral sa kanilang mga
ipinakikitang magandang halimbawa.
D. Pagtingala sa isang gurong hindi kailanman kakikitaan ng pagkakamali.
_____ 56. Alin sa mga sumusunod na kasanayan ang HINDI maaaring gabay ng isang kabataan upang
maiwasan ang negatibong impluwensiyang dulot ng media?
A. Pag-aralang pairalin ang pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng
mga birtud.
B. Suriing mabuti ang kredibilidad ng tao o kompanya at ang kanilang mga ibinabahaging palabas,
produkto o patalastas.
C. Matutong talikuran ang tuksong dulot ng mga patalastas, mga panooring nagpapakita ng imoralidad,
pagiging malabis na bulgar at minsan ay may kalaswaan.
D. Kailangan sanayin ang iyong kaisipan upang masuri ang kalidad ng ano mang impormasyon na
tatanggapin o produktong tatangkilikin at ang pagsusuri sa halaga at magiging gamit nito.

_____ 57. Mahalaga kay Mariea ang pagsunod sa magulang dahil magiging matatag ang kaugnayan niya sa
kanila. Mahalaga rin sa kanila ang paglalaro dahil nagdudulot ito ng kasiyahan at pakikipagkaibigan.
Bakit pinapahalagahan ni Mariea ang mga ito?
A. Dahil ito ay nagdudulot ng mabuti
B. Dahil ito ay nakikita sa lahat ng kabataan
C. Dahil ito ay namamana sa mga magulang
D. Dahil ang mga ito ay kaugalian

_____ 58. Sa ikalibing anim na kaarawan ni Erika, pinapli siya ng regalo ng kaniyang mga magulang, ang
kumain sa restaurant kasama ang mga kaibigan niya o ang magkaron ng bagong sapatos? Pinili ni
Erika ang bagong sapatos dahil magagamit niya ito ng matagal habang ang pagkain sa labas ay
panandaliang kasiyahan lamang. Anong naisip ni Erika?
A. Mas mahalaga kapag tumatagal B. Mas mahalaga kapag galing sa magulang
C. Mas mahalaga kapag bago D. Mas mahalaga kapag hindi pagkain

_____ 59. Ano ang pinaka matibay na patunay na naisaloob ng isang kabataang katulad mo ang mga moral
na pagpapahalaga?
A. Disiplina sa Sarili B. Moral na Integridad
C. Pagsasabuhay ng Birtud D. Mapanagutang paggamit ng kalayaan

_____ 60. Gustong hubugin ni Maria ang birtud ng payak na pamumuhay. Sa anong paraan niya ito
makakamit?
A. Sa pagkakaroon ng maraming kaibigan
B. Sa Pagpapanatili ng malinis at maayos na tahanan
C. Sa pagkakaroon ng maganda at seksing katawan
D. Sa Pagkakaroon ng mamahaling gadgets
SUSI NGA PAGWAWASTO

1. C 35. D
2. A 36. D
3. C 37. D
4. B 38. B
5. A 39. D
6. A 40. C
7. B 41. B
8. C 42. C
9. A 43. A
10. A 44. A
11. C 45. B
12. C 46. C
13. C 47. B
14. C 48. B
15. D 49. D
16. C 50. D
17. C 51. A
18. D 52. D
19. C 53. D
20. D 54. D
21. B 55. D
22. C 56. A
23. C 57. B
24. A/D 58. B
25. B 59. A
26. C 60. B
27. B
28. A
29. C
30. C
31. D
32. B
33. C
34. D

You might also like