Story Telling

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“PANAGINIP NGA BA?

Bakit maluwagang nabubura sa kaisipan ng mga tao ang mga panaginip?

Tila’y ako lang sa mundo ang malinaw na makakapaglarawan sa bawat panaginip na pumupuna
sa katahimikan tuwing gabi. Nabibigkas ko nang mabuti ang mga indayog ng mga nagsasalitang
tauhang nakatanghal sa bawat panaginip.

Bago pa man ako’y mag-idlip, nahihiwatigan ko ang pagtugtog ng isang panaginip =sa aking
isipan sa kalagitnaan ng mahimbing gabi.

Sa gabing iyon, namuo ang mga larawan ng isang lipunang sumasabay sa pantig ng kalikasan.
Nakukuha ng aking mga mata ang mga tauhang mayroong simpleng pamumuha pero masagana
at mapayapa.

Sa tabi ng umaagos na ilog, nagkukumpulan ang mga bata na tila’y nakikinig sa mga kuwento ng
isang matanda. Ang bawat tao sa lipunang iyon, ay may maraming kuwentong gustong
ipahiwatig.

Hindi nagtagal, nagpantay naman ang aking mga tainga sa pagkahulog ng kahoy ng tila’y isang
barko sa lupalop na puno ng buhangin.

Nararamdaman ko mula sa mga tauhang dumalo mula sa barko, ang matinding simoy ng
hanging mayroong kakabit na pagkabagabag. Ito na yata ang bagong reynong sasakop
pagkatapos ng kapayapaang humahari kamakailan sa kanilang lipunan.

Simula nang lumapag ang mga banyagang tauhan, isa lang ang kapalarang sabay-sabay na
hinaharap ng lipunang dating puno ng kulay at kapayapaan – ang pagbabago.

Dagliang namula at nandilim ang kalangitan, natakpan ng kaguluhan ang mga mukha ng tauhan
habang tinatapon ang kanilang tanging libangan at kasiyahan sa mga nagniningas na kahoy.
“Demonyo!” nangingibabaw sa aking tainga ang mga sigaw ng mga dayuhan.

At doon nanlamig ang kapaligiran, ang mga tauhang dating pala-kuwento ay nakalukob sa
kanilang mga tahanan. Matagal kong hinarap ang larawan na iyon, tahimik ang pook ngunit
hindi mapayapa.

Sa sandaling iyon, narinig ko ang mga tauhang nanumbalik sa pagkuwekuwento. pagdudula,


pagsasalita, at pagsusulat. Maaaring ang dating pinagmumulan ng kanilang kasiyahan ang
magiging sandata laban sa mga banyaga -ang kanilang wika.
Sa gilid ng aking mata, biglaang nagkaroon ng kumpulan. Ito’y kumpol ng mga taong tila’y
mayroong gustong ipahatid. Hindi nangamba, mayroong nagbigkas sa kanilang grupo “Ako ay
Filipino, at mahal ko ang bayan ko.”

Iyon ang mga salitang paulit-ulit na umaagos sa aking isipan sa oras na iyon. Iyon na ang
palatandaan na mayroong silang gustong ipahiwatig.

Bumangon ang araw para sa lipunang dating puno ng kasaganaan at kapayapaan.

Nagpatayo rin ang mga dayuhan ng mga paaralan at pinahintulot rin nila ang manunulat na
maglimbag. Nakakagalak pakinggan na mayroon nang abilidad ang mga tauhan na matuto nag
higit pa sa dalawang wikang binigay sa kanila

Umiglap rin sa aking harapan ang mga pangyayaring nagbigay suliranin sa bayang iyon, mga
pangyayaring nagpapakita na hindi nagpapatalo ang sambayanan at mga pangyayaring
nagdulot ng pag-usbong ng iba’t ibang panitikan at kulturang umuugat sa isang pinagtutubuan -
ang wika.

Pagkatapos, ako’y nagising. Ako’y nagising sa realidad na walang kaibahan sa aking panaginip.
Ako’y nagising sa isang bayang malayang binibigyang halaga ang wikang sarili.

Minsan natatagpuan ko ang sariling nagtatanong kung ang aking pinaginipan na lipunan na
mayroong patuloy na paninindigan sa sariling wika ay isang panaginip nga ba.

You might also like