Professional Documents
Culture Documents
Filipino 5
Filipino 5
Department of Education
Region XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO
TIBAGON ELEMENTARY SCHOOL
Pantukan North District
Pangalan:__________________________________Petsa:______________Iskor:_______
PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap at sagutin ang mga katanungan sa iyong
sagutang papel. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa pangugusap na “Lubhang mabilis mag-isip ng solusyon si Mara” ang salitang
nasalungguhitan ay halimbawa ng __________?
A. Pang-uri
B. Pang-abay
C. A at B
D. Wala sa mga nabanggit.
2.” Mabusisi si Tiya Pia sa mga aplikante sa kanilang tanggapan” Anong pang-uri ang
ginamit sa
pangungusap na ito?
A. mabusisi
B. aplikante
C. tanggapan
D. Tiya Pia
3. “Hinalikan nang pabigla ang kanilang ina”. Anong salita mula sa pangungusap ang
salitang nagsasaad ng kilos?
A. ina
B. kanilang
C. hinalikan
D. pabigla
4. Ang __________ay salitang naglalarawan ng tao, bagay, hayop, lugar/pook at pangyayari.
A. pang-uri
B. pang-abay
C. A at B
D. Wala sa mga nabaggit.
5. Ang_______ ay salitang naglalarawan sa pandiwa at iba pang pang-abay sa pangungusap.
A. pang-abay
B. pang-uri
6. Ang bata ay ______ kumain ng gulay kaya siya ay sakitin.
A. ayaw B. gusto C. talaga D. oo
PANUTO: Basahin / Makinig nang mabuti sa maikling kuwento na babasahin ng guro.
Sagutin ang mga tanong. Pillin ang titik ng tamang sagot.
7. Dumating ang mga bisita ni Sonia ng ika-3 ng hapon. Ano ang sumunod na pangyayari?
A. namili, nagluto, at kumain B. nagpalaro, nagkantahan at nagsayawan
C. naghanda, naglaro, at nagkantahan D. nagregalo, nagkantahan at nagkainan
8. Dahil kaarawan ni Sonia, abalang-abala ang kanyang mga magulang sa paghahanda. Ano
ang sumunod na pangyayari?
A. Nagpunta ang kanyang mga magulang sa palengke.
B. Naglinis ang kanyang mga magulang ng bahay.
C. Nagluto ang kanyang mga magulang nang maaga.
D. Nagpasalamat ang kanyang mga magulang sa mga bisita.
9. Pagdating sa bahay ng kanyang mga magulang, ano ang sumunod na nangyari?
A. Naligo agad sila. B. Naghiwa ng mga lulutuin.
C. Nagmamadali na silang magluto. D. Nagbihis pagkatapos mamili.
Panuto: Piliin ang angkop na tanong sa mga pangungusap na nasa loob ng kahon.
Emilio Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala
ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo
at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay.
Ang kanyang ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na
gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de
San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa pagsiklab ng kolera
noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan, isang punong baryo
ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging
sapilitang kawal.
10. Ipinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22,1869.
A. Sino ang magulang ni Emilio Aguinaldo?
B. Bakit ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
C. Saan ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
D. Kailan ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
11. Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit,
Cavite)
A. Kailan siya ipinanganak? B. Sino ang kanyang ina?
C. Saan siya ipinanganak? D. Ano ang Cavite el Viejo?
12. Ang mga magulang ni Emilio Aguinaldo ay sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad
Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay.
A.Sino ang kanyang asawa? B.Sino si Carlos Jamir Aguinaldo?
C.Sino si Trinidad Famy Aguinaldo? D. Sino ang kanyang mga magulang?
Panuto: Buuin ang pag-uulat tungkol sa nakita o napanood na larawang nasa ibaba sa
pamamagitan ng pagsulat ng angkop na salita sa patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
panaklong.
13. Sa tingin mo, bakit mahalaga ang maging handa sa mga pangyayaring gaya ng bagyo?
A. Para madaling makakuha ng mga “relief goods”
B. Para maging handa sa anumang trahedya, iwas disrasya at pagkawala ng buhay ng ating
mahal sa
buhay.
C. Hindi mahalaga ang paghahanda sa pagdating ng bagyo
D. Lahat ng mga nabaggit
14. Bakit kailangang alam natin ang mga nangyayari o mahahalagang balita sa
ating paligid?
A. Para makaiwas sa anumang sakuna
B. Para makapaghanda
C. A at B
D.Wala sa mga nabaggit
15. Anong aral ang natutunan sa seleksiyon?
A. Pagiging handa at makaiwas sa anumang sakuna
B. Walang magandang natutunan sa kuwento
C. A at B
D. Pagiging pabaya at walang pakialam sa mga nagyayari sa paligid nila nang maayos,
magulo ang kanilang trabaho.
Pakinggang mabuti ang kuwento.Sagutin ang mga tanong at bilugan ang titik ng
tamang sagot.
Isang matandang lalaki ang bumaba mula sa magarang kotse sa isang nagdarahop na
lugar. Iginala niya ang kanyang paningin sa mga batang nanlilimahid at marurungis na
naglalaro sa daanan. Tiningnan din niya ang mga kabataang may tulak-tulak na kariton na
naglalaman ng bote, bakal at dyaryo. Dumukot sa bulsa ang matanda. May perang iniabot sa
mga batang naglalaro sa lansangan. Pinagkaguluhan ang matanda ng mga taong nakasaksi ng
kanyang pamimigay ng pera sa mga bata.
16. Sino ang bumaba mula sa magarang kotse?
A. magandang dalaga B. matikas na binata
C. matandang lalaki D. Batang babae
17. Ilarawan ang mga batang naglalaro sa lansangan.
A. mababait at magagalang B. nanlilimahid at marurungis
C. matatapang at mayayabang ___ D. Walang pakialam
18. Saan pumunta ang matandang lalaki?
A. sa malinis na parke B. sa makitid na eskinita
C. sa nagdarahop na lugar D. Sa maputik na daan
Ang Pabasa
Noong Mahal na Araw, sa lalawigan ng mga lolo ako nagpunta. Napanood ako roon
ng pabasa. Ayon sa Lolo Roger, isa raw itong matandang kaugalian na ipinamana sa atin ng
mga Espanyol.Ang Pabasa ay paawit na pabasa ng buhay ni Jesus mula nang ipinaglihi Siya
hanggang siya’y namatay sa Krus. Binabasa ito nang paawit mula sa aklat na tinatawag na
pasyon. Sinisimulan ang pagbasa mula sa pagpasok ng Mahal na Araw hanggang Biyernes
Santo.Nag-aanyaya ng mga babasa ang may pabasa hanggang matapos ang buong pasyon.
Iba-iba rin ang estilo o punto ng pagbasa. Sa pagsasalaysay ng karanasan gumamit ng mga
salitang naglalarawan upang maging kawili-wiling pakinggan ang kwento.
PANUTO : Basahin at unawain ang teksto. Ayusin ang mga pangungusap sa pagkakasunud-
sunod ayon sa nangyari. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Paghuhugas ng Pinggan
Nakatakdang maghugas si Lina ng pinggan tuwing tanghalian.Lagi niyang tinatandaan ang
bilin at turo ng kanyang ate Lora sa paghuhugas ng pinggan. Kailangan niyang tanggalin ang
mga tira-tirang pagkain. Laging bilin sa kanya na ibabad muna sa tubig ang mga matigas na
kanin na naiwan sa plato para lumambot at mas madaling matanggal. Dapat unahin sa
pagsabon ang mga baso, kasunod ang mga kutsara at tinidor, mga tasa at pinggan.Banlawang
mabuti at patuyuin sa pamamagitan ng malinis na basahan.
Panuto: Buuin ang pag-uusap ng mga tauhan. Piliin sa loob ng panaklong ang
pariralang may wastong gamit ng pang-angkop.Isulat ang sagot sa patlang.
PERSONAL NA IMPORMASYON
36. Pangalan:
37. Tirahan
38. Kapanganakan
Pangalan ng Magulang
39. Nanay:
40. Tatay:
Inihanda ni:
MILALYN J. MIRAS
Teacher II