Apan Skrept

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa mga nagdaang mga pangyayari dito sa

ating bansa na tungkol sa kampanya kontra


droga ng ating pangulong duterte ay
maraming batikos ang natanggap ang ating
gobyerno tungkol sa mga pagpatay ng mga
tao na sangkot sa druga na hindi man lang
dumaan sa tamang paglilitis bagkos ay hina
hatulan na lamang ng kamatayan o di kayay
pinapalabas na lang na nanlaban sa mga
alagad ng batas habang nagsasagawa ng
operasyon. Kung susundin natin ang batas,
dapat dito ay hulihin lang sila at iharap sa
hukuman. At hahayaan na lang natin na
batas na ang uusig at hahatol sa kanilang
pagkakasala kung mayroon man.

Ang mga taong nagkakasala sa batas ay


binibigyan ng karapatang kaparusahan ng
ating hukuman alinsunod sa kanilang
nagawang kasalanan. Ngunit sa kabila ng
lahat, habang ang naturang paglilitis ay
patuloy pa na dinidinig ng hukuman, ang
nasasabing nasasakdal ay mananatiling
inosente hangat hindi pa napapatunayan sa
hukuman ang kanyang pagkakasala.
Samakatwid lahat ng nasasakdal ay
mananatiling inosente habang wala pang
hatol na inilalabas ang korte laban sa kanila.

At dito rin sa artikulong ito, ang taong


nahuli ng mga alagad ng batas sa kasong
pagkakasala sa batas, ay may karapatang
manahimik muna kung sakaling sya ay
isasailamin sa anumang pagtatanong o
iterogasyon at maari lamang syang
magbigay ng kanyang pahayag sa
presensiya ng kanyang napiling abugado na
dedepensa sa kanya. Bakit napiling
abugado? Dahil sya ay may karapatan din
na pumili ng kanyang abugado ayon sa
kanyang kagustuhan at kung sakaling hindi
niya kayang kumuha ng abogado, ang ating
gobyerno ay magbibigay sa kanya ng isa
upang syang tutulong sa kanya sa pagdinig
sa kanyang kaso.

Kung sakali man na ang nasabing paglilitis


ay dadaan sa matagal na proseso, sya ay
may karapatan din sa pagkakaroon ng
mabilisang paglilitis para sa madaliang
pagdinig dito at pagbigay ng karampatang
hatol.

You might also like