ARALING PANLIPUNAN 10 Assessment 4.1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARALING PANLIPUNAN 10

Assessment 4.1 Pagkamamamayan


Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat ang salitang Pilipino sa
bawat bilang kung ang isang indibidwal ay may legal na pagkamamamayang Pilipino at
Banyaga naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
 

____1. Si Dakila ay ipinanganak sa Bontoc. Purong Igorot ang kaniyang ina at purong Ibanag naman
ang kaniyang ama ngunit sila ay nagsimulang manirahan sa Maynila nang si Dakila ay isang taong
gulang pa lamang.

____2. Si Portia ay ipinanganak sa Pilipinas habang nagbabakasyon dito ang mga magulang niyang
parehong Italian.

____3. Si Michael ay isang Australyano. Limang taon na siyang namamalagi sa Pilipinasdahil siya ay
may business partner na Pilipino rito sa bansa.

____4. Nahumaling si Danica na isang Portuges sa ganda at kultura ng Pilipinas. Taon-taon, tuwing
papalapit na ang Pasko, siya ay pumupunta rito sa ibang bansa upang magbakasyon.

____5. Parehong Pilipino ang mga magulang ni Athena. Si Athena ay sampung taon nang
nagtatrabaho bilang doctor sa isang kilalang ospital sa Taiwan kung saan siya nakapangasawa ng
isang Taiwanese ngunit pinili niyang panatilihin ang kanyang pagkamamamayang Pilipino.

____6. Si Ginoong Makisig ay dating kasapi ng hukbong sandatahan ng Pilipinas. Tumakas siya
kasama ang kaniyang pamilya patungo sa ibang bansa nang ang kaniyang hukbo ay nahahaharap sa
isang digmaan.

____7. Si Letecia ay ipinanganak noong 1974 sa America. Ang kaniyang ama ay Amerikano at ang
kaniyang ina ay Pilipino. Naging naturalized American citizen ang kaniyang ina tatlong (3) buwan
bago ipanganak si Leticia.

____8. Si Macaraeg ay ipinanganak sa Australia mula sa kaniyang banyagang ama at Pilipinong ina.
Naging naturalized Australian citizen ang kaniyang ina isang buwan matapos ang kapanganakan ni
Macaraeg.

___9. Si Beba ay ipinanganak noong Enero 16, 1973. Pilipino ang kaniyang ina at banyaga ang
kaniyang ama. Hindi siya nanumpa bilang mamamayang Pilipino nang siya ay tumuntong sa edad na
21.

____10. Si Daehyun ay ipinanganak noong Enero 16, 1973 sa South Korea. Ang kaniyang ina ay
Pilipino at ang kaniyang ama ay mamamayan ng Korea. Nang tumuntong siya sa karampatang gulang
ay nanumpa siya bilang mamamayang Pilipino.

II. Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod:

11-12. Dalawang pamamaraan ng pagkamit ng pagkamamamayan

13-15. Mga Maituturing na mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987.

III. Ipaliwanag:

Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pagiging isang Mabuti at
aktibong mamamayan ng Pilipinas? (5 PUNTOS)

You might also like