Spoken Poetry

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Nilakbay ang piniling daan...

habang hawak ang iyong, kamay.

Dala-dala ang ninanamnam na saya,

Na sa bawat umaga, ang pagkagalak ay di na magpaawat pa.....

Sa iyong 'tamis na ipinadama

Sa mga ngiting...! nakaukit sa'yong mga mata.

Problema'y di alintana, sa tuwing kasama kita.

Sa di matinag nating pagsasama

Nakasaksi ang buwan at mga tala

At naaalala....!

Ang mga panahon at oras na meron tayo noon,

Na minu.minuto ay nasa kanlungan mo.

Na di mabubuo ang mundo

kung wala ka sa tabi ko.

Na sa pagtakbo sa daan,

Ay siyang pagtagpo,

Na wari bang tayo'y nakalaan,

Sa isa't isa,

Na sa pagkikita ng ating mga mata

Nagsimula ang ating pahina

Isinulat, ang mga matatamis na kataga

Nakalahad, ang kwentong hinangad

Hanggang sa mabuo ng dalawampung kabanata

Pag-ibig moy sadyang nakakamangha,


Niyakap ko mga salitang binitiwan mo.

Gaya ng "Mahal ko, ikaw Lang ang tanging mamahalin, tatanggapin, at walang hahanapin pa

dahil sa piling mo ay sapat na..."

At tila bang naging buhay na ang yong mga ipinangako.

Diba? sabi mo pa "sasamahan kita, hanggang sa huling tuldok ng ating libro, na sa bawat kwento di
mawawala, si ikaw at si ako, ang tayo"

Kumapit ako,

Pero anung ginawa mo

......ng makatungtung na sa kabanata ika-dalawampu't-isa.... Ang dalawa pala'y mag-iisa,

Kasi wala kana at ako'y nag-iisa.

Akala ko, akala ko'y hihinto sa salitang tayo na.

Mali pala, tatayo na pala tapos tatakbo hanggang sa tatahimik nalang habang humihikbi sa pinili kong
maling saya.

"tama na. Wala ng tayo" ang huling salitang ibinilin mo sinta habang humahakbang sa ibang direksiyon

at kasama ang iyong bagong karelasyon.

Akala ko sapat nang

mahawakan ka't makita,

na maamoy ka't makasama... dipa pala... Dahil ang pusong nais ko ay hawak-hawak ng iba.

Pwede bang tama na sa PAGLARO.

Tapusin na ang HABULAN...

Suko na sa TAGUAN

Na Sana pwedeng TAKBUHAN

HILO na sa ka-IIKOT.

Labis. Labis na'tong kirot


Tama na sa PAULIT-ULIT nating Sistema.

Na aking pilit na pinipilit kahit alam ng masakit.

Na sa saglitang nitong ngiti'y papalit ang panghabang-buhay na pait.

At sa hinabahaba nitong tula.

Na nasa halos tatlongpung taludtod

kung iyong ibubuod makakabuklod ng tatlong parirala.

Una... Di ako

Pangalawa... Lang pala

Pangatlo.... Tuldok, tapos na...

You might also like