Ang Mahal Kong Lolo at Lola

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Mahal Kong Lolo at Lola

Bakasyon nang dumalaw ang pamilya ni Benjie sa kaniyang Lolo Benny at Lola Berna sa Bicol. Payak at

masaya ang buhay ng kaniyang lolo at lola sa probinsya kaya naman gusting-gusto ni Benjie and

magbakasyon sa kanila.

Lolo Benny: Salamat at dinalaw niyo kami.

Benjie: Mano po, Lolo. Mano po, Lola. Magandang umaga po!

Nanay: Pasensya na po kayo at ngayon lang kami nakadalaw. Kumusta po?

Lola Berna: Ayos lang ‘yun, apo. Ang mahalaga’y andito ka na ngayon. Saan mo ba gusting

mamasyal?

Benjie: Naku, Lola, gusto ko lang po kayong makasama. Tulungan ko po kayo sa inyong mga

Gawaing-bahay.

Lolo Benny: Ito talagang apo ko, manang-mana sa akin!

Lola Berna: Mana s aiyo o sa akin? (mapapaupo na parang nahihilo)

Benjie: O, Lola, ayos lang po ba kayo?

Lola Berna: Nahihilo lang ako, dahil siguro sa panahon.

Lolo Benny: Dapat kasi ay hindi ka na masyadong nagkikikilos dito sa bahay.

Benjie: Tama po si Lolo Benny, Lola. Maaari po bang ako na ang gumawa ng Gawain ninyo?

Ngayon na nandito po ako, ako muna ang mag-aalaga sa inyo.

Lola Berna: Naku! Salamat, apo, pero huwag mo akong intindihin. Kaya ko po naman.

Lolo Benny: Hay ang apo ko talaga, mana sa akin. Napakabait!

Benjie: Salamat po!

Nagkatinginan ang Nanay at Lola Berna as sila’y nagtawanan.


Itanong:

 Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

 Kailan dumalaw ang pamilya ni Benjie sa Bicol?

 Bakit sinabi ng lolo na hindi na dapat kumikilos ang lol ani Benjie?

 Paano mailalarawan ang batang si Benjie?

 Ano ang magagalang na pananalitang ginamit ni Benjie sa usapan?

 Ano ang magagalang na pananalitang ginagamit sa pagbati?

You might also like