Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

FILP 213

RAVEN RICARDO
BS MEDICAL LABORATORY SCIENCE

Professor/Teacher: Ms. Gealan


Impeng Negro ni Rogelio Sicat
▪ Buod:
Sa isang baryo ay may isang masipag at masunurin na anak at mapagmahal
nakapatid, siya ay si Impeng maglalabing-anim na taong gulang. Si Impeng ay
binubuhay lamangnang kaniyang ina na isang labandera lamang habang ang kaniyang
ama naman ay iniwan na silanoong siya ang ipinanganak pa lamang. Panganay sa apat
na magkakapatid si Impeng, siya na rinang tumatayong haligi ng tahanan sa kaniyang
mga nakababatang kapatid na sina Boyet, Dingding,at Kano. Sapagkat, si Impeng ay
palaging tinutukso at hinuhusgahan nang mga tao dahil sakaniyang panlabas na hitsura
na gaya na lang sa kaniyang maitim na balat, sa kulot na buhok, at pangong ilong
samantalang ang kaniyang mga nakababatang kapatid ay iba sa kaniya.
Kinaumagahan ay ginising ng kaniyang ina si Impeng upang utosan ito na bumiling
gatas para sa kaniyang nakababatang kapatid at mag trabaho na din bilang agwador.
Nung siyaay paalis na ng bahay, palaging tugon sa kaniya na hindi papansinin si Ogor
at ang ibang kasamanito upang makaiwas sa gulo at away. Nang nakarating na si
Impeng sa gripo upang mag-igib ngtubig ay pumila agad siya at nakita siya ni Ogor at
sumingit ito sa linya. Tinutukso-tukso si Impengnina Ogor or mga kasama nito ngunit
binabaliwala nalang ito ni Impeng upang makaiwas sa gulodahil ito ang bilin ng
kaniyang ina.
Paalis na sana si Impeng sa gripo bitbit ang kaniyang mgainigid nang bigla siyang
sinapid ni Ogor at napadapa ito, dahil sa galit ni Impeng ay tumayo ang binate at
nanglaban kay Ogor hangga’t sa lumaki na ang kanilang away umabot na sa suntokan
pero sa kalaunan ay bumitaw na si Ogor at nagmamakaawa kay Imping at humingi
nangkapatawaran.

➢ Uri ng Maikling Kwento:


Pang Makatauhan

➢ Aral ng Kwento:
Ang storyang Impeng Negro ay isang mahalagang storya na nagtuturong maging
mabuti at huwag manakit sa nanakit sa iyo. Si Impen ay niloloko lagi ni Ogor at
sinasabi lagi ng nanay ni Impen na huwag lumaban pabalik at umalis na lamang.
Laging niloloko at ipinagtatawanan si Impen dahil sa kakulayan niya at pati na rin
ang pagkatao ng nanay nina. Si Impeng ay isa sa mga pinakaitim sa pamilya niya.
Siya’y maitim dahil ang tatay niya an isang Negrong galing sa Estados Unidos.
Ang nanay naman niya ay pinagtatawanan din ng iba dahil siya’y tinatawag na
parang “hoar” dahil sa paging babae na nakakakuha ng para sa pagbibigay ng
“pleasure” sa iba’t ibang lalaki. Si Impeng ay laging niloloko ni Ogor dahil sa
kalagayan ng kanyang pamilya at pagkatao ni Impen. Ang storyang ito ay nagtuturo
na maging mas abutting tao at huwag gumawa ng di’ tama o patulan ang nanloko sa
iyo. Bilang isang indibidwal ay may iba’t -bang kakayahan na hindi lamang makikita
sa panlabas na anyo, hindi ito nababase sa kulay nang ating balat o estado ng
buhay dahil angimportante ay nasa panloob na kakayahan ng isang tao dahil kalian
man hindi ito kayang palitan o bagohin ng kung ano man.

Huwag manghusga sa ating kapwa at huwag gagawa ng isang bagay naayaw


natin mangyari sa ating mga sarili sapagkat turuan natin ang ating mga sarili na
magingmabuting tao at may respeto sa bawat isa.

➢ Mga Elemento:
▪ Paksa:
Tungkol sa isang batang lalaki na maitim ang kulay, kulot ang buhok at
anak ng babaeng sinasabing iba’t iba ang asawa. Dito umiikot ang buong
kuwento, kay Impen na rtalagang nakakarnas ng diskriminasyon.

▪ Tagpuan:
Sa bahay nila Impen na baru-barung kung saan narooon ang kanyang Ina
at 3 na kapatid. Sumunod ay sa igiban.

▪ Tauhan:
Impeng – Ang laging tinutukso sa gripo.
Ogor – Ang mahipit na kaaway ni Impen
Boy – Ang bunsong kapatid ni Ogor
Ang kanyang Ina at mga Agwador.

➢ Banghay
1. Panimula
Nagsimula ang kwento sa pagpapaliwanag ng ina sa karaniwang nangyayari kay
Impen. Si Impen ay isang binata na patuloy na nakikipag-away dahil siya ay kinukutya
at iniinsulto. Mayroon ding pagpapakilala sa bahay ng Impeng na ipinakilala sa kwento.
Maaari mo ring panoorin at basahin ang mga gawa ni Inpen at ang kanyang mga
gawain sa buhay. siya si Agador Siya ang itim na anak ng isang babae na iba ang
asawa, at ang kanyang mga kapatid ay hindi ang kulay ng kanyang balat, kaya dito mo
malalaman ang katayuan at karakter ng iyong ina sa kanyang pamilya.
2. Suliraning inihahanap ng lunas
Paano maiiwasan ni Impeng ang pangungutya at pang-aapi ng mga tao?
Sa pakikipagkita kay Ogor, nalaman niyang kaya niyang ipaglaban ang kanyang
sarili at hindi siya dapat tinatapakan ng mga tao dahil sa kulay ng kanyang balat o sa uri
ng kanyang ina. Napatunayan nating hindi tayo dapat kutyain o kutyain.
3. Saglit na kasiglahan
Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya sa kanyang pamilya, malalaman niya
kung anong klaseng personalidad mayroon siya at ang kanyang pamilya. Malinaw kung
bakit. Ang panunupil ni Ogor ay nagbigay-daan sa kanya na ipaglaban ang kanyang
sarili at ipaghiganti ang kanyang pamilya sa pang-aapi at pangungutya na kanyang
dinanas.ibaba.
4. Kasukdulan
Si Impen na ang sumasahod sa gripo’y bigla syang hinawakan ni Ogor sa balikat.
May kaba na naramdaman si Impen. Pinaalis niya si Ogor sa pilahan at sinaktan na nga
ni Ogor ni Impen dahil ayaw nyang umalis sa pila. Agad nang gumanti rin si Impen dahil
sa sakit na kaniyang nadama. Pumasok sa isip nya ang mga tsismis tungkol sa
kanyang ina at gumanti na rin sya kay Ogor.
5. Kakalasan
Matapos niyang tamaan si Ogor, tumahimik ang lalaki. Nagulat siya sa lahat ng
nangyari, kaya nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Nakaramdam siya ng
kagalakan at kaligayahan, ngunit din ng kalungkutan at kababaang-loob. Napagtanto
niya na siya ay naging ibang tao, at ang pagbabagong ito ang nakatulong sa kanya na
manalo sa labanan.

➢ Tema:
Tinalakay sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong iba
angkatangian at kalagayan o uri ng buhay. Tinalakay kung paano dapat ipaglaban
angdangal at dignidad na di dapat sila husgahan at kutyain dahil sa bagay na
kinatatayuannila. Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang-alipusta at mga taong
walang alamsa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.

You might also like