Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PRE – TEST IN FILIPINO 2

PANGALAN: ________________________________________________ ISKOR: ______________

Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot:


1.Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat ay isasaalang-alang. Palitan nang madalas ang tubig
sa plorera.
Linisin ang loob at labas ng bahay. Maging malinis sa tuwina.
a. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang sakit. b. Palitan lagi ang tubig sa plorera.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo
o bumabahin
nang hindi makahawa ng iba.Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
a. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon. b. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito.
Nakatutulong din ang
mga ito upang mapanatiling malusog ang katawan.
a. Ang mga prutas at gulay ay maraming bitamina.
b. Kumain ng prutas at gulay upang maging malusog ang katawan.
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa mabilis na
pagtunaw ng ating
kinain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng dumi sa loob ng katawan.
a. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng tubig. b. Bilang ng iinuming tubig araw-araw.
5. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin. May mga kemikal ito na hindi
mabuti sa katawan.
a. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin.
b. May mga kemikal na makukuha sa junk food at nakalatang inumin.
6. Handang-handa na sina Nanay Carmen at Tatay Ramon. Dadalo sila sa pagtitipon nina Lolo at Lola.
Anibersaryo ng
kasal nila. Dapat ay naroon ang buong pamilya. Tinawag ni Aling Carmen ang mga anak. “Fe, Rey,
nasaan na ba
kayo? Bihis na kami ng Tatay ninyo.” “Nanay, may sinat po si Rey, isasama pa po ba ninyo kami?”
tanong ni Fe. Dali-
daling pumunta si Aling Carmen sa silid ng anak at hinipo ang ulo ni Rey. Nalaman niyang may sinat
ito. Lumabas siya
at nang ito’y bumalik, nakabihis na ito ng damit pambahay. May dalang palangganang may tubig,
botelya ng gamot,
at yelo.
Sino ang mag-asawa sa kuwento?
a. Aling Carmen at Mang Ramon b. Aling Caren at Mang Ramon c. Aling Carmen
at Mang Mon
7. Saan pupunta ang mag-anak?
a. sa kaarawan nina Lolo at Lola b. sa anibersaryo ng kasal ng Lolo at Lola c. sa binyag
ng Lolo at Lola
8. Ano ang nangyari kay Rey?
a. nagsusuka b. sumasakit ang tiyan c. nilalagnat
9. Anong uri ng ina si Aling Carmen?
a. maalaga b. masikap c. madasalin
10. Matutuwa kaya si Rey sa pag-aalaga sa kaniya ng ina?
a. Oo b. Hindi c. Ewan ko

You might also like