Konsepto Malikhaing Pagsulat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KAMPANTENG ESTUDYANTE

SHELLA BERNARDO

Mga Tauhan:
PABLO: Isang estudyante, hindi seryoso at laging kampante sa lahat ng bagay.
FELIPE: Matalik na kaibigan ni Pablo, hindi katalinuhan ngunit masipag at matiyaga sa
lahat ng bagay.
BB. AJERO: Isang guro na masungit at istrikto pagdating sa mga estudyanteng mababa ang
grado.
NANAY ELI: Ina ni Pablo, siya ang palaging nagpapaalala kay Pablo ng mga dapat nang
gawin.

Senaryo 1: Tirahan ni Felipe


(Sa labas ng pambungad na tabing) Maaga pa lamang ay umalis na si Pablo sa kanilang bahay,
siya ay naghihintay na sa labas ng bahay nina Felipe. Nakasuot lamang ng pambahay na
kasuotan habang bitbit ang kaniyang cellphone. Habang si Felipe naman ay namamadaling
buksan ang pinto.

FELIPE: Pasok, maupo ka.


PABLO: (Makikipagkamayan kay Felipe) Salamat!
FELIPE: Oo nga pala, Nakapagpasa ka na ba ng gawain natin sa subject ni Bb. Ajero?
Tiyak na mataas ang ibibigay niyang marka kung maagang makakapagpasa sa
kaniya.
PABLO: Eh ano naman ang gagawin ko sa sobrang marka kung sapat na ang makukuha
ko kung magpapasa ako sa mismong araw ng pasahan?
FELIPE: (Uupo sa tabi ni Felipe at sisimulan nilang maglaro sa kanilang mga
cellphone) Kung iyan ang paniniwalaan mo.

(Matapos ang paglalaro ay umuwi na si Pablo sa kanilang tirahan. Naglalakad siya nang
maalala niyang mayroon pala siyang dapat na tapusin sa gawain)
PABLO: (Hihinto sa paglalakad) Ah! Oo nga pala, mayroon akong tatapusin. Pero
mahaba pa naman ang oras, mamaya nalang.

Senaryo 2: Tirahan ni Pablo

NANAY ELI: (Papasok si Pablo sa bahay at dederetso sa kusina) Pablo, natapos ba ninyo
ang gawain na sinasabi mo kanina?
PABLO: Ah eh, opo
NANAY ELI: (Habang nanonood ng telebisyon ay nagtutupi si Nanay Eli ng mga damit)
Mabuti naman, himala at natapos mo ang gawain ng kalahating araw. Sana
naman ay hindi na maulit muli ang nangyari noong nakaraan, aba eh nais ko na
lamang lamunin ng lupa noong nagpunta ako sa paaralan ninyo noon.
PABLO: Huwag kang mag-alala nay, hindi na mauulit iyon.
NANAY ELI: Aba! Dapat lang, iyon na ang huli kong pagpunta sa Guidance Office.

Senaryo 3: Paaralan

(Kinabukasan, araw ng Lunes…)

BB. AJERO: Magandang umaga! Ngayong araw ang huling pasahan ng inyong mga gawain,
napansin kong ilan sa inyo ang hindi pa nakakapagpasa. Sa kadahilanang
mayroong pagpupulong ang mga guro, nais kong ibigay ang oras na ito para sa
mga wala pang gawain. Ngunit, mayroong bawas na limang puntos ang inyong
ipapasa mamaya.

(Aalis ang guro sa silid at magpapatuloy naman sa kani-kanilang gawain ang mga estudyante)

FELIPE: (Bahagyang ihaharap kay Pablo ang upuan) Pablo, mayroon ka na bang gawa?
PABLO: Ako? Syempre... Wala pa!
FELIPE: Hala! Ehh ang sabi mo sa akin kahapon nang matapos tayong maglaro, gagawa
ka na?
PABLO: Oo nga, ang kaso naisip ko na marami pa naming oras at mahaba pa ang gabi
kaya ang sabi ko mamaya nalang. Pagtapos ay hindi ko namalayan ang oras at
nakatulog na ako. Gagawa sana ako kaninang umaga, ehh tanghali na ako
nagising.
FELIPE: (Malakas ang tawa habang nakahawak sa tiyan) HAHAHA! Ano naman ang
napala mo? Sabi na nga ba’t mangyayari nanaman ito. Kung pumayag kang
sabayan ako sa paggawa edi sana ngayon humahagalpak ka nalang na tulad ko.
PABLO: Tumigil ka nga sa katatawa mo riyan, nahihirapan na nga ang tao
pinagtatawanan mo pa.
FELIPE: Patawad naman, masyado ka kaseng kampante iyan tuloy naghahabol ka
ngayon.
PABLO: Oo na nga, umalis ka na nga sa paningin ko!
FELIPE: (Tatayo sa upuan at lilipat ng puwesto) Sige, sabi mo ehh.
PABLO: (Masayang magsisilabasan ang ibang mga kaklase habang si Pablo ay
maiiwan kasama ng mga katulad niyang gumagawa ng gawaing hindi niya
nagawa sa mahabang oras.) Sisiguraduhin kong sa susunod ay ako na ang
mauuna sa pagpapasa ng gawain.

(Makaraan ang isang linggo, nagkaroon ng pagpupulong ang mga magulang. Matapos ang
pagtitipon ay muling pinaiwan at kinausap ng guro si Nanay Eli)

NANAY ELI: (Habang naglalakad pauwi kasama si Pablo na nakasunod lamang sa


kaniyang likuran) Wala ka bang sasabihin sa akin?
PABLO: (Parang walang alam na titingin sa ina) Po?
NANAY ELI: Hindi ba’t sinabi mo sa akin na “Huwag kang mag-alala nay, hindi na
mauulit iyon.” Oh anong nangyari?
PABLO: Patawad po, hindi na po mauulit.

WAKAS…

You might also like