Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SANTA ROSA SOUTH-ANNEX

EUSEBIO G. ASUNCION INTEGRATED SCHOOL


Riverside, Soledad, Santa Rosa, Nueva Ecija

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I.LAYUNIN

 Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran (F8PS-IIIe-f-32); at


 Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-bunga,
paraan-resulta) (F8WG-IIIe-f-32).

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal


B. Kagamitan: Powerpoint Presentation
C. Sanggunian: Self-Learning Module

III. PAMAMARAAN

A.Paghahanda
a.1 Panalangin
a.2 Pagbati
a.3 Pagsasaayos ng Silid-Aralan
a.4 Pagtala ng lumiban
a.5 Balik-aral

B. Pagganyak
Ayusin ang mga ginulong letra.

LETRAmbulan

Ang mga salitang nabuo ay ang mga ginagamit na pangatnig sa Ekspresyong Hudyat .

C. Paglalahad ng Aralin

Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

May mga konseptong may kaugnayang lohikal na nakabubuo ng isang makahulugang


pahayag. Halimbawa nito ang ugnayang sanhi at bunga na tinatawag ding pangatnig na pananhi.
Kapag pinagsama ang dalawang ito, nakalilikha ng pangungusap na nagpapahayag ng ugnayang
lohikal

Halimbawang pangungusap:

Dinala si Mang Ben sa bahay-ampunan kaya nalungkot siya nang labis.

Maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga
kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi
samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman,
dahilan dito at bunga nito.

May pangungusap ding nagpapakita ng ugnayang paraan at layunin.

Halimbawang pangungusap:

Nagpapakahirap si Bing sa pagtatrabaho upang guminhawa ang kanilang buhay at mabigyan ng


magandang kinabukasan ang anak.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang sa ganoon upang
maihudyat ang layunin.

Bukod sa ugnayang paraan at layunin, may tinatawag ding ugnayang paraan at resulta.

Halimbawang pangungusap:

Dahil sa pagbisi-bisita ni Jay sa kaniyang lolo, nabigyan niya ng kaligayahan ang matanda.

Sa relasyong ito, ginagamit ang pang-ugnay na dahil sa upang maihudyat ang paraan.

Magtatanong ang guro ng ilang katanungan sa mga mag-aaral tungkol sa aralin.

D. Paglinang ng Aralin
INDIBIDWAL NA GAWAIN

Gumawa ng tatlong halimbawa ng mga Ekspresyong hudyat ng kaugnayang Lohikal.

E. Paglalahat
 Bakit mahalagang malaman ang mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang wastong hudyat na bubuo sa mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa hiwalay na sagutang papel.
1. Tulong-tulong sa paghahanda ng pagkain ang pamilya Lustre __________ may mapagsaluhan sila
sa Noche Buena.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

2. Hindi makakauwi mula Saudi ang tatay ni Noli __________ malungkot siya sa darating na pasko.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

3. __________ pagpupursigi niya sa pag-aaral, may magandang trabaho siya ngayon.


A. Dahil C. Kaya
B. Dahil sa D. Upang

4. Nakapagtapos ng pag-aaral si John __________ labis ang tuwa ng kaniyang mga magulang.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

5. Maganda ang inani ni Mang Bernie sa mga pananim na palay __________ inalagaan niya ito nang
mabuti.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para
6. __________ pagbibigay ng ayuda ng gobyerno, maraming tao ang natulungan at natuwa.
A. Dahil C. Para
B. Dahil sa D. Sapagkat

7. Napagtapos ni Jenny ang kaniyang mga anak __________ nagtrabaho siya sa ibang bansa.
A. bunga nito C. para
B. kaya D. sapagkat

8. Binilhan ng mag-asawang Rob at Rein ng smartphone si Jarred __________ may magamit ito sa
kaniyang online class.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

9. Nagtatrabaho ang mga magulang ni Kyle _______________ pinsan niya ang pinakukuha at
pinagdadala ng mga modyul sa eskwelahan.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

10. Hindi sabay-sabay ang pagbibigay at pagbabalik ng modyul ng bawat baitang _______________
maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

V. GAWAING BAHAY

Magsaliksik tungkol sa Paraan ng Pagsusuri ng Pelikula.

Inihanda ni:

GENALYN A. GABA
Teacher I

You might also like