Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang araw sa ating lahat.

Ako po ay nagpapasamalat at ako ay nagkaroon ng opurtunidad na maging boses ng aking mga kapwa
magtatapos harapan po ninyong lahat. Hindi po lingid sa atin na ang pag-aaral ay hindi ganoon kadali,
ngunit kung ano ang hirap ng nating mga estudyante upang mag-aral ay may nakatago rin palang
pagsubok ang ating mga guro sa pagtuturo lalo na sa mga estudyanteng hindi mawari ang nais sa buhay
– ang mag-aral ba o magkaroon lamang ng baon.Madalas sa ating mga estudyante ay ayaw natin ang
mga gurong laging pumupuna ng ating mga mababang marka at masamang pag-uugali, ngunit ito ay ilan
lamang sa mga patotoo na ang ating mga guro ay hindi lamang guro sa propesyon, kundi guro din sa
kanilang mga puso bagkus ang tunay na guro ay nagmamahal ng kanyang mga estudyante. Kaya sa aming
mga guro, maraming maraming salamat po sa walang sawang pagga-gabay sa amin sa tamang
daan.Marami ang nagsasabi na ang buhay elemetarya ay siyang pinaka-masayang bahagi ng buhay
estudyante. Ako ay naniniwala sa kasabihang ito dahil lubos akong nagalak sa anim na taon kong pag-
aaral sa elementarya. Anjan ang aking mgakaklase na walong oras ko nakakasama limang beses sa isang
linggo. Bagamatmaghihiwa-hiwalay na tayo ng landas, dapat tayong matuwa dahil may babalik-balikan
tayong masasayang alaala sa ating buhay elememntarya. Isa kayo sa mgatumulong sa akin upang
mahubog ang aking personalidad. Sa pagtungtong ko highschool, tiyak na hindi na ako mahihirapang
makisama sa aking mga bagong makikilala bagkus tinulungan niyo akong mahubog ang aking kagalingang
panlipunan. Naway magtagumpay tayo sa anumang landas na ating tatahakin.Sa aming mga magulang at
pamilya na laging nariyan, maraming maraming salamat po. Kayo ang siyang gumagabay sa amin sa
tamang landas. Sa aking mga magulang at pamilya, nais kong magpasalamat sa lahat ng sakripisiyo
atpagmamahal na ibinigay niyo sa akin. Ang mabigyan ng pagkakatong upang mag-aral ay isa sa mga
pinakakananais ng bawat "Pilipino, at ako ay nabigyan ngpagkakataon upang matupad ko ang aking mga
pangarap. Alam kong,responsibilidad ng isang magulang ang mapag-aral ang kanyang mga anak, ngunit
naniniwala akong ito ay mas higit pa sa responsibilidad, ito ay pagmamahal nila saatin. nagmamahal na
higit pa sa ating inaasahan. Kaya sa mga estudyanteng katulad ko, wag po natin ipa-sa walang bahala ang
pag-aaral na ibinibigay ng atingmga magulang.At sa akin, sa ating pagtatapos, nawa’y wag nating
kalimutan ang lahat ng ating natutunan. Sa pagtatapos nating ito, isang pinto naman ang magbubukas
para saating hinaharap ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliin lahat saating buhay. Kung
ano man ang nais natin sa buhay, hindi importanteng makuha o makamit natin agad ito, ang importante
ay matutunan nating magsumikap upang makamit ang mga ito. Laging tandan kaya natin ang anumang
dumating na bagong hamon sapagkat tayo ay Gradweyt ng Kto12 hinubog ng matatag na edukasyon
Muli maraming maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat.

You might also like