Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Quejano, Mark Luis B. G.

Narciso Cabanilla
BSRE 1-1

1. Do you think that the passage of the Rizal bills into a law warranted the objectives that the
sponsors conceived in 1956? Explain your answer.

Ang Rizal bill ay unang iminungkahi ni Senador Claro M. Recto at kongresistang si


Jocobo Gonzales na may pakay na ituro sa mga estudyante mula elementarya ang buhay at
kadakilaan ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal. Pakay din nitong mapalawig ang
idea ng patriyotismo sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela – Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Sinabi ni Sen. Recto na ang pagbabasa ng mga nobelang ito ang magiging
daan ng kabataan upang mapalakas ang diwa ng pagka-Pilipino at mabihag muli ang
kahalagahan ng patriyotismo sa ating bansa. Nakasaad din dito na kailangang maglimbag ng
kopya ng mga librong ito sa murang halaga sa wikang Ingles, Filipino at iba pang diyalekto
na sinasalita rito sa Pilipinas, at maipamahagi sa mga estudyante sa buong bansa.

Dahil sa pagtutol ng simbahang Katolika sa pagpasa ng panukalang batas na ito sa


kadahilanang masisira daw ang pagkakaisa ng simbahan at bansa, may maliliit na
pagbabagong naganap. Kahit ang unang burador ng panukalang batas ay nabago, ang layunin
pa rin ay nanatiling matatag – ang maituro sa kabataan, na itinuturing ni Rizal na pag-asa ng
bayan, kung paano niya mianhal ang ating bansa. Ang kaniyang mga nobela na nagbukas sa
isipan ng mga Pilipino noon sa malagim na epekto ng kolonisasyon sa atin na nagsanhi ng
rebolusyon ay pinag-aaralan at natututuhan na ng kabataan. Ang pagiging makabayan ay
hindi lamang isang konseptong nalimutan magmula ng tayo ay nagsimulang lumaya.

Hanggang sa ngayon, ang batas na ito ay nagbibigay ng karunugan sa kabataan. Ang


diwa ni Rizal ay hindi dapat hayaang mabaon sa lupa kasama ng kaniyang mga labi. Mahigit
65 taon na ang nakalipas matapos itong maisabatas, naghahatid pa rin ito ng magandang
dulot sa edukasyon. Hindi lamang ang agham, matematika o wikang Ingles ang dapat ituro sa
paaralan kung hindi pati na rin ang kasaysayan at kung paano nito hinubog ang ating
kasalukuyan. Mahalagang alalahanin natin ang lahat ng sakripisyong ginawa ni Rizal para sa
atin at para sa bansa. Ang kaniyang talino at tapang ang nagpaliyab sa natutulog na apoy para
makamtan ang kalayaang ating tinatamo sa panahong ito. Kaya naman ay obligasyon nating
ibalik ang pabor na kaniyang binayaran gamit ang sarili niyang buhay sa pamamagitan ng
pag-aaral, pag-alaala at pagsasabuhay ng kaniyang mga isinulat na naipasa sa ating
henerasyon.

2. Do you think that the objectives were attained thereafter and that their attainment resonated
until the present? Expound your answer.

Ang Batas Rizal o RA 1425 ay may layuning buhayin sa isip ng kabataang Pilipino ang
buhay at mga turo ni Jose Rizal. Layon nitong maipakilala sa mga mag-aaral ang pinagdaanang
hirap ng ating pambansang bayani na nagbunga sa rebolusyon laban sa mga Espanyol. Ang
kaniyang dalawang nobela na nagpamulat sa mga Pilipino ng malagim na epekto ng
kolonisasyon sa atin ang naging mitsa ng paghihimagsik. Ang makasaysayang nobelang ito ay
dapat lamang na maipakilala at maunawaan ng mga mag-aaral kung gaano kahalaga sa ating
lipunang kinabibilangan sa kasalukuyang panahon.

Ang layunin ng Batas Rizal ay nananatiling buhay hanggang sa kontemporaryong


panahon. Hindi lamang ang pangalang Rizal ang kilala ng mga Pilipino kung hindi pati na rin
ang kaniyang mga naiambag para sa bansa. Ang kwento ng kaniyang buhay ay itinuturo sa mga
estudyante ng elementarya upang lubos na maunawaan kung sino nga ba siya. Ang kaniyang
mga nobela naman ay ipinapabasa sa mga estudyante ng sekondarya nang makilatis ang
nilalaman ng kwento at maintindihan ang kahalagahan nito sa rebolusyon. Ang korapsyon at
kasakiman sa kapangyarihan ng mga prayle ay pinapabatid sa mambabasa. Hanggang sa
kolehiyo ay may kurso pa ring tumatalakay sa buhay at turo ni Rizal upang higit na tumatak sa
kanilang isipan. Sa ganitong paraan, ang diwa ng ating bayani ay hindi maisasantabi.

Ang mga Pilipino mula 1956, taong naipasa ang batas na ito, ay nabigyang muli ng
pagkakataong mapag-aralan nang husto si Rizal. Dahil sa batas na ito, hindi lamang mananatiling
naka-imprenta sa pahina ng mga libro ang kaniyang kabayanihan. Hanggang sa ngayon, hindi
nabigo ang layunin ng batas na ito na buhayin ang pagkamakabayan natin. Ang talino ay hindi
dapat gugulin lamang sa pag-aaral ng mga asignatura na magagamit sa paghahanap-buhay,
bagkus ay ituon ang oras sa pagbibigay pugay sa mga sakripisyong binigay ni Rizal para sa ating
lahat.

You might also like