PANANALIKSIK

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

EPEKTO NG KAKULANGAN NG TULOG SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG

MGA MAG-AARAL NG BAITANG 11 HUMSS B

Isang Pananaliksik na Iniharap sa


Dalubguro ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod Dapitan
Lungsod ng Dapitan

Bilang Bahagi
Ng Pagsasakatuparan ng
Mga Kinakailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

MARY BLESSYLOVE H. BORALO


11 – HUMSS B
Dapitan City National High School
Hunyo 2023
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SAKLAW NG PAG-AARAL


Panimula

Simula pa lang pagkabata, isa na sa mga pinakamahalagang bagay na dapat makamit habang

tumatanda ay ang kaalaman. Kaalaman na maaaring makamit mula sa mga karanasang napupulot

habang lumilipas ang panahon. Ngunit, hindi lamang karanasan ang tanging pinagmumulan ng

kaalaman ng isang tao, makakamit din ito sa pamamagitan ng pag-aaral. Kung kaya’t hinihikayat

ng mga matatanda ang mga kabataan na makapagtapos ng pag-aaral sapagkat isa ito sa mga

paraan upang mas umangat ang estado ng isang tao sa buhay, at magkaroon ng sapat na

kaalaman at kamalayan.

Dahil sa importansya ng pag-aaral sa buhay ng isang tao, mas nabibigyang pansin at halaga

ang kompetens ng isang mag-aaral sa kanyang akademiks. Kung kaya’t kailangang bigyang

pansin ang mga salik at aspeto na kailangang isaalang-alang ng mga mag-aaral sa kanilang pag-

aaral.

Isa sa mga mahalagang aspeto na kailangan ng mga tao lalo na ng mga mag-aaral ay ang

pagkakaroon ng sapat na tulog. Ang pagtulog ay isang napakahalagang gawain na kailangan ng

katawan upang gumana at makakilos ng maayos. Makakatulong ito sa pagpapanatili ng malusog

na pag-iisip at maayos na paggana ng mga sistema ng katawan.

Ang pagtulog ay isang mahalagang kilos na nagbibigay daan sa katawan at isipan na mag-

recharge. Maaaring hindi gumana ng maayos ang utak ng isang tao kung wala itong sapat na

tulog. Ito ay maaaring makapinsala sa kakayahan ng taong tumutok, mag-isip nang malinaw, at

magproseso ng mga alaala (Sleep Foundation, 2023).


Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (2020), ang isang mag-aaral na may

edad 13-18 anyos ay kailangang may 8-10 oras ng tulog sa isang araw. Ang pagkakaroon ng

sapat na oras ng mataas na kalidad na tulog ay nagpapaunlad ng atensyon at konsentrasyon na

kinakailangan ng mga mag-aaral. Sinusuportahan din ng pagtulog ang iba pang aspeto ng pag-

iisip kabilang ang memorya, paglutas ng problema, pagkamalikhain, at iba pa.

Sa kabilang banda, marami pa ring mga tao lalo na ang mga mga-aaral ang nakaranas ng

kakulangan ng oras sa tulog dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Ang pagpupuyat at pagkakaroon ng

kakulangan sa tulog ay isang karaniwang problema ng mga mag-aaral ngayon. Ang mga dahilan

sa likod ng problemang ito ay marami at iba-iba, mula sa mga personal na problema hanggang sa

pangkalusugang kadahilanan gaya ng insomnia. Ano man ang mga dahilan, ang kakulangan ng

tulog ay maaaring magkaroon ng mga negatibong epekto sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral.

Sa kasalukuyang panahon, maraming mga kabataan o mag-aaral ang nahihirapang

magkaroon ng sapat na tulog dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng mga aktibidad sa labas ng

paaralan, mga personal na suliranin at teknolohiya. Ang kakulangan ng tulog ay maaaring

magdulot ng iba’t ibang mga epekto sa kalusugan pati na rin sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral.

Ayon sa isang pagsusuri, 87% ng mga mag-aaral sa high school sa Pilipinas ay hindi

nakakatulog ng sapat dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng mga problema sa paaralan, personal na

problema, at iba pa. Sa istatistikang nabanggit, mapapansing maraming mag-aaral sa high school

ang palaging nakakaranas ng kakulangan ng sapat na tulog.

Ang mga problema hinggil sa pagkakaroon ng hindi sapat na oras ng tulog ng mga mag-aaral

ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kanilang akademikong pagganap. Ito ay


nangangailangan ng seryosong pagtatasa upang makahanap ng solusyon na makakatulong upang

maiwasan ang ganitong uri ng mga suliranin.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga epekto ng kakulangan ng tulog sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang 11 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Lungsod ng Dapitan.

Teoritikal at Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

Ang epekto ng hindi sapat na oras ng tulog ng mga mag-aaral sa kanilang

akademikong pagganap ay maaaring pag-aralan mula sa pananaw ng ilang mga teorya. Sa

balangkas na ito, tatalakayin ang apat sa mga pinaka-kaugnay na mga teorya na maaaring

magamit upang maunawaan ang problemang ito.

Maladaptive Sleep-Wakefulness Theory: Ang teoryang ito ay nagmumungkahi na kapag

ang mga mag-aaral ay kulang sa tulog, ang kanilang kakayahan na mapanatili ang atensyon,

pagtuon, at pag-aaral ng bagong impormasyon ay may problema. Ang kakulangan ng tulog na ito

ay humahantong din sa pagkapagod sa pag-iisip at pagbawas ng motibasyon na maaaring lalong

magpalala ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Cognitive Control Theory: Ang teoryang ito ay nagmumungkahi na ang kawalan ng tulog

ay nakakapinsala sa prefrontal cortex, na gumaganap ng isang mahalagang papel sa mga

executive function tulad ng atensyon, kontrol, at paggawa ng desisyon. Bilang resulta, maaaring

mahihirapan ang mga mag-aaral sa self-regulation, organisasyon, at pagpaplano, na mga kritikal

na kasanayan para sa akademikong tagumpay.

Memory Consolidation Theory: Ang teoryang ito ay nagpapahiwatig na ang pagtulog ay

gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagsasama-sama ng bagong nakuha na impormasyon


sa pangmatagalang memorya. Kapag kulang sa tulog ang mga mag-aaral, nakompromiso ang

kanilang kakayahang panatilihin at alalahanin ang impormasyon na maaaring negatibong

makaapekto sa kanilang akademikong pagganap.

Neurophysiological Sleep-Deprivation Theory: Iminumungkahi ng teoryang ito na ang

kawalan ng tulog ay nag-uudyok ng mga pagbabago sa pisyolohikal sa utak at katawan, kabilang

ang mas mataas na antas ng mga stress hormone. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring

humantong sa cognitive dysfunction, emosyonal na pagkasumpungin, at mga problema sa pisikal

na kalusugan, na lahat ay maaaring makagambala sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Sa pangkalahatan, ang kakulangan sa tulog ay maaaring magkaroon ng makabuluhang

negatibong epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Dahil man sa kapansanan sa

atensyon, kontrol sa pag-iisip, pagsasama-sama ng memorya, o mga pagbabago sa pisyolohikal.

Ang kawalan ng tulog ay dapat tugunan bilang isang seryosong alalahanin para sa mga mag-aaral

at mga guro.

Ang daloy ng pag-aaral na ito ay ipinakita o inalahad sa isang iskematik na dayagram sa

ibaba. Makikita rito ang mga input at output na baryabol sa pagtukoy sa mga epekto ng

kakulangan ng tulog sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa baiting 11 HUMSS B ng

Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dapitan taong panuruan 2022-2023.


Kakulangan ng tulog

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang epekto ng kakulangan ng tulog sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang 11 – HUMSS B ng Pambansang Mataas na

Paaralan ng Lungsod ng Dapitan taong panuruan 2022-2023.

Layunin ng pag-aaral na masuri ang epekto ng kakulangan ng tulog sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral sa baitang 11 – HUMSS B ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Lungsod ng Dapitan at upang masagot ang mga sumusunod na mga katanungan.


1. Ano-ano ang mga epekto ng pagkakaroon ng hindi sapat na tulog sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral ng baitang 11?

2. Ano-ano ang mga karanasan na nagdudulot ng kakulangan ng sapat na tulog ng mga

mag-aaral?

3. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa:


3.1 Kasarian

3.2 Edad

3.3 Strand

4. Anong programa ang dapat na madisenyo batay sa mga natuklasan sa pag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng mahahalagang batayan at resulta sa mga namumuno

ng Kagawaran ng Edukasyon, namumuno ng paaralan, mga guro, mga mag-aaral, at mga

magulang ng mga mag-aaral ng baitang 11.

Mga Namumuno ng Paaralan: Ito ay magiging daan upang magplano ng mga hakbang at

pagsasanay ang pinuno ng paaralan upang matugunan ang mga negatibong epekto ng kakulangan

ng tulog sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang 11.

Mga Guro. Ito ay magiging sandigan ng mga guro upang mabigyang halaga ang epekto ng

kakulangan ng tulog sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Mga Mag-aaral: Ito ang magiging daan upang matukoy ang mga epekto ng kakulangan ng

tulog ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong pagganap.


Mga Magulang: Mabibigyan ng mahalagang kaalaman ang mga magulang sa mga epekto ng

kakulangan ng tulog sa akademikong pagganap ng kanilang mga anak. Nang sa gayon ay mas

mabigyan ng atensyon ang mga mag-aaral sa kanilang bahay at mas mabigyang tuon ng mga

magulang.

Saklaw at Takda ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay nakatuon sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dapitan

ng taong panuruan 2022-2023. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga epekto ng kakulangan

ng tulog sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang. Ang takdang panahon

ng pag-aaral na ito ay sa taong panuruan 2022-2023. Ang mga respondente na pag-aaralan ay

pawang mga mag-aaral ng baitang 11 Humanities and Social Sciences B sa Senior High School

ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dapitan.

Kahulugan ng mga Katawagan

Para maging malinaw at makabuluhan ang ginawang pag-aaral binigyang katuturan at

kahulugan ang mga terminong ginamit sa pag-aaral.

Ang mga sumusunod na mga termino ay ginamit o binanggit sa pananaliksik na ito at ang

kanilang mga pagpapakahulugan.

Akademikong pagganap. Ito ang pangkalahatang ebalwasyon ng mga nagawa at

kakayahan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura.

Cognitive dysfunction.

Cognitive function. Ito ay ang paggamit ng utak ng isang tao.


Insomnia. Isang karaniwang disorder sa pagtulog. Ang tao ay maaaring nahihirapan sa

pagtulog.

Kompetens. Ang kakayahang gumawa ng isang bagay nang matagumpay o mahusay.

Microsleep. Ang napakaikling panahon ng pagtulog na maaaring masukat sa mga

segundo, sa halip na mga minute o oras.

Nervous system.

Pagpupuyat. Ang pagtulog ng mas matagal kaysa sa karaniwan.

Pisikal na kalusugan.

Pisyolohikal.

Prefrontal cortex.

Self-regulation.

Sleep deprivation. Ito ang kondisyon kung saan ang isang tao ay may kakulangan sa

oras ng tulog.

Stress hormone.

Tulog. Ang tulog ay isang napakahalagang gawain na kailangan ng katawan upang

gumana at makakilos ng maayos.


Kabanata 2

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito binibigyan ng pansin ang kaugnay na literatura at pag-aaral na

isinagawa ng mga lokal at banyagang mananaliksik na may kinalaman sa kasalukuyang pag-

aaral. Sa tulong ng mga nakalap na impormasyon na nagmula sa iba’t ibang aklat, sanggunian at

iba pang mga saliksik, mas higit na nauunawaan ang kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral.

Alinsunod sa mga pananaliksik at mungkahi ng The World Book Encyclopedia, “Kapag

ang isang tao ay natutulog, lahat ng gawain ay bumabagal at ang mga kalamnan ay

nagpapahingalay. Ang tibok ng puso at bilis ng paghinga ay bumabagal.”

Ganito naman ang sinabi ni Phillipson ng laboratoryo sa pananaliksik tungkol sa tulog sa

Queen Elizabeth Hospital sa Toronto, “Hindi natin malalaman ang mahalagang biyolohikal na

mga pangyayari na nagaganap sa pagtulog na nagpapanariwa sa atin.”

Ang tulog ay maihahambing sa isang pangkat ng mga taong nagtatrabaho sa gabi na

pumapasok upang kumpunihin at linisin ang mga bagay-bagay para sa kinabukasan. Isa sa

pinakamahalagang gawain ng tulog ay hayaang makabawi ang sistemang nerbiyos (nervous

system) mula sa pagkagamit nito sa maghapon.

Gaya ng isinasaad ng The World Book Encyclopedia, isinasauli ng tulog ang lakas sa

katawan, lalo na sa utak at sa nervous system.

Katumbas ng halaga ng pagkain, pag-inom ng tubig at paghinga ang kahalagahan ng

pagkakaroon sapat na tulog at pahinga (Division of Sleep Medicine, Harvard University).

Maraming mga pananaliksik ang isinagawa na nagpapatunay na ang pagkakaroon ng

sapat na oras ng tulog ay ang dahilan ng pagkakaroon ng mas magaang pakiramdam, mas
malinaw na pag-iisip at mas makatuwirang pagdedesisyon.

Sa isang pananaliksik na ginawa ni Gonzaga, isinaad na hindi lamang ang panghihina ang

maaaring maging epekto ng kakulangan sa tulog. Naaapektuhan ang sikolohikal at pisyolohikal

na aspeto ng tao. Dagdag pa sa pananaliksik ni Gonzaga na ang isa sa mga dahilan ng

kakulangan o kawalan ng tulog ay ang personal na buhay, problema, at trabaho ng isang

indibidwal.

Ayon naman sa pananaliksik ng mga neurologist sa University of Pennsylvania (2003),

kapag ang isang tao ay nanatiling mulat at gising sa loob ng tatlong sunod-sunod na araw, maaari

itong makadulot ng mga malalang epekto sa cognitive function ng isang tao.

Sa pag-aaral na ginawa ni Condat (2017), marami ang dahilan kung bakit nagpupuyat ang

isang indibidwal. Pag-aaral at trabaho ang kadalasan na dahilan ng mga estudyante at mga

nakakatanda. Ang kakulangan sa oras ng pagtulog ay may dalang masamang epekto sa katawan,

maaaring maging sanhi ng sakit ang kakulangan ng tulog o sleep deprivation.

Dagdag pa ni Condat (2017), maaari ring makaranas ng microsleep o pagtulog ng isang

indibidwal na hindi niya namamalayan.

Ayon kay Genes, propesor sa Sikolohiya at direktor ng Unit for Experimental Psychiatry

sa University of Pennsylvania, ang taong kulang sa tulog ay hindi nagpapakita ng positibong

emosyon sa kanilang mga mukha.

Nakasaad sa pag-aaral na isinagwa ni Scullin (2011), nakatutulong ang pagtulog sa pag-

unawa at pag-alaala ng impormasyong natutunan ng isang tao.

Ayon naman sa pag-aaral nina Klanderman at Dihoff (2005), mas tumataas ang

kagalingan ng isang estudyante pagdating sa kaniyang akademiks kung sapat o sakto ang oras na

naibibigay para sa pagtulog.


Isang pananaliksik ang naisagawa ni Shaukat (2019), kung saan kaniyang pinag-aralan

ang epekto ng poor quality of sleep sa akademiks ng mga medical students sa Pakistan. Sa

konklusyon ng naisagawang pananaliksik, natukoy na mayroong epekto ang pagtulog sa

kagalingan ng estudyante sa kanyang akademiks. Ayon sa mananaliksik, ang pagkakaroon ng

sapat na tulog araw-araw ay makakatulong upang mahasa ang cognitive skills ng mga mag-aaral.

Importanteng mapagtanto ng mga mag-aaral at guro ang mga negatibong epekto ng sleep

deprivation o kaunting oras ng pagtulog upang makabuo ng paraan para magkaroon ng

positibong epekto sa kahusayan ng mga mag-aaral sa akademiks.


Kabanata 3

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Pamamaraan

Sa gagawing pag-aaral, ang mananaliksik ay gagamit ng “survey questionnaire” o isang

papel na naglalaman ng katanungan. Ang metodolohiyang ito ay isang paraan upang makahanap

ng mga impormasyon at makapagbigay ng maayos na interpretasyon ng mga resulta. Dahil ang

susuriin dito ay ang epekto ng kakulangan ng tulong sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral ng baitang 11, ito ang pinakaangkop na gamiting pamamaraan. Ito’y disenyo ng pag-aaral

na susukat sa mga datos na sasagot sa mga katanungan.

Lugar ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay nakasentro sa ika-11 baitang ng Senior High School ng Pambansang

Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dapitan ng taong panuruan 2022-2023. Ito ay isang

pampublikong paaralan. Ito ay isinasagawa upang malaman ang epekto ng kakulangan ng tulog

sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral at matugunan ang mga problema kung mayroon

man.

Respondente sa Pananaliksik

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga babae at lalaking mag-aaral ng ika-11

baitang ng Senior High School ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dapitan ng

taong panuruan 2022-2023.


Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik ay talatanungan na personal na binuo ng

mananaliksik. Ito ay binubuo ng dalawang bahagi. Una ang Personal na Profayl ng respondente.

Pangalawa ay ang mga katanungan na sasagutan ng mga respondente upang malaman ang epekto

ng kakulangan ng tulog sa kanilang akademikong pagganap.

Baliditi ng Instrumento

Ang instrumentong ginamit ay isinangguni sa tagapayo ng mananaliksik at sa mga

eksperto upang matiyak ang kahusayan nito. Ang mga suhestiyon at rekomendasyon ay isinama

sa pagbuo ng instrumento. Ang instrumentong nabuo ay muling idinulog sa lupon ng mga

tagasuri para sa karagdagang suhestiyon. Ang mga suhisyon ay idinagdag at ang pinal na kopya

ang siyang ginawang instrumento para sa isinagawang pananaliksik.


BIBLIOGRAPIYA

Pacheco, D. (2023). Why do we need sleep? Washington, D.C.: A OneCare Media.


Centers for Disease Control and Prevention. (2020). Sleep in middle and high school students.
U.S. Department of Health & Human Services.
Diekelmann, Susanne, I., Wilhelm, U., Wagner, J. (2013). Sleep improves prospective
remembering by facilitating spontaneous-associative retrieval process.
Hampton, T.L. (2005). Impact of the lack of sleep on academic performance in college.
RowanDigital Works.
Maheshwari, G., & Shaukat, F. (2019). Impact of poor sleep quality on the acacdemic
performance of medical students. Cureus 11(4).
Maxon, S. (2014). How sleep deprivation decays the mind and body.
Cindy. (2016). The importance of sleep for memory and cognition. The Learning Scientists.

You might also like