Ap10 Quarter1 Modyul2 Kontekstongsuliraningpangkapaligiransolidwaste Finalcopy-1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Konteksto ng Suliraning
Pangkapaligiran: Solid Waste
ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran
ng Pilipinas

Ang modyul na ito ay nahati sa dalawang aralin:


• Leksyon 1: Kahulugan ng Solid Waste
• Leksyon 2: Mga Uri ng Solid Waste

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natatalakay ang kalagayan ng ating kapaligiran sa kasalukuyan;
2. nasusuri ang mga dahilan na nagdudulot ng mga suliraning pangkapaligiran; at
3. nakagagawa ng paraan/solusyon upang makatulong na maibalik ang kaayusan
ng ating kapaligiran.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro
ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga
malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa
modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito
ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga
gawain.

Aralin
Konteksto ng Suliraning
3
1 Pangkapaligiran
Kamusta? Alam kong naunawaan mong mabuti sa nakaraang aralin ang
mga dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang mga kontemporaryong isyu sa
bansa. Sa ikalawang bahagi ng modyul 1, ang paksang iyong pagtutuunan ng
pansin ay ang mga suliraning pangkapaligiran. Isa sa mga suliraning
pangkapaligirang kinakaharap ng lipunan ay ang isyu sa basura o solid waste.
Inaasahan na bilang isang kabataan ay magiging daan ka upang mabawasan o
malimitahan ang problema na ito.

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang konsepto ng kontemporaryong isyu.


Ipinakilala sa iyo ang lipunan na iyong ginagalawan. Bilang bahagi ng lipunan,
inaasahang ikaw ay makatutulong sa pagpapaunlad nito. Upang higit na
mapatibay ang iyong kaalaman ukol dito, punan ang talahanayan ng
mahahalagang terminolohiya nauugnay sa pangunahing salita. Piliin ang iyong
sagot mula sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

LIPUNAN KULTURA SOCIOLOGICAL


IMAGINATION

Isyung Personal Gampanin Pananampalataya


Kultura Norms Pam ilya
Social Group Ugnayan Symbols
Pamahalaan Isyung Panlipunan Mores

Tuklasin

4
Awit Suri.

Panuto: Suriing mabuti ang awiting “Masdan Mo ang Kapaligiran” mula sa


bandang ASIN. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
"Masdan Mo Ang Kapaligiran"
Wala ka bang napapansin Bakit 'di natin pag-isipan
Sa iyong mga kapaligiran Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Kay dumi na ng hangin Hindi nga masama ang pag-unlad
Pati na ang mga ilog natin Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon, mga ibong gala


Hindi nga masama ang pag-unlad At
Ay wala nang madadapuan
malayu-layo na rin ang ating
Masdan mo ang mga punong dati ay
narating
kay tatag
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Ngayon'y namamatay dahil sa ating
kalokohan
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa Lahat ng bagay na narito sa lupa
hangin Biyayang galing sa Diyos kahit
Sa langit, 'wag na nating paabutin no'ngika'y wala pa
Upang kung tayo'y pumanaw man Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Sariwang hangin, sa langit natin 'Pagkat 'pag Kanyang binawi,
matitikman tayo'ymawawala na

Mayro'n lang akong hinihiling Mayro'n lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay akingdadalhin Upang Gitara ko ay akingdadalhin Upang
sa ulap na lang tayo sa ulap na lang tayo
magkantahan magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
www.azlyrics.com › A › Asin Lyrics

Ang awiting ito ay lubhang may pagmamahal para sa ating kapaligiran. Paano ka
naapektuhan ng awitin. Ipakita ito sa pamamagitan ng:

1. Iguhit ang ating kapaligiran batay sa awitin. Mula sa awiting ito, ano ang
pinanghihinayangan ng komposer sa ating kapaligiran. Maaaring gumamit
ng ½ ng bondpaper at kung iyong nanaisin ay kulayan ito.

9, 2020

5
Suriin

Ang kapaligiran ay isang mahalagang salik na pinagmumulan ng mga hilaw na


materyal na ginagamit upang makagawa ng produkto. Ito ay binubuo ng elemento
ng panahon at klima na siyang nag-uugnay sa mga tao, hayop, halaman at iba
pang organismo sa kanyang lipunan.

Ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan na pinalilibutan ng maraming


anyong lupa at anyong tubig. Kilala ang bansa sa kanyang pagiging mabundok na
lupain kabilang na dito ay ang Bundok ng Apo, Bulkang Mayon at Bulkang Taal na
nagpakita ng kanyang pagiging aktibo noong Enero 2020. Ngunit nariyan din ang
iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, dagat, mga bukal, mga ilog at iba
pa na dahilan kung bakit patuloy ang pagdagsa ng mga dayuhang turista na
nagbibigay ng kita sa turismo at hanapbuhay sa mga mamamayan ng bawat
rehiyon.

Ngunit sa kasalukuyan, tila nakalilimutan ng tao ang pag-aalaga sa ating


kapaligiran kaya sa halip na ito ay higit na mapaganda ay pinangangambahan na
makalimutan na. Kaya, ang mamamayang patuloy na umaasa sa kanyang
kapaligiran ay siya ring nakakaranas ng hindi mabuting epekto nito sa kanyang
pamumuhay.

Tara, at aralin natin ang mga suliraning kinahaharap ng ating likas na yaman.

1. SULIRANIN SA SOLID WASTE

Ang Municipal Solid Waste (MSW) o Solid Waste ay mga basurang nagmumula
sa mga tahanan, komersyal na establisimyento, mga institusyunal at mga
industriyal.

1. Residensyal (Residential Waste) –


Itinuturing na malaking bahagdan
ng basura ay nagmumula sa mga
kabahayan o tahanan. Ayon sa
report ng National Solid Waste
Management Report, 2018, umaabot
sa 56.7% ng basura ay mula sa ating
mga tirahan.Ang ilang halimbawa ng
mga basurang ito ay mga
pinagbalatan ng mga gulay at prutas, mga natirang pagkain, mga
pinaglagyan ng pinamili tulad plastic, styro at maging paperplate at
ang espesyal na basura tulad ng mga bote na ginagamit na panlinis,
bote ng mga pabango o maging ng mga gamot at ang huli ay
tinatawag na waste electrical and electronic equipment (WEEE)
tulad ng battery, mga sirang cellphone at appliances.
9, 2020

2. Komersyal o Commercial Waste – Mga


basura na nagmumula sa mga pribado
6
at pampublikong establisyemento na bumubuo ng halos
27.1 % ng basura ayon sa NSWM Report, 2018. Ang mga pamilihang
tulad ng palengke at talipapa ay may bahagdan na 18.3 % na basura.

3. Institusyunal o InstitutionalWaste –
Bumubuo sa 12.1% ng mga basura sa
bansa na nanggagaling sa
mga pampublikong opisina, mga
ospital at maging sa mga paaralan
gayundin sa mga nasa sektor ng
agrikultura.

4. Industriyal o Industrial Waste - Ayon sa


NSWM report 2018, 4.1% ay nagmumula
sa pabrika tulad ng mga kahon, mga
lalagyan ng mga kemikal at mga
materyales na ginagamit sa kanilang
operasyon.

7
8
URI NG BASURA

Ang mga basura ay nauuri ayon sa komposisyon ng mga ito.

1. Biodegrable (nabubulok) – Ang mga


basura na nagmumula sa mga balat
ng gulay at prutas, mga natitirang
pagkain at mga basura mula sa ating
kapaligiran tulad ng tuyong dahon at
mga sanga ng punongkahoy. Ang
mga basurang kabilang dito ay may
kabuuang bahagdan na 52.3% mula
sa datos ng NSWM Report 2018. Ito
ang pinakamalaking bahagdan ng
basura. Ito ay mga uri ng basura na
maaaring ibaon sa lupa upang maging pataba ng mga halaman.

Hatian ng bahagdan ng mga basurang nabubulok


a) Mga basurang nagmumula sa loob ng mga tahanan- 86.2 %
b) Mga basurang nagmumula sa labas ng mga kabayahan –
13.8%

2. Recyclables– Ang mga basura


na kabilang dito ay bumubuo sa
27.78% na bahagdan ng
kabuuang basura ng bansa sa
kabuuang lawak na 4.1 %
hanggang 53.5 %. Kabilang sa
pangkat na ito ay mga papel,
dyaryo, mga bote, mga plastic,
mga kahon na maaaring
magamit muli o makagawa ng
mga bagay mula sa mga ito. Ito
ang may pinakamalaking uri ng basura na itinatapon ayon sa
pag-aaral.

Hatian ng bahagdan ng mga basurangnabubulok


a) Mga basurang mula sa plastic – 38%
b) Mga basurang mula sa papel – 31%
c) Mga basurang mula sa goma, mga textiles – 31%

3. Special Waste – Ito naman ang


bumubuo sa mula sa 1.92 % - 9.2 % na
bahagdan. Kabilang sa mga basurang
ito ay mga gamit sa ospital tulad ng
dextrose, syringes, mga bulak at
hose, mga sirang gamit sa bahay tulad
ng refrigerator, telebisyon, radio,
washing machine at mga electric waste.

9
4. Residual Waste – Ito naman ay ang
17.98% ng mga basura na nagmumula
sa mga pabrika, sektor ng agrikultura
at sektor ng industriya. Ang 12% na
bahagdan nito ay
tanggapan ng pamahalaan na
pinaghalo-halong patapon at wala
ng gamit na basura.

Residual Waste,
17.98%
Special Waste,
9.20%
Biodegrable,
52.30%

Recylables,
27.78%

Bahagdan ng Uri ng Basura


National Solid Waste Management Status Report 2008-2018

Electronic Waste (E-Waste)

Isang lumalaking suliranin sa solid waste ay ang ginagawang pagtatapon ng


mga Waste Electrical and Electronic Equipment (WEEE) o Electronic Waste
(E- Waste). Ayon ginawang pag-aaral ng Global Information Society noong 2010,
humigit-kumulang na anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa mga landfill na
siyang kinuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang
mapakikinabangan nila sa mga ito tulad ng tanso. Ngunit ang pinangangambahan
na gawain ay ang maling paraan ng pagbabaklas ng mga ito sapagkat ang ilan sa
mga e-waste ay nagtataglay ng lead, cadmium , mercury, barium at polyvinyl
chloride na nakakalason ng lupa at tubig.

Bukod sa suliranin sa e-waste ay malaki rin ang kinahaharap na suliranin


ng bansa hinggil sa tamang pagtatapon ng basura. Bakit nga ba masasabi na mali
ang paraan ng pagtatapon ng basura lalo na sa mga kabahayan?

10
Una, ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura sapagkat maraming
mga kabahayan na ginawa ng basurahan ang mga estero, mga ilog, mga bakanteng
lote at maging mga kalsada. Ikalawa, ang mga kabahayan o maging ang mga ilang
tanggapan ay hindi nakasusunod sa segregation o paghihiwa-hiwalay ng mga uri
ng basura. Ikatlo, maraming mga kabahayan ang nagsusunog ng mga basura na
mahigpit na ipinagbabawal ng ating pamahalaan.

Sa mga suliranin na kaakibat ng basura ay mga epekto na hindi alintana ng


ilan sa ating mga kababayan.

1. ang maling pagtatapon ng basura ay nagdudulot ng malawakang pagbaha sa


bansa na nagdadala ng sakit sa mga mamamayan.

2. ang hindi paghihiwalay ng mga basura ay dagdag gawain sa mga garbage


collector.

3. ang pagsusunog sa mga basura ay nakadaragdag ng polusyon sa hangin.

4. ang ulat na pinamagatang “The Garbage Book” ng Asian Development Bank


(2004) na nagpapatunay na ang mga katas ng basura o leachate mula sa
Rodriguez at Payatas Dumpsite ay nagtataglay ng lead at arsenic na
mapanganib sa kalusugan ng tao. Kung matatandaan, noong Hulyo 2000 ay
naipasara ang Payatas Dumpsite sapagkat ito ay gumuho at pumatay sa
maraming katao.

Bunsod ng mga suliranin na ito, ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act


9003 o Solid Waste Management Act of 2000 na naglalayon na magkaroon ng ligal
na batayan proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Isang resulta nito ay
pagkakaroon ng Material Recovery Facility sa bawat barangay, mga tanggapan at
mga paaralan kung saan isasagawa ang waste segregration bago dalhin sa mga
dumpsite. Tinuturuan din ang mga mamamayan na magresiklo, gumawa ng mga
pataba buhat sa basura at iba pa batay sa memorandum of agreement.

Iniulat din ng National Solid Waste Management (NSWM) na may ilang lokal na
pamahalaan ang gumawa ng paraan upang makatulong na masugpo ang problema
sa basura. Ang ilan sa itinuturing na Best Practices sa pamamahala sa basura ay:

LUGAR BEST PRACTICES

Sto. Tomas, No Segregration, No Collection


Davao del Norte
No Orientation & Implementation of Ecological
Solid Waste Management, No Issuance of
Municipal Permit

Municipal-wide composting & livelihood projects,

Quezon City Pioneering LGU in Dumpsite Conversion with


Methane Recovery for Power Generation

11
Barangay Bagumbuhay, Garbage = Points
Project 4 Quezon City

Teresa, Rizal Residual Waste Management

Bago City,
Negros Occidental
Takakura Waste Composting
Sta. Rosa, Laguna Basuranihan – coined from basura (waste) and
bayanihan (cooperative effort)

Calatagan , Batangas Eco-Bank project

Magarao, Camarines Sur Zero Basura Olympics

Marikina City Food Waste Truck Program

Taguig City 4 o’clock Habit


https://emb.gov.ph/wp-content/uploads/2019/08/National-Solid-Waste-Management-Status-Report-2008-2018.pdf

Katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa paglutas ng suliranin sa basura ay


mga Non- Government Organization tulad ng :

 Mother Earth Foundation– tumutulong sa pagtatayo ng mga MRF sa mga


barangay.

 Clean and Green Foundation– pagpapatayo ng mga Orchidarium and


Butterfly Pavillon, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso para sa Pasig
at Trees for Life Philippines.

 Bantay Kalikasan– paggamit ng mass media upang mamulat ang mga


mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La
Mesa Wastershed at Pasig River Rehabilitation Project.

 Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa


pagtrato at pangangalagasa kalikasan at pagsulong ng kapayapaan.

You might also like