Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagkasira ng Likas na Yaman at
Climate Change
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan.


Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng
Pilipinas.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
• Leksyon 1 – Pagkasira ng Likas na Yaman
• Leksyon 2 – Climate Change
• Leksyon 3 – Coral Bleaching

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga suliraning pangkapaligirang kinahaharap ng Pilipinas;
2. Naipaliliwanag ang dahilan at epekto ng pagkasira ng likas na yaman,
climate change at coral bleaching sa Pilipinas;
3. Natutukoy ang mga batas at kautusan ng pamahalaan sa pangangalaga ng
mga kagubatan sa Pilipinas; at
4. Nakapagbibigay ng mga paraan kung paano mapangangalagaan ang mga
likas na yaman ng bansa.

Aralin Pagkasira ng Likas na


Yaman at Climate Change
1
Pagbati! Ang ikatlong paksa sa ating modyul ay tungkol sa pagkasira ng likas na
yaman, climate change at coral bleaching. Iyong naunawaan ang suliraning
kinakaharap ng bansa tungkol sa solid waste o basura. Ipagpatuloy ang iyong
pakikibahagi sa paksa sa pamamagitan ng pag-aaral sa ikatlong paksa.

Balikan

Hagdan-Ugnayan

Panuto: Upang matiyak kung natutuhan at naunawaan mo ang nakalipas na


aralin, narito ang isang gawain na susubok sa iyong kakayahan. Itala sa hagdanan
ang mga hakbang na maari mong gawin upang mabawasan ang suliranin sa solid
waste.

Kung ang sagot mo sa ladder web ay magtapon ng basura sa tamang


tapunan, waste segregation, magresiklo ng mga bagay o basura na maaari pang
gamitin, at pagkikibahagi sa mga programang ipinatutupad ng barangay ukol sa
solid waste management, ay binabati kita sapagkat tunay ngang naunawaan mo
ang nakalipas na aralin!
Ang patuloy na paglala ng problema sa basura ng Pilipinas ay mas lalong
nagpapalala sa iba pang suliraning pangkapaligirang kinahaharap ng ating bansa.
Bukod sa problema sa basura ay isa rin sa malaking suliranin ng bansa ay ang
pagkasira ng kapaligiran, climate change at coral bleaching.

Tuklasin

Suri-Larawan

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga tanong sa
ibaba.isulat ang nagawang pagsusuri sa sagutang papel.

Unang Larawan

Ikalawang
Larawan

1. Ano ang iyong napansin sa una at ikalawang larawan?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano kaya ang posibleng dahilan ng mga ganitong pangyayari?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Paano kaya maiiwasan ang mga ganitong suliranin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Magaling! Kung ang sagot mo sa gawain ay pagkakalbo ng kagubatan at
pagbaha na dulot ng walang habas na pagpuputol ng mga puno at pagkasira ng
kagubatan. Ang mga ganitong suliranin ay maiiwasan sa pamamagitan ng pag-
iingat sa ating kalikasan. Handang-handa ka ng matutuhan ang mga araling
kaugnay nito
.

Suriin

Pagkasira ng mga Likas na Yaman

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig na mayaman sa likas na


yaman. Ang likas na yaman ay anumang bagay na nagmumula sa kalikasan
katulad ng kagubatan, kabundukan, lupa at mga anyong tubig. Ito ay nagsisilbing
batayan ng lahat ng ating pangangailangan sapagkat ito ang pinagkukunan natin
ng pagkain, hilaw na materyales na pinoproseso upang maging produkto at
nagbibigay ng pangunahing hanapbuhay sa mamamayan ng bansa. Ang mga likas
na yamang nabanggit ay mahalaga rin para sa ekonomiya ng bansa. Ngunit sa
kabila ng biyayang ipinagkakaloob sa atin ng mga likas na yaman, may mga tao pa
rin na inaabuso ang paggamit dito. Ang kapabayaang ito ang nagpapalala sa mga
natural na kaganapan tulad ng pagguho ng lupa, pagkakaroon ng malakas na
bagyo at malawakang pagbaha.
Suliranin sa Yamang Gubat

Ang ating bansa ay sagana sa yamang gubat. Napakaraming benepisyo ang


nakukuha ng mga tao mula rito. Noong 2010, tinatayang 15 % ng kabuuang kita
ng Pilipinas ay nagmula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa
nito ay ang pangingisda at pagtatanim. Ang kagubatan ang siyang nagsisilbing
tahanan ng iba’t ibang hayop at organismo na nagpapanatili ng balanse sa
kalikasan. Dito rin nagmumula ang iba’t ibang mga produkto tulad ng tubig,
gamot, damit at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Dahil sa yamang
nakukuha mula rito, mayroong mga industriya na nakapagbibigay ng trabaho sa
mga mamamayan (Philippine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Ang
patuloy na pagkasira ng ating kagubatan ang siyang pinakamalaking suliraning
kinahaharap ng Pilipinas kung hindi matitigil ang deforestation.

Ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira


ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad
(FAO,2010). Ang deforestation sa Pilipinas ay nagsimula pa noong 1500s kung
saan ang dating 27 milyong ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya
na lamang (Philippine Climate Change Commission, 2010). Ayon sa ulat na inilabas
ng European Union Joint Research Centre gamit ang satellite-based image,
kanilang nasabi na mayroon na lamang 19% ang kagubatan ng Pilipinas (Country
Delegate to the European Commission, 2009).

Ang mga sumusunod ay dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas ayon


sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests (2013).
Larawan Gawain Epekto
Illegal logging ang tawag Nakapagdudulot ng mga
sa ilegal na pagputol sa suliranin tulad ng
mga puno sa kagubatan. pagbaha, pagguho ng
Ito ay pinalubha ng lupa at pagkasira ng
kawalan ng ngipin sa tahanan ng mga ibon at
pagpapatupad ng mga hayop.
batas sa illegal logging sa
bansa.

Ang mga lumilipat sa


kagubatan at
kabundukan ay
Migration- tumutukoy sa nagsasagawa ng kaingin
paglipat ng mga tao sa (slash-and-burn farming)
ibang lugar upang doon na nagiging dahilan ng
manirahan pagkakalbo ng
kagubatan at pagkawala
ng sustansya ng lupain
dito.

Dahil sa mabilis na
paglaki ng populasyon ang
mga dating kagubatan ay
ginawang plantasyon,
Mabilis na pagtaas ng subdivision, paaralan at
populasyon iba pang imprastruktura
upang matugunan ang
mataas na demand sa
pangunahing
pangangailangan.

Ang mataas na demand


sa mga uling sa pagluluto
Fuel wood harvesting at kahoy sa paggawa ng
o ang paggamit ng puno produkto ay nagiging
bilang panggatong. dahilan ng pagputol ng
mga puno sa kagubatan.
Sa mga kagubatan
kadalasang matatagpuan
ang deposito ng mga
mineral tulad ng
limestone, nickel, copper
Ilegal na Pagmimina at ginto dahil dito
kinakailangang putulin
ang mga puno upang
maging maayos ang
operasyon ng pagmimina.

Ang mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan ang labis na


nakararanas ng epekto ng deforestation dahil nalilimitahan ang kanilang
kabuhayan dulot ng pagliit ng forest cover.

Sa mga nakalipas na panahon ay mayroong iba’t ibang mga batas,


kautusan, programa at proyekto ang pamahalaan na isinagawa sa Pilipinas upang
mapangalagaan ang kagubatan sa tulong na rin ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ang mga datos sa ibaba ay hango sa aklat na pinamagatang One Century


of Forest Rehabilitation in the Philippines (Chokkalingnam et al., 2006), sa ulat
na pinamagatang Philippine Forest and Wildlife Law Enforcement (Oliva, 2007) at
sa opisyal na website ng Forest Management Bureau.

Panahon ng Pananakop (1940-1945)


Itinayo ang kauna-unahang Forestry School (College of Forestry and
1910
Natural Resources sa ngayon) sa Los Baños, Laguna
Isinabatas ang Republic Act 2649 na kung saan naglaan ng
1916 sampung libong piso para sa reforestation ng Talisay- Minglanilla
Friar Lands sa Cebu
Naitatag ang Magsaysay Reforestation Project sa Arayat, Ilocos at
1919
Zambales
1927-1931 Itinatag ang Cinchona Plantation sa Bukidnon
1937-1941 Itinatag ang Makiling Reforestation

Panahon matapos ang digmaan (1946-kalagitnaan ng dekada 70)

Hindi gaanong naisakatuparan ang mga programa dahil limitado


1946-1948 lamang ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa reforestation.

Sa bisa ng Republic Act 115 muling sumigla ang mga gawain para
1948 sa reforestation.

Sa bisa ng Republic Act 2706 naitatag ang Reforestation


1960 Administration na ang layunin ay mapasidhi ang mga programa
para sa reforestation ng bansa.
Kalagitnaan ng dekada 70 hanggang sa kasalukuyan

Ang Presidential Decree 705 ay nilagdaan kung saan ay ipinag-


1975 utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama
ang pribadong sektor at ipinagbawal ang pagkakaingin.
1977 Ipinag-utos sa lahat ng mamamayang 10 taong gulang pataas na
magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon sa
bisa ng Presidential Decree 1153.

1980s Sinimulan ang people-oriented programs tulad ng Social Forestry


Program (1982) at Community Forestry Program (1987)
1987 Ipinagbawal ang Illegal Logging
Sinimulan ang Forest Sector Projects (FSP) I at II
1992 Naisabatas ang Republic Act 7586 (National Integrated Protected
Area System) na ang pangunahing layunin ay mapangalagaan ang
mga protected areas.

1995 Pinasimulan ang National Forestation Program (NFP) na may


layuning magsagawa ng rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektarya ng
kagubatan sa buong bansa.

1997 Naisabatas ang Republic Act 8371 o Indigenous People’s Right Act
2001 RA 9072- National Cave and Resources Management and
Protection Act
2004 Proclamation No. 643 na humikayat sa partisipasyon ng lahat ng
ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, paaralan, NGO at mga
mamamayan na makilahok sa tree planting activities.

2011 Nilagdaan ang Executive Order No. 23 na nagdeklara sa


moratorium sa pagputol ng puno sa natural at residual na
kagubatan.

2015 Nilagdaan ang Executive Order No. 193 na ang layunin ay


palawakin ang sakop ng National Greening Program

Sa National Greening Program


Kasalukuyan
National Forest Protection Program
Forestland Management Project

Isa sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan,


pribadong sektor, Non-Governmental Organization (NGO) at mga mamamayan sa
kasalukuyan ay ang unti-unting pagbuti ng kalagayan ng kagubatan ng bansa.
Noong 2015, ayon sa ulat ng United Nations Food and Agriculture Organization
(FAO) panlima ang Pilipinas sa 234 na bansa na mayroong malawak na lupaing
napapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016).
Climate Change

Ang Pilipinas ay naitala bilang pang-apat sa sampung bansa na pinaka-


naapektuhan ng Climate Change ayon sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk
Index (Sönke, Eckstein, Dorsh, & Fischer, 2015). Dahil sa climate change mas
lumakas, dumalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na
kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha at malalakas na ulan na nararanasan sa
Pilipinas.
Ang climate change ay maaaring isang
natural na pangyayari o kaya ay maaari
ding napapabilis o napalalala dulot ng
gawain ng tao ayon sa Intergovernmental
Panel on Climate Change (2001). Ang
patuloy na pag-init ng mundo o ang
global warming ay isa sa sinasabing
dahilan ng climate change dahil sa
mataas na antas ng konsentrasyon ng
carbon dioxide na naiipon sa
atmosphere. Ang mga ito ay nanggagaling
sa mga usok ng pabrika, iba’t ibang
industriya at pagsusunog ng kagubatan.

Nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change ayon sa pag-aaral


nina Domingo at mga kasama (2008). Ilan sa epekto ng climate change na
nararanasan sa Pilipinas ay ang madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña,
malalakas na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot at forest
fires.

Coral Bleaching

Isa sa mga suliraning kinahaharap ng


mga karagatan sa Pilipinas ay ang coral
bleaching. Ito ay ang pagkasira ng mga
korales sa karagatan na nagresulta sa
pagkaunti ng bilang ng mga isdang nahuhuli
sa dagat at pagkawala ng ilang mga species.
Ang pagkatunaw ng iceberg sa Antarctic ay
mayroon ding malaking epekto sa bansa
sapagkat maaaring malubog sa tubig ang
mga lugar na mabababa dahil sa patuloy na
pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat.

Ang panganib sa food security ay isa lamang sa epekto ng climate change sa


Pilipinas dahil sa malalakas na bagyo na namiminsala sa bansa pangunahing
naapektuhan nito ang sektor ng agrikultura. Ito ay nagdudulot ng pagkasira ng
mga pananim, mga kalsada, bodega, mga palaisdaan at maging ang pagkamatay ng
mga mangingisda at magsasaka. At dahil sa matinding init at pabago-bagong
panahon marami ang nagkakaroon ng sakit tulad ng dengue, malaria at cholera.
Ang ilan sa mga mamamayan ay napipilitang lumikas sapagkat ang kanilang mga
tahanan ay sinira ng bagyo o di kaya naman ay natabunan dahil sa pagguho ng
lupa. Ang iba naman ay kinain ng dagat ang lupang kinatatayuan ng tahanan.

You might also like