SCRIPT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SCRIPT

SCENE 1:
Narrator : Bago matapos ang oras nila sa school, tinawag ng teacher si Mia De Guzman para sabihan siya tungkol
sa gaganapin na graduation
-------------------
SCRIPT:
Jake: Oh De guzman malapit na yung meeting naming teachers and parents para sa upcoming graduation niyo.
Talagang hindi mo inaalis sa pangalan mo yang high honors na yan. Magpapafiesta na ata pamilya mo nyan
Mia: Salamat ho sir!
Jake: Sino nga pala aatend sayo?
Mia: Ahh, wala pa pong sinasabi magulang ko po eh.. Sige ho, una na po ako!
-------------------
Na-disappoint yung teacher sa reply ng main character dahil it seems like walang paki yung pamilya nya sa kanya.

Narrator: Nang nakauwi na si Mia sa iskwelahan, nakita ni Mia na ipinapakita ng kapatid niya ang sariling test
paper niya sa ina nila.
-------------------
(SCENE 2 SCRIPT):
Kapatid: Sorry ma, yan lang po kinaya ko eh
Nanay: Okay lang yan nak. Nakita ko naman pagsisikap mo eh, just do better next time okay?
Kapatid: 'Lamat ma!
Nanay: Gusto mo icelebrate pa natin eh, ano ba gusto mo?
Mia: Ma?
Nanay: Aysus kanina pa kita hinihintay. Halika rito kay sandali nalang andito na ama niyo. Yung mga nalaban ko,
isampay mo. Pagkatapos, maghain ka na rin.
Mia: Pero ma, kakatapos lang po namin sa mga activity sa school, 'di po ba pwedeng mamaya na lang?
Nanay: Ay sumasagot? Pag sinabi ko'ng gawin mo to, gagawin mo. Halos kain, tulog, aral na nga lang ginagawa
mo, nagrereklamo ka pa!
Mia: Pero ma, ngayon lang to please lang.
Nanay: Aba ayaw mo talaga tumigil noh!? Pinagbibigyan kita mia ng ilang beses na tandaan mo yan. Wag mong
initin ulo ko baka di na kita paaralin.
Mia: Ma please.
Nanay: Kuhang kuha mo talaga galit ko noh!?ABA SINO BA NAMANG INA ANG NAGUUTOS SA KANYANG
ANAK NA WALANG KWENTA! AYAN? AYAN BA GUSTO MO MARINIG MIA? ANG TAAS NG PANGARAP MO
MIA! TANDAAN MO, HINDING HINDI KA NAMIN ITUTURING PAMILYA! BAKET? ANO BANG IPAGMAMALAKI
KO SAYO? YANG KA-ARTEHAN MO? NAKAKATAWA KA MIA SA TOTOO LANG. TSAKA ANONG PAGOD NA
SINASABI MO? KAPATID MO GALING SCHOOL PERO NANATILING MASIPAG AT MATIYAGA! ALAM MO,
SIGURO MAY BOYFRIEND KA NA, AT YANG BOYFRIEND MONG YAN, SABIHIN MO SAKANYA NA ISA KANG
MAARTENG WALANG KWENTA!
Mia: (Nangingiyak ngiyak) Pasensya na ma, magsasampay na lang po ako...
Nanay: Anong "ma"? Talagang pinapatawa mo ko noh? Wag kang palampa lampa, bilisan mo
----
Narrator: Pagkatapos magkasagutan ng magina dahil kay Mia na nais magpahinga at hindi muna gawin ang mga
gawaing pambahay. Nakauwi na ang ama nila na may dalang pasulubong.

Kapatid: Hi dad!!
Tatay: Oh, kamusta ka? 'To oh pasulubong.
Kapatid: Wowww! Thank you Dad!
Mia: Pano po ako pa?
Tatay: Ayy, naku! Pasensya ka na mia hindi kumasya sa budget yung pera, next time ka na lang ha?
Mia: Eh yan rin sinabi mo nung isang araw eh, kelan po ba talaga yung next time?
Tatay: Pabayaan mo na, next time talaga mas marami ibibigay sayo.
Mia: Salamat po!
Tatay: Ano ulam niyo?
Main Character: Ahh adobong baboy po, luto ko-
Tatay: (Hindi pinansin) Tawagin mo na sila, mamamatay na talaga ako sa gutom sinasabi ko sainyo.

----
Narrator: Pagkatapos magbigay ng pasulubong ang ama, ay inutusan si Mia na tawagin ang kanyang kapatid at
ina para kumain.

Tatay: Kamusta school? Balita ko, dumating na raw test results niyo.
Nanay: Kay salamat tinanong mo. Perfect iyang bunso mo oh! Masipag,mabait, at matalino pa!
Tatay: Grabe! May ipagmamalaki talaga ako sa co-workers ko. Patuloy mo yan ha?
Kapatid: Syempre naman po dad!
Tatay: Eh ikaw mia?
Mia: Po?
Tatay: Yung test results mo mia.
Mia: Ahh... Hindi ko po naitama lahat pero-
Nanay: TAMA KA NA! PATI BA NAMAN SA PAGAARAL MO HINDI KA PA RIN NAGBAGO? SUMOSOBRA KA
NA HA! WALA KA NA BANG GINAWANG TAMA? ILABAS MO NGA TEST PAPER MO!
Nanay: JUSMIHO! DADALAWA NA NGA LANG HINDI MO PA NAITAMA! ANO BA YAN MIA, PATI KABOBOHAN
MO SUMOSOBRA NA!? ANO BANG NASA ISIP MO HA? BAT HINDI MO GAYAHIN YUNG KAPATID MO AT
MGA PINSAN MO! MATATALINO AT MASISIPAG! HINDI YUNG NAKIKIPAG-BARKADA NA LANG,
MAKIKIPAGLANDI DIYAN SA BOYFRIEND MONG YAN AT IPAPASA NG HINDI PINAGISIPAN. AKALA MO
KASE, OKAY LANG SAYO TO EH NOH?! YOU'RE SUCH A DISGRACE IN THIS FAMILY!
Mia: TAMA NA NGA MA! SAWANG SAWA NA'KO MA! SORRY HA! SORRY! SORRY NA HINDI AKO PERPEKTO
DAHIL HINDI NAMAN TALAGA AKO MAGIGING PERPEKTO! SORRY NA HINDI KO KAYANG MAGING
KATULAD NI DENNIS DAHIL HINDI KO NAMAN GINUSTONG MAGING KATULAD NIYA! SORRY NA DI
UMABOT EXPECTATIONS MO SAKIN DAHIL HINDI KO NAMAN TALAGA MAAABOT EXPECTATIONS MO! I'VE
BEEN TRYING SO HARD PARA LANG MAGING PROUD KAYO SAKIN PERO KAHIT ANONG GAWIN KO IT'S
STILL NOT ENOUGH! SAWANG SAWA NA AKO SA PAGCOCOMPARE MO SAKIN MA! WALA NA BANG
PAGBABAGO SA MGA SALITA MO? TSAKA HINDI KA BA NAPAPAGOD SA PAGKAKASABI MO NG BOBO,
DISGRACE, WALANG SILBI, MAARTE, WALANG KWENTA, TAMAD?! WELL AKO PAGOD NA PAGOD NA
AKO! TAPOS YOU KEEP POINTING OUT MY MISTAKES AND ONLY SEE MY WORST PERO HINDI MO
KAYANG MAKITA YUNG MGA PAGHIHIRAP, PAGDUDUSA, PAGTITIYAGA, PAGSISIKAP KO PARA LANG SA
INYO! HINDI MO BA KAYANG MA-APPRECIATE AKO FOR ONCE!? MAKITA AKO BILANG ISANG ANAK MO
HINDI BILANG ISANG KATULONG!? TAO LANG DIN NAMAN AKO, HINDI BA PWEDENG PAGOD LANG AKO!?
SI DENNIS NAIINTINDIHAN MONG PAGOD PERO BAKIT AKO HINDI!? ANAK MO DIN NAMAN AKO AHH??
BAKIT BA HIRAP NA HIRAP KANG INTINDIHIN MO AKO?
Tatay: TAMA NA NGA KAYO! KAHIT ISANG ARAW NA KATAHIMIKAN DI NIYO PARIN MAGAWA!? AT IKAW
NAMAN MIA WAG KANG SUMASAGOT SAGOT DIYAN SA NANAY MO! BASTOS KA! PINALAKI KA BA NAMIN
NG GANYAN, HA?
Mia: TUMAHIMIK KA NA NGA LANG DAD! WALA KA NAMANG NAITUTULONG SA MGA AWAY NAMIN EH!
AND YOU'RE ALWAYS SIDING KAY MAMA! AT HIGIT SA LAHAT, KAHIT ISANG WORD MAN LANG NA SINABI
KO, HINDI NIYO PA KAYANG INTINDIHIN AKO?

Narrator: Muling nagkasagutan ulit ang mag-ina at nasama na rin ang ama. Hindi na kinaya ni Mia ang walang tigil
na kasagutan nilang magpamilya, kaya naman pinagisipan niya na maglayas nalang at manirahan sa kanyang
kaibigan.
-------------------
(SCENE 3 SCRIPT):
Kaibigan: Uy mia, bat ka nandito? Gabi na ahh...
Main Character: Sorry, wala kasi akong tutulugan ngayon eh.. Okay lang ba kung dito muna ako?
Kaibigan: Ayy! Sige! Pasok ka.
Kaibigan: Dito ka nalang muna matulog.
Main Character: Salamat talaga brent
Kaibigan: Teka, bat ka nmn na napapunta dito? May problema na nmn ba kayo ng pamilya mo?
Kaibigan: Kung ayaw mong sabihin okay lang, basta tandaan mo nandito lang ako para suportahan ka ha.
Main Character: Yung magulang ko kasi...
Main Character: Sawa na ko sa kanila, sinabi din nmn nila sakin na ayaw na nila akong maging anak nila kaya
tumakas na lang ako. Lagi na lang nila ako ipinagkukumpara sa kapatid ko dahil mas magaling at mas
nakakaangat siya sakin, isa lang naman daw akong disgrasya sa pamilya namin. Ayoko nang bumalik pa.
Kaibigan: Ano bayan, kinakawawa ka lang pala ng pamilya mo. Pero anak ka parin nila, sigurado ako nag-aalala
na sila sayo, mahal ka pa rin nila-
Main Character: Hindi na nga kasi! Talagang wala na silang paki sakin. Da-dalawang mali na nga lang, pinagalitan
pa ako! Baka nga masimportante pa selpon nila kaysa sakin eh! Gusto ka lang naman kasi na ituring nila akong
anak!
Kaibigan: Shh, okay lang yan. Kung ayaw nila sayo dito ka na lang muna tumira. Kailangan mo talaga ng pahinga
mula sa kanila...
Kaibigan: Tsaka alam mo ba ang pamilya ay hindi lamang ang mga tao sa iyong buhay na may kaugnayan sa iyo
sa pamamagitan ng dugo. Isang bagay rin to ng mga taong gusto mong maging bahagi ng kanilang buhay.
Nauukol rin sila sa mga tao sa iyong buhay na tumatanggap sa iyo kung sino ka, humihikayat sa iyo sa mga
hakbang na iyong gagawin, at tumayo sa tabi mo sa mabuti panahon o kahit masama pa yan. Sila ang mga tao sa
iyong buhay na mapagkakatiwalaan, nirerespeto, nagpapahalaga, at nagmamahal sa iyo. Tandaan mo yan.
Main Character: Salamat talaga brent. Di ko talaga pagsisisihan na nakipagkaibigan ako sayo.

Narrator: Samantalang, ang pamilya ay natataranta sa biglaang pagkawala ni Mia sa kanilang tirahan.
-------------------
(SCENE 4 SCRIPT):
Nanay: Hoy, babae! Lumabas ka na nga dyan sa kwarto mo. Ang drama mo talagang bata ka! Kuhang kuha mo
talaga inis ko noh!
Nanay: NARIRINIG MO BA KO!? SUMAGOT KA! BASTOS KANG BATA KA, WAG MO KONG SUBUKAN!
Nanay: Hoy mia!
*/ Sumilip or binuksan yung door
Nanay: Mia? Nasan ka na, wag mo kong taguan!
Nanay: Nasan na yun...
/* tumakbo kay dad
Nanay: SI MIA!? NASAN SIYA?
Tatay: ANO!?
Nanay: NAGLAYAS ANAK MO ANO KA BA!!
Tatay: SINASABI MO BANG UMALIS NA TALAGA SI MIA!?
Tatay: SANDALI! BAT DI MO TAWAGAN?
Nanay: ANO KA BA! YUNG SELPON NIYA NAIWAN NIYA!
Tatay: ALAM MO KASALANAN MO LAHAT NG TO! KUNG HINDI MO SIYA SINISIGAWAN AY HINDI
MANGYAYARI ANG MGA TO!
Nanay: WAG MO KONG SISIHIN! IKAW TONG HINDI NAG-INIINTIDI SA MGA ANAK MO! KUNG
PINAHAHALAGAHAN MO LANG SANA PAREHO YUNG MGA ANAK MO HINDI MAGLALAYAS SI MIA!
Tatay: IKAW TONG PALAUTOS AT INUUNA SI MIA IMBIS SA KANYA!
Kapatid: ANO BA NAY? TAY? HINDI NYO PARIN BA NAPAPANSIN? UMALIS SI MIA DAHIL SA ATING LAHAT!
HINDI NATIN SIYA PINAHAHALAGAHAN! INIINTIDI LANG NATIN SARILI NATIN KAYA NAKALIMUTAN NA
NATIN NA PARTE PA RIN SIYA NG PAMILYANG TO!
Kapatid: KUNG HINDI DAHIL SA MGA MASASAKIT NA SALITA NA SINASABI MO KAY MIA AY HINDI SIYA
MASASAKTAN MA! AT IKAW NAMAN DAD, KUNG SANA AY PINAHAHALAGAHAN MO AT PINAPANSIN MO SI
MIA AY HINDI SIYA MAGIGING GANITO! AT KUNG HINDI DAHIL SAKIN NA LAGI NYO NA LANG AKO PINA-
PRIORITIZE AY DI LAHAT TO MANGYAYARI!
Nanay: Pasensya na anak, hindi namin nakita na ganun pala ang nangyayari. Hindi ko namalayan na tayo pala
yung may problema.
Kapatid: HINDI MA! KAY MIA KA MANGHINGI NG TAWAD!

----
Narrator: Pinagisipan ng mga magulang ni Mia na maghintay sa iskwelahan niya. At duon manghingi ng tawad at
kumbinsihin na bumalik sa tahanan nilang pamilya.
Narrator: Nang uwian na, ay hindi mahanap ng nanay si Mia kaya tinanong niya ang kaniyang mga kaklase.
Nanay: Excuse mga bata, kaklase ba kayo ni Mia?
Pia: Opo, sino po kayo?
Nanay: Ahh nanay nya ko, susunduin kasi namin siya dapat pero hindi namin siya matagpuan.
Gillian: Ahh, nandun parin po ata sya sa classroom.
Eli: Pero siguro po maya maya ay paalis na sya dun, intayin nyo na lang po sya.
Nanay: Ahh, sige sige, maraming salamat sa inyo.
Narrator: Nang pag-labas ni Mia sa classroom ay nakita sya ng nanay nya at kaagad siyang tinawag.
Nanay: Anak! Sandali! Pansinin mo naman kami!
Main Character: Pansinin kayo? Eh ako nga di niyo pinapansin hanggang sa tuluyan na lang ako mawala!
Kapatid: Mia... /*hinawakan ung kamay
Main Character: ANO BA! BITAWAN MO KO!
Tatay: Anak, pagpasensyahan mo na kami sa mga ginawa namin. Nakita na namin kung ano mali namin. Please
lang, bumalik ka na... Ayusin na natin to..
Main Character: AYOKO NA HINDING HINDI NA KO BABALIK SA PAMILYANG YAN! LAGI NYO NA LANG AKO
IPINAPASAWALANG BAHALA! WHAT'S THE POINT KUNG BABALIK AKO!?
Nanay: MIA! BIGYAN MO KAMI NG PAGKAKATAON! SIMULA NGAYON, NANGANGAKO AKO NA HINDI KA NA
NAMIN PAPARIWARAIN! PLEASE MIA!
Main Character: SIMULA NGAYON!? NGAYON LANG KAYO MAGTATAKE NG ACTION!? MARAMI NA KONG
CHANCE NA IBINIGAY SA INYO PERO NGAYON NIYO LANG BA AKO NAPAPANSIN!? NGAYON NYO LANG
BA AKO GUSTONG INTINDIHIN!? NGAYON NYO LANG BA AKO GUSTONG MAHALIN!? NGAYON NYO LANG
BA AKONG ITUTURING ANAK?
Nanay: Nak pakinggan mo naman kami, oo ngayon ka lang namin napansin, pero pagmamahal namin di yan
nawala. Andami naming pagkakamali pero ngayon lang kami magbabago. Kahit wag mo na kaming patawarin,
bumalik ka lang samin please. Sa bahay na natin ayusin to.
Main Character: Bakit kasi ngayon lang ma... (paiyak na tone)
Nanay: Sorry na...
Nanay: Halika na, uwi na tayo.
(The end nag yakapan na sila 🥳)
-------------------
Narrator: Napag-isipan ni Mia na bigyan muli ng pagkakataon ang kaniyang pamilya para maayos kanilang
relasyon.
Narrator: At dito nagtatapos ang aming kwento.

You might also like