DLP-AP8 (Repaired)

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

UPDATED LESSON PLAN

Guro: Analou E. Monsanto Paaralan: Arriesgado-Sevilleno NHS

Petsa: May 30, 2023 Paksa: AP8

Quarter: 4th Quarter

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-


unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at
sama-samang pagkilos sa kontemporanyong
daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa


mga Gawain, program, proyekto sa antas ng
komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal
at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng


mga pandaigdigang organisasyon sa pagsusulong
ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran. (AP8AKD-IVi-11)

•Nabibigay ang kahulugan ng mga pandaigdigang


organisasyon

•Nasusuri ang mga rehiyonal na organisasyon at


ang kanilang layunin

•Nakakalikha ng Sanaysay, Advocacy Campaign at


Proyekto ukol sa pagpapahalaga ng
pandaigdigang organisasyon

II.Nilalaman Mga Pandaigdigang organisasyon sa


pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran

Kagamitan sa Pagtuturo Visual aids, marker, larawan

III. Pamaraan

A. Panimulang gawain •Panalangin

•Pagbati
•Pagsasaayos ng silid aralan

•Pagtala ng lumiban sa klase

•Balik-Aral:

1. Tungkol saan ba ang ating tinalakay


noong nakaraang araw?

Posibleng sagot: Ito ay tungkol sa Neokolyalismo.

2. Ano nga ang ibig sabihin ng


Neokolyalismo?

Posibleng sagot: Ang ibig sabihin ng


Neokolyalismo ay hango sa salitang "neo" na ibig
sabihin ay bago at kolonyalismo naman na
nangangahulugang pananakop. Ipanahiwatig ng
Neokolyalismo ang paraan Ng pananakop kung
saan hindi gumagamit ng puwersa o dahas upang
kontrolin ang mga mahihirap na bansa.

B. Paghahabi sa layunin

Hula-Logo?

Panuto: Hulaan ang mga logo ng sumusunod na


pandaigdigang organisasyon.

A. Organization Of Islamic
Cooperation (OIC)
B. Association Of Southeast Asian
(ASEAN)
C. Asian Pacific Economic
Cooperation (APEC)
D. World Bank (WB)
E. World Trade Organization
(WTO)
F. European Union (EU)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Gawain 1. Pagbibigay kahulugan tungkol sa
United Nations sa pamamagitan ng isang poster
making.

D. Paglinlang sa kabihasnan Magtatnong ang guro sa mga mag-aara;

1. Ibigay ang mga organisasyon at programa ng


United Nations.

2. Ano-ano ang mga rehiyonal na organisasyon at


ang kanilang layunin?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Ang United Nations ay isang samahan na


paglalahad ng bagong kasanayan naglalayon na mapanatili ang kapayapaan at
seguridad sa internasyonal, magkaroon ng
pakikipag-ugnayan sa mga bansa makamit ang
kooperasyong pandaigdigan, at maging sentro para
sa pagtaguyod sa mga layuning isinusulong tungo sa
kabutihan at kaunlaran ng mga bansa.

Ang UN ay pinakamalaking Internasyonal na


kinakatawan, pinaka pamilyar at pinaka
makapangyarihang samahan sa buong mundo.

MGA ORGANISASYON AT PROGRAMA NG


UNITED NATIONS

United Nations Human Settlements Programme,


UN-HABITAT- Isang programa ng nagkakaisang
bansa na itinatag noong 1978 upang mapanatili ang
pag-unlad ng mga lungsod sa iba't-ibang panig Ng
mundo. Isinulong nito ang panlipunan at lungsod
upang makapagbigay ng sapat na kabahayan sa
lahat.

Food And Agriculture Organization Of The United


Nations (FAO) - Ang FAO ay nakatuon upang
wakasan ang gutom, kakulangan sa pagkain, at
malnutrisyon.

International Monetary Fund (IMF)- Ito ay isang


pandaigdigang organisasyon na nangangasiwa sa
pandaigdigang sistema ng pananalapi sa
pamamagitan ng pagmamasid sa halaga Ng palitan
at balanse ng kabayaran ng mga bansa.

International Labour Organization (ILO)- Ang


International Labour Organization ay isa rin sa mga
ahensiya ng United Nations na naglalayong lumikha
Ng mas malaking opportunidad sa mga kababaihan
at kalalakihan para sa Isang ligtas at disenteng
trabaho.

United Nations Educational, Scientific And Cultural


Organization (UNESCO)- Ito ay isang ahensiya na
nakatuon sa edukasyon, kalinangan sa kultura at
agham.

World Health Organization (WHO)- Layunin ng


ahensiyang ito na bumuo at magpatupad ng mga
pandaigdigang patakaran na may kinalaman sa
kalusugan at sensitibong isyung pangkasarian.

IBA PANG PANDAIGDIGANG ORGANIZATION

World Bank (WB)- Ito ay isang pandaigdigang


bangko na nagbibigay ng tulong pananalapi at
teknikal na serbisyo sa mga bansang umunlad na
may kinalaman sa mga programang pangkaunlaran.

Organization For Economic Cooperation And


Development (OECD)- Ito ay isang pang-
ekonomiyang organisasyon na may pangunahing
layunin na mapabuti ang pandaigdigang ekonomiya
at maisulong ang pangkalahatang kalakalan.

World Trade Organization (WTO)- Ito ay isang


pandaigdigang organisasyon na may layuning
mamahala at magbigay ng kalayaan sa mga bansa
na makilahok sa kalakalang pang-internasyonal.
Itinatag Ito noong ika-1ng Enero 1995 at mayroong
164 na bansang kasapi sa kasalukuyan.

MGA REHIYONAL NA ORGANISASYON AT ANG


KANILANG LAYUNIN

Association Of Southeast Asian Nations (ASEAN)-


Isang Organisasyong heopolitikal, pang-ekonomikal
at kultural na itinatag noong ika-8 ng Agosto 1967.
Sa kasalukuyan mayroon itong 10 na miyembrong
bansa na kabilang sa rehiyon ng Timog-Silangang
Asya. Layunin ng samahang ito na maitaguyod ang
paglago ng ekonomiya at kaunlarang panlipunan,
pagsulong ng kultura, at pagpapanatili ng
kapayapaan.

European Union (EU)- Ito ay pinakamalaking


kompedersyon ng mga malalayang bansa sa
kaunlaran na itinatag noong ika-1 Ng November
1993 at binubuo ng mahigpit 27 na mga bansa sa
kasalukuyan. Layunin ng samahang ito na
maisaayos ang pang-ekonomikong aspeto sa bawat
kasaping bansa.

Organization Of Islamic Cooperation (OIC)- Ito ay


samahan ng mga bansang Muslim na may 57
estadong kasapi na itinatag noong ika-25 ng
Setyembre 1969. Layunin ng samahang ito na
siguraduhin at protektuhan ang kanilang interes at
isulong ang pandaigdigang kapayapaan at
kaunlaran.

Organization Of American States (OMS)- Ito ay


samahan ng mga Estadong Amerikano na itinatag
noong ika-30 ng Abril 1948 na may 35 na kasapi ng
nagsasariling estado ng Amerika. Layunin nito ay
makamit ang kapayapaan at hustisya, itaguyod Ang
pagkakaisa, ng patatagin ang kanilang
pagtutulungan, pangalagaan ang kanilang
ekonomiya, teritoryo, at ang kanilang kalayaan.

F. Paglalapat sa aralin sa pang araw-araw na Gawain 2: Ibigay ang Pagkakaiba at Pagkakatulad


pamumuhay ng United Nations at World Bank gamit Ang Venn
Diagram

Pagka-
Pagkakaib katula Pagkakaib
a a
d

G. Paglalahat Gawain 3: Pangkatang Gawain Hahatiin sa


dalawang pangkat ang mga mag-aaral at
inaasahang maipresenta ang Tema tungkol sa
"Mga pandaigdigang organisasyon sa pagsulong
ng pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran" sa
loob lamang ng limang minuto.

Pangkat 1: Gumawa ng Slogan

Pangkat 2: Gumawa ng Kanta

Pangkat 3: Gumawa ng Tula


Krayterya:

Organisasyon ng mga ideya--------15%

Kaangkupan sa paksa----------------15%

Presentasyon--------------------------20%

Kabuoan---------------------------------50%

H. Pagtataya Gawain 4:

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang


pandaigdigang samahang inilalarawan sa bawat
bilang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

World Bank (WB)

European Union (EU)

World Trade Organization (WTO)

World Health Organization (WHO)

International Labour Organization (ILO)

International Monetary Fund (IMF)

Organization Of Islamic Cooperation (OIC)

Association Of Southeast Asian Nations


(ASEAN)

Food And Agriculture Organization Of The


United Nations (FAO)

Organization For Economic Cooperation And


Development (OECD)

______1. Isang pandaigdigang bangko na


nagbibigay ng tulong-pinansyal at teknikal sa mga
bansang umunlad para sa mga programang
pangkaunlaran.

______2. Isang Ahensiya na nakatuon sa


edukasyon, kalinangan at agham.
______3. Isang pandaigdigang organisasyon na
may layuning mamahala at magbigay ng kalayaan
sa kalakalang pang-internasyonal.

______4. Isang natatanging sangay ng United


Nations na gumaganap bilang direktang
tagapamahala ng pandaigdigang kalusugan.

______5. Isa sa mga ahensiya ng United Nations


na may layuning mapabuti ang produksyon at
pamamahagi ng pagkain sa mundo.

______6. Isang pang-ekonomiyang organisasyon


na may layuning na pasiglahin ang pag-unlad sa
ekonomiya at kalakalan sa mundo.

_____7. Kapisanan ng mga bansa sa Timog-


Silangang Asya na may layuning mataguyod ang
paglago ng ekonomiya at kaunlarang panlipunan,
pagsulong ng kultura, at pagpapalaganap ng
kapayapaan.

_____8. Isang kapisanan ng mga bansa sa


kaunlaran kung saan ang mga gawain nito ay
sumasakop sa patakarang publiko at ekonomiya
sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka, at
kalakalan.

_____9. Isang pandaigdigang organisasyon na


pinagkakatiwalaan mamahala sa pandaigdigang
sistema ng pananalapi sa pamamagitan ng
pagmamasid sa halaga ng palitan at balanse ng
kabayaran.

_____10. Isa sa mga Ahensiya ng United Nations


na ang layunin ay pangasiwaan ang mga
pamantayan sa pandaigdigang paggawa,
proteksiyong panlipunan at pangkalahatang
pagkakataon sa trabaho.

I. Karagdagan Gawain 5:

Panuto: Gumawa ng Sanaysay, Advocacy


Campaign sa pamamagitan ng isang poster
making na naglalarawan ng pagtutulungan at
pagkilos ng mga bansa upang malagpasan ang
suliranin dulot ng Pandemyang COVID-19. Gawin
Ito sa hiwalay na papel.

Krayterya:

Nilalaman-----------------------10%

Pagkamalikhain---------------20%

Kaangkupan sa paksa--------20%

Kabuoan------------------------50%

IV. Mga Tala

PREPARED BY: ANALOU E. MONSANTO

CHECKED BY: CHERYL M. PAHILINO

You might also like