Antas NG Kaalaman NG Mga Mag Aaral

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

ANTAS NG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL SA IBAT-IBANG ALAMAT SA BAYAN

NG MAAYON, LALAWIGAN NG CAPIZ

SHALEN F. BONSATO
KABANATA 1

PANIMULA NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay binubuo ng limang bahagi: (1)

Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-aaral, (2) Paglalahad ng

Suliranin at Ipotesis, (3) Kahalagahan ng Pag-aaral (4)

Pagpapakahulugan sa mga Katawagan, at (5) Saklaw at Hangganan ng

Pag-aaral.

Unang Bahagi, Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-

aaral, magtatalakay ng mga dahilan kung bakit magsasagawa ng

pananaliksik at ang balangkas na magsisilbing batayan at suporta

sa pagpili ng pag-aaral na ito.

Ikalawang Bahagi, Paglalahad ng Suliranin at Ipotesis,

magtatalakay ng pangkalahatan gayundin ang mga tiyak na suliranin

at ang susubukang ipotesis.

Ikatlong Bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, magbibigay

dahilan kung bakit ang naturang pananaliksik ay kailangang gawin

at ang pakinabang nito ay mahalaga ayon sa kinalabasan.

Ikaapat na Bahagi, Katuturan ng mga Katawagan, magbibigay-

linaw sa mga mahahalagang terminolohiya at mga pangunahing

baryabol na gagamitin sa pag-aaral.

Ikalimang Bahagi, Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral,

magtatakda ng saklaw at hangganan ng pananaliksik at pangunahing


baryabol, mga pamamaraan, disenyo na gagamitin sa pag-aaral.

Ipaliliwanag din ang mga kalahok, sampling,mga hakbang, at mga

istadistikang na gagamitin, sa pag-aaral.

Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-aaral

Kaligiran ng Pag-aaral Ang pagpapahalaga sa panitikan kagaya

ng alamat ay pagpapahalaga sa bayan. Kaya’t bilang isang

Maayonanon, mahalaga na mapanatili ang sariling panitikan. Sa

pananaliksik na ito ay matatalakay ang mga alamat ng ibat-ibang

barangay sa bayan ng Maayon.

Napakahalagang hukayin ang matatandang paniniwala sa tulong

ng panitikan. Sabi nga ni (Aquino, 2001) "Literature' whether

creative or ethnic, traditional or contemporary-helps man to

nourish his humanity. Literature educates and refines man's

feelings and sensibilities; it elevates man's moral standards.

Hindi matatawaran ang impluwensya ng panitikan sa buhay ng

tao, pwede itong makapagbabago sa buhay natain. Maari tayong

makakuha ng magandang kaugalian dito. Marami sa mga ito ay

nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga tao.

Ito ang inaasahan ng mga mananaliksik na kahit papaano sa

tulong ng paglilikom ng mga alamat na sa ibat-ibang baranggay sa

bayan ng Maayon. Mapaalalahanan ang mga tao lalo na ang mga


kabataan na may magagandang kaugalian at paniniwala noon paman na

dapat panatilihin at pagyamanin.

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang gawi at kilos ng ating

kabataan ay ibang-iba kaysa sa kultura ng ating mga ninuno. Kaya

mahalagang malikom ito upang maisulat at mabasa ng ating

kabataan. Pinatunayan ito ni Hornedo( 1994:61) sa kanyang

isinulat na sanaysay hinggil sa kasaysayan ng tradisyon etniko

kung saan binigyang halaga niya ang kahalagahan ng foklor.

"In the present search for a Filipino national cultural

identity, the importance of folklore cannot be over-estimated.

Oral literary tradition lies at the deepest layer of the national

culture;it is the Filipino's recourse in times of greatest joy

and deepest sorrow, the spring from which flows the national

consciousness.

Balangkas Teoritekal

Ibinatay ang pag-aaral na sa sinabi ni J. Loria ( 1976: 22)

na "There is no surer way of transmitting values than through

Literature for values are caught and not taught”.

Naniniwala ang mananaliksik na sa pag-aaral ng mga

panitikang mayroon sa sariling bayan at ma-isatitik ito maipapasa

kahit papaano ang mga kaugaliang hindi na nakagisnan ng

kasalukuyang henerasyon.Sa tulong ng pagsasatitik ng ibat-ibang


mga alamat sa Maayon, mapaalalahanan tayo lalo na ang ating

kabataan na mayroon tayong kultura at tradisyon na nakatago sa

ating panitikan.

Ang pook at identidad ay may malaking kaugnayan. Ipinapakita

ng konsepto ng pook ang kahalagahan ng lugar at kinaroroonan sa

paghubog ng identidad. Naniniwala ang mga katutubo na ang lupa ay

buhay---ang salalayan ng kultura. Sa kasaysayan ng maraming

katutubo, ang komprontasyon ng magkakaibang pananaw tungkol sa

lupa ay nagbunga sa pagtataboy sa mga katutubo sa kanilang

katutubong lupain (Ashcroft et al., 2005).

Malayang Baryabol Di Malayang Baryabol


Personal na salik
 Kasarian Antas ng kaalaman sa
 Edad alamat.
 Lokasyon
 Paaralan
 Hilig/Interes

Pigura 1.Ang balangkas na ito ay nagpapakita ng ugnayan ng


malayang baryabol at di-malayang baryabol. Nais alamin ng
mananaliksik ang personal na salik ng mga respondent ayon sa
kanilang Kasarian, Edad, Paaralan, Lokasyon at Hilig o Interes
ng mga mag-aaral upang mabatid ang antas ng kaalaman ng mga
magaaral sa ibat-ibang alamat sa bayan ng Maayon.
Paglalahad ng Suliranin at Ipotesis

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kaalaman ng mag-

aaral mula sa baitang 7 ng pampublikong paaralan sa bayan ng Maayon at

malikom ang mga alamat ng ibat-ibang barangay, at upang maisakatuparan

ito, sisikaping sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang personal na salik ng mga mag-aaral na nasa baitang 7 ayon

sa kanilang

a.) Edad d.) Paaralan

b.) Kasarian e.) Hilig at interes

c.) Tirahan

2. Alin sa mga alamat sa bayan ng Maayon ang may pinakamaraming bilang

ang alam ang alamat at ang may pinakamababang bilang na hindi alam ang

alamat?

3. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga alamat ng Maayon.

4. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral at paglilikom ng mga alamat sa

bayan ng Maayon?

5. Ano-ano ang implikasyong pang-edukasyon ang maitutulong ng

pananaliksik na ito sa paaralan at sa mga mamamayan ng Maayon.

Ang mga sumusunod ay ang mga susubuking ipotesis:


1. Walang makabuluhang kaugnayan ang kakayahang pandenotatibo

at pang-konotatibo at ang paggamit sa pangungusap ng mga

mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa pagkakaunawa ng

hindi lamang mga mag-aaral kundi lahat ng mga tao sa bayan ng

Maayon. Malaki ang pakinabang ng pananaliksik na ito sa mga mag-

aaral, mga guro, mga magulang at iba pa. Maipakikita at

maipararating sa aking pananaliksik ang makulay na kultura,

tradisyon at panitikan ng aking mga kababayang Maayonanon.

Mga Magulang.Makakatulong ito sa mga magulang sa paraang

magkaroon sila ng impormasyon tungkol sa mga alamat upang maayos

nila itong maipakilala o maikuwento sa kani-kanilang mga anak.

Magkakaroon din sila ng sapat na kaalaman ukol sa ibat-ibang

alamat sa tatlungput-anim na barangay sa bayan ng Maayon.

Maipagmamalaki ng mga magulang ang mga alamat ng tatlumput-anim

na baranggay na mayroon sa panitikan. Bunga nito, maipakita

nilang mayroon silang kultura at may katangi-tangi silang yaman

ng isip na kaiba sa iba pang grupo sa Pilipinas.

Mga Guro.Sa mga guro, lalo sa mga nagtuturo ng asignaturang

Filipino. Makatutulong ito sa kanila upang malaman kung ano ang

kultura. Tradisyon, at mga paniniwala sa bayang ito. Makatutulong


ito sa mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino upang mas

mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa Alamat. Maari rin itong

magamit bilang kaugnay na pag-aaral ng mga mananaliksik na

nagsasagawa ng pagaaral tungkol sa mga alamat sa bayan ng Maayon.

Sa tulong nito maipapakita nila sa mga mag-aaral ang iba pang uri

ng panitikan sa ating bansa partikular na sa Maayon na hindi pa

nabibigyan ng pansin dahil hindi pa ito naisulat.

Sa mga Mag-aaral. Makakatulong ito upang lubos nilang

maunawaan ang ating mga alamat upang mapaunlad ang sariling

panitikan. Maipamulat sa kanila at maipagmalaki ang mga alamat ng

sariling bayan

Mga Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay

maaaring basehan ng mga susunod pang mananaliksik upang higit

pang mapayaman ang kinalabasan ng pag-aaral na ito. Kanila itong

magagamit bilang gabay at sanggunian sa pagsusuring pag-aaral.

Higit sa lahat makapag-ambag ang pag-aaral na ito tungo

sa pagpapanatili at pagpapayaman ng kulturang Pilipino.

Maaari ring maging kasangkapan ito upang kahit papaano sa

kabila ng pagiging makabago mayroon tayong maaalalang bakas


ng pinagmulan ng sariling lugar. Ang pagmamahal at

pagpapahalaga natin sa ating sariling kultura, tradisyon at

panitikan ay pagpayaman sa ating lahi.

Pagpapakahulugan sa mga Katawagan

Para sa ikalilinaw at lubusang pagkaunawa ng mga pag-aaral

na ito, ang mga terminolohiyang gagamitin ay bibigyang kahulugang

konseptwal at operasyonal:

Edad – ito ay tumutukoy sa bilang ng gulang ng isang

mag-aaral na isang salik na maaaring pagmulan ng pagkakaiba

ng bawat indibidwal

Kasarian – ito ay tumutukoy sa pagiging babae o

pagiging lalaki ng mga mag-aaral na maaaring pagmulan ng

pagkakaiba-iba ng kanilang pagbatid at pagpapahalaga.

Lokasyon – ito ay tumutukoy sa pook o lugar na kanilang

kinagisnan o tinitirhan.

Alamat – ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento

tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay o katawagan.

Maayonanon – ito ay tumutukoy sa mga taong naninirahan

at likas o tubong mula sa Maayon.

Barangay – ito ay ang pinakamaliit na sangay ng local

na pamahalaan na pinamumunuan ng isang Kapitan.


Antas ng Kaalaman – ito ay tumutukoy sa pagsasabuhay ng

kanilang natutunan ukol sa mga alamat ng ibat-ibang barangay

sa bayan ng Maayon.

Foklor - ito ay tumutukoy sa mga katutubong salaysayin

na kasasalaminan o kakikitaan ng kultura, tradisyon at

paniniwala.

Mito – anyo ng panitikan na tumatalakay sa mga

katutubong kwento na kadalasan ay tumatalakay sa mga diyos

at diyosa. Kwentong-bayan – anyo ng panitikan na

nagsasalaysay o naglalahad ng mga kwentong pinag-uusapan sa

kasalukuyan ng buong bayan

Kompayleysyon – ito ay tumutukoy sa pagtitipon ng lahat

ng alamat ng ibat-ibang barangay sa bayan ng Maayon.

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa antas ng

kaalaman sa ibat-ibang alamat sa bayan ng Maayon na mga mag-aaral

na nasa baitang 7 mula sa paaralan ng Maayon National High

School, Florentina B. Degala National High School, East at West

National High School. Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito

na matukoy ang antas ng kaalaman ng mag-aaral sa ibat-ibang

alamat sa bayan ng Maayon. Ang mga mag-aaral na magsisilbing

respondente na tutugon sa talatanungan ay pipiliin gamit ang


stratified random sampling mula sa mga nabanggit sa itaas na

paaralan.

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Pinaniniwalaang ang mga alamat ay totoo ayon sa

tagapagsalaysay at tagapakinig bagamat walang malinaw na

pundasyong teolohiya ang alamat (Eugenio, 2007, p. xxv). Bukod pa

rito, ayon kay Gerald Yason (2012), ang alamat ay: “karaniwang

nagsasalaysay …ng mga pangayari hinggil sa tunay na mga tao at

pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Ang alamat ay

karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o

kapaligiran. Ito ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda

tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin at sa mga

katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim,

o mapanumpa. Ngunit sa bandang huli ang kwento ay kapupulutan ng

aral para sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa kultura ng

bayang pinagmulan nito.”

Ang pagluluwal ng mga alamat o kuwento ng kababalaghan sa

kasalukuyang panahon ay isang pagtatangka ng mga Pilipino na


makiangkop, makilahok, at makipagtunggali sa mga hindi napapansin

at mapanlinlang na puwersang panlipunan na humahamon sa sinumang

nasa urbanisadong lugar.(Evasco, 2000)

Mahalagang bahagi sa kultura ng Pilipinas ang mga alamat.

Ipinapaalam ng mga alamat kung paano nagsimula o bakit ganoon ang

kalagayan ng mundo o ng tao. Hanggang ngayon, ibinibida ng mga

ina ang mga alamat sa kanilang anak. Pero, nakakalimutan ang

maraming alamat dahil hindi na nakukuwento ang mga ito. Maraming

alamat ay tungkol sa araw, buwan, at mga bituin. Nagpapaliwang

ang mga alamat kung bakit sumisikat ang araw at ang buwan sa

ibang oras ng araw, kung bakit ang araw ay mas maliwanag kaysa sa

buwan, at kung saan ang pinagmulan ng mga bituin, gayundin ang

bawat lugar na kinatitirikan ng mga bahay natin

Ayon sa mga heologo ( geologists ), nakuha o nalikha nila

ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang lupain

sa Asya. Ang matatandang alamat ng ating mga ninuno ay

nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na ang nilalaman ay

tungkol sa mga anito, buhay ng mga santo at santa, bathala, at

pananampalataya sa Lumikha.

Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Malay.

Katulad ng mga Indones, sila rin ay may pananampalatayang pagano.


May dala rin silang sariling mga alamat, kwentong-bayan at mga

karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng

alpabeto na tinatawag na Alifbata o Alibata. Dahil dito, ang ilan

sa ating mga alamat na pasaling-dila o bukambibig lamang ay

naisatitik ng ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog,

dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato sa pamamagitan ng

matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa panahong ito, higit na

lumaganap ang mga alamat hinggil sa pananampalatayang pagano at

sumibol ang “Maragtas” at “Malakas at Maganda

Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Intsik, Bumbay,

Arabe at Persyano. Ang mga ito ay may mga dala ring kani-kaniyang

kultura na nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa

ating kapuluan. Sa mga panahong ito higit na umunlad ang wika at

panulat ng ating mga ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang

naisulat at naipalaganap. Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga

alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan.

Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol

na may layuning mapalawak ang kanilang kolonya, at magpalaganap

ng pananampalatayang Kristyanismo. Ipinasunog ng mga prayleng

Espanyol ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang

iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila ang mga iyon ay

gawa ng demonyo. Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang


nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila

masira. Nanatili ang mga alamat…nakitalad, nakipagsubukan sa

mahaba at masalimuot na panahon at nanatiling buhay hanggang sa

kasalukuyan.

Ang alamat ay nagpapakita ng kultura at kaugaliang

pinapahalagahan ng maraming Pilipino. Ang sistema ng kaugaliang

Pilipino ay may katangi-tanging katipunan ng mga ideolohiya,

moralidad, kabutihang-asal, wastong kagawian at kahalagahang

personal at kultural na itinakda ng lipunan. Nakaugat ang sistema

ng kaugaliang Pilipino sa relasyon at pakikipagkapwa, lalung-lalo

na ang pakikipagkapwa sa pamilya, mga obligasyon, pagkakaibigan,

relihiyon, pangangalakal at higit sa lahat ang pag-ibig.

Sintesis

Sa kasalukuyang panahon, ang mga tao at teknolohiya ay

nagiging magkaakibat, dulot nito ay ang pagiging lulong ng mga

tao lalong-lalo na ang mga kabataan sa social media. Ang mga mag-

aaral ay uhaw sa kung ano ang bago at kung ano ang uso lalong

lalo na ang mga banyaga maging sa larangan ng kuwento o hindi

kaya ay pelikula na kung saan natatabunan o di kaya ay namamatay

ang mga kwento mula pa sa ating mga ninuno na naging salin-dila

lamang.
Ang pag-aaral sa antas kaalaman ng mga mag-aaral sa ibat-ibang

alamat sa bayan ng Maayon ay isang paraan upang magkaroon ng

kaalaman ang mga kabataan sa mga alamat sa sariling bayan o

lalawigan. Ito rin ay magsisilbing aral sa mga kabataan tungkol

sa mga kultura, kaugalian at paniniwala n gating bawat lahi.

Kabanata 3

Disenyo ng Pananaliksik at Metodolohiya

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga pamamaraang

pananaliksik. Naglalahad ito ng disenyo ng pananaliksik, mga

datos, pamamaraan sa pananaliksik at ang istadistikong gagamitin.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng diskriptibo o palarawang

proseso ng pananaliksik upang mabatid ang antas ng kaalaman ng

mga mag-aaral ng baitang 7 sa ibat-ibang alamat sa bayan ng

Maayon.

Mga Respondente

Ang mga mag-aaral na magiging repondente sa pananaliksik na

ito ay mula sa ikapitong baitang ng ibat-ibang pampublikong

paaralan sa bayan ng Maayon. Baitang 7 ang pinili ng mananaliksik

sapagkat alamat ng ibat-ibang rehiyon ang karaniwang teksto sa


mga aralin. Nais ng mananaliksik na makilala ang sariling alamat

sa bayan ng Maayon upang mapaunlad ang panitikan ng sariling

bayan.

Sampling Teknik

Gagamitin ng mananaliksik ang random sampling’ sa pagpili

ng mga respondente sa isinasagawang pananaliksik. Gagamitin ang

Slovin’s Formula sa pagkuha ng angkop na bilang sa ibat-ibang

pampublikong paaralan mula sa bayan ng Maayon.

Proseso ng Pagkalap ng Datos

Ang mananaliksik ay hihingi ng pahintulot mula sa

tagapamahala ng mga paaralan na nabanggit upang maisagawa ang

pamamahagi ng talatanungang ihahanda. Pasasagutan ang

talatanungan sa mga mag-aaral na nasa baitang 7 mula sa mga

pampublikong paaralan sa bayan ng Maayon.

Ang diskriptibong paraan ay isang paglalarawan ng isang

bagay upang makabuo ng mapanandaliang pahayag mula sa natuklasang

katunayan. (Camorin,1996). Ang paraang ito ay aakma upang mabatid

ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa ibat-ibang barangay sa

bayan ng Maayon, Lalawigan ng Capiz.

Instrumento ng Pgkalap ng Datos


Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng talatanungan sa

pagtitipon ng mga datos at mga impormasyong kailangan ng

mananaliksik. Ang unang bahagi ng talatanungan ay naglalaman ng

mga personal na datos ng mga ma-aaral kabilang ang pangalan,

edad, kasarian, lokasyon, paaralan at hilig o interes. Ang

ikalawang bahagi ay talatanungan para matukoy ang antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral sa ibat-ibang alamat sa bayan ng

Maayon.

Istadistikong Pag-aaral ng mga Datos

Upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik na ito,

gagamit ng Istadistikong pamamaraan ang mananaliksik kagaya ng

mga sumusunod: Bilang, Bahagdan, Ranggo, Mean, Berbal na

Interpretasyong Ranggo, Correlation, ChiSquare test, at Spearman

Correlation batay sa hinihinging datos.


MGA SANGGUNIAN

 https://teksbok.blogspot.com/2010/08/kahulugan-at-
katangian-ng-wika.html
 https://www.academia.edu/26900724/FILIPINO_RESEARCH_PROPOSAL
 https://www.coursehero.com/file/54029902/Idocx/
 http://www.glottopedia.org/index.php/Meaning_theories
 file:///C:/Users/demin/Downloads/252-627-1-SM.pdf
 https://plato.stanford.edu/entries/meaning/
 https://www.researchgate.net/publication/
232430764_Survey_of_theories_of_meaning
 https://link.springer.com/content/pdf/10.1007%2F978-0-387-
34870-4_3.pdf

You might also like