Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Kwento ni Esmeralda at Ella

Ang mahiwagang paglalakbay

Intro: Noong unang panahon may simpleng pamilya ang naghahangad ng marangyang buhay.
Ang pamilyang Santos ay nakatira sa liblib na komunidad ng Fiero. Isang araw
nakapagdesisyon ang Padre de Pamilya na lumipat sa bayan ng Villa Esperanza. Isang kilalang
lugar ng mayayamang Pamilya.

*Papasok and buong pamilya Santos*

( Jay-Ar) Jose: Andito na tayo sa ating bagong tirahan mga anak.


( Mylene) Maria: Salamat mahal at pumayag ka na lumipat tayo dito.
(Jalil) Carlo: Ang bongga naman dito Itay! (beki language adlib)
(Johana) Karla: Pipili na ako ng kwarto ko nay.
(Phoebe) Ella: Nay, pwede ba akong maglaro sa labas?
(Mylene) Maria: Sige anak, pero wag kang lalayo ha.
(Phoebe) Ella: Opo, Nay!

(Jericho & Jalil) Narrator: Si Ella ay ang bunsong anak ni Jose at Maria. Habang naglalaro si
Ella sa labas ay may makikilala siya.

(Kat) Krystle: Karen you know my mom bought this toy in Paris. Gorg! Right?!
(Arabelle) Karen: Yes, looks stunning (all: “period”)
(Krystle) Kiara: So pretty. Look this phone, is one of the expensive phone in the market. My
dad bought this for me.
(Kat) Krystle: Kiara, kailangan natin mag selfie for I.G.
(Arabelle) Karen: 0.5 ha.
(Krystle) Kiara: Okay! 1, 2, 3, say cheese!

(Interrupted by Ella)

(Arabelle) Karen: At sino ka? Alam mo bang malapit mo ng mahulog ang cellphone ni Kiara?
(Phoebe) Ella: Pasensiya na diko naman sinasadya na mabangga ko siya. Nahulog kase
laruan ko.
(Kat) Krystle: Do you consider that as a toy?

(All laughing)

(Jericho & Jalil) Narrator: Umuwing malungkot si Ella dahil sa pagmamataas ng tatlong
dalagita sa kanilang village. At sa sumunod na araw.

Setting: Breakfast

(Jay-Ar) Jose: Carlo tawagin muna mga kapatid mo ng makakain na tayo.


(Mylene) Maria: Nasaan si Ella?
(Johana) Karla: Bunso lumabas ka na jan, kakain na!
(Phoebe) Ella: Opo! Lalabas na po ate!
Scene 4: Ang paglalaro ng talong babae kay Ella.

(Phoebe) Ella: (already playing outside at nakita ng tatlong dalaga at nilapitan siya.)
(Krytle) Kiara: Ella right?
(Phoebe) Ella: Oo.
(Arabelle & Kat) Karen & Krytle: From now on, you are our new friend. Slay right! (act in a
kikay way)
(Phoebe) Ella: Slay!

(Jericho & Jalil) Narrator: Di alam ni Ella na siya ay paglalaruan lang ng tatlong dalaga.

(Krystle, Kat, & Arabelle) Kiara, Krytle, & Karen: (Gossiping)


(Arabelle) Karen: Ella, maglaro tayo tagu-taguan, syempre ikaw ang taya.
(Phoebe) Ella: Sige! Sige! (Tagu-taguan….)

(Jericho & Jalil) Narrator: Di alam ni Ella na umuwi na sina Karen, Krystle, at Kiara. At siya
nalang ang naiwan sa bakanteng lote.

(Phoebe) Ella: Karen! Krystle! Kiara! (Act like you searching for them in natatakot and
nalulungkot na way)

(Jericho & Jalil) Narrator: Sa paghahanap ni Ella ay nabangga niya ang matandang babae. At
ito ang nangyari.

(Asrea) Esme: Aray! Ang sakit ng bewang ko.


(Phoebe) Ella: Hala! Lola, sorry po, tulungan ko na po kayo.
(Asrea) Esme: Bakit kasi hindi ka tumitingin iha!
(Phoebe) Ella: Pasensiya na po, naglalaro kasi kami ng mga bago kong kaibigan. Pero umuwi
na po yata sila. (Sadness…)
(Asrea) Esme: Ganun ba. Oh siya, gusto mo bang maging katulad nila?
(Phoebe) Ella: Oo naman po! Mayayaman kasi sila. Si Krytle may magandang laruan na binili
ng nanay niya sa ibang bansa. Tapos po si Kiara naman may
mamahaling cellphone. Si Karen may magandang bag. Gusto ko rin po ng mga
bagay na iyon. Kaso wala kaming pera eh.
(Asrea) Esme: Iha! May iaalok ako sayo pero wag mong sasabihin kahit kanino ah. Bukas ng
alas-sais ng gabi, sa kabilugan ng buwan, ay pumunta ka sa punong iyon at doon mo ako
mahahanap. Magiging kasing yaman mo ang iyong mga kaibigan.
(Phoebe) Ella: Talaga po? Sige po lola!

(Jericho & Jalil) Narrator: At nagtungo nga si Ella sa sinasabing tagpuan ni Esme. Si Esme o
Esmeralda ay kinatatakutan sa Villa Esperanza. Binansagang mangkukulam ang matanda. At
dahil di alam ni Ella ang mga iyon ay di siya nag dalawang-isip na pumunta sa tagpuan.

(Phoebe) Ella: Lola Esme, nandito na po ako.


(Asrea) Esme: (Biglang sumulpot sa harap ni Ella) Oh, iha, nandito ka na pala. Sa gabing ito ay
bibigyan kita ng tatlong kahilingan. Kahit ano ang iyong hiling ay aking tutuparin. (evil laugh!)
(Jericho & Jalil) Narrator: Dali-daling humiling si Ella ng walang pagdadalawang-isip.

(Phoebe) Ella: (Napapikit at humiling) Sana manalo si tatay sa lotto!


(Asrea) Esme: Matutpad ang iyong hiling!

(Jericho & Jalil) Narrator: Tatlong araw makalipas nang humiling si Ella, ay nanalo nga sa
lotto ang tatay nito. Nakabili ng malaking bahay at kotse at may katulong na ang pamilyang
Santos. Sila ay namumuhay ng marangya sa Villa Esperanza.

(Phoebe) Ella: Lola Esme, hindi po ba may dalawa pa akong kahilingan? (nag-iisip ng maaring
susunod nakahilingan)
(Asrea) Esme: Oo iha, ano pa ang iyong kahilingan.
(Phoebe) Ella: Alam ko na kung ano ang aking susunod na kahilingan. Gawin mong mahirap
ang pamilya nina Kiara, Krytle at Karen. At gawin mong magarbo ang
Anniversary ng Inay at Itay.
(Asrea) Esme: Matutupad!

(Jericho & Jalil) Narrator: At tuluyan na ngang naghirap ang pamilya ng tatlong dalagita. At
magarbo nga ang handaan sa Mansion ng mga Santos. Sila na ang kilala at kagalang-galang
na pamilya sa Villa Esperanza.
Nang makita ni Esme ang pagbabago sa ugali ni Ella ay bigla nitong nilabas ang kaniyang
kapangyarihan.

(Asrea) Esme: Ella, ikaw ay naging mayabang at mapagmataas sa iyong kapuwa. Kinain ka ng
karangyaan at di muna nakikita ang halaga ng totoong kahalagahan ng tao sa iyong paligid. At
dahil diyan, paparusahan kita.

(Jericho & Jalil) Narrator: Nagkasakit ang tatay ni Ella na si Jose. Unti-unting humina ang
pangangatawan nito at nang lumaon ay pumanaw rin.

*Pumunta si Ella sa tagpuan nila ni Esme*

(Phoebe) Ella: Esme lumabas ka! Ito ba ang gusto mong mangyari?! Nawala na si itay…
(humahagulgol)
(Asrea) Esme: Ella, akala ko gagamitin mo sa mabuti ang iyong tatlong kahilingan. Ngunit ikaw
aygumanti sa tatlong dalagita. Nawalan sila ng bahay at napaalis sa Villa Esperanza dahil lubog
sa utang ang kanilang pamilya. Naging mayabang ka at walang pagpapahalaga sa mga taong
nasa paligid mo. Naging gahaman ka at walang puso. Dahil diyan ang iyong pinakamamahal na
tatay ang nagbayad sa iyong ginawa.

(Jericho & Jalil) Narrator: Si Esmeralda ay ang tunay na tagapag may-ari ng Villa Esperanza.
Siya ay mabuting anak ni Don diego at Dona Amos. Si Esperanza ay ang nakakabatang kapatid
ni Esmeralda. At gumawa ng paraan para masira ang pangalan ni Esme sa kaniyang mga
magulang. Ang sabi ni Esperanza ay napangasawa dawni Esme si Cielo, isang kilalang
mangkukulam sa bayan ng Kiro. Kaya kinatatakutan ng mga tao si Esme dahil sa sabi-sabi ng
kaniyang kapatid at itinakwil ng kaniyang mga magulang.
Noon pa man, si Esmeralda ay may taglay na kapangyarihang tumupad ng kahilingan.
Ang material na bagay ay panandalian lamang. Wag masisilaw sa ano mang kayamanan.
Maging mapagkumbaba at pahalagahan ang mga simpleng bagay, kagaya ng pamilya at mga
taong nasa paligid. Wag maghiganti subalit maging mabuti sa kahit kanino. Kahit ano pa man
ang ugaling ipakita sa iyo.

You might also like