Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

8

Filipino
Quarter 1 – Modyul 1:
Karunungang Bayan

Asignatura- Baitang
Alternative Delivery Mode
(Ikatlong) Markahan – Modyul 1 (Popular na Babasahin)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon ng San Carlos City Division


Schools Division Superintendent: Lourdes D. Servito ,EdD. CESO VI
Assistant Schools Division Superintendent: Mario S. Carino

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:
Editor:

Tagasuri:
Tagaguhit
Lay-Out Artist
Tagapamahala:

Inilimbag sa Pilipinas ng ______________________________


Department of Education –San Carlos City Division
Office Address:
Telefax:
E-mail Address:
8

Filipino
Quarter 3 – Modyul 1:
Popular na Babasahin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Ikawalong Baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Popular na BabasahinAng modyul na
ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Magulang


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mother Tongue - Based Unang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Gusto at Di Ko Gusto!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Magulang


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MTB 1 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa Mga Gusto at Di Ko Gusto!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin

Introduksyon
Ang karunungang bayan ay itinuturing na isa sa mga pinakamatandang sining.
Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang
magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang
maanyong paraan. Ito ay puno ng kaaliwan kung saan maaaring lapatan ng tugma at
tono sa pagbigkas upang mas maintindihan at makuha ang ibig nilang sabihin.
Kadalasang ginagamit ang mga ito upang maglibang at masiyang makipagsalamuha sa
iba.
Ayon nga kay Alejandro Abadilla, ang “bawat kibot ng bibig ay may ibig sabihin at
katuturan” – ang ating mga galaw ay repleksyon ng ating mga kaisipan at emosyon. Ito
rin ay bunga ng malikhain at makatang pag-iisip upang makapagbigay kasiyahan sa iba.
Maging ang mga biro ay mayroong mas malalim na kahulugang hindi na tuluyan pang
tinutuklas ng karamihan. Ang kaalaman-bayan ay puno ng mga literatura at mga salin-
bibig na kaisipan.

Sa modyul na ito inaasahan:


 Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang mga iba’t ibang
kaalamang bayan;
 Naibabahagi ang pagpapakahulugan ng mga halimbawa ng
kaalamang bayan sa klase; at
 Nakabubuo ng sariling bersiyon ng mga kaalamang bayan.

Subukin

Paunang Pagtatasa:
A. Basahing mabuti ang tanong sa bawat bilang at bilugan ang iyong kasagutan.

1. Ito ay isang uri ng pasalin-dila na maituturing bilang pilosopiya buhat ng malalim


nitong kahulugan at pagkamatalinhaga.
A. Bugtong B.Salawikain C. Sawikain D. Palaisipan
2. Isang anyo ng kaalamang bayan na kadalasang ginagamit sa laro o bilang libangan.
Isa itong palaisipan na hinango sa salitang “pagbasa”
A. Bugtong B. Salawikain C. Sawikain D. Palaisipan
3. Ano ang halimbawa ng isang Sawikain na karaniwang ginagamit na may kasamang
idyoma o salitang hindi komposisyunal.
A. Balitang Kutsero
B. Sa maling kalabit, buhay ang kapalit
C. Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot
D. Isang lalaking matapang, huni ng tuko ay kinatatakutan
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa halimbawa ng karunungang bayan?
A. Maikling Kwento B. Sawikain C.Bulong D. Palaisipan
5. Ito ay kinikilala bilang orasyon noong sinaunang panahon. Ito ay itinuturing na dasal
na sinasambit upang makuha ng tao ang kaniyang nais o di kaya’y pakikipag-usap sa
paligid.
A. Sawikain B. Tulang Panundyo C. Bulong D. Tugmang de gulong
6. Saan nabibilang ang “Barya lang po sa umaga upang hindi makaabala”?
A. Sawikain B. Tulang Panundyo C. Bulong D. Tugmang de gulong
7. Isang uri ng akdang patula na kilala sa tawag na Tulang Panudyo. Alin sa mga
sumusunod ang halimbawa nito?
A. Balitang Kutsero
B. Sa maling kalabit, buhay ang kapalit
C. Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot
D. Isang lalaking matapang, huni ng tuko ay kinatatakutan
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang Palaisipan?
A.Balitang Kutsero
B.Sa maling kalabit, buhay ang kapalit
C.Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot
D.Isang lalaking matapang, huni ng tuko ay kinatatakutan
9. Itinuturing itong pinakamatandang sining, bahagi ng buhay ng ating mga ninuno, at
mula sa paghabi at pagbigkas ng tulang marikit at makata.
A. Tula B. Bugtong C. Karunungang-Bayan D. Awit
10. Ang mga panitikang patula sa Karunungang bayan ay nagbibigay ng kaaliwan at isa
sa matandang uri ng libangan.
A. Mali B. Pwede C. Tama D. Wala sa nabanggit

Balikan

Paghahambing
1. Ano ang dalawang uri ng paghahambing?
2. Magbigay ng mga halimbawang panlapi at katagang ginagamit sa hambingan.
1. 1.
Halimbawa: Halimbawa:

Tuklasin
Tukuyin ang mga salita sa tulong ng mga gabay pagsagot sa kahon:

2 21 12 15 14 7
20 21 12 1 14 7 16 1 14 21 4 25 15

19 1 23 9 11 1 9 14

19 1 12 1 23 9 11 1 9 14

2 21 7 20 15 14 7

16 1 11 1 9 19 9 16 1 14

20 21 7 13 1 14 7 4 5 7 21 12 15 14 7
Aralin

2 Karunungang Bayan

ANG IYONG GABAY


Basahing mabuti ang bawat teksto.

Salawikain
Mga salitang maituturing na sapagkat ito ay may malalim na kahulugan at
talaga namang matalinghaga. Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa
mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga
pilosopiya sa Pilipinas o mga katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito
ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan.
Halimbawa: Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

Sawikain
Mga salitang lumalarawan sa isang bagay o pangyayari na kadalasan ng
mahirap malaman ang tumpak na kahulugan. Ang mga sawikain ay maaaring mga
idyoma. Ang pagpapahayag na mga ibig sabihin ng mga sawikain ay hindi
komposisyunal o mahirap matumpak.
Halimbawa: balitang kutsero (balitang hindi totoo; fake news)

Bugtong
Kadalasang ginagamit sa laro o libangan ng kahit sino. Isa itong masayang
laro na ginagamitan ng palaisipan. Ito ay hinango sa salitang “pagbasa” sa lumang
Ingles na ang kahulugan ay ipaliwanag o hulaan. Sinisimulan ito sa dobleng salita
at sinusundan ng nakakaaliw na paglalarawan ng mga salita.
Halimbawa: Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw. (kampana)
Palaisipan
Nasa anyong tuluyan. Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng
mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito’y gumigising sa isipan ng tao
upang bumuo ng isang kalutasan ng isang suliranin.
Halimbawa: Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. (Sagot: Baril)

Tulang/Awiting Panudyo
Isang uri ng akdang patula na kadalasang may layuning manlibak, manukso
o mang-uyam. Kilala rin sa tawag na Pagbibirong patula.
Halimbawa: Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan

Tugmang de Gulong
Ito ay paalala o babala na kalimitang makikita sa
mga pampublikong sasakyan. Maikli lamang ito at
kadalasang tumutgma ang mga salita.
Halimbawa: Barya lang po sa umaga upang hindi

KARAGDAGAN:
GRAMATIKA

Pang-Abay na Pamanahon at Panlunan

Pang-Abay na Pamanahon
Ito ay nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang klos na
taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay sa dalawa: (1) yaong
may pananda at (2) yaong walang pananda.
Halimbawa ng mga pananda: nang, tuwing, umpisa, sa, buhat, hanggang, noong, mula
Halimbawa ng pang-abay na walang pananda: kahapon, kanina, ngayon, mamaya,
bukas,sandali.
Tinatawag ding pang-abay na pamanahon ang mga kilos na nagpapakita ng kadalasan,
kadalangan, o kalimitan.
Halimbawa: Lagi, kadalasan, kalimitan, paminsan-minsan, kung minsan, bihira, hindi
kailanman

Pang-abay na Panlunan
Ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarhan, o pangyayarihan ng
kilos pandiwa, karaniwang ginagamitan ito ng pariralang sa o kay. Ginagamit ang sa
kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. Ginagamit din ang kay o
ang maramihan nitong kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng
tao at ang ngalan ng pook o bagay ay pinangungunahan din ng sa.

PAGYAMANIN

Suriin ang mga halimbawa at isulat kung anong uri ng karunungang bayan ito. Sa
ikatlong kolum naman ay tukuyin ang pang-abay na ginamit sa halimbawa.
Halimbawa Uri ng Karunungang- Pang-abay
Bayan
Sa gabi, tila itlog ito. Sa
araw nama’y isang troso.
(Banig)
Putak, putak. Batang
duwag, matapang lang sa
pugad.
Ubos-ubos biyaya bukas
nakatunganga
Ang taong gipit sa patalim
lumalapit
Sa kulungan may limang
baboy si Mang Juan,
kinatay ang isa, niluto ang
baka, ilan ang natira
ISAISIP

Isalaysay mo
Bilang isang mag-aaral, ihayag ang iyong kaisipan o opinyon kung ano ang mga
dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang karunungang bayan. Gumamit ng mga
salitang natutuhan mula sa pang-abay na pamanahon at panlunan. Isatitik ito bilang
isang sanaysay sa 150 bilang na salita at basahin sa harap ng klase. (10puntos)

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_

ISAGAWA
Iaplika mo: Ibigay ang hinihiling ng bawat gawain na may kaugnayan sa
Karunungang Bayan.

Gawain 1: Poster Islogan


Bumuo ng isang poster islogan kung paano maipakikilala at maibabahagi ang
kultura at panitikang karunungang bayan ng Pilipinas sa mga bata at dayuhan. Gawing
makulay ang mga elemento at siguraduhin ang kalinisan sa kabuuan ng awtput.
Gumamit ng A4 na papel at isulat ang pangalan, taon at seksyon, at petsa ng pagpasa
sa kaliwang bahagi sa likod ng papel.
Gawain 2: Paboritong Akda
Pumili ng isang aklat o akda at sagutin ito ayon sa balangkas na nasa ibaba.

Pamagat ng Akda at Manunulat: _______________________


Natutuhan/nakagawa ako ang isang halimbawa ng karunungang bayang
(URI/ANYO) mula sa akdang ito na nagsasabing _______________________. Ito ay
nangangahulugan na _____________________________. Bilang isang mag-aral ay
magagamit ko ang aral na ito sa ________________________________.

Gawain 3: Mga Pang-abay


Lumikha ng pangungusap gamit ang pang-abay na pamanahon at panlunan.
1. __________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________

TAYAIN

Pangkatang Gawain
Lumikha ng isang iskit kung saan ang lahat ng diyalogo ay tanging mga halimbawa
lamang ng karunungang bayan.

MGA PAMANTAYAN
I.TINIG-------------------------------------------------------------------------------------15%
II.BIGKAS---------------------------------------------------------------------------------20%
III.INTERPRETASYON---------------------------------------------------------------20%
Kilos, galaw at kumpas, ekspresyon ng mukha, pagpapakahulugan sa piyesa
IV.HUSAY SA PAG-ARTE/PAGGANAP------------------------------------------25%
V.SANGKAP PAMPRODUKSYON------------------------------------------------10%
VI.HIKAYAT SA MADLA-------------------------------------------------------------10%
KABUUAN-------------------------------------------------------------------------------100%
SUSI SA PAGWAWASTO

Mga Kasagutan:

Paunang Pagtatasa
1. B
2. A
3. A
4. A
5. C
6. D
7. D
8. B
9. C
10. C

Balikan
1. Pahambing na Magkatulad 1. Pahambing na Di Magkatulad
Halimbawa: Halimbawa:
Kasing- / Sing- Pasahol - lalo-, di-gaano, di-totoo, di-
lubha, di-gasino
Magsing-
Palamang - lalo, mas, di-hamak, lubha,
Magkasing-
labis

Tuklasin
BULONG
TULANG PANUDYO
SAWIKAIN
SALAWIKAIN
BUGTONG
PALAISIPAN
TUGMANG DE GULONG
Pagyamanin
Halimbawa Uri ng Karunungang- Pang-abay
Bayan
Sa gabi, tila itlog ito. Sa Bugtong Sa gabi, sa araw
araw nama’y isang troso.
(Banig)
Putak, putak. Batang Kasabihan Sa pugad
duwag, matapang lang sa
pugad.
Ubos-ubos biyaya bukas Salawikain bukas
nakatunganga
Ang taong gipit sa patalim Salawikain Sa patalim
lumalapit
Sa kulungan may limang Palaisipan Sa kulungan, kahapon
baboy si Mang Juan,
kinatay ang isa kahapon,
niluto ang sa nilaga, ilan
ang natira

Isaisip
Nakabatay sa nilalaman, kaayusan, at pagsunod sa panuto ang grado ng mag-aaral.

Isagawa
GAWAIN 1: Poster-Islogan
Nilalaman – 10 puntos
Kaayusan – 10 puntos
Kalinisan – 10 puntos
30 puntos

GAWAIN 2: Paboritong Akda


Ang grado ng mag-aaral ay ibabatay sa kaniyang pagsunod sa panuto at kaayusan ng
nilalaman at matalinong paggamit o pagbuo ng isang bagong patulang karunungang
bayan.
GAWAIN 3: Mga Pang-Abay
Nakabatay ang grado ng mag-aaral sa paraan ng paggamit ng mga panlapi o salita,
natutukoy ang pang-abay na pamanahon at panlunan.

Tayain

MGA PAMANTAYAN
I.TINIG-------------------------------------------------------------------------------------15%
II.BIGKAS---------------------------------------------------------------------------------20%
III.INTERPRETASYON---------------------------------------------------------------20%
Kilos, galaw at kumpas, ekspresyon ng mukha, pagpapakahulugan sa piyesa
IV.HUSAY SA PAG-ARTE/PAGGANAP------------------------------------------25%
V.SANGKAP PAMPRODUKSYON------------------------------------------------10%
VI.HIKAYAT SA MADLA-------------------------------------------------------------10%
KABUUAN-------------------------------------------------------------------------------100%

You might also like