Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ibong Adarna (Saknong 1 – 80)

Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at payapang


namumuhay ang mga tao rito. Malimit na nagkakaroon ng pagdiriwang at mga piging
sa nasabing kaharian sapagkat mabuti at mapagmahal ang mga namumuno rito na sina
Don Fernando at Donya Valeriana.
Sila ay may tatlong magigiting at matitikas na mga supling na sina Don Pedro, Don
Diego at si Don Juan. Ang tatlong prinsipe ay kasalukuyang pinagsasanay sa
pakikidigma upang sa takdang panahon ang isa sa kanila ay magmamana ng trono.
Dahil sa isang bangungot, nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don Fernando.
Nakita niya ang isa sa kaniyang mga anak na si Don Juan na pinaslang ng dalawang
buhong at pagkatapos ay inihulog sa balon.
Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari dahil sa labis na pagkabalisa. Isang
medikong paham ang nagsabi na ang tanging lunas daw sa sakit ng Hari ay ang awit
ng isang ibong tanging matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor partikular sa
kumikinang na puno ng Piedras Platas.
Agad namang inutusan ang panganay na anak na si Don Pedro na hulihin ang
natatanging lunas para sa sakit ng Hari.
Naglakbay ng tatlong buwan si Don Pedro bago natunton ang daan patungong Bundok
Tabor. Agad naman ay nahanap ng Prinsipe ang puno ng Piedras Platas.
Nagtaka siya kung bakit wala ni isang ibon ang dumadapo rito. Sa labis na
paghihintay sa pagdating ng ibong adarna, siya ay nakaidlip at hindi napansin ang
pagdating ng ibon.
Dumapo ang ibon sa sanga ng puno at umawit ng pitong ulit habang nagpapalit ng
kulay ng balahibo ng makapito ring ulit.
Dahil kinapamahasnan na ng ibon na dumumi bago mamahinga, hindi nagtagal ay
dumumi na ito at walang anu-ano’y natapat ito sa natutulog na prinsipe at sa isang
iglap ay naging isang bato.

You might also like