Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ibong Adarna: (Saknong 400 – 476)

Nawili ang Hari sa ibong adarna. Oras-oras kung ito’y kanyang dalawin at hindi ito ikinatuwa ng
reyna. Sa pangamba nitong makawala ang ibon, ipinabantay niya ito sa tatlong prinsipe.

Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito dalawin ng antok. Muling nagbalak ng masama si
Don Pedro at Don Diego laban kay Don Juan.

Nagdalawang-isip si Don Diego na sumang-ayon sa plano ngunit sa huli’y pumayag din ito.
Nakaidlip si Don Juan at hindi na namalayang pinakawalan na ng dalawa ang ibon.

Madaling araw palang ay nagpasya nang tumakas si Don Juan dahil batid niyang magagalit ang
kanyang ama kapag natuklasan nitong nakawala ang ibong adarna.

Agad na pinatawag ng Hari ang tatlong prinsipe ngunit si Don Pedro at Don Diego lang ang humarap
sa Hari.

Gumawa na naman ng panibagong kasinungalingan ang dalawa ngunit sa pagkakataong ito, hindi na
naniwala ang Hari sa kanila.

Sinambit nina Don Pedro at Don Diego na hahanapin nila ang taksil na si Don Juan upang
maparusahan.

Naglakbay sila sa bukirin ngunit hindi nila matagpuan si Don Juan. Sa huli’y narating din nila ang
kabundukan ng Armenya na pinagtataguan ni Don Juan.

Mala-paraiso ang kabundukan ng Armanya. Sagana sa lahat ng bagay ang nasabing kabundukan at
maraming hayop ang naninirahan dito.

Sa bundok na ito nanirahan at nagtago si Don Juan sa takot na maparusahan ng kanyang amang hari
dahil sa nagawang kasalanan.

Nahihiya nang humarap si Don Diego kay Don Juan dahil sa pagtataksil na ginawa ng dalawa dito.
Bagama’t di sumang-ayon si Don Diego nung una sa plano ni Don Pedro na manirahan sa gubat
kasama si Don Juan, nagtagumpay parin ito sa pagsulsol na mapapayag si Don Diego sa plano.

Tinanggap naman ni Don Juan ang dalawang kapatid na makasamang manirahan sa bundok dahil
mahal niya ang mga ito.

Masayang namuhay ang tatlo sa Armenya habang nakatira sa isang magarang bahay na gawa sa
kahoy. Isang araw, napagkasunduan ng tatlo na tuklasin ang hiwaga ng kabundukan ng Armenya.

You might also like