Professional Documents
Culture Documents
KIS Demo Teaching - 6.13
KIS Demo Teaching - 6.13
KIS Demo Teaching - 6.13
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pagunawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na
pamumuhay
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto A. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon:
Isulat ang code ng bawat kasanayan B. Nabibigyang halaga ang pagsasagawa ng matalinong pagpapasya ukol sa mga pangangailangan at kagustuhan ; at
C. Naipakikita ang pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng simulasyon.
II. NILALAMAN
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Consuelo M. Imperial et.al, Kayamanan Ekonomiks (Batayan at Sanayang aklat sa Araling Panlipunan 9 pp. 77-79
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint presentation, mga larawan, tarpapel
IV. PAMAMARAAN
INTRODUCTION Pagbati ng “Magandang Buhay” sa mag-aaral
Panalangin
Pagtala ng Liban
Pagpapa-ayos ng silid at mga upuan
Sa nakaraang aralin natutunan mo ang pagkakaiba ng kakulangan at kakapusan. Ano nga ba ang kakulangan? Ano naman ang kakapusan?
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin
SAGOT: Ang kakapusan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng hindi sapat na bilang ng mga pinagkukunang yaman. Ito ay isang limitasyon na mayroon ang kapaligiran at
maaaring tumagal sa mahabang panahon.
Samantala, ang kakulangan ay tumutukoy sa isang panandaliang aspeto lamang. Maaari itong mabigyang solusyon kaagad kung nais ng mga tao.
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na halimbawa kung ito ay kakapusan o kakulangan.
MGA TANONG:
1. 3.
2. 4.
DEVELOPMENT
Ang pangangailangan ay mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan Ito ay mga bagay na hindi maaaring mawala upang ang isang tao at ang kaniyang mga mahal sa buhay ay makapamuhay at makakilos sa kanilang pamayanan.
Mga Halimbawa nito ay:
• Pagkain
• Damit
• Bahay
Ang kagustuhan ay ang mga bagay na nakapagpapaginhawa at nakapagpapaganda ng buhay ng isang tao o ng kaniyang mahal sa buhay
Ito ay paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan.
1. Edad. Ang pangangailangan natin noong tayo ay sanggol pa ay nagbabago habang tayo ay nagkaka-edad.
2. Hanapbuhay. Ang uri ng hanapbuhay ng tao ay nagtatakda ng kanyang pangangailangan.
3. Panlasa. Ang bawat tao ay bumibili ng mga produkto ayon sa kanyang panlasa. Ang pagkain ng isang bata ay hindi pareho sa pagkaing gusto ng taong nagkaka-edad.
4. Edukasyon. Ang taong may mataas na antas ng pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at
kagustuhan.
5. Kita. Ang kita ay salaping tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang serbisyo.
6. Kapaligiran at Klima. Ang kapaligirang pisikal ay nakakaapekto sa pangangailangan ng tao.
Itanong:
Budgeting Needs and Wants: Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon kung saan magagamit nila ang tamang
pagdedesisyon ng pagpili o pagbili sa pagitan ng pangangailangan o kagustuhan.
Pangkat 1 – Ikaw ay isang estudyante at ang baon mo sa isang araw ay limampung piso. Hindi pa kasali ang iyong pamasahe na sampung piso sa sakayan at
pananghalian. Paano mo gagastuhin ang pera na mayroon ka?
Pangkat 2 – Ikaw ay binigyan ng iyong magulang ng dalawampung libong piso para pambili ng laptop na iyong gagamitin sa iyong pag-aaral. Subalit napag-isipan mo na
malapit na ang iyong kaarawan at maraming kaibigan mo ang umaasa na iimbitahin mo sila. Itutuloy mo ba ang pagbili ng laptop o nanaisin mong ipanghanda na lang ito
sa nalalapit mong kaarawan?
Pangkat 3– Ikaw ay isang ilaw ng tahanan. Ang haligi ng tahanan ay kumikita lamang ng sampung libong piso kada buwan. Mayroon kayong tatlong anak na nag-aaral sa
elementarya. Wala kayong binabayarang renta at tubig maliban sa kuryente kada buwan. Paano mo ibabadyet ang pera ng iyong pamilya?
Pangkat 4- Ikaw ay isang empleyado sa isang kompanya at ikaw ay sumasahod ng labing anim na libong piso kada buwan. Ikaw ay nangungupahan na ang bayad ay
dalawang libo kada buwan.Hindi pakasali ang pambayad ng tubig at kuryente na limaang daang piso kada buwan. Paano mo gagastusin ang iyong sahod?
INDIBIDWAL NA GAWAIN:
Sa isang kapat na papel, magtala ng 10 bagay na iyong nabibili sa pang-araw-araw sa pamilihan at bibilhin pa lamang upang gamitin sa tahanan, eskwelahan at iba pa.
Tutukuyin kung ang mga inilista kung ito ay PANGANGAILAN O KAGUSTUHAN. Ilahad ito sa klase.
Ito ay mga bagay na hindi maaaring mawala upang ang isang tao at ang kaniyang mga mahal sa buhay ay makapamuhay at makakilos sa kanilang pamayanan.
Mga Halimbawa nito ay:
• Pagkain
• Damit
• Bahay
Ang kagustuhan ay ang mga bagay na nakapagpapaginhawa at nakapagpapaganda ng buhay ng isang tao o ng kaniyang mahal sa buhay
Ito ay paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan.
I. Pagtataya ng Aralin Panuto. Suriin ang mga sumusunod. Isulat ang salitang KAGUSTUHAN o PANGANGAILANGAN sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
J. Karagdagang Gawain para sa Sa inyong notbuk, maglista ng dalawampung kagamitan na makikita sa loob ng iyong tahanan. Tukuyin kung ito ay pangangailangan o kagustuhan.
takdang-aralin at remediation