Professional Documents
Culture Documents
Ponolohiya o Palatunugan
Ponolohiya o Palatunugan
URI NG PONEMA
1. Ponemang Katinig
Ang mga ponemang katinig ay inayos sa dalawang artikulasyon- ang paraan at punto ng
artikulasyon. Ang paraan ng artikulasyon ay naglalarawan kung paano pinatutunog ang mga
ponemang katinig sa ating bibig. Samantala, ang punto ng artikulasyon ay nagsasabi kung
saang bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot ang hangin sa pagbigkas ng isang
ponema.
TSART NG KATINIG
PUNTO NG ARTIKULASYON
PARAAN
NG Ngala-ngala
ARTIKULASYON Labi Ngipin Gilagid Lalamunan Glottal
Palatal Velar
?
Pasara (Stop)
walang tinig p t
may tinig
b d
Pailong (Nasal)
may tinig
m n
(f) h
Pasutsot (v)
(Fricative) walang
tinig S
(z)
Aprikatibo
walang tinig
may tinig (i)
Pagilid (Lateral)
may tinig
L
Pakatal (Trill)
may Tinig R
Malapatinig y
may tinig
w
Ang mga sumusunod ay ibat-ibang Punto ng Artikulasyon:
1. Panlabi
Ang mga ponemang /p/, /b/ at /m/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng ibabang labi sa
itaas na labi.
2. Panlabi-Pangngipin
Ang mga ponemang /f/ at /v/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdidiit ng labi sa mga ngipin
sa itaas.
3. Pangngipin
Ang mga ponemang /t/, /d/ at /n/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng dila sa likuran ng
mga ngipin sa itaas.
4. Panggilagid
Ang mga ponemang /s/, /z/, /l/, /r/ ay binibigkas sa ibabaw ng dulong dila na dimadiit sa punong
gilagid.
5. Pangngalngala
Ang ponemang /ñ/ at /y/ ay binibigkas sa punong dila at dumidiit sa matigas na bahagi ng
ngalangala.
6. Panlalamunan
Ang mga ponemang /k/, /g/, /j/ at /w/ ay binibigkas sa pamamagitan ng ibaba ng punong dila na
dumidiit sa malambot na ngalangala.
7. Glottal
Ang /?/ at /h/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdidiit at pagharang ng presyon ng paglalabas
na hininga upang lumikha ng glottal na tunog.
1. Pasara
Ang mga katinig na binibigkas ng pasarang walng tinig at may tinig ay /p, b, t, d, k, g, ? /
2. Pailong
Ang mga katinig ay binibigkas sa paraang dumadaan sa ilong ang tunog kapag binibigkas. Ang
mga katinig na binibigkas na pailong ay /m, n, I/.
3. Pasutsot
Ang mga katinig na pasutsot ay /s, h/.
4. Pagilid
Ang mga katinig na pagilid ay /l/.
5. Pakatal
Ang katinig na pakatal ay /r/.
Mapapansin sa tsart ng katinig na naisama ang iba pang tunog ng Wikang Filipino upang
mapahalagahan ang kontribusyon ng ibat-ibang wikaning matatagpuan sa Pilipinas gayundun
ang mga banyangang wika na naging bahagi na ng ating kultura at wika. Isa ito sa palatandaan na
ang wikang Filipino ay dinamiko dahil patuloy ito sa pagbabago.
2. Ponemang Patinig
Ang ponemang katinig ay binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap, sentral, gitna at
likod na bahagi. Ang mga bahagi ng dila ang siyang gumagana sa pagbigkas ng mga patinig
na binibigkas ng mataas, gitna at mababa ayon sa posisyon ng pagbigkas, Ang /a, e, i, o, u/ ay
mga patinig.
Mapapansin sa ibaba ang tsart ng mga ponemang patinig sa Filipino.
Halimbawa:
Inisyal Midyal Pinal
blusa sombrero ark
kwento ekpresyon kard
dragon asembleya biks
5. Pares Minimal
Kasama sa pag-aaral ng ponemang segmental ang pares minimal. Ito ay binubuo ng pares ng
salitang magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas.
Sinasabing makahulugan ang ponema sapagkat kapag ito’y inalis o pinalitan sa
kinasasamahang salita, ang kahulugan ng sinabing salita ay nag-iiba.
Halimbawa:
pepe / pipi uso / oso
misa / mesa pala / bala
tila / tela bata / pata
Halimbawa:
Ponemang /e/ at /i/
babae babae
lalaki lalake
Ponemang /u/ at /o/
pinanunuod pinanunood
nuon noon
tutuo totoo
Ponemang /r/ at /d/
marusing madusing
marami madami
Ponemang /r/ at /l/
karsada kalsada
8. Kanya-kanyang Kaligiran
Ang kaligiran ng [t] at [th] sa mga salitang top at stop ay hindi magkatulad. Ang [t] gaya ng
nabanggit sa una ay hindi maaaring ipalit sa [th] ng hindi susunod sa anyo nito.Gayundin naman
ang [th] ay hindi maaaring ipalit sa [t] nang hindi susunod sa anyo nitong huli.
9. Distribusyong Komplimentaryo
Ang dalawang tunog na [t] at [th] sa mga salitang top (thap) at stop (stap) ay may kanya-kanyang
kaligirang katatagpuan. Ang [t] ay nasa pusisyong midyal samantalang ang [th] ay nasa
pusisyong inisyal. Sa gayong kalagayan, sinasabi nating ang [t] at [th] ay nasa distribusyong
komplimentaryo.
B. Ponemang Suprasegmental
Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa pag-aaral ng makabuluhang yunit ng
tunog.Hindi ito tinutumbasan ng letra/titik sa halip ay sinasagisag nito ang notasyong
ponemik (phonemic) upang mabanggit ang paraan ng pagbigkas.
1. Diin. Ito ang pagbibigay ng pansin sa pagbigkas ng isang salita. Ginagamit ang dalawang
pahilis na guhit (//) at dito ipinaloloob ang mga notasyong ponemik na kakatawan sa
paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ang tuldok (.) ay ginagamit na pananda upang
matukoy ang pantig ng salita na may diin at nangangahulugan ng pagpapahaba ng
naturang pantig na laging may kasamang patinig.
Halimbawa:
/ba.soh/ ‘glass’
/pagpapaha.ba/ ‘lengthening’
/sim.boloh/ ‘symbol’
Samantala, kumakatawan ang panandang /’/ sa mga ponemang na may impit at ang /h/ sa
pagbigkas nang may bahagyang hangin na lumalabas sa notasyong ponemik. Walang salitang
nagsisimula o nagtatapos sa mga tunog na /a, e, i, o, u/. Dahil dito, ganito ang magiging notasyon
kung ang salita ay may inisyal at pinal na tunog na patinig.
Halimbawa:
/’abalah/ ‘busy’ (may impit sa unahan at may bahagyang hangin sa hulihan)
/’asiwah’/ ‘uneasy’ (kapwa may impit sa inisyal at pinal na tunog)
Mahalaga ang diin sa wikang Filipino sapagkat sa pagbabago mga diin sa isang salita, nagbabago
rub ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
/tu.boh/ ‘pipe’/ /kasa.mah/ ‘companion’
/tu.bo’/ ‘sprout’/ /kasamah/ ‘tenant’
/man.gaga.mot/ ‘doctor’
/manga.gamot/ ‘will treat’
/kaibi.gan/ ‘friend
/ka.ibigan/ ‘lover’
Pagsasalaysay/Paglalarawan
Dumating sila ka/ga/bi.
Magaling talaga si/Wil/ma.
Masasagot ng Oo o Hindi
Toto/o?
Tayo i/yon, di/ba?
Pagpapahayag ng matinding damdamin
Na/ku, may na/ba/ril!
/Hoy! Upo/kayo!
Pagbati
Magandang u/ma/ga.
Kumusta/ka?
Mabuti po naman.
Pagsagot sa tanong
Oo, kakain na a/ko.
Hindi. Hindi na ako a/a/lis!