Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Ayesha Mae F.

Andrino Grade V- Enthusiasm


Takdang Aralin sa Araling Panlipunan

ANG TALAMBUHAY NI JOSE MARIA PANGANIBAN (JOMAPA)

Jose Maria Panganiban


(1 Pebrero 1863–19 Agosto 1890)

Si Jose Ma. Panganiban (Ho·sé Ma·rí·ya Pa·nga·ní·ban) ay manunulat at aktibong kalahok sa


Kilusang Propaganda. Gumamit siya ng sagisag panulat na Jomapa at J.M.P. sa pahayagang La
Solidaridad.
Isinilang siyá noong 1 Pebrero 1863 sa Mambulao, Camarines Norte kina Vicente Panganiban
at Juana Enverga. Ang kaniyang ina ang nagturo sa kaniya ng kartilya, katon, at katekismo. Nang
mamatay ang kaniyang ina, pinag-aral siyá ng kaniyang ama sa isang seminaryo sa Naga,
Camarines Sur at nakatapos ng kursong Pilosopiya noong 1882. Sa tulong ng direktor ng kaniyang
pinasukang seminaryo, nakapag-aral siyá sa Colegio de San Juan de Letran. Pagkaraan ay kumuha
siyá ng medisina sa Universidad de Santo Tomas. Noong 1887, isinulat niya ang Anatomia de
Regines na kinilála bilang isa sa mahusay niyang katha. Ang mga isinulat niya tungkol sa general
pathology, therapeutics at surgical anatomy ay pinarangalan din. Ang isang antolohiya ng kaniyang
mga akda ay tinipon ni Padre Gregorio Echevarria, rektor ng Universidad de Santo Tomas, at
ipinadalá sa Exposicion General de Filipinas sa Madrid noong 1887.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Universidad de Barcelona sa España noong
1888. Hábang nása España, nabása niya ang mga isinulat ng mga Filipinong propagandista. Naging
dahilan ito upang sumapi siyá sa grupong Asociacion Hispano-Filipina at La Solidaridad. Naging
sagisag- panulat niya ang Jomapa at J.M.P. Sumulat siyá tungkol sa malîng sistema ng edukasyon
sa Filipinas at ang hangarin ng malayang pagpapahayag ng saloobin ng mga Filipino. Kinilála mismo
ni Jose Rizal ang kaniyang husay sa pagsulat at dakilang adhika para sa bansa. Ang ilan sa mga
artikulong isinulat niya ay “El Pensamiento,” “La Universidad de Manila: Su Plan de Estudio,” at “Los
Nuevos Ayuntamientos de Filipinas.” Sumulat din siyá ng tula at maikling kuwento gaya ng “Ang
Lupang Tinubuan,” “Noches en Mambulao,” “Sa Aking Buhay,” “Bahia de Mambulao,” “La Mejerde
Oro,” “Amor mio,” “Clarita Perez,” at “Kandeng.”

Nang magkaroon ng tuberkulosis, humingi siya ng tawad kay Rizal na hindi na siya
makatutulong pa sa kilusan. Namatay siya sa Barcelona noong 19 Agosto 1890 sa kaniyang
tinitirahan sa Rambla de Canaletas 2. Noong 1 Disyembre1934, sa pamamagitan ng Act No. 4155 ay
ipinangalan sa kaniya ang bayan ng Mambulao, Camarines Norte. Sa tulong ng historyador na si
Domingo Abella ay naibalik sa Filipinas ang kaniyang mga labí mula sa Barcelona. (KLL)

Reference:
https://philippineculturaleducation.com.ph/panganiban-jose-maria/#:~:text=Panganiban%20(Ho
%C2%B7s%C3%A9%20Ma%C2%B7,Vicente%20Panganiban%20at%20Juana%20Enverga.

You might also like