Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ALAMAT NG PARU-PARU

Sa isang malayang nayon ng kalinga ay may isang dilag na naninirahan kasama


ang kanyang ina. Ang dalagang ito ay si Paruwa, siya ay maganda, kasing puti ng bulak
ang kaniyang kutis at mala mansanas na kulay ng labi. Mahaba ang kaniyang pilik-
mata, may kasingkitan ang mata at matangos na ilong. Maraming binata ang
nahuhumaling sa kaniyang angking ganda.

Sa kabilang dako ay may isang diwata na nagbabantay sa kanilang nayon, wala


pang nakakakita sa kanya at bali-balita na siya ang nangangalaga sa mga halaman sa
kanila. Kung titignan ay wala kang makikitang bahay na walang nakatanim na mga
halaman at bulaklak sa kanilang nayon.

Isang araw ay inutusan ng kaniyang ina si Paruwa na diligan ang mga halaman
nila sa kanilang harden. Ang hindi alam ng lahat ay ayaw na ayaw ni Paruwa sa mga
bulaklak. Ayaw niya ring mainitan at mayroon siyang tinatagong pangit na kaugalian.
Inis na tumayo si Paruwa at padabog na pumunta sa kanilang banyo upang kunin ang
gagamitin sa pagdidilig.

Wala sa ganang diniligan ni Paruwa ang mga iyon kung saan ay himndi
nababalanse ang tamang dami ng tubig “ ayan! Nadiligan ko na naman kayo, tama na
yan!” wika pa niya habang walang paki-alam na tinatapakan ang ilang bulaklak at
halaman. Nakita iyon ng diwata at nalungkot sa inasal ni Paruwa.

Isang araw, “anak, Paruwa, pakidiligan mo naman ang mga halaman ko sa


harden, ayusin mo naman anak, nakita kong namatay yung iba doon. Hindi mo ba
binalanse ang tubig sa bawat isa?” utos pa ng kaniyang ina. “pero nay, ayoko sa mga
bulaklak” inis naman niyng tugon. “anak, dapat malaman mo ang kahalagahan ng
kapaligiran” padabog naming kinuha ni Paruwa ang pandilig at pumunta sa kanilang
harden. Sa inis ni Paruwa ay pinagsisipa niya at tinapakan ang mga halaman ng
kaniyang ina. Ang kaniyang ginawa ay nakita ulit ng diwata at galit na nawala sa
kawalan.

Isang gabi, habang natutulog ang lahat ay nagising si Paruwa dahil sa sobrang
silaw. “Sino ka?” gulat niyang tanong sa diwata. “Ako ang diwata ng mga halaman at ng
kapaligiran, trabaho kong panatilihin ang kaayusan ng kapaligiran at payabungin ang
mga halaman. Ako ay hindi natuwa sa iyong pagsira sa mga bulaklak, kaya ngayon ay
bibigyan kita ng kaparusahan ng sag anon ay Makita mo

You might also like