Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Probinsya ng Misamis Oriental


LUNGSOD NG GINGOOG
BARANGAY BAL-ASON

KATITIKAN NG UNANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BARANGAY NG BARANGAY


BAL-ASON LUNGSOD NG GINGOOG NA GINANAP SA BARANGAY SESYON HALL NOONG IKA
02 NGPEPRERO, 2020

DUMALO:
Punong Barangay – Panfilo M. Caresosa
Unang Kagawad –Alex Baclayon
Pangalawang Kagawad – Bonifacio Galagar
Pang-Apat Na Kagawad –Roel Alberca
Pang Anim Na Kagawad –Lamberto Hisula Jr.
Ipmr Rep. –Rolly Gasahan
Sk – Chairman –Admir Boholst

DI DUMALO:
Ikatlong Kagawad –Leo Lirawan
Ikalimang Kagawad –Narjelyn B. Cambalon

PANUKALANG ADYENDA:
1. PAGAWA NG ORDINANSA NA PAGBAWAL NA MAGBINTA NG ISDA SA GILID NG
KALSADA.

I. PAGSISIMULA NG PULONG:

Ang Pagpupolong ay itinayo ni Kag. Roel Alberca sa ganap na alas 9:30 ng umaga sa
pamamagitan ng panalangin kasunod ang roll call ng Punong Barangay na si G. Caresosa ,
at matapos ay ipinahayag na mayroong quorum.

II. PAGBASA SA NAKARAANG PULONG

Nagpatuloy ang pagbasa ni G. Christoppher Gera ang kalihim ng Sangguniang Barangay ng


Barangay Bal-ason ng katitikan sa nakaraang pagpupulong noong Enero16, 2019. Iniulat
niya ang tungkol sa paparating na aktibidadis na galing sa LGU ng Gingoog na gaganapin
dito mismo sa Barangay na may timang HALAD PANGALAGAD.

III. PAGPAPATIBAY NG PANUKALANG ADYENDA

- Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni G. panfilo Caresosa sa


kahalagahan na gumawa ng isang ordinansa sa pagbabawal ng pagtinda ng isda sa
gilid ng kalsada.
- Nagbigay rin ng mensahe ang mga kagawad na si Lamberto Hisula Jr. bilang
chairman ng komitiba sa kalusugan at kalinisan na mas magandang ilagay sila sa
malinis na pwesto para hindi madaling ma kontaminado ang mga isda galling sa mga
alikabok dala ng mga sasakyan na dadaan.

IV. IBA PANG PINAG USAPAN

- Patubig sa isang Purok ng Bal-ason


- Mga Nagastos sa nagawang aktibidadis
V. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG

- PEBRERO 20, 2020

VI. PAGTATAPOS NG PULONG

- Natapos ang pagpupulong sa ganap na alas 12:45 ng hapon.

Inihanda ni:
CHRISTOPHER L. GERA
Sekretarya

Nagpapatotoo:

PANFILO M. CARESOSA
Punong Barangay

Inaprobahan ni:

PANFILO M. CARESOSA
Punong Barangay

You might also like