Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILI 222

Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

ANG MGA LAYUNING PANGLAHAT NG ASIGNATURANG PILIPINO SA SEDP

Sa ilalim ng SEDP kurikulum nakapaloob dito na linangin ang mga kakayahan sa paggamit ng Filipino sa
tulong ng mga tinuturing pambalarila upang matamo ang kasanayang makro.
MGA KAKAYAHAN SA FILIPINO SA SEDP KURIKULUM
(1) Pakikinig- dito naiintindihan ng mag-aaral ang isang paksa kung siya ay nakapokus sa pakikinig.
(2) Pagsasalita- naibabahagi ang kaalaman tungkol sa isang bagay.
(3) Pagbasa- nauunawaan ang nilalaman ng teksto kapag naiibahagi niya ang kanyang sariling opinion
tungkol sa isang paksa.
(4) Pagsulat- maipahayag ang sariling ideya, kaisipan at damdamin.
(5) Paggawa ng mga tala- magaling gumawa ng mga tala o noted details;
(6) Kasanayang Pansanggunian- naipapakita ang kakayahan sa paglikom ng datos at pinagkunang
sanggunian.

MGA KASANAYANG FILIPINO SA SEDP KURIKULUM, BEC AT RBEC

SEDP ( SECONDARY EDUCATION DEVELOPMENT PROGRAM)


- Ito ay tugon sa pangangailangan na ipagpapatuloy ang paglinang ng mga mag-aaral na pinasimula ng
proded
Layunin ng SEDP
- pagpapabuti ng uri ng edukasyon.
- palawakin ang access ng mga mamamayan sa may uring edukasyong sekondarya.
- itataguyod ang pagkapantay-pantay sa mga olokasyon ng mga resources lalo na sa mga kapantayang
local.

IMPORTANT FEATURE OF THE SEDP CURRICULUM


- Student centered and community
- Cognitive effective manipulated based
- Values education offered as a separate subject aside from being integrated in the reading of the other
subject areas.
- Desired learning competencies identified in each subject areas.
- Work experience concept integrated with values education and technology and home economics.

Kasanayang Filipino sa Basic Education Curriculum (BEC)


Ano ang kurikulum?
>Ito ay isang sistemang estruktural na naglalaman ng mga pangunahing layunin, mga kasanayan, kaalaman, at
mga kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa isang tiyak na paaralan, kolehiyo, o institusyon.
>Ang Kurikulum ang pinakapuso ng sistema ng edukasyon.
Dalawang pangunahing dahilan ng pagtuturo ng Filipino?
1. Ituturo bilang subjek/subject.
2.. Upang magamit ito bilang wikang pangklasrum sa iba pang subject na ginagamit at Filipino bilang wikang
panturo.
BASIC EDUCATION CURRICULUM
PRESCHOOL OPTIONAL—>>> ELEMENTARY GRADE 1 TO 6—>>> YEAR 1 TO 4
Mula Grade one hanggang Fourth year, ang wikang Filipino ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng subject
maliban sa English, Science, Mathematics maging ang mga kolehiyo at Unibersidad. (Cruz, 2004)
Ano ang inaasahan sa Filipino ng BEC?
>Ang mga estudyante ay nakakagamit ng Filipino sa mabisang pagtanggap ng mga impormasyon sa pakikinig
at pagbasa.
>Nakapagpapamalas ng kahusayan sa pagsasalita at pagsulat upang makaangkop sa pang-araw-araw na
sitwasyon ng pamumuhay at sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

MGA HAKBANG NG BASIC EDUCATION (CURRICULUM) (BEC)


>Nagsasagawa ng ebalwasyon sa efficacy at viability ng naturang kurikulum.
>Nagkaroon ng rekomendasyon na ayusin at magkaroon ng pagbibisita at pagkinis ng kurikulum upang
mabigyan – pansin ang mga gap o puwang, overlap at duplikasyon ng nilalaman, lawak at pagkasunod-sunod ng
mga konsepto.
BEC
•Unang dalawang taon sa sekondarya – masusing pagaanalisa at pag-aaral ng tiyak na istrukturang gramatikal
ng Filipino bilang isang wikang kasabay ng pagtatamo ng wastong kasanayan sa malikhang pagbasa.
•Sa huling dalawang taon – fokus ay pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng mga iba’t ibang uri
ng komposisyon at malikhang pagsulat.
BASIC EDUCATION CURRICULUM (BEC)
Ang Basic Education Curriculum ay lumilinang sa apat (4) na kasanayang makro para sa kakayahang
komunikatibo ito ay :
MAKRONG KASANAYAN.
1.Pakikinig
2.Pagsasalita
3.Pagsulat
4.Pagbasa
(Ginagamit ang apat na makrong kasanayan na ito sa pang araw-araw.)

BEC or BASIC EDUCATION PROGRAM


PROGRAM PARA SA ASIGNATURANG FILIPINO
Ang programa ay pinapataas ang maayos at disiplinadong paggamit ng salita gaya ng nilalaman ng
pagpapaunlad ng academic language proficiency sa pamamagitan masining pagpapahayag. Na politico-
economic, ng mga reperensya at mga procedural text sa Filipino..

WIKANG PAMPAGTUTURO
Ang Filipino ay dapat gamitin sa:.
● Filipino
● Makabayan
Ang Ingles ay dapat gamitin sa..
● English
● Science
● Mathematics

DAPAT NA GAMITIN NA LIBRO AT KAGAMITIN SA PAGTUTURO


a. Learning Competencies and scope and sequence by learning area.
b. DepEd approve textbook and teacher’s manual.
c. NFE accreditation and equivalence learning material.
d. Prototype lesson plan.
e. F cultural artifacts and other indigenous materials available in the community.
f. Information and communication technology (ICT) where available…Bautista, Ronessa C..

LAYUNIN:
- Malaman ng mga mag-aaral ang tungkol sa Mother Tongue-Based
- Multilingual Education nang maayos at wasto.
- Mabuo sa isip ng mga mag-aaral ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Mother Tongue-Based
Multilingual Education nang mabuti. Mapahalagahan ng mga mag-aaral ang mga nais madebelop ng Mother
Tongue-Based Multilingual Education sa kani-kanilang buhay ng buong-puso.

MGA NAGING PANANAW SA IMPLEMENTASYON NG 2002 BEC


Hindi nagtutugma ang mga inaasahang bunga/resulta sa pamamaraan.
Una, hindi nagtutugma ang inaasahang bunga/resulta ng mga guro sa pagtalaga ng BEC na ayon sa ginawang
surbey.
Pagnanais ng mga gurong maragdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa integratibong pagtuturo. Pangalawa,
nais ng mga guro na madagdagan ang kanilang kaalaman sapagkat kinakailangan na maging aktibo sa iba’t
ibang larangan ng pagtuturo. Hindi kailangan na magpokus lamang sa iisang subject. Limitado ang kaalaman ng
mga Guro sa Teoryang Konstruktibismo at iba pang teorya sa pagtuturo-pagkatuto.
Pangatlo ay limitado ang kaalaman ng mga guro na dapat mas pagtuunan ng pansin dahil kung ikaw ay isang
guro kailangan ay hindi lamang kakaunti ang iyong kaalaman kung higit dapat. Nahihirapan ang mga mag-aaral
sa paggamit ng English bilang midyum sa pagtuturo.
Pang-apat ay, nahihirapan ang mga mag-aaral sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sapagkat
hindi lahat ng mga mag-aaral ay nakakaintindi o nakakaunawa ng Ingles bagkus ito ay pinag-aaralan pa lamang
natin kung paano ito gamitin ng tama at wasto.

Revised Basic Education Curiculum (RBEC) (2003)


-Ito ay nakasentro sa pagiging maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa. Ito ay nakapukos sa
pangunahing asignatura tulad ng Ingles. Filipino. Agham o Science, matematika, makabayan araling
panlipunan) at edukasyon sa pagpapahalaga. Ito ay pinag-aaralan sa araw- araw sa loob ng isang oras.
2002 -Pinatupad ang basic education curriculum na batay sa labing anim na taon sa pag-aaral na nagsimula
noong 1986.
December 7, 1998
-Ang pagpapatupad ng RBEC ay binatay sa utos ng nakatataas bilang apatnaput-anim at na kabilang dito ito ay
binase sa rekomendasyon ng Philippine Commission on Educational Reforms (PCER).
Layunin ng Revised Basic Education
-Malinang ang kanilang kaalaman kakayahan at pag-uugali para sa ikauunlad ng sarili at sa lipunan.
-Bigyan ng karanasan sa pag-aaral para madagdagan ang kamalayan ng mga bata at kakayahang tumugon sa
pagbabago sa lipunan.
- Layunin ng Department of Education na ang bawat mag-aaral ay maging edukadong kapaki- pakinabang,
hinubog sa abilidad ng pamumuhay at sa kakayahan sa sining.

Gamit sa pagtuturo:
Tinalagang dalawang uri ng wika ang gagamitin sa pagtuturo o ang tinatawag na bilingwal policy.
-Ingles ang ginagamit na panturo sa mga sumusunod
1.Matematika
2. Agham at teknolohiya
3.Ingles
4.TLE
5. MAPEH

-Filipino ang ginagamit sa pagtuturo sa mga sumusunod:


1.Edukasyon sa pagpapahalaga
2. Filipino
3. Araling Panlipunan

You might also like