Esp 1 Q4-W1D5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
BALAGTAS ELEMENTARY SCHOOL
--------------------------------------------------------------------------------  
Biyernes May 5, 2023

Ikaapat na Markahan
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1

I. Layunin:
Naipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa payo ng mga magulang
at nakatatanda. EsP1PD-IVa-c– 1
II. Paksang Aralin:
Aralin: Pagsunod sa Utos ng Magulang at Nakatatanda
Sanggunian: BOW p. 194 MELC p. 146
Kagamitan: audio-visual presentation, larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Tama o Mali
____ Nagdadabog ako pag inuutusan ni Nanay.
____ Masaya akong nakikinig sa mga kwento ni Lola.
____ Humihingi ako ng pera kapag inuutusan ako ng aking Tiyo.

2. Pagganyak
Pagmasdan ang mga larawan.

A. B.

Ano ang masasabi nyo sa mga larawan?


Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng magandang kaugalian?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Makinig sa kwentong babasahin ng guro.
2. Pagtalakay
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Sino-sino ang magkakapatid sa kwento?
Ano ang kanilang pinag-aawayan?
Ano nag pinagagawa ni Ate Lora kay Ben?
Ayon kay Nanay, ano ang maaring mangyari kay Ate Lora kapag siya lang ang gagawa ng
mga gawaing-bahay?
Ang bata ba na masunurin sa magulang ay pinagpapala ng Panginoon?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Tandaan:
Ang iyong mga magulang ay biyaya o regalo mula sa Diyos. Ang pagsunod sa kanila ay
pagsunod rin sa utos ng Panginoon.

3. Paglalapat:
Ano ang gagawin mo?
1. Inutusan ka ng iyong nanay na lagyan ng tubig ang mga water bottles.
2. Inutusan ka ng tatay mo na ikuha siya ng malamig na tubig.

IV. Pagtataya:
Isulat ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa
magulang at malungkot na mukha naman kung hindi.
_____1. Agad sumunod sa utos ng nakatatandang kapatid.
_____2. si Cherry ay tinatawag ng kaniyang Nanay para hugasan ang mga pinggan sa kusina at
kaniya itong sinunod agad ng mga kasiyahan at maluwag sa kalooban.
_____3. Sumimangot kapag binibigyan ng paalala ng lolo at lola.
_____4. Magtulog-tulugan sa kwarto upang hindi mautusan.
_____5. Maagang gumising si Jess para magpakain ng alaga nilang kuneho at aso na bilin ng
kaniyang Tatay.
V. Kasunduan:
Sagutin at isagawa ang bawat sitwasyon sa tulong at gabay ng kasapi ng pamilya.
1. Pinapasulat sa iyo ang mga takdang Aralin mo sa ESP.
2. Pinagdidilig ka ng halaman ng iyong Nanay.
3. Ibalik sa lgayan ang mga laruan pagkatapos gamitin.

You might also like