Professional Documents
Culture Documents
TQ - Q3 - Araling Panlipunan - 6 - BENJAMIN DIOAL
TQ - Q3 - Araling Panlipunan - 6 - BENJAMIN DIOAL
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
2. Kung ipinatupad nang tama ang Bell Trade Act, alin sa sumusunod ang magiging epekto nito?
A. ang dalawang piso ay katumbas ng isang dolyar
B. pagtaas ng taripa sa mga inaangkat na produkto ng Pilipinas
C. hindi pantay na paggamit o pagkuha sa mga likas na yaman ng Pilipinas
D. pantay na karapatan ang Pilipinas at Estados Unidos sa usaping kalakalan
3. Kung malayang nakakapasok ang produkto mula sa United States at mahigpit naman ang
pagluluwas ng produkto mula rito sa Pilipinas, anong suliranin ang maaaring maging dulot
nito?
4. Anong programa ni Pangulong Quirino ang lubos na ikakatuwa ng bawat kawani ng gobyerno
kung ipapatupad sa kasalukuyan?
A. pagtatakda ng minimum wage
B. pagpapautang sa mga manggagawa
C. pagtaas ng sahod ng mga empleyado
D. pagpapaunlad sa sistema ng patubig o irigasyon
7. Kung ang Commission on National Integration ay patuloy hanggang sa kasalukuyan, sino ang
mga higit na makikinabang?
A. katutubo
B. mahihirap
C. matatanda
D. mayayaman
10. Anong pamagat ng aralin ang kinapapalooban ng Austerity Program ni Pangulong Garcia?
A. Pagmamahal sa pamilya
B. Tamang pakikipagkaibigan
C. Pangangalaga sa kapaligiran
D. Matalinong paggastos sa pera
11. Kung sa kasalukuyan ipinapatupad ang Filipino First Policy ni Pangulong Garcia, alin ang
HINDI papayagan ng gobyerno?
A. Pilipinong magtatayo ng Negosyo sa ibang bansa
B. Pilipinong magtatayo ng malalaking gusali sa lungsod
C. Dayuhan na magtatayo ng malalaking gusali sa sariling bansa
D. Dayuhan na magmamay-ari ng mga sikat na kainan sa ating bansa
12. Bilang tinaguriang “Poor Boy from Lubao”, ano ang pinatunayan ni Pangulong Macapagal?
A. Mahirap man, maaaring maging presidente
B. Mga taga baryo ang maaaring maging president
C. Mayayaman lamang ang maaaring maging presidente
D. Mga nakapag-aral lamang ang maaaring maging presidente
13. Anong suliranin ang pinakatinutukang lutasin ni Pangulong Macapagal na may kinalaman sa
kabuhayan ng kanyang mga magulang?
A. Reporma sa lupa
B. Pagpapahalaga sa kasaysayan
C. Paggamit ng Wikang Pambansa
D. Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
14. Sa panahon ni Pangulong Marcos, inilunsad ang mga programang pangkaunlaran. Ang mga
sumusunod ay sumusuporta sa pahayag MALIBAN sa isa.
A. Paggawa ng mga tulay
B. Pagpapatayo ng mga paaralan
C. Pagkakaroon ng Miracle Rice
D. Pagdedeklara ng Martial Law
15. Sa panahon ni Pangulong Marcos, kabilang ang Pilipinas sa pagtatag ng Samahan ng mga
Bansa sa Timog-Silangang Asya. Ano ang tamang hinuha sa pahayag na ito?
A. Ang Pilipinas ay nakikipagtulungan
B. Ang Pilipinas ay nagsasariling bansa
C. Ang Pilipinas ay isang maunlad na bansa
D. Ang Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa karatig-bansa
16. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagpapatatag ng Pangulong Roxas sa Rehabilitation
Finance Corporation (RFC) MALIBAN sa isa.
A. pagpapautang ng puhunan sa maliliit na mangangalakal
B. pagpapautang para makabili ng lupa ang mga magsasaka
C. pagtulong sa mga tao at sa mga pribadong korporasyon na magbagong buhay
D. pagtulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga taong nais magpagawa ng sariling
bahay
17. Ang HUK ay tawag sa mga gerilyang sakapi sa HukBaLaHap. Sila ay beterano sa digmaan at
hindi nakikiisa sa pamahalaan. Paano napasuko ang mga Huk noong administrasyong
Magsaysay?
A. pagbibigay ng mga pagkain, gamot at damit sa mga Huk
B. pag-alok ng malawakang amnestiya sa mga kasapi ng Huk
C. pagpapalawak ng operasyong militar ng pamahalaan laban sa mga Huk
D. mabuting pakikitungo at pagbibigay ng mapayapang pamumuhay sa mga Huk.
18. Paano nakatulong ang programang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC) sa
pagpapalapit ng mga mamamayan sa pamahalaan?
A. kusang lumapit ang mga mamamayan upang ihayag ang mga pangangailangan
B. binigyang kaluwagan ang mamamayan na punahin ang mga proyekto ng pamahalaan
C. nahikayat ang mamamayan na tumulong sa paggawa ng mga proyekto ng pamahalaan
D. binigyang kaluwagan ang pagpapahayag ng mga mamamayan sa kanilang
pangangailangan
19. Bakit ipinatupad ni Pangulong Magsaysay ang programang Agricultural Credit and
Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Cooperative Marketing Association
(FACOMA)?
A. magsilbing hiraman para sa mga maliliit na manganaglakal
B. magsilbing hiraman ng mga magsasaka para sa pambili ng sariling lupa
C. magsilbing hiraman para pambili ng mga pangangailangan sa pagsasaka
D. magsilbing hiraman para sa pagpapatayo ng patubig para sa mga magsasaka
20. Anong pagbabago ang naging dulot sa mga mamamayang malayo sa lungsod ang
pagpapatayo ng mga daan, tulay, poso artesyano at patubig noong administrasyong
Magsaysay?
A. napaunlad ang pagsasaka
B. napabilis ang pag-unlad ng mga baryo
C. napalapit ang pangulo sa mamamayan
D. nakapagtatag ng unyon ang mga manggagawa
21. Paano makatutulong ang programang National Marketing Corporation Act ni Carlos P Garcia
sa pangkabuhayan ng mga maliliit na Pilipinong mangangalakal?
A. nakatutulong sa pagbili ng lupang sakahan
B. nakakatulong sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan
C. Nakututulong sa papapalago o papapalawak ng maliit na negosyo
D. Nakututulong sa pakikipagkumpetensya ng mga Pilipino sa mga dayuhang
mangangalakal
22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang programang “Filipino First Policy”ay
nabigyang pagkakataon ang mga Pilipino sa pangangalakal?
A. Nagkaroon ng perang paggastos ang mga Pilipino
B. Nakapaglakbay ang ilang Pilipino gaya ng Bayanihan Dancers
C. Nakilala ang ilang Pilipinong matagumpay sa iba’t ibang larangan ng industriya
D. Nakilala ang mga kalinangang Pilipino sa telebisyon gaya ng katutubong awitin at sayaw
23. Pinagtibay ng Pangulong Macapagal ang Reporma sa Lupa sa Batas Republika Blg. 3844.
Paano ito nakatulong sa mga nangungupahang magsasaka?
A. ibinaba ang pursyento ng ani ng ibabayad ng nangungupahan sa may ari ng lupa
B. magkapantay ang pursyento ng ani ang ibabayad ng nangungupahan sa may ari ng lupa
C. nabigyang lupain ang mga magsasaka ng lupaing pag-aari ng dating inuupahaan
D. nabigyang lupain ang mga nangungupahan magsasaka ng lupaing pag-aari ng
pamahalaan
24. Alin ang parehong natugunan ng programang Land Tenure Reform Law ni Pangulong
Magsaysay at Programa ng Reporma sa Lupa ni Pangulong Diosdado Macapagal?
A. nagkaroon ng sariling lupain ang mga magsasaka
B. nagkaroon ng mga kagamitan ang mga magsasaka
C. nagkaroon ng mauupahang lupa ang mga magsasaka
D. nagkaroon ng pagkakataong piliin ang sistemang pansakahan ang mga magsasaka
26. Nakapaloob sa Bell Trade Act ang pagpataw ng buwis at pagtakda ng dami ng produktong
mailuluwas ng Pilipinas sa United States. Ano ang tamang idadagdag o babaguhin dito upang
maging pantay ang pakikipagkalakalan?
A. Parehong alisin ang pagpataw ng buwis ngunit may kota sa mga produktong iluluwas.
B. Pagpataw ng buwis sa iluluwas ng Pilipinas at pagtakda ng kota naman sa iluluwas ng
United States.
C. Ang pagpataw ng buwis at pagkota ng dami ng produktong iniluluwas ay itatakda sa
United States lamang.
D. Parehong pagpapataw ng buwis at alisin ang kota o pagtakda ng mailuluwas na produkto
sa pakikipagkalakalan ng dalawang bansa
27. Aling pasya nagdulot ng pagkabigo sa pagsugpo sa suliranin sa mga Huk noong panahon ni
Pangulong Quirino?
A. pakikipag-dayalogo
B. paggamit ng dahas
C. pagbibigay ng amnestiya
D. pagkakaloob lupang masasaka
28. Kabilang sa mga nagawa ng mga programa ni Ramon Magsaysay ay ang pagpapasuko sa
mga Huk, pagpapalapit ng mamamayan sa pamahalaan at pagpapabayad sa mga Hapones
ng mga pinsalang naidulot sa mga Pilipino. Alin ang kanyang daan tungo sa tagumpay ng
programa?
A. dahas na pamamaraan
B. sa pamamaraan n g ibang bansa
C. paggamit ng mga likas na yaman ng bansa
D. pakikipag ugnayan sa mga mamamayan at sa ibang bansa
29. Dahil sa magaling at mabuting pakikipag-usap ni Ramon Magsaysay ay naipatupad niya ang
mga programa sa mga mamamayan at sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Ano ang
magkapagpapatunay na naging epektibo ang kanyang pamamaraan?
A. Hindi sumang ayon ang mga Hapones sa pagbibigay bayad sa mga pinsala sa mga
Pilipino.
B. Hindi tumutol ang mga Hapones sa Reparation Agreement na nagtalaga ng pagbabayad
nila sa mga pinsalang naidulot sa mga Pilipino.
C. Nakiusap ang mga Hapones na ibaba ang itinalagang halagang bayad ng mga pinsalang
naidulot sa mga Pilipino.
D. Nakiusap ang mga Hapones na ibaba ang itinalagang halagang bayad at paikliin ang taon
ng pagbabayad.
30. Ipinatupad ni Pangulong Garcia ang Filipino First Policy para mabigyang pagkakataon muna
ang mga Pilipinong mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan. Ano ang
maaaring nangyari kung hindi ito naipatupad?
A. Umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino.
B. Umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino at dayuhan.
C. Higit na umunlad ang kabuhayan ng mga dayuhan kaysa sa mga Pilipino.
D. Higit na umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino kaysa sa mga dayuhan.
31. Nagpatupad ng programa sa pagpapautang ng mga Pilipino ang iba’t ibang administrasyon.
Alin ang wastong pananaw rito kung naipapatupad nang tama ang programa?
A. Mas lalong humirap ang bansang Pilipinas
B. Makatutulong ito lalo na sa mga hirap na Pilipino
C. Magdudulot ito ng pagkakawasak ng mga Pilipino
D. Makatutulong ito sa pagpapayaman ng mga Pilipino
33. Ang wika ay instrumento sa pagbubuklod ng isang bansa. Aling pangyayari noong panahon ni
Pangulong Macapagal ang isinulong kaugnay nito?
A. Pagpapahalaga sa kasaysayan
B. Pagbabago sa araw ng Kalayaan
C. Pagiging kasapi sa MAPHILINDO
D. Paglaganap sa paggamit ng Wikang Pambansa
34. Kung isa kang magsasaka, ang mga sumusunod na programang ipinatupad ng mga
nagdaang pangulo ng bansa ay makakatulong sa iyo. Alin ang HINDI kabilang?
A. Bell Trade Act ni Pangulong Roxas
B. Green Revolution ni Pangulong Marcos
C. Land Tenure Reform Law ni Pangulong Magsaysay
D. Batas sa Reporma sa Lupang Pansakahan ni Pangulong Macapagal
35. Sa administrasyon ni Pangulong Carlos P. Garcia ,inilunsad niya ang patakarang “Filipino First
Policy o Patakarang Pilipino Muna. Alin sa mga sa mga hakbang o gawain ang binigyang diin
upang maisakatuparan ang Patakarang Pilipino Muna?
A. limitahan ang pakikipag ugnayan sa ibang bansa
B. ang mga Pilipinong negosyante ang hahawak sa ating industriya at hindi dayuhan
C. tangkilikin ang produkto ng ibang bansa
D. mas malaki ang benepisyo ng mga negosyanteng dayuhan kaysa ang mga Pilipino
37. Kung ikaw ang presidente ng Pilipinas at mayroong ilegal na nakapasok at nagalalayag sa
karagatan ng bansa, aling ahensiya ang nararapat na kasama mong lumutas sa problemang
ito?
A. Philippine Navy
B. Philippine Airforce
C. Philippine National Police
D. Armed Forces of the Philippines
38. Bilang ordinaryong mamamayang Pilipino, sa anong paraan natin maipagtatanggol ang
pambansang interes?
A. pagpapayaman
B. pakikipagkaibigan sa mga mauunlad na bansa
C. pulis na nakikipagkaibigan sa sundalong Amerikano
D. kusang pakikipagtulungan sa mga panahon ng kagipitan