Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

105 116

Napahinto rito'y narinig na muli "Kinasuklaman mo ang pangako--


ang pananambitan niyong nakatali, sa iyo'y gugulin niniyak kong dugo;
na ang wika'y "Laurang aliw niring budhi, at inibig mo pang hayop ang magbubo
paalam ang abang kandong ng pighati." sa kung itanggol ka'y maubos tumulo.

106 117
"Lumagi ka nawa sa kaligayahan, "Pagkabata ko na'y walang inadhika
sa harap ng di mo esposang katipan; kundi paglilingkod sa iyo't kalinga;
at huwag mong datnin yaring kinaratnan di makailan kang babal-ing masira,
ng kasing nilimot at pinagliluhan. ang mga kamay ko'y siyang tumimawa.

107 118
"Kung nagbangis ka ma't nagsukab sa akin, "Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;
mahal ka ring lubha dini sa panimdim dapuwa't sa iyo'y magpapasalamat
at kung mangyayari hanggang sa malibing, kung pakamahali't huwag ipahamak
ang mga buto ko, kita'y sisintahin." ang tinatangisang giliw na nagsukab.

108 119
Di pa natatapos itong pangungusap, "Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
may dalawang leong hangos ng paglakad, ng kamatayan man sa tapat ng dibdib;
siya'y tinutungo't pagsil-in ang hangad, paalam, Bayan ko, paalam na, ibig,
ngunit nangatigil pagdating sa harap. magdarayang sintang di manaw na isip!

109 120
Nangaawa mandi't nawalan ng bangis "Bayang walang-loob, sintang alibugha,
sa abang sisil-ing larawan ng sakit; Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
nangakatingala't parang nakikinig magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa
sa di lumilikat na tinangis-tangis. at masusunod na sa akin ang nasa.

110
Anong loob kaya nitong nagagapos, 121
ngayong nasa harap ang dalawang hayop, "Nasa harap ko na ang lalong marawal,
na ang balang ngipi't kuko'y naghahandog-- mabangis na lubhang lahing kamatayan;
isang kamatayang kakila-kilabot! malulubos na nga ang iyong kasam-an,
gayundin ang aking kaalipustaan.
111
Di ko na masabi't luha ko'y nanatak, 122
nauumid yaring dilang nangungusap; "Sa abang-aba ko! diyata, O Laura...
puso ko'y nanlambot sa malaking habag mamamatay ako'y hindi mo na sinta!
sa kaawa-awang kinubkob ng hirap. ito ang malapit sa lahat ng dusa,
sa akin ay sino'ng mag-aalaala!
112
Sino'y di mahapis na may karamdaman 123
sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay; "Diyata't ang aking pagkapanganyaya,
lipos ng pighati saka tinutunghan di mo tatapunan ng munti mang luha;
sa laman at buto niya ang hihimay! kung yaring buhay ko'y mahimbing sa wala,
di babahaginan ng munting gunita!
113
Katiwala na nga itong tigib-sakit 124
na ang buhay niya'y tuntong na sa guhit; "Guniguning ito'y lubhang makamandag,
nilagnat ang puso't nasira ang boses, agos na luha ko't puso ko'y maagnas
di na mawatasan halos itong hibik. tulo kaluluwa't sa mata'y pumulas,
kayo aking dugo'y mag-unahang matak.
114
"Paalam, Albanyang pinamamayanan 125
ng kasam-at lupit, bangis, kaliluhan; "Nang matumbasan ko ang luha, ang sakit
akong tanggulan mo'y kusa mang pinatay, nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,
sa iyo'y malaki ang panghihinayang. huwag yaring buhay ang siyang itangis
kundi ang pagsintang lubos na naamis."
115
"Sa loob mo nawa'y huwag mamilantik
ang panirang talim ng katalong kalis;
magka-espada kang para nang binitbit
niring kinuta mong kanang matangkilik.
Ang Pagtatagumpay ng Bagong Marte 137
Halos nabibihay sa habag ang dibdib, 
126 dugo'y nang matingnang nunukal sa gitgit; 
Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak,  sa pagkalag niyang maliksi'y nainip 
gerero'y hindi na napigil ang habag,  sa siga-sigalot na madlang bilibid. 
tinunton ang boses at siyang hinanap, 
patalim ang siyang nagbukas ng landas.  138
Kaya ang ginawa'y inagapayanan, 
127 katawang malatang parang bagang bangkay; 
Dawag na masinsi'y naglagi-lagitik  at minsang pinatid ng espadang tangan 
sa dagok ng lubhang matalas na kalis;  walang awang lubid na lubhang matibay. 
moro'y di tumugot hanggang di nasapit 
ang binubukalan ng maraming tangis.  139
Umupo't kinalong na naghihimutok, 
128 katawang sa dusa hininga'y natulog; 
Anyong pantay-mata ang lagay ng araw hinaplos ang mukha't dibdib ay tinuptop, 
niyong pagkatungo sa kalulunuran;  nasa ng gerero'y pagsaulang-loob. 
siyang pagkataas sa kinalalagyan 
nitong nagagapos na kahambal-hambal.  140
129 Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay 
Nang malapit siya't abutin ng sulyap na kanilang kalong kalumbay-lumbay, 
 ang sa pagkatali'y linigid ng hirap,  nininilay niya at pinagtatakhan 
nawalan ng diwa't luha'y lumagaslas,  ang dikit ng kiyas at kinasapitan. 
katawan at puso'y nagapos ng habag. 
141
130 Namamangha naman ang magandang kiyas, 
Malaong natigil na di nakakibo,  kasing-isa't ayon sa bayaning tikas; 
hininga'y hinabol na ibig lumayo;  mawiwili disin ang iminamalas 
matutulog disin sa habag ang dugo,  na mata, kandungan sa malaking habag
kundangan nagbangis leong nangagtayo. 
142
131 Gulung-gulong lubha ang kaniyang loob, 
Naakay ng gutom at gawing manila,  nguni't napayapa ng anyong kumilos 
nag-uli sa ganid at nawalang-awa;  itong abang kandong na kalunus-lunos, 
handa na ang ngipi't kukong bagong hasa  nagising ang buhay na nakakatulog.
at pagsasabayan ang gapos ng iwa. 
143
132 Sa pagkalungayngay mata'y idinilat,
Tanang balahibo'y pinapangalisag,  himutok ang unang bati sa liwanag;
nanindig ang buntot na nakagugulat;  sinundan ng taghoy na kahabag-habag;
sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,  "Nasaan ka Laura sa ganitong hirap?"
Puryang nagngangalit ang siyang katulad. 

133
Nagtaas ang kamay at nangakaakma 
sa katawang gapos ang kukong pansira; 
nang darakmain na'y siyang pagsagasa 
niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa. 

134
Inusig ng taga ang dalawang leon, 
si Apolo mandin sa Serp'yente Piton; 
walang bigong kilos na di nababaon 
ang lubhang bayaning tabak na pamutol. 

135
Kung ipamilantik ang kanang pamatay 
at saka isalag ang pang-adyang kamay, 
maliliksing leon ay nangalilinlang, 
kaya di nalao'y nangagumong bangkay. 

136
Nang magtagumpay ang gererong bantog 
sa nangakalabang mabangis na hayop, 
luha'y tumutulong kinalag ang gapos 
ng kaawa-awang iniwan ng loob. 
144 155
"Halina, giliw ko't gapos ko'y kalagin, Dito napahiyaw sa malaking hapis
kung mamatay ako'y gunitain mo rin." ang Morong may awa't luha'y tumagistis;
pumikit na muli't napatid ang daing, siyang itinugon sa wikang narinig
sa may kandong namang takot na sagutin. at sa panlulumo'y kusang napahilig.

145 156
Ipinanganganib ay baka mabigla, Anupa't kapwa hindi nakakibo
magtuloy mapatid hiningang mahina; di nangakalaban sa damdam ng puso;
hinintay na lubos niyang mapayapa parang walang malay hanggang sa magtago't
ang loob ng kandong na lipos-dalita. humilig sa Pebo sa hihigang ginto.

146 157
Nang muling mamulat ang nagitlaanan, May awang gerero ay sa maramdaman,
"Sino? sa aba ko't nasa Morong kamay!" malamlam na sinag sa gubat ay nanaw,
ibig na iigtad ang lunong katawan, tinunton ang landas na pinagdaanan,
nang hindi mangyari'y nagngalit na lamang. dinala ang kalong sa pinanggalingan.

147 158
Sagot ng gerero'y "Huwag kang manganib Doon sa naunang hinintuang dako
sumapayapa ka't mag-aliw ng dibdib; nang masok sa gubat ang bayaning Moro,
ngayo'y ligtas ka na sa lahat ng sakit, sa isang malapad, malinis na bato,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik. kusang pinagyaman ang lugaming pangko.

148 159
"Kung nasusuklam ka sa aking kandungan, Kumuha ng munting baong makakain,
lason sa puso mo ang hindi binyagan ang nagdaralita'y inamong tumikim,
nakukutya akong di ka saklolohan kahit umaayaw ay nahikayat din
sa iyong nasapit na napakarawal. ng sabing malambot na pawang pang-aliw.

149 160
"Ipinahahayag ng pananamit mo, Naluwag-luwagan ang panghihingapos,
taga-Albanya ka at ako'y Persyano; sapagka't naawas sa pagkadayukdok,
ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko, hindi kinukusa'y tantong nakatulog,
sa lagay mo ngayo'y magkatoto tayo. sa sinapupunan ng gererong bantog.

150 161
"Moro ako'y lubos na taong may dibdib Ito'y di umidlip sa buong magdamag,
at nasasaklaw rin ng utos ng Langit; sa pag-aalaga'y nagbata ng puyat;
dine sa puso ko'y kusang natititik- ipinanganganib ay baka makagat
natural na ley-ing sa aba't mahapis. ng ganid na madlang nagkalat sa gubat.

151 162
"Anong gagawin ko'y aking napakinggan Tuwing magigising sa magaang tulog,
ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay, itong lipos-hirap ay naghihimutok,
gapos na nakita't pamumutiwanan pawang tumitirik na anaki'y tunod
ng dalawang ganid, ng bangis na tangan." sa dibdib ng Morong may habag at lunos.

152 163
Nagbuntunghininga itong abang kalong Nang magmamadaling-araw ay nahimbing,
at sa umaaaliw na Moro'y tumugon, munting napayapa sa dalang hilahil;
"Kung di mo kinalag sa puno ng kahoy, hanggang sa Aurorang itaboy ang dilim,
nalibing na ako sa tiyan ng leon. walang binitiwang himutok at daing.

153 164
"Payapa na naman disin yaring dibdib, Ito ang dahilang ipinagkasundo,
napagkikilalang kaaway kang labis; limang karamdamang parang hinahalo;
at di binayaang nagkapatid-patid ikinatiwasay ng may dusang puso,
ang aking hiningang kamataya't sakit. lumakas na muli ang katawang hapo.

154 165
"Itong iyong awa'y di ko hinahangad, Kaya't nang isabog sa sansinukuban
patayin mo ako'y siyang pitang habag; ang doradong buhok ng masayang araw,
di mo tanto yaring binabatang hirap, nagbangong hinaho't pinasalamatan
na ang kamatayan ang buhay kong hanap." sa Langit ang bagong lakas ng katawan.
166 177
Sabihin ang tuwa ng gererong hayag, "Ang dukeng ama ko'y pribadong tanungan
ang abang kinalong ay biglang niyakap; ng Haring Linceo sa anumang bagay;
kung nang una'y nukal ang luha sa habag, pangalawang puno ng sangkaharian,
ngayo'y sa galak na ang inilagaslas. may gintong ugali at iginagalang.
178
167 "Kung sa kabaita'y uliran ng lahat
Kapos ang dila kong magsaysay ng laki at sa katapanga'y pang-ulo sa syudad;
ng pasasalamat nitong kinandili; walang kasindunong magmahal sa anak,
kundangan ang dusa'y sa nawalang kasi umakay, magturo sa gagawing dapat.
ay napawi disin sa tuwang umali.
179
168 "Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,
Sapagka't ang dusang mula sa pag-ibig malayaw na tawag ng ama kong poon.
kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib, noong ako'y batang kinakandung-kandong,
kisapmata lamang ay agad babalik taguring Floranteng bulaklak kong bugtong.
at magdaragdag pa sa una ng bangis.
180
169 "Ito ang ngalan ko mulang pagkabata,
Kaya hindi pa rin halos dumadapo nagisnan sa ama't inang nag-andukha;
ang tuwa sa lamad ng may dusang puso pamagat na ambil sa lumuha-luha
ay itinakwil na ang dalitang lalo at kayakap-yakap ng madlang dalita.
at ang tunod niya'y siyang itinimo.
181
170 "Buong kamusmusa'y di na sasalitin,
Niyapos na muli ang dibdib ng dusa, walang may halagang nangyari sa akin
hirap yatang bathin ng sakit sa sinta! kundi nang sanggol pa'y kusang daragitin
dangan inaaliw ng Moro sa Persya, ng isang buwitreng ibong sadyang sakim.
natuluyang nanaw ang tangang hininga.
182
171 "Ang sabi ni ina ako'y natutulog
"Iyong natatanto ang aking paglingap," sa bahay sa kintang malapit sa bundok;
anitong Persyano sa nababagabag; pumasok ang ibong pang-amoy ay abot
"mula ng hirap mo'y ibig kong magtatap hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.
at nang kung may daa'y malagyan ng lunas."
183
172 "Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya,
Tugon ng may dusa'y "di lamang ang mula nasok ang pinsan kong sa Epiro mula;
niring dalita ko ang isasalita, ngala'y Menalipo-may taglay na pana--
kundi sampung buhay sapul sa pagkabata, tinudla ang ibo't namatay na bigla.
nang maganapan ko ang hingi mo't nasa."
184
173 "Isang araw namang bagong lumalakad,
Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy noo'y naglalaro sa gitna ng salas
ang may dalang habag at lipos-linggatong, may nasok na Arco't biglang sinambilat
saka sinalitang luha'y bumabalong, Kupidong diamanteng sa dibdib ko'y hiyas.
buong naging buhay hanggang naparool.

174
"Sa isang dukado ng Albanyang syudad 185
doon ko nakita ang unang liwanag, "Nang tumuntong ako sa siyam na taon,
yaring katauha'y utang kong tinanggap palaging gawa ko'y mag-aliw sa burol;
sa Duke Briseo, ay ama kong liyag! sakbat ang palaso't ang busog na kalong,
pumatay ng hayop, mamana ng ibon.
175
"(Ngayon nariyan ka sa payapang bayan, 186
sa harap ng aking inang minamahal, "Sa tuwing umagang bagong naglalatag
Prinsesa Florescang esposa mong hirang, ang anak ng araw ng masayang sinag,
tanggap ang luha kong sa mata'y nunukal.) naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaakbay ng mga alagad.
176
"Bakit naging tao ako sa Albanya, 187
bayan ng ama ko, at di sa Krotona, "Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan
masayang Siyudad na lupa ni ina? ang mukha ni Pebong hindi matitigan
disin ang buhay ko'y di lubhang nagdusa? ay sinasagap ko ang kaligayahang
handog niyong hindi maramot na parang.
188 199
"Aking tinitipon ang ikinakalat "Ang taong magawi sa ligaya't aliw,
na masayang bango ng mga bulaklak, mahina ang puso't lubhang maramdamin;
inaaglahi ko ang laruang palad, inaakala pa lamang ang hilahil na daratni'y,
mahinhing amiha't ibong lumilipad di na matutuhang bathin.

189 200
"Kung ako'y mayroong matanaw na hayop "Para ng halamang lumaki sa tubig,
sa tinitingalang malapit na bundok, daho'y malalanta munting di madilig;
biglang ibibinit ang pana sa busog, ikinaluluoy ang sandaling init,
sa minsang tudla ko'y pilit matutuhog. gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig.

190 201
"Tanang samang lingkod ay nag-aagawan, "Munting kahirapa'y mamalakhing dala,
unang makarampot ng aking napatay; dibdib palibhasa'y di gawing magbata;
ang tinik sa dawag ay di dinaramdam, ay bago sa mundo'y bawat kisapmata,
palibhasa'y tuwa ang nakaakay. nang tao'y mayroong sukat ipagdusa.

191 202
"Sukat maligaya sinumang manood "Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
sa sinuling-suling ng sama kong lingkod; sa bait at muni't sa hatol ay salat;
at kung masunduan ang bangkay ng hayop, masaklap na bunga ng maling paglingap,
ingay ng hiyawan sa loob ng tumok. habag ng magulang sa irog na anak.

203
"Sa taguring bunso't likong pagmamahal,
192 ang isinasama ng bata'y nunukal;
"Ang laruang busog ay kung pagsawaan, ang iba marahil sa kapabayaan
uupo sa tabi ng matuling bukal, ng dapat magturong tamad na magulang.
at mananalamin sa linaw ng kristal
sasagap ng lamig na iniaalay. 204
"Ang lahat ng ito'y kay amang talastas,
193 kaya nga ang luha ni ina'y hinamak;
"Dito'y mawiwili sa mahinhing tinig at ipinadaka ako sa Atenas--
ang nangagsasayang Nayades sa batis; bulag na isip ko'y nang doon mamulat."
taginting ng Lirang katono ng awit,
mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib. 205
"Pag-aaral sa akin ay ipinatungkol
194 sa isang mabait, maestrong marunong;
"Sa tamis ng tinig na kahalak-halak lahi ni Pitaco--ngala'y si Antenor--
ng nag-aawitang masasayang Nimfas lumbay ko'y sabihin nang dumating doon.
naaanyayahan sampung lumilipad--
sarisaring ibong agawan ng dilag.

195 206
Kaya nga't sa sanga ng kahoy na duklay, "May sambuwan halos na di nakakain,
sa mahal na batis na iginagalang luha sa mata ko'y di mapigil-pigil,
ng bulag na Hentil ay nagluluksuhan, nguni't napayapa sa laging pag-aliw
ibo'y nakikinig ng pag-aawitan. ng bunying maestrong may kupkop sa akin.

196
"Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa
ng kabataan ko't malawig na lubha;
pag-ibig ni ama'y siyang naging mula,
lisanin ko yaong gubat na payapa.

197
"Pag-ibig anaki'y aking nakilala,
di dapat palakhin ang bata sa saya;
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.

198
"Sapagka't ang mundo'y bayan ng hinagpos,
mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis...
anong ilalaban sa dahas ng sakit?
Si Adolfo
218
207 "Ang pagkatuto ko anaki'y himala,
"Sa dinatnan doong madlang nag-aaral sampu ni Adolfong naiwan sa gitna;
kaparis kong bata't kabaguntauhan, maingay na pamang tagapamalita,
isa'y si Adolfong aking kababayan, sa buong Atenas ay gumala-gala.
anak niyong Konde Silenong marangal.
219
208 "Kaya nga at ako ang naging hantungan,
"Ang kaniyang tao'y labis ng dalawa tungo ng salita ng tao sa bayan;
sa dala kong edad na lalabing-isa; mulang bata't hanggang katanda-tandaan
siyang pinopoon ng buong eskwela, ay nakatalastas ng aking pangalan.
marunong sa lahat na magkakasama.
220
209 "Dito na nahubdan ang kababayan ko
"Mahinhin ang asal na hindi magaso ng hiram na bait na binalatkayo;
at kung lumakad pa'y palaging patungo kahinhinang-asal na pakitang-tao,
mabining mangusap at walang katalo, nakilalang hindi bukal kay Adolfo.
lapastanganin ma'y hindi nabubuyo.
221
210 "Natanto ng lahat na kaya nanamit
"Anupa't sa bait ay siyang huwaran niyong kabaitang di taglay sa dibdib
ng nagkakatipong nagsisipag-aral; ay nang maragdag pa sa talas ng isip
sa gawa at wika'y di mahuhulihan itong kapurihang mahinhi't mabait.
ng munting panira sa magandang asal.
222
211 "Ang lihim na ito'y kaya nahalata,
"Ni ang katalasan ng aming maestro dumating ang araw ng pagkakatuwa;
at pagkabihasa sa lakad ng mundo kaming nag-aaral baguntao't bata,
ay hindi natarok ang lihim at tungo sarisaring laro ang minunakala.
ng pusong malihim nitong si Adolfo.
223
212 "Minulan ang gali sa pagsasayawan,
"Akong pagkabata'y ang kinamulatan ayon sa musika't awit na saliwan;
kay ama'y ang bait na di paimbabaw, larong buno't arnis na kinakitaan
yaong namumunga ng kaligayahan, na kani-kaniyang liksi't karunungan.
nanakay sa pusong suyui't igalang.
224
213 "Saka inilabas namin ang trahedya
"Sa pinagtatakhan ng buong eskwela ng dalawang apo ng tunay na ina
bait ni Adolfong ipinakikita, at mga kapatid ng nag-iwing amang
di ko malasapan ang haing ligaya anak at esposo ng Reyna Yocasta.
ng magandang asal ng ama ko't ina.
225
214 "Papel ni Eteocles ang naging tungkol ko
"Puso ko'y ninilag na siya'y giliwin, at si Polinice nama'y kay Adolfo;
aywan nga kung bait at naririmarim; isang kaeswela'y siyang nag-Adrasto
si Adolfo nama'y gayundin sa akin, at ang nag-Yocasta'y bunying si Minandro.
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.
226
215 "Ano'y nang mumulan ang unang batalya
"Araw ay natakbo at ang kabataan ay ang aming papel ang nagkakabaka,
sa pag-aaral ko sa aki'y nananaw; nang dapat sabihing ako'y kumilala't
bait ko'y luminis at ang karunungan, siya'y kapatid kong kay Edipong bunga.
ang bulag kong isip ay kusang dinamtan.
227
216 "Nanlisik ang mata'y ang ipinagsaysay
"Natarok ang lalim ng pilosopiya, ay hindi ang ditsong nasa orihinal,
aking natutuhan ang astrolohiya, kundi ang winika'y 'Ikaw na umagaw
natantong malinis ang kataka-taka ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!'
at mayamang dunong ng matematika.
228
217 "Hinanduolong ako, sabay nitong wika,
"Sa loob ng anim na taong lumakad, ng patalim niyang pamatay na handa,
itong tatlong dunong ay aking nayakap; dangan nakaiwas ako'y nabulagta
tanang kasama ko'y nagsipanggilalas, sa tatlong mariing binitiwang taga.
sampu ng maestrong tuwa'y dili hamak.
229
"Ako'y napahiga sa inilag-ilag, 240
sinabayang bigla ng tagang malakas; "Hinamak ng aking pighating mabangis
(salamat sa iyo, O Minandrong liyag, ang sa maestro kong pang-aliw na boses;
kundi ang liksi mo, buhay ko'y nautas!) ni ang luhang tulong ng samang may hapis
ay di nakaawas sa pasan kong sakit.
230
"Nasalag ang dagok na kamatayan ko, 241
lumipad ang tanging kalis ni Adolfo; "Baras na matuwid ay nilapastangan
siyang pagpagitan ng aming maestro ng lubhang marahas na kapighatian;
at nawalang-diwang kasama't katoto. at sa isang titig ng palalong lumbay,
diwa'y lumipad, niring katiisan.
231
"Anupa't natapos yaong katuwaan Paalam at Habilin
sa pangingilabot at kapighatian;
si Adolfo'y di na namin nabukasan, 242
noon di'y nahatid sa Albanyang bayan. "Anupa't sa bangis ng dusang bumugso,
minamasarap kong mutok yaring puso;
Kamatayan ng Isang Ina at nang ang kamandag na nakapupuno,
sumamang dumaloy sa agos ng dugo.
232
"Naging santaon pa ako sa Atenas, 243
hinintay ang loob ng ama kong liyag; May dalawang buwang hindi nakatikim
sa aba ko't noo'y tumanggap ng sulat ako ng linamnam ng payapa't aliw;
na ang balang letra'y iwang may kamandag. ikalawang sulat ni ama'y dumating,
sampu ng sasakyang sumundo sa akin.
233
"Gunamgunam na di napagod humapis, 244
di ka naianod ng luhang mabilis; "Saad sa kalatas ay biglang lumuhan
iyong ginugulo ang bait ko't isip at ako'y umuwi sa Albanyang bayan;
at di mo payagang payapa ang dibdib! sa aking maestrong nang nagpapaalam,
aniya'y 'Florante, bilin ko'y tandaan.
234
"(Kamandag kang lagak niyong kamatayan 245
ng sintang ina ko'y di nagpakundangan; "Huwag malilingat at pag-ingatan mo
sinasariwa mo ang sugat na lalang ang higanting handa ni Konde Adolfo;
na aking tinanggap na palasong liham!) pailag-ilagang parang basilisko,
sukat na ang titig na matay sa iyo.
235
"(Tutulungan kita ngayong magpalala 246
ng hapdi sa pusong di ko maapula; "Kung ang isalubong sa iyong pagdating
namatay si ina'y laking dalita, ay masayang mukha't may pakitang-giliw,
ito sa buhay ko ang unang umiwa.) lalong pag-ingata't kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.
236
"Patay na dinampot sa aking pagbasa 247
niyong letrang titik ng bikig na pluma; "Dapuwa't huwag kang magpapahalata,
diyata, ama ko, at nakasulat ka tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa;
ng pamatid-buhay sa anak na sinta! ang sasandatahi'y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.'
237
"May dalawang oras na nakamalay 248
ng pagkatao ko't ng kinalalagyan; "Nang mawika ito, luha'y bumalisbis
dangan sa kalinga ng kasamang tanan at ako'y niyakap na pagkahigpit-higpit;
ay di mo na ako nakasalitaan. huling tagubilin: 'bunso'y katitiis
at hinihintay ka ng maraming sakit.
238
"Nang mahimasmasa'y narito ang sakit, 249
dalawa kong mata'y naging parang batis; "At mumulan mo na ang pakikilaban
at ang Ay! ay, ina! kung kaya napatid sa mundong bayaning punong kaliluhan.'
ay nakalimutan ang paghingang gipit. hindi na natapos at sa kalumbayan,
pinigil ang dila niyang nagsasaysay.
239
"Sa panahong yao'y ang buo kong damdam
ay nanaw sa akin ang sandaigdigan;
nag-iisa ako sa gitna ng lumbay
ang kinakabaka'y sarili kong buhay.
250 261
"Nagkabitiw kaming malumbay kapuwa, Dito napangiti ang Morong kausap,
tanang kaeskwela--mata'y lumuluha; sa nagsasalita'y tumugong banayad;
si Minandro'y labis ang pagdaralita, aniya'y "Bihirang balita'y magtapat,
palibhasa'y tapat na kapuwa bata. kung magkatotoo ma'y marami ang dagdag.

251 262
"Sa pagkakalapat ng balikat namin, "At saka madalas ilala ng tapang
ang mutyang katoto'y di bumitiw-bitiw ay ang guniguning takot ng kalaban;
hanggang tinulutang sumama sa akin ang isang gererong palaring magdiwang,
ng aming maestrong kaniyang amain. mababalita na at pangingilagan.

252 263
"Yaong paalama'y anupa't natapos "Kung sa katapanga'y bantog si Aladin,
sa pagsasaliwan ng madlang himutok; may buhay rin namang sukat na makitil;
at sa kaingaya't gulo ng adiyos, iyong matatantong kasimpantay mo rin
ang buntunghininga ay nakikisagot. sa kasam-ang-palad at dalang hilahil."

253 264
"Magpahanggang daong ay nagsipatnubay Sagot ni Florante, "Huwang ding maparis
ang aking maestro't kasamang iiwan; ang gererong bantog sa palad kong amis;
umihip ang hangi't agad nahiwalay at sa kaaway ma'y di ko ninanais
sa Pasig Atenas ang aming sasakyan." ang laki ng dusang aking napagsapit.

254 265
"Bininit sa busog ang siyang katulad "Natanto ni ama ang gayong sakuna-
ng tulin ng aming daong sa paglayag, sa Krotonang Baya'y may balang sumira,
kaya di naglaon paa ko'y yumapak ako'y isinama't humarap na bigla
sa dalampasigan ng Albanya Syudad. sa Haring Linceong may gayak nang digma.

255 266
"Pag-ahon ko'y agad nagtulo sa Kinta, "Kami ay bago pang nanakyat sa hagdan
di humihiwalay katotong sinta; ng palasyong batbat ng hiyas at yaman
paghalik sa kamay ng poon kong ama, ay sumasalubong na ang haring marangal,
lumala ang sakit nang dahil kay ina. niyakap si ama't noo'y kinamayan.

256 267
"Nagdurugong muli ang sugat ng puso, "Ang wika'y 'O Duke, ang kiyas na ito
humigit sa una ang dusang bumugso; ang siyang kamukha ng bunying gerero;
nawikang kasunod ng luhang tumulo: aking napangarap na sabi sa iyo,
Ay, Ama! kasabay ng bating Ay, bunso. magiging haligi ng setro ko't reyno.

257 268
"Anupa'y ang aming buhay na mag-ama, "Sino ito't saan nanggaling na syudad'
nayapos ng bangis ng sing-isang dusa; ang sagot ni ama...'ay bugtong kong anak
kami ay dinatnang nagkakayakap pa na inihahandog sa mahal mong yapak,
niyong embahador ng Bayang Krotona. ibilang sa isang basalyo't alagad.'

Heneral ng Hukbo 269


"Namangha ang hari at niyakap ako,
258 'Mabuting panahon itong pagdating mo;
"Nakapanggaling na sa Palasyo Real ikaw ang heneral ng hukbong dadalo
at ipinagsabi sa hari ang pakay; sa Bayang Krotonang kinubkob ng Moro.
dala'y isang sulat sa ama kong hirang,
titik ng monarkong kaniyang biyenan.

259 270
"Humihinging tulong at nasa pangamba, "Patotohanan mong hindi iba't ikaw
ang Krotonang Reyno'y kubkob ng kabaka; ang napangarap kong gererong matapang
ang puno ng hukbo'y balita ng sigla-- na maglalathala sa sansinukuban
Heneral Osmalic na bayaning Persya. ng kapurihan ko at kapangyarihan.

260 271
"Ayon sa balita'y pangalawa ito "Iyong kautangan paroong mag-adya
ng Prinsipe niyang bantog sa sangmundo-- nuno mo ang hari sa Bayang Krotona;
Alading kilabot ng mga gerero, dugo kang mataas ay dapat kumita
iyong kababayang hinahangaan ko." ng sariling dangal at bunyi ng gyera.'
282
272 "Hindi katoto ko't si Laura'y di taksil,
"Sapagkat matuwid ang sa haring saysay, aywan ko kung ano't lumimot sa akin!
umayon si ama, kahit mapait man, ang palad ko'y siyang alipusta't linsil,
na agad masubo sa pagpapatayan di laang magtamo ng tuwa sa giliw.
ang kabataan ko't di kabihasaan.
283
273 "(Makakapit kaya ang gawang magsukab
"Ako'y walang sagot na naipahayag sa pinakayaman ng langit sa dilag?
kundi Haring poo't nagdapa sa yapak; kagandaha'y bakit di makapagkalag
nang aking hahagkan ang mahal na bakas, ng pagkakapatid sa maglilong lakad?)
kusang itinindig at muling niyakap.

Si Laura
284
274 "(Kung nalalagay ka, ang mamatuwirin,
"Nag-upuan kami't saka nagpanayam sa laot ng madlang sukat ipagtaksil,
ng balabalaki't may halagang bagay, dili ang dangal mong dapat na lingapin,
nang sasalitin ko ang pinagdaanan mahigit sa walang kagandaha't ningning?)
sa Bayang Atenas na pinanggalingan.
285
275 "(Ito ay hamak pa bagang sumansala
"Siyang pamimitak at kusang nagsabog ng karupukan mo at gawing masama,
ng ningning ang talang kaagaw ni Venus-- kung ano ang taas ng pagkadakila,
Anaki ay bagong umahon sa bubog, siya ring lagapak naman kung marapa.)
buhok ay naglugay sa perlas na batok.
286
276 "O bunying gererong naawa sa akin,
"Tuwang pangalawa kung hindi man langit pagsilang na iyong nabagong bituin,
ang itinatapon ng mahinhing titig; sa pagkakita ko'y sabay ang paggiliw,
O, ang luwalhating buko ng ninibig inagaw ang pusong sa ina ko'y hain.
pain ni Cupidong walang makarakip.
287
277 "Anupa't ang luhang sa mata'y nanagos
"Liwanag ng mukha'y walang pinag-ibhan nang pagkaulila sa ina kong irog,
kay Pebo kung anyong bagong sumisilang; natungkol sa sinta't puso'y nangilabot,
katawang butihin ay timbang na timbang baka di marapat sa gayong alindog.
at mistulang ayon sa hinhin ng asal.
288
278 "Hindi ko makita ang patas na wika
"Sa kaligayaha'y ang nakakaayos-- sa kaguluhan ko't pagkawalang-diwa,
bulaklak na bagong winahi ng hamog; nang makiumpok na'y ang aking salita,
anupa't sinumang palaring manood, anhin mang tuwiran ay nagkakalisya.
patay o himala kung hindi umirog.
289
279 "Nang malutas yaong pagsasalitaan
"Ito ay si Laurang ikinasisira ay wala na akong kamaharlikahan;
ang pag-iisip ko tuwing magunita, kaluluwa'y gulo't puso'y nadadarang
at dahil sa tanang himutok at luha-- sa ningas ng sintang bago kong natikman.
itinotono ko sa pagsasalita.
Isang Pusong Suminista
280
"Anak ni Linceong Haring napahamak, 290
at kinabukasan ng aking pagliyag; "Tatlong araw noong piniging ng hari
(Bakit itinulot, Langit na mataas... sa palasyo real na sa yama't bunyi
na mapanood ko kung di ako dapat!) ay di nakausap ang punong pighati
na inaasahang iluluwalhati.
281
"(O Haring Linceo, kung di mo pinilit 291
na sa salitaan nati'y makipanig, "Dito ko natikman ang lalong hinagpis,
ang buhay ko disi'y hindi nagkasakit higit sa dalitang naunang tiniis;
ngayong pagliluhan ng anak mong ibig!) at binulaan ko ang lahat ng sakit
kung sa kahirapan mula sa pag-ibig.
292 303
"Salamat at noong sa kinabukasan, "Sa kaliwa't kanan niya'y nalaglag
hukbo ko'y lalakad sa Krotonang Bayan, mga soldados kong pawang mararahas;
sandaling pinalad na nakapanayam lumapit sa aking mata'y nagniningas,
ang prinsesang bumihag niring katauhan. Halika, aniya't kita ang maglamas.

293 304
"Ipinahayag ko ng wikang mairog, "Limang oras kaming hindi naghiwalay,
ng buntunghininga, luha at himutok, hanggang sa nahapo ang bato ng tapang;
ang matinding sintang ikinalulunod nagluksa ang langit nang aking mapatay...
magpahanggang ngayon ng buhay kong kapos. habag sa gererong sa mundo'y tinakpan.

294 Pakikipaglaban kay Osmalik


"Ang pusong matibay ng himalang dikit,
nahambal sa aking malumbay na hibik; 305
dangan ang kaniyang katutubong bait "Siya nang pagsilid ng pangingilabot
ay humadlang disin sinta ko'y nabihis. sa kalabang hukbong parag sinasalot
ng pamuksang tabak na Minandrong bantog...
295 ang kampo't biktorya'y napa-aming lubos.
"Nguni't kung oo'y di man binitiwan,
naliwanagan din sintang nadirimlan; 306
at sa pagpanaw ko ay pinabaunan "Tagumpay na ito'y pumawi ng lumbay
ng may hiyang perlas na sa mata'y nukal. ng mga nakubkob ng kasakunaan;
panganib sa puso'y naging katuwaan,
296 ang pinto ng syudad pagdaka'y nabuksan.
"Dumating ang bukas ng aking pag-alis,
sino ang sasayod ng bumugsong sakit? 307
dini sa puso ko'y alin ang hinagpis "Sinalubong kami ng haring dakila,
na hindi nagtimo ng kaniyang kalis? kasama ang buong bayang natimawa;
ang pasasalamat ay di maapula
297 sa di magkawastong nagpupuring dila.
"May sakit pa kayang lalalo ng tindi
na ang sumisinta'y mawalay sa kasi? 308
guniguni lamang di na ang mangyari, "Yaong bayang hapo't bagong nakatighaw
sukat ikalugmok ng pusong bayani. sa nagbalang bangis ng mga kaaway,
sa pagkatimawa ay nag-aagawang,
298 malapit sa aki't damit ko'y mahagkan.
"(O, nangag-aalay ng mabangong suob
sa dakilang altar ni kupidong diyos, 309
sa dusa ko'y kayo ang nakatatarok "Sa lakas ng hiyaw ng Pamang matabil,
noong maulila sa Laura kong irog!)" vivang dugtung-dugtong ay nakikisaliw;
ang gulong salamat, nagtanggol sa amin--
299 dininig sa langit ng mga bituin.
"At kung hindi luhang pabaon sa akin,
namatay na muna bago ko naatim; 310
dusang di lumikat hanggang sa dumating "Lalo ang tuwa nang ako'y matatap
sa Bayang Krotonang kubkob ng hilahil. na apo ng hari nilang nililiyag;
ang monarko nama'y di-munti ang galak,
300 luha ang nagsabi ng ligayang ganap.
"Kuta'y lulugso na sa bayong madalas
ng mga makinang talagang pangwalat, 311
siyang paglusob ko't ng hukbong akibat, "Nagsiakyat kami sa palasyong bantog
ginipit ang digmang kumubkob sa syudad. at nangapahinga ang soldadong pagod;
datapwa't ang baya'y tatlong araw halos
301 na nakalimutan ang gawaing pagtulog.
"Dito'y ang masidhing lubhang kamatayan
at Parkas Atropos ay nagdamdam-pagal 312
sa paggapas nila't pagkitil ng buhay "Sa ligaya namin ng nuno kong hari,
ng naghihingalong sa dugo'y naglutang. nakapagitan din ang lilong pighati;
at ang pagkamatay ng ina kong pili,
302 malaon nang lanta'y nanariwang muli.
"Makita ng piling Heneral Osmalic
ang aking marahaas na pamimiyapis, 313
pitong susong hanay na dulo ng kalis, "Dito naniwala ang bata kong loob
winahi ng tabak nang ako'y masapit. na sa mundo'y walang katuwaang lubos;
sa minsang ligaya't tali nang nakasunod--
makapitong lumbay o hanggang matapos.
324
314 "Nang aking matantong nasa bilangguan
"Naging limang buwan ako sa Krotona ang bunying monarka't ang ama kong hirang;
nagpilit bumalik sa Reynong Albanya; nag-utos sa hukbo't aming sinalakay
di sinong susumang sa akay ng sinta hanggang di mabawi ang Albanyang Bayan.
kung ang tinutungo'y lalo't isang Laura?
325
315 "Pagpasok na namin sa loob ng reyno,
"Sa gayong katulin ng aming paglakad, bilanggua'y siyang una kong tinungo;
naiinip ako't ang nasa'y lumipad; hinango ang hari't ang dukeng ama ko
aba't nang matanaw ang muog ng syudad, sa kaginooha'y isa si Adolfo.
kumutob sa aking puso'y lalong hirap!

316
"Kaya pala gayo'y ang nawawagayway 326
sa kuta'y hindi na bandilang binyagan, "Labis ang ligayang kinamtan ng hari
kundi Medialuna't reyno'y nasalakay at ng natimawang kamahalang pili;
ni Alading salot ng pasuking bayan. si Adolfo lamang ang nagdalamhati,
sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.
Pagsagip kay Laura
327
317 "Pangimbulo niya'y lalo nang nag-alab
"Ang akay kong hukbo'y kusang pinahimpil nang ako'y tawaging Tanggulan ng Syudad,
sa paa ng isang bundok na mabangin, at ipinagdiwang ng haring mataas
di kaginsa-ginsa'y natanawan namin, sa palasyo real nang lubos na galak.
pulutong ng Morong lakad ay mahinhin.
328
318 "Saka nahalatang ako'y minamahal
"Isang binibini ang gapos na taglay ng pinag-uusig niyang karikitan;
na sa damdam nami'y tangkang pupugutan; ang Konde Adolfo'y nagpapakamatay--
ang puso ko'y lalong naipit ng lumbay dahil sa Korona't--kay Laura'y makasal."
sa gunitang baka si Laura kong buhay.
Pagtataksil ni Konde Adolfo
319
"Kaya di napigil ang akay ng loob 329
at ang mga Moro'y bigla kong nilusob; "Lumago ang binhing mula sa Atenas
palad nang tumakbo at hindi natapos ipinunlang nasang ako'y ipahamak;
sa aking pamuksang kalis na may poot! kay Adolfo'y walang bagay na masaklap,
para ng buhay kong hindi nauutas.
320
"Nang wala na akong pagbuntunang galit, 330
sa di makakibong gapos ay lumapit; "Di nag-ilang buwan ang sa reynong tuwa
ang takip sa mukha'y nang aking ialis, at pasasalamat sa pagkatimawa,
aba ko't si Laura! may lalo pang sakit? dumating ang isang hukbong maninira
na taga-Turkiyang masakim na lubha.
321
"Pupugutan dahil sa hindi pagtanggap 331
sa sintang mahalay ng Emir sa syudad; "Dito ang panganib at pag-iiyakan
nang mag-asal hayop ang Morong pangahas, ng bagong nahugot sa dalitang bayan,
tinampal sa mukha ng himalang dilag. lalo na si Laura't ang kapangambahan
ang ako ay sam-ing palad sa patayan.
322
"Aking dali-daling kinalag sa kamay 332
ang lubid na walang awa at pitagan; "Sapagkat heneral akong iniatas
mga daliri ko'y naalang-alang ng hari sa hukbong sa Moro'y lalabas;
marampi sa balat na kagalang-galang. nag-uli ang loob ng bayang nasindak,
puso ni Adolfo'y parang nakamandag.
323
"Dito nakatanggap ng lunas na titig 333
ang nagdaralitang puso sa pag-ibig; "Niloob ng Langit na aking nasupil
araw ng ligayang una kong pagdinig ang hukbo ng bantog na si Miramolin;
ng sintang Florante sa kay Laurang bibig. siyang mulang araw na ikinalagim
sa Reynong Albanya ng Turkong masakim.
334 345
"Bukod dito'y madlang digma ng kaaway "Bilang makalawang maligid ni Pebo
ang sunod-sunod kong pinagtagumpayan; ang sandaigdigan sa pagkagapos ko,
anupa't sa aking kalis na matapang, nang inaakalang nasa ibang mundo,
labimpitong hari ang nangagsigalang. imulat ang mata'y nasa kandungan mo.

335 346
"Isang araw akong bagong nagbiktorya "Ito ang buhay kong silu-silong sakit
sa Etolyang Syudad na kusang binaka, at hindi pa tanto ang huling sasapit..."
tumanggap ng sulat ng aking monarka, mahabang salita ay dito napatid,
mahigpit na biling umuwi sa Albanya. ang gerero naman ang siyang nagsulit.

336
"At ang pamamamahala sa dala kong hukbo,
ipinagtiwalang iwan kay Minandro; Ang Salaysay ni Aladin
noon di'y tumulak sa Etolyang Reyno,
pagsunod sa hari't Albanya'y tinungo. 347
"Ang pagkabuhay mo'y yamang natalastas,
337 tantuin mo naman ngayon ang kausap;
"Nang dumating ako'y gabing kadiliman, ako ang Aladin sa Persyang Syudad,
pumasok sa reynong walang agam-agam; anak ng balitang Sultang Ali-Adab.
pagdaka'y kinubkob... (laking kaliluhan!)
ng may tatlumpong libong sandatahan. 348
"Sa pagbatis niring mapait na luha,
338 ang pagkabuhay ko'y sukat mahalata...
"Di binigyang-daan akin pang mabunot (Ay, ama ko! bakit...? Ay, Fleridang tuwa!)
ang sakbat na kalis at makapamook; katoto'y bayaang ako'y mapayapa.
buong katawan ko'y binidbid ng gapos,
piniit sa karsel na katakut-takot. 349
"Magsama na kitang sa luha'y maagnas,
339 yamang pinag-isa ng masamang palad;
"Sabihin ang aking pamamangha't lumbay, sa gubat na ito'y hintayin ang wakas
lalo nang matantong monarka'y pinatay ng pagkabuhay tang nalipos na hirap."
ng Konde Adolfo't kusang idinamay
ang ama kong irog na mapagpalayaw. 350
Hindi na inulit ni Florante naman,
340 luha ni Aladi'y pinaibayuhan;
"Ang nasang yumama't haring mapatanyag tumahan sa gubat na may limang buwan,
at uhaw sa aking dugo ang yumakag nang isang umaga'y naganyak maglibang.
sa puso ng konde sa gawang magsukab...
(O, napakarawal na Albanyang Syudad!) 351
Kanilang nilibot ang loob ng gubat,
341 kahit bahagya nang makakitang landas;
"(Mahigpit kang aba sa mapagpunuan dito sinalita ni Alading hayag
ng hangal na puno at masamang asal, ang kanyang buhay na kahabag-habag.
sapagka't ang haring may hangad sa yaman
ay mariing hampas ng Langit sa bayan.) 352
Aniya'y "Sa madlang gyerang dinaanan,
342 di ako naghirap ng pakikilaban
"Ako'y lalong aba't dinaya ng ibig, para nang bakahin ang pusong matibay
may kahirapan pang para ng marinig ni Fleridang irog na tinatangisan.
na ang prinsesa ko'y nangakong mahigpit
pakasal sa Konde Adolfong balawis? 353
"Kung nakikiumpok sa madlang prinsesa'y,
343 si Diana'y sa gitna ng maraming Nimpa,
"Ito ang nagkalat ng lasong masidhi kaya't kung tawagin sa Reynong Persya,
sa ugat ng aking pusong mapighati isa si Houris ng mga propeta.
at pinagnasaang buhay ko'y madali
sa pinanggalingang walang magsauli. 354
"Anupa't pinalad na aking dinaig
344 sa katiyagaan ang pusong matipid;
"Sa pagkabilanggong labingwalong araw, at pagkakaisa ng dalawang dibdib
naiinip ako ng di pagkamatay; pagsinta ni ama'y nabuyong gumiit.
gabi nang hangui't ipinagtuluyan
sa gubat na ito't kusang ipinugal.
355 365
"Dito na minulan ang pagpapahirap "Sa tuwa ng hari, pinawalan agad
sa aki'y ninasang buhay ko'y mautas; ang dahil ng aking luhang pumapatak;
at nang magbiktorya sa Albanyang Syudad, datapwa't tadhanang umalis sa syudad
pagdating sa Persya'y binilanggo agad. at sa ibang lupa'y kusang mawakawak.

356 366
"At ang ibinuhat na kasalanan ko, "Pumanaw sa Persya ang irog ko't buhay
di pa utos niya'y iniwan ang hukbo; na hindi man kami nagkasalitaan;
at nang mabalitaang reyno'y nabawi mo, tingni kung may luha akong ibubukal
noo'y hinatulang pupugutan ng ulo. na maitutumbas sa dusa kong taglay!

357 367
"Nang gabing malungkot na kinabukasan, "Nang iginagayak sa loob ng reyno
wakas na tadhanang ako'y pupugutan, yaong pagkakasal na kamatayan ko,
sa karsel ay nasok ang isang heneral, aking naakalang magdamit-gerero
dala ang patawad na lalong pamatay. at kusang nagtanan sa real palasyo.

358 368
"At ang ibinuhat na kasalanan ko, "Isang hatinggabi kadilima'y lubha,
di pa utos niya'y iniwan ang hukbo; lihim na naghugos ako sa bintana;
at nang mabalitaang reyno'y nabawi mo, walang kinasama kung hindi ang nasa--
noo'y hinatulang pupugutan ng ulo. matunton ang sinta kung nasaang lupa.

359 369
"Nguni't sa puso ko'y matamis pang lubha "May ilan nang taon akong naglagalag
na tuloy nakitil ang hiningang aba, na pinapalasyo ang bundok at gubat;
huwag ang may buhay na nagugunita-- dumating nga rito't kita'y nailigtas
iba ang may kandong sa langit ko't tuwa. sa masamang nasa niyong taong sukab..."

360 370
"May anim na ngayong taong walang likat Salita'y nahinto sa biglang pagdating
nang nilibut-libot na kasama'y hirap..." ng Duke Florante't Prinsipe Aladin;
napatigil dito't sila'y may namatyag-- na pagkakilala sa boses ng giliw,
nagsasalitaan sa loob ng gubat. ang gawi ng puso'y di mapigil-pigil.

371
Aling dila kaya ang makasasayod
Si Flerida ng tuwang kinamtan ng magkasing irog?
sa hiya ng sakit sa lupa'y lumubog,
361 dala ang kaniyang naputol na tunod.
Napakinggan nila'y ganitong saysay
"nang aking matatap na papupugutan 372
ang abang sinta kong nasa bilangguan Saan kalangitan napaakyat kaya
nagdapa sa yapak ng haring sukaban. ang aking Florante sa tinamong tuwa;
ngayong tumititig sa ligayang mukha
362 ng kaniyang Laurang ninanasa-nasa?
"Inihinging-tawad ng luha at daing
ang kaniyang anak na mutya ko't giliw; Ang Sinapit ni Laura
ang sagot ay kundi kusa kong tanggapin
ang pagsinta niya'y di patatawarin. 373
Anupa nga't yaong gubat na malungkot,
363 sa apat ay naging paraiso't lugod;
"Anong gagawin ko sa ganitong bagay? makailang hintong kanilang nilimot
ang sinta ko kaya'y bayaang mamatay? na may hininga pang sukat na malagot.
napahinuhod na ako't nang mabuhay
ang prinsipeng irog na kahambal-hambal! 374
Sigabo ng tuwa'y nang dumalang-dalang,
364 dininig ng tatlo ang kay Laurang buhay;
"Ang di nabalinong matibay kong dibdib nasapit sa reyno mula nang pumanaw
ng suyo ng hari, bala at paghibik, ang sintang nanggubat; ganito ang saysay…
naglambot na kusa't humain sa sakit
at nang mailigtas ang buhay ng ibig. 375
"Di lubhang nalaon noong pag-alis mo,
O, sintang Florante sa Albanyong Reyno,
narinig sa baya'y isang piping gulo
na umalingawngaw hanggang sa palasyo.
387
376 "Matanto ko ito'y sa malaking lumbay
"Ngunit di mangyaring mawatas-watasan gayak na ang puso na magpatiwakal
ang bakit at hulo ng bulung-bulungan; ay siyang pagdating ni Minandro naman,
parang isang sakit na mahulaan kinubkob ng hukbo ang Albanyong Bayan.
ng medikong pantas ang dahil at saan.
388
377 Sa banta ko'y siyang tantong nakatanggap
"Di kaginsa-ginsa, palasyo'y nakubkob ng sa iyo'y aking padalang kalatas,
ng magulong baya't baluting soldados; kaya't nang dumating sa Albanyang Syudad,
(O, araw na lubhang kakila-kilabot! lobong nagugutom ang kahalintulad.
araw na sinumpa ng galit ng Diyos!)
389
378 "Nang walang magawa ang Konde Adolfo
"Sigawang malakas niyong bayang gulo: ay kusang tumawag ng kapuwa lilo;
'mamatay, mamatay ang Haring Linceo dumating ang gabi umalis sa reyno
na nagmunakalang gutumin ang reyno't at ako'y dinalang gapos sa kabayo.
lagyan ng estangke ang kakani't trigo.'
390
379 "Kapagdating dito ako'y dinadahas
"Ito'y kay Adolfong kagagawang lahat at ibig ilugso ang puri kong ingat;
at nang magkagulo yaong bayang bulag; mana'y isang tunod na kung saan buhat,
sa ngalan ng hari ay isinambulat pumako sa dibdib ni Adolfong sukab..."
gayong ordeng mula sa dibdib na sukab.
391
380 Sagot Flerida: "Nang dito'y sumapit
"Noon di'y hinugot sa tronong luklukan ay may napakinggang binibining boses
ang ama kong hari at pinapugutan; na pakiramdam ko'y binibigyang-sakit,
may matuwid bagang makapanlulumay nahambal ang aking mahabaging dibdib.
sa sukab na puso't nagugulong bayan?
392
381 "Nang paghanapin ko'y ikaw ang nataos,
"Sa araw ring yao'y naputlan ng ulo pinipilit niyong taong balakiyot;
ang tapat na loob na mga konseho; hindi ko nabata't bininit sa busog
at hindi pumurol ang tabak ng lilo ang isang palasong sa lilo'y tumapos..."
hanggang may mabait na mahal sa reyno.
Masayang Wakas
382
"Umakyat sa trono ang kondeng malupit 393
at pinagbalaan ako nang mahigpit, Di pa napapatid itong pangungusap,
na kung di tumanggap sa haing pag-ibig, si Minandro'y siyang pagdating sa gubat;
dustang kamataya'y aking masasapit. dala'y ehersito't si Adolfong hanap,
nakita'y katoto... laking tuwa't galak!
383
"Sa pagnanasa kong siya'y magantihan 394
at sulatan kita sa Etolyang Bayan, Yaong ehersitong mula sa Etolya,
pinilit ang pusong huwag ipamalay ang unang nawika sa gayong ligaya:
sa lilo-ang aking kaayawa't suklam. "Biba si Floranteng Hari sa Albanya...
Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!"
384
"Limang buwang singkad ang hininging taning, 395
ang kaniyang sinta'y bago ko tanggapin; Dinala sa reynong ipinagdiriwang
ngunit ipinasyang tunay sa panimdim sampu ni Aladi't ni Fleridang hirang,
ang magpatiwakal kundi ka dumating. kapuwa tumanggap na mangabinyagan;
magkakasing sinta'y naraos nakasal.
385
"Niyari ang sulat at ibinigay ko 396
sa tapat na lingkod nang dalhin sa iyo; Namatay sa bunying Sultan Ali-Adab,
di nag-isang buwa'y siyang pagdating mo't nuwi si Aladin sa Persyang Syudad;
nahulog sa kamay ni Adolfong lilo. ang Duke Florante sa trono'y naakyat
sa siping ni Laurang minumutyang liyag.
386
"Sa takot sa iyo niyong palamara 397
kung ikaw'y magbalik na may hukbong dala, Sa pamamahala nitong bagong hari,
nang mag-isang muwi ay pinadalhan ka sa kapayapaan ang reyno'y nauwi;
ng may selyong sulat at sa haring pirma. dito nakabangon ang nalulugami
at napasatuwa ang nagpipighati.
10
398 Makinis ang balat at anaki burok,
Kaya nga'y nagtaas ang kamay sa langit, pilikmata't kilay — mistulang balantok;
sa pasasalamat sa bayang tangkilik; bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
ang hari't ang reyna'y walang naiisip sangkap ng katawa'y pawang magkaayos.
kundi ang magsabog ng awa sa kabig.
11
399 Dangan doo'y walang Oreadang Ninfas,
Nagkasama silang lubhang mahinusay gubat sa Palasyo ng masidhing Harp'yas,
hanggang sa nasapit ang payapang bayan... nangaawa disi't naakay lumiyag
(Tigil, aking Musa't kusa kang lumagay sa himalang tipon karikta't hirap.
sa yapak ni SELYA'T dalhin yaring Ay!... AY!)
12
1 Ang abang uyamin ng dalita't sakit —
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, ang dalawang mata'y bukal ang kaparis;
dawag na matinik ay walang pagitan, sa luhang nanatak at tinangis-tangis,
halos naghihirap ang kay Pebong silang ganito'y damdamin ng may awang dibdib.
dumalaw sa loob na lubhang masukal.
13
2 "Mahiganting langit! Bangis mo'y nasaan?
Malalaking kahoy — ang inihahandog, ngayo'y naniniig sa pagkagulaylay;
pawang dalamhati, kahapisa't lungkot; bago'y ang bandila ng lalong kasam-an
huni pa ng ibon ay nakakalunos sa Reynong Albanya'y iniwagayway."
sa lalong matimpi't nagsasayang loob.
14
3 "Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
Tanang mga baging na namimilipit kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik; kagalinga't bait ay nalulugami,
may bulo ang bunga't nagbibigay-sakit ininis sa hukay ng dusa't pighati."
sa kanino pa mang sumagi't malapit.
15
4 "Ang magandang asal ay ipinupukol
Ang mga bulaklak ng natayong kahoy, sa laot ng dagat kutya't linggatong;
pinakapamuting nag-ungos sa dahon; balang magagaling ay ibinabaon
pawang kulay luksa at nakikiayon at inililibing na walang kabaong."
sa nakaliliyong masangsang na amoy.
16
5 "Nguni, at ang lilo't masasamang loob
Karamiha'y Sipres at Higerang kutad sa trono ng puri ay iniluklok,
na ang lihim niyon ay nakakasindak; at sa balang sukab na may asal-hayop,
ito'y walang bunga't daho'y malalapad mabangong insenso ang isinusuob."
na nakadidilim sa loob ng gubat.
17
6 "Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo
Ang mga hayop pang dito'y gumagala, at ang kabaita'y kimi at nakayuko;
karamiha'y S'yerpe't Basilisko'y madla santong katuwira'y lugami at hapo,
Hayena't Tigreng ganid na nagsisila ang luha na lamang ang pinapatulo."
ng buhay ng tao't daiging kapuwa.
18
7 "At ang balang bibig na binubukalan
Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit ng sabing magaling at katotohanan,
ng Avernong Reyno ni Plutong masungit; agad binibiyak at sinisikangan
ang nasasakupang lupa'y dinidilig ng kalis ng lalong dustang kamatayan."
ng Ilog Kositong kamandag ang tubig. 19
"O, taksil na pita sa yama't mataas!
8 O, hangad sa puring hanging lumilipas!
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat, Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
may punong Higerang daho'y kulay-pupas; at niring nasapit na kahabag-habag!"
dito nagagapos ang kahabag-habag, 20
isang pinag-usig ng masamang palad. "Sa Korona dahil ng Haring Linceo,
at sa kayamanan ng Dukeng Ama ko,
9 ang ipinangahas ng Konde Adolfo
Baguntaong basal na ang anyo'y tindig, sabugan ng sama ang Albanyang Reyno."
kahit natatali — kamay, paa't liig,
kundi si Narsiso'y tunay na Adonis,
mukha'y sumisilang sa gitna ng sakit.
21 "Sa sinapupunan ng Konde Adolfo,
"Ang lahat ng ito, maawaing Langit, aking natatanaw si Laurang sinta ko;
Iyong tinutunghaya'y ano't natitiis? kamataya't nahan ang dating bangis mo,
Mula Ka ng buong katuwira't bait, nang 'di ko damdamin ang hirap na ito?"
pinayagang Mong ilubog ng lupit."
22 33
"Makapangyarihang kamay Mo'y ikilos, Dito hinimatay sa paghihinagpis,
pamimilansikin ang kalis ng poot; sumuko ang puso sa dahas ng sakit;
sa Reynong Albanya'y kusang ibulusok ulo'y nalungayngay, luha'y bumalisbis,
ang Iyong higanti sa masamang-loob." kinagagapusang kahoy ay nadilig.

23 34
Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin? Magmula sa yapak hanggang sa ulunan,
Ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin? nalimbag ang bangis ng kapighatian;
'di yata't sa isang alipusta't iling at ang panibugho'y gumamit ng asal
sampung tainga mo'y ipinangunguling? ng lalong marahas, lilong kamatayan.

24 35
"Datapuwa't sino ang tatarok kaya Ang kahima't sinong hindi maramdamin,
sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila? kung ito'y makita'y magmamahabagin
Walang nangyayari sa balat ng lupa, matipid na luha ay paaagusin,
'di may kagaligang Iyong ninanasa." ang nagparusa ma'y pilit hahapisin.

25 36
"Ay, 'di saan ngayon ako mangangapit? Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo
Saan ipupukol ang tinangis-tangis, nitong sa dalita'y hindi makakibo,
kung ayaw na ngayong dinigin ng Langit, aakayin biglang umiyak ang puso,
ang sigaw ng aking malumbay ng boses?" kung wala nang luhang sa mata'y itulo.

26
"Kung siya Mong ibig na ako'y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata;
isagi Mo lamang sa puso ni Laura —
ako'y minsan-minsang mapag-alaala."

27
"At dito sa laot ng dusa't hinagpis,
malawak na lubhang aking tinatawid;
gunita ni Laura sa naabang ibig,
siya ko na lamang ligaya sa dibdib."

28
"Munting gunam-gunam ng sinta ko't mutya
nang dahil sa aki'y dakila kong tuwa;
higit sa malaking hirap at dalita,
parusa ng taong lilo't walang awa."

29
"Sa pagkagapos ko'y guni-gunihin,
malamig nang bangkay akong nahihimbing;
at tinatangisan ng sula ko't giliw,
ang pagkabuhay ko'y walang hangga mandin."

30
"Kung apuhapin ko sa sariling isip,
ang suyuan naman ng pili kong ibig;
ang pagluha niya kung ako'y may hapis,
nagiging ligaya yaring madlang sakit."

31
"Nguni, sa aba ko sawing kapalaran!
Ano pang halaga ng gayong suyuan ...
ang sing-ibig ko'y katahimikan
ay humihilig na sa ibang kandungan?"

32

You might also like