Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10

I. Layunin:
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa nabasa.
b. Nabibigyang kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinhagang pahayag
sa tula.
c. Masigasig at matalinong nakilahok sa mga talakayan.

II. Nilalaman:
a. Paksa: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tulang Pastoral – Egypt) isinalin ni
Vilma C. Ambat
b. Sanggunian: Panitikang Pandaigdig; pp. 87
c. Kagamitan: Kagamitang Biswal, pisara, cartolina, manila paper at pentel pen

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
a. Panimulang Gawain:
Panalangin at Pagbati.

b. Pagbabalik-Aral:
Noong nakaraang talakayan ay pinag-
aralan natin ang tungkol sa tulang
liriko. Upang masukat ang inyong
kaalaman ukol dito ay may inihanda
akong concept map dito, isusulat niyo
ang mga salitang naalala niyo
patungkol sa tulang liriko.

Tulang Tulang
Liriko Liriko

Magaling!
c. Paghahawan ng Sagabal:
Panuto: pagtambalin ang dalawang
gansa na may kaparehong kahulugan
ng salitang nasa itlog:

ALPAS ALPAS

BITAG

TAKAS PUGANTE

BIHAG
BITAG

KULONG
SILO NALOKO
NALOKO

BIHAG

TAKAS BILANGGO

KULONG BILANGGO
SILO
PUGANTE

d. Paglalahad:
Ngayon ay babasahin at tatalakayin
natin ang isang halimbawa ng tulang
liriko na pinamagatang “Ang Tinig ng
ligaw na Gansa” mula sa bansang
Egypt na isinalin sa Filipino ni Vilma
C. Ambat. At upang maging malinaw
sa bawat isa ang ating layunin sa
talakayang ito, inaasahang matamo
ninyo ang sumusunod na layunin,
pakibasa: a. Nasusuri ang kasiningan at
bisa ng tula batay sa
nabasa.
b. Nabibigyang kahulugan ang
iba’t ibang simbolismo at
matatalinhagang pahayag sa
tula.
c. Masigasig at matalinong
nakilahok sa mga talakayan.
e. Pagtatalakay:
Ipapabasa sa mga mag-aaral ang tula:
(Unang Pagbasa: Sabayang Pagbasa)
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang tinig ng ligaw na gansa


nahuli sa pain, umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,


subalit kay ina'y anong masasabi?
Sa araw-araw ako'y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.
Pagkatapos basahin ang tula ay
itatanong ang mga sumusunod na
katanungan:

 Ano ang pang-araw-araw na Mangingisda po! Dahil sa mga linyang


Gawain ng tao sa tula? Paano “Lambat ko ay aking itatabi”
mo nasabi?

 May kinalaman ba ito sa Wala po!


hayop na gansa?

 Bakit gansa ang pangunahing Nererepresenta ng gansa ang mga taong umibig
tauhan dito? at nasasakal na dito.

Ipapabasang muli ang Tula:

Sa pagkakataong ito, pangkatan


Magbabasa (Pangkatang Pagabasa).
niyong babasahin ang tula. Ang
kabilng hanay ay babasahin ang
unang saknong at ang kabilang hanay
naman ay magbabasa ng ikalawang
hanay.
Isang tao na umibig ng lubusan at nasaktan.
 Sino ang persona na
nagsasalita sa tula?
Iba’t ibang kasagutan.
 Ano ang impresyon na naiwan
sayo matapos mabasa ang
tula?

f. Paglalapat:
Panuto: basahin ang taludtod ng tula,
isulat ang damdamin na napapaloob sa
bawat pahayag. Kopyahin ang pormat
sa iyong papel
Pahayag Damdamin
Nahuli sa pain, umiyak
Hindi ako makaalpas
Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina'y anong
masasabi?
Sapagkat sa pag-ibig mo ay
nabihag.

Ipasa ang inyong mga papel!


Pahayag Damdamin
Nahuli sa pain, umiyak Lungkot
Hindi ako makaalpas Pagkabigo
Lambat ko ay aking itatabi, Pagsuko
subalit kay ina'y anong
masasabi?
Sapagkat sa pag-ibig mo ay Pagkagiliw
nabihag.
g. Paglalahat:
Ano ang tinutukoy na
komplikasyon sa tula? Ang akdang ito ay isang tula na tumutukoy sa
isang gansang nasasakal sa pag-ibig. Ito ay
maihahalintulad sa taong uhaw sa pag-ibig at
nang makakita ng pagkakataon ay agad
sumunggab ngunit huli na ng malaman na ang
pag-ibig pala ay pinagsamang sarap at hirap.

Base sa komplikasyon at kakintalang


ipinahiwatig ng tula, ano ang aral na Ang pangunahing punto ng may-akda ay
napulot mo dito? kung tayo ay magmamahal, siguraduhin natin
na wala tayong naaapakan at nasasaktan. May
iba kasi na nagpapaka-martyr sa pag-ibig
kahit alam niyang mali ito para lang
matugunan ang kanyang mga
pangangailangan. May iba naman na
sinasakripisyo ang kaligayahan upang maging
maligaya ang isang tao kahit hindi niya gusto
ngunit napilitan lang. Dito sa akdang ito,
pinupunto ng may-akda na huwag natin ipilit
o isakal ang isang taong ayaw sa iyo. Dahil sa
huli, ikaw pa din ang masasaktan.

IV. Pagtataya:

(Pangkatang Gawain)
Pangkalahatang Panuto: Gawin ang mga nakatalang gawain sa inyong pangkat. Isulat ang inyonh
sagot sa nakalaang sulatan sa inyong pangkat.

Pangkat 1 at 2: Ipaliwanag ang mga saknong na halaw mula sa tula:

Pangkat 1 Pangkat 2
Ang tinig ng ligaw na gansa nahuli sa pain, Lambat ko ay aking itatabi, subalit kay ina'y
umiyak anong masasabi?
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig, hindi ako Sa araw-araw ako'y umuuwi, karga ang aking
makaalpas. mga huli Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.

Pangkat 3 at 4: Anu ano ang mga positibo at negatibong nagagawa sa tao ng pag-ibig?

Positibo Negatibo
V. Takdang Aralin:

Gumawa ng sariling halimbawa ng tulang Liriko naq hindi bababa sa dalawang


saknong na may tig-aapat na taludtod.

You might also like