Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sa Ulo ng mga nagbabagang balita!

[Ang natitirang Urdu Calligrapher sa Delhi]

Matapos ang apat na dekada bilang isang katib o calligrapher sa Urdu bazaar ng Delhi, Nakikita ni
Mohammad Ghalib ang kanyang sarili bilang tagapag-alaga ng isang namamatay na tradisyon

[Itinalaga ng pangulo ng UAE ang kanyang panganay na anak bilang crown prince ng Abu Dhabi]
Itinalaga ni Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan, ang presidente ng United Arab Emirates, ang
kanyang panganay na anak na si Khaled bilang prinsipe ng korona ng Abu Dhabi, inilagay siya bilang
susunod na papalit sa pinuno ng pederasyon

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Magandang araw mga kababayan! Ako po si Jairo Fucanan at Nagbabalik ang KTA News na may dalang
nagbabagang balita. Simulan natin ang balitaan kaugnay po sa isang tradisyon ng mga Indiyano na unti-
unting naglalaho ngunit pinagsusumikapang ipagpatuloy. Yyana Taguinod at Alodia Luy, Take it away.

[Ang Pinakahuling Urdu Calligrapher ng Delhi (Alodia at Yyana)]

Salamat Jairo, Ang Bazaar sa India ay kinikilala sa kanilang mayamang kulturang pampanitikan. Ito ay
nabuhay noong India’s Islamic Golden Age sa gitna ng walo hanggang ikalabintatlong siglo. Karamihan sa
mga ito ay isinulat sa wikang Urdu na sinusulat ng mga propesyonal na calligrapher. Si Mohammad
Ghalib na animnapu’t anim taong gulang na, ang tanging natitirang Urdu Calligraher.

Ipinanganak siya sa Saharanpur district ng Uttar Pradesh state sa hilagang India. Natutunan ni Ghalib ang
Urdu calligraphy noong bata pa siya sa isang Islamic seminary na nakuha niya ang kanyang pangalan na
Mirza Ghalib. Ito ay nanggaling sa isang kilalang Urdu poet na si Mirza Beg Asadullah Khan noong
ikalabinsiyam na siglo. Kinailangan niya ng tatlong taon upang maperpekto ang kanyang pagsusulat bago
lumipat sa Delhi upang maghanap ng trabaho.

Dati, may mataas na demanda ang mga calligraphers upang magdesinyo ng mga libro, palatandaan,
pabalat, at iba pang materyal sa komunikasyon. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Nastaliq Script at
Naskh. Ang Nastaliq Script ay binubuo ng natatanging aesthetic, na may mahahabang hubog na mga
linya at mga tunog ng patinig na kinakatawan ng diacritical markings. Ang Naskh naman ay kinikilala sa
kanyang malinaw at madaling unawain na mga linya.

Ngunit, ang buhay ni Ghalib ay nagiba sa mga nakalipas na taon. Ang tindahan ng libro na dati niyang
pinapagtrabahuan ay ginawang tindahan ng damit. Ngayon, nagtatrabaho si Ghalib sa isang sikat na
tindahan ng libro sa Old Delhi. Katabi nito ang Jama Masjid na kinikilala bilang isa sa mga pinakamalaking
mosque ng India. Kahit na nagtatrabaho siya sa sikat na tindahan ng libro ay nahihirapan pa rin siya
humanap ng mga tao na bibili ng kanyang sining na sulat-kamay sa halip na bumili ng masmumurahin na
produktong gawa ng makinarya.

Sinabi ni Ghalib “Hindi na ako nakakatanggap ng mga imbitasyon na sumulat ng mga libro o pahayagan”.
Dagdag niya “Mga calligraphy enthusiasts na lang ang tanging nagpapagawa sa akin na isulat ang
kanilang mga pangalan o gumawa ng couplet.”

Kahit na mababa ang nakukuha niyang pera dito ay patuloy niya pa rin itong ginagawa. Sinabi niya
“Ginawa ko ito dahil akala ko ito’y magiging isang marangal na karera na maambag ko sa ating kultura at
sa susunod na henerasyon. Sinabi niya din “Ibinuhos ko ang aking buong pagkabata upang maperpekto
ang craft na ito, at kahit na ang kalusugan ko ay nasisira araw-araw, Nagdesisyon ako na mamamatay ako
kasama ang sining na ito.” Kami si Alodia at Yyana! balik sayo Jairo

Tunay nga naman na kay ganda ang sining ng India sa calligraphy. Maraming salamat Alodia Luy at Yyana
Taguinod. Tayo naman ay tumungo sa Pagtanghal ng Pangulo ng United Arab Emirates sa kanyang
panganay na anak bilang susunod na Koronang Prinsipe, Trebor Raneses at Aiden Esperanza, Take it
away.

[Pangulo ng UAE itinalaga ang Kanyang Panganay na Anak Bilang Koronang Prinsipe ng Abu Dhabi
(Trebor at Aiden)]

Si Sheikh Mohammed bin Zayed Nahyan bilang pangulo ng UAE ay hinirang ang kanyang anak na si
Khaled bilang koronang prinsipe ng Abu Dhabi. Siya ang susunod sa linya upang pumalit bilang pinuno ng
pederasyon.

Pagkatapos umakyat ni Sheikh Mohammed sa pagkapangulo noong nakaraang taon, umikot ang mga
alingawngaw kung gagawin niya ang isa sa kanyang mga kapatid bilang kanyang tagapagmana. Sa kasong
iyon ang mga akalang mapipili dapat ay sina Sheikh Tahnoun bin Zayed ang makapangyarihang pinuno ng
pambansang seguridad, Sheikh Mansour ang may ari ng Manchester City football club, o si Foreign
Minister Sheikh Abdullah.

Isang magkahiwalay na anunsyo ay sinabi na hinirang ni Sheikh Mohammed si Sheikh Mansour bilang
bise presidente ng UAE ng may apruba ng Federal Supreme Council. Si Sheikh Tahnoun at ang isa pang
kapatid na si Sheikh Hazza ay hinirang din bilang Deputy Rulers ng Abu Dhabi.
Ang bagong koronang prinsipe na si Shekh Khaled ay tumaas sa katanyagan sa Country’s State Security
Service at bilang chairman ng makapangyarihang Abu Dhabi Executive Office. Muli kami sina Trebor at
Aiden, balik sayo Jairo.

Congratulations kay Khaled sa pagkamit ng koronang prinsipe. Ngayon naman ipapasa ko ito kay Euanne
Ronquillo at Mary Andrade upang ibigay ang ating KTA Trivia para sa araw na ito. Euanne, Mary take it
away.

[KTA Trivia (Euanne at Mary)]

Magandang buhay mga KTA viewers nagbabalik ang KTA Trivia upang magbigay ng mga Trivias at
FunFacts tungkol sa Timog at Kanlurang Asya. Kaya ano pa ang hinihintay natin halina mga KTA viewers!

ALAM NIYO BA?

Ang pinakamababang lugar sa mundo ay ang Dead Sea. Ito ay isang libo tatlong daan labindalawang
metro o apat na raan sa ilalim ng antas ng dagat. Ito ay apatnapu’t anim milya o pitumpu’t apat
kilometro sa haba. Nasa pagitan ito ng hangganan ng Israel at Jordan. Ngunit ang buhangin sa kanyang
baybayin ay mayaman sa minerals at sinasabing na may mga katangiang pagpapagaling.

Wow! Nakakamangha naman yan, sino magaakalang nasa Kanlurang Asya ang pinakamalalim na lugar sa
mundo kahit na karamihan ng bahagi nito ay mabuhangin at tuyo.

Isa pang KTA Trivia ay alam niyo ba na ang bandila ng Nepal ay ang nagiisang flag na hindi parisukat o
parihaba. Ito ay may hugis na dalawang pennant o tatsulok. Ang rason kung bakit iba ang hugis ng
kanilang bandila ay hindi sila naconolize ng mga bansa sa Europa. Ang Europa kasi ang nagpairal ng
parihaba na hugis ng bandila.

Ganun pala ang bandila ng Nepal? Ngayon ko lang nalaman. Meron din palang hugis na tinatawag na
pennant, nakakatuwa naman! Ang Europa din pala ang nagpairal ng parihabang bandila, ano kaya ang
magiging hugis ng mga bandila kung hindi ito nangyari?

Mamaya ka na magisip ng ganyan HAHAHAHA. At ang huli, Alam niyo ba na ang India ang pangapat sa
pinakamalakas na militarya sa buong mundo at ang pinakamalakas na militarya sa buong Timog Asya.

Grabe naman ang India! Napakalakas naman ng militarya nila.


At dun nagtatapos ang ating KTA Trivia! Muli kami si Euanne at Mary, hanggang sa muli! Balik sayo Jairo.

Maraming Salamat Euanne at Mary sa bagong kaalaman na inyong ibinahagi. At yan po ang mga balita
na aming nakalap para sa araw na ito. Ako po si Jairo Fucanan at para sa kasabihan natin para sa araw na
ito “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” na ipinahayag ni Dr. Jose Rizal. Muli ito ang KTA News, sa
panahon ng pangangailangan, kami’y maaasahan. Hanggang sa muli bayan!

You might also like