Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

DINADANAS NG MGA ESTUDYANTENG NAGTATRABAHO KASABAY NG

PAG-AARAL SA TAYSAN SENIOR HIGH SCHOOL

Isang Pamanahong Papel na inihanda para kay:

Annie Mae P. Pasia

Taysan Senior High School

Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan ng mga Pangangailangan sa Pagbasa At


Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Cesar V. Balbastro
Mark Kevin G. Perea

Maria Lorena R. Cumal

Chinarose M. Dellosa

Katlene A. Reyes

Hunyo 2023
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel
na ito na pinamagatang Dinadanas Ng Mga Estudyanteng Nagtatrabaho
Kasabay Ng Pag-aaral Sa Taysan Senior High School ay inihanda ng mga
mananaliksik mula sa FILIPINO na binuo nina:

Cesar V. Balbastro Maria Lorena R. Cumal

Mark Kevin G. Perea Chinarose M. Dellosa

Katlene A. Reyes

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Taysan Senior High School,


bilang isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Annie Mae P. Pasia

Guro
PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mananaliksik sa mga


sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang mahahalagang kontribusyon tungo sa
matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong -papel na ito:

Kay Gng. Annie Mae P. Pasia, sa kanyang pagbabahagi ng karunungan at


paggabay upang maisagawa ng matiwasay ang pamanahong papel na ito.

Sa mga respondente, sa kanilang pakikilahok at pagbibigay ng oras upang


makapangalap ng datos at maitala ang kanilang impormasyon.

Sa mga pamilya ng mananaliksik, sa kanilang mapagmahal at suportang


ibinibigay, para sa pasensya, pag-unawa, at pag-aalala, pati na rin ang kanilang
mga panalangin at pampatibay para sa katuparan ng pag-aaral na ito.

Sa mga kaibigan at kaklase ng mananaliksik, sa kanilang pagtulong at


pagpapalawig ng kaalaman.

Higit sa lahat, sa Makapangyarihang Diyos para sa lakas, determinasyon,


talento, pasensya, at tiyaga ay nagbibigay siya sa mga mananaliksik sa
pagtupad sa pag-aaral na ito.

C. V. B.

M. K. G. P.

M. L. R. C.

C. M. D.

K. A. R.
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagating Pahina

Dahon ng Pagpapatibay

Pasasalamat

Paghahandog

Talaan ng Nilalaman

Talaan ng mga Talahanayan at Grap

Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon ……………………………………………………………………….

Layunin ng Pag-aaral …………………………………………………................

Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………………………………

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ……………………………………………

Depinisyon ng mga Terminolohiya ……………………………………………

Kabanata II : Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Literatura

Kaugnay na Pag-aaral

Kabanata III : Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Mga Respondente
Instrumento ng Pananaliksik

Tritment ng mga Datos

Apendiks

•Liham Para sa Mga Respondente

•Sarbey-Kwestyoneyr

•Tala Tungkol sa mga Mananaliksik


KABANATA I
ANG SULIRANIN

Panimula

Lahat tayo ay may karapatan,responsibilidad at pananatugan sa ating buhay.

Tulad na lang ng mga kabataan ay mayroon din sila nito simula noong

ipinanganak sila sa mundong ito. Ilan na dito ang pagkakaroon ng pangalan,

maayos na tahanan, maayos na kalusugan, makapag-laro o makapag- libang,

makapag-aral at marami pang iba.

Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan, ayon kay Dr. Jose Rizal ngunit

paano nila ito maisasakatuparan kung hindi nila naisasagawa ng maayos ang

kanilang pag-aaral dahil kailangan nilang magtrabaho upang masustentuhan ang

kanilang pag-aaral at para may maiabot sa kanilang mga magulang dahil sa

kakulangan ng sweldo ng kanilang mga magulang.

Ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang at ito

ang magbibigay ng magandang kinabuksan. Edukasyon lamang ang tanging

bagay na hindi mananakaw ng kahit sino. Kaya kahit mahirap sa kanila ay

pinagsasabay nila ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil alam nila na ito lang ang

tanging maipapabaon sa kanila ng kanilang mga magulang sa hinaharap.


Mahirap talaga para sa mga estudyanteng nagtatrabaho habang nag-aaral.

Hindi lang sila basta-basta pinapatulong ng kanilang mga pag-aaral sa gabi dahil

mayroon din silang responsibilidad sa kanilang trabaho. Kadalasan sila pa ang

pinipili ng mga nagpapasahod dahil mas mababa ang magiging gastos sa huli ng

buwan kung sila ang magtatrabaho dahil alam nila na kahit mababa ang sweldo

ay papasok pa rin sila upang magkaroon ng pera para sa kanilang sarili at

pamilya. Kaya nakakalimutan na nila ang makapagpahinga at makihalubilo sa

kanilang mga kaibigan, kapit-bahay, at sa kanilang kapwa dahil nakatuon na ang

kanilang oras sa pagtatrabaho at pag-aaral. Subalit kahit gaano man kahirap ang

kanilang sitwasyon ay hindi sila sumuko dahil alam nila na ito ang importante

upang makamit nila ang kanilang pangarap sa buhay.

Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay isang karaniwang sitwasyon na

kinakaharap ng mga estudyante sa kasalukuyang panahon. Ito ay kinakailangan

upang makatugon sa pangangailangan upang makapag-aral at sa pang-araw-

araw na gastusin.

Sa aspektong global o pandaigdigang kaligiran masasalamin ang patuloy na

pagbabago at pag-unlad ng ekonomiya. Sa panahon ngayon hindi na sapat ang

edukasyon lamang upang makahanap ng magandang trabaho sa kasalukuyang

panahon dahil kinakailangan din ng karanasan o kahit man lamang ng kaunting

kaalaman sa iba’t ibang trabaho. Kaya naman makikita natin ang mga kabataang
estudyante na pinagsasabay ang trabaho at edukasyon upang mabigyan ng

magandang kinabukasan ang kanilang sarili at mga pamilya.

Sa pambansang pananaw naihahayag dito ang kawalan ng sapat na trabaho

sa loob ng ating bansa. Sa kadahilanang itong mga kabataang estudyante na

naghahanap ng trabaho ay napipilitang lumuwas ng Maynila o kaya naman ay

maghanap ng trabaho sa kanilang lugar. Hindi rin nito maikakaila ang mataas na

bilang ng mga kabataang estudyante na nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa

kanilang pagtatrabaho upang masustentuhan ang kanilang mga

pangangailangan.

Bagama’t mayroong negatibong epekto hindi rin natin maaaring ipantawid ang

ang mga kabataan sa hirap ng kalagayan na ito. Sa lokal na aspekto naihahayag

ng sitwasyon na ito ang kawalan ng suporta mula sa pamahalaan ng edukasyon,

malaki ang posibilidad na mas maging magaan ang pasanin ng ating mga

kabataan sa pagtatrabaho habang nag-aaral.

Sa kabuuan hindi natin maaring balewalain ang sitwasyong kinakaharap ng

mga estudyanteng nagtatrabaho habang nag-aaral. Kailangan natin itong bigyan

ng sapat na atensyon upang maisakatuparaan ang isang lipunang may

oportunidad para sa kahit sinong kabataan.


Dahil dito, minarapat ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral

kaugnay ng mga estudyante na nagtatrabaho upang matugunan ang kanilang

pag-aaral.

Layunin

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga estudyante na nagtatrabaho

upang matugunan ang kanilang pag-aaral, at naglalayong masagot ang mga

sumusunod na mga katanungan:

1. Malaman ang mga dahilan kung bakit kailangang magtrabaho ng mga

estudyante habang nag-aaral.

2. Tuklasin ang mga epekto ng pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho sa

mga estudyante sa aspeto ng akademiko.

3. Magbigay ng mga rekomendasyon para sa mga institusyong pang-edukasyon

at mga estudyante upang mapabuti ang kalagayan ng mga nagtatrabaho habang

nag-aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay napakahalaga sa

mga sumusunod:

Sa mga Estudyante. Ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing gabay sa kanila at

nag lalayong maiparating sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon

kahit salat sa buhay ay kailang ipagpatuloy upang magtagumpay at maabot ang

pinapangarap sa buhay.

Sa mga Magulang. Ito ay makakatulong upang maipahayag ang resposibilidad

ng mga magulang sa kanilang anak. At upang maipalam na mayroon silang

tungkulin na pag-aralin ang kanilang anak.

Sa mga Guro. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay dapat bigyan ng sapat na

considerasyon ang mga manggagawang mag-aaral.

Sa mga Mambabasa. Ang pag-aaral na ito aynais maibahagi ang mga

naidudulot ng pagtatrabaho habang nag-aaral.

Gayundin, sa mga susunod pang mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay

magsisilbing sanggunian sa kanilang mga gagawing pag-aaral.


Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga estudyante na nagtatrabaho upang

matugunan ang kanilang pag-aaral. Kasama sa pag-aaral na ito ang mga

Ang survey ay para sa mga estudyanteng nagtatrabaho at nag-aaral sa Taysan

Senior High School. Ang layunin ay maunawaan ang mga hamon at implikasyon

ng pagsasama-sama ng pag-aaral at trabaho sa buhay estudyante. Inilalapit nito

ang sitwasyon sa mag-aaral na, bukod sa pagtuturo sa paaralan, ay mayroon

ding mga obligasyon sa trabaho.

Mga limitasyon sa pananaliksik:

Ang pag-aaral na ito ay may ilang mga limitasyon na maaaring makaapekto sa

proseso ng pag-aaral, pamamaraan at mga resulta. Ang ilan sa mga limitasyong

ito ay maaaring limitado ang bilang ng mga tumutugon dahil sila ay partikular sa

paaralan. Gayundin, maaaring hindi nito saklawin ang lahat ng hamon na

kinakaharap ng mga nagtatrabahong mag-aaral, at maaaring may iba't ibang

paraan ang mga mag-aaral sa pagbabalanse ng mga gawain sa paaralan at

trabaho. Maaaring hadlangan ng mga limitasyong ito ang paglalahat at

aplikasyon ng mga resulta ng pananaliksik.


KABANATA II

You might also like