Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mohammad Omar M.

Bacaraman 03/06/23
PICKING 1 – TF 9:00-10:30AM

Pagsusuri ng Likhang Sining na gawa ni Waway Saway

Ang likhang sining na ito ay isa sa mga malikhaing gawa ni Waway Saway na mula sa
Tribung Talaandig sa Bukidnon. Makikita natin na ang mga kulay na ginagamit para sa likhang
sining na ito ay mga “shades” o bahid ng kulay na kayumanggi. Ito’y dahil sa ginamit na
pangunahing materyales ni Waway Saway na walang iba kung hindi ang lupa. Ang anyong
sining naman na ginamit dito ay pagpipinta. Sa halip na ang kagamitan sa pagpinta ay ang
karaniwang materyales gaya ng acrylic, ginamit ni Waway Saway ang lupa mula sa kapiligiran
upang makalikha ng isang kakaiba at kamanghang-manghang estilo ng pagpipinta na tinatawag
na “soil painting” o pagpipinta gamit ng lupa.

Dalawang perspektibo ang aking nais ipabatid ukol sa likhang sining na ito: personal na
perspektibo at kultural na perspektibo. Ang aking personal na perspektibo ay ang aking paghanga
sa agila na ginawang pangunahing paksa sa likhang sining na ito. Makikita talaga ang iba’t ibang
anggulo at kilos ng agila na sa aking paningin ay isang marikit na hayop ng kalikisan. Sa kultural
naman na perspektibo, makikita sa likhang sining ang isang aspeto ng kultura ng Tribung
Talaandig. Ito ay ang pagmamahal nila sa kalikasan na kanilang nakikita araw-araw na
pumapalibot sa kanilang komunidad. Masasabi ko talaga na ang likhang sining na ito ay
nagpamulat sa akin sa kagandahan ng kalikasan mula sa mga tanawin at sa mga hayop gaya na
lamang ng agila na ibinigyang diin sa lupang pintura ni Waway Saway.

Makikita rin sa likhang sining ni Waway Saway ang iba’t ibang elemento ng sining. Isa
sa mga elemento ng sining na ito ay ang linya na kung saan madalas nating makikita rito ang
paggamit ng pakurba na mga linya. Gamit ng mga pakurbang linya, nabibigyang-diin ang
marilag na balahibo ng agila na makikita sa pintura. Bukod dito, maari rin nating mailarawan ang
pag gamit ni Waway Saway ng elementong kulay, valyu, at tekstura sa kaniyang likhang sining.
Kahit kayumanggi lamang ang kulay na ginamit, na inkorpora ni Waway Saway ang iba’t ibang
hyu, saturasyon, at katinkaran ng kayumanggi upang mailikha ang detalyadong pintura na ito.
Ang valyu naman nito ay makikita sa kaliwanagan ng pinta na kung saan ginawang madilim ang
“background” na langit at ginawang maliwanag ang bulubundukin sa ibabang parte upang
makalikha ng magandang “contrast.” Kung tutukuyin naman ang tekstura ay masasabi nating
magaspang ito dahil sa materyales na lupang ginamit sa pagpinta.

You might also like