Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 37

ARALIN 5:

BUHAY NI RIZAL:
PAGKAKATAPON, PAGLILITIS
AT KAMATAYAN
INAASAHANG MATUTUTUHAN
Ang mga sumusunod ay ang mga
resulta ng pag-aaral na inaasahan nating
makamit sa pagtatapos ng aralin:

1. Masuri ang mga salik na humantong sa


Pagkamatay ni Rizal
2. Masuri ang epekto ng pagpatay kay
Rizal sa pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas at sa Rebolusyong Pilipino.
Ang Pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan

 Ang pagdating ni Jose Rizal sa Maynila noong


Hunyo 26, 1892 ay naging lubhang kahindik-hindik
sa mga Pilipino. Ang kanyang kasikatan ay
kinatatakutan ng mga Kastila, at ang mga ito ay
nagbigay ng maingat na atensyon sa kanyang bawat
galaw- lahat ng bahay kung saan ang mga Pilipinong
nakikita sa kanyang kumpanya ay pinaghihinalaan.
 Gaya ng kanyang plano, noong Hulyo 3, 1892
itinatag niya ang La Liga Filipina sa bahay ni
Doroteo Ongjunco sa Tondo, Maynila.
Ang Pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan

 Apat na araw pagkatapos ng pundasyon ng civic


organization, si Jose Rizal ay inaresto ng mga
awtoridad ng Espanya sa apat na dahilan:
1. para sa paglalathala ng anti-Katoliko at anti-friar na mga libro
at artikulo;
2. dahil may kopya si Rizal ng pamphlet na ang pamagat ay
Pobres Frailes- isang fictional story na patungkol sa pangungurap
ng mga dominikong prayle sa mga mahihirap;
3. dahil sa kanyang nobela, El Filibusterismo ay nakadedicate sa
tatlong traydor na GOMBURZA.
4. dahil sa pag- criticize ni Rizal ang relihiyon at ang simbahang
katoliko, pinaghihiwalay daw ni Rizal ang relihiyon sa kultura ng
Pilipino.
Ang Pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan

 July 17, 1892 - si Rizal kasama ang Kapitan na si


Don Ricardo Carnicero ay nakarating sa Dapitan.
 Noong pinatapon si Rizal sa Dapitan ay binigyan
siya ng dalawang pagpipilian. (1) titira siya sa
kumbento kasama si Fr. Antonio Obach o (2) sa
bahay ni Carnicero.
 Mga kundisyon ni Fr. Obach:
- kailangan bawiin ni Rizal ang mga sinabi niya na
tumataliwas sa simbahan.
- kailangan ay regular na umattend si Rizal sa misa sa
simbahan.
- kailangan ay bumalik si Rizal sa simbahan at
mangumpisal ito sa mga ginawa niya laban sa simbahan.
Ang Pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan

 Nagdesisyon si Rizal na sa bahay na lamang ni Don


Ricardo Carnicero siya titira.
 Sumulat si Rizal ng isang tula na pinamagatang A
Don Ricardo Carnicero para sa kaarawan nito noon
August 26, 1892.
Buhay ni Rizal sa Talisay

 Si Rizal at Carnicero ay tumataya sa lotto noon at


napanaluhan ni Rizal ang jackpot na 20,000 pesos.
 Lottery Ticket Number: 9736
 Ginamit niya ang pera sa pagpapagawa ng isang
octagonal house na gawa sa bamboo at nipa sa
Talisay.
 Nagtayo din ng eskwelahan si Rizal ng walang
tuition.
 Yung ibang pera niya naman ay ginamit niya para sa
kanyang eye clinic.
Buhay ni Rizal sa Talisay

 Nagpatayo din siya ng bahay para sa kanyang


pamilya sa Dapitan upang siya ay malayang
mabisita.
 Si Don Carnicero ay sumulat sa Gobernador-Heneral
na payagang makadalaw ang ina at mga kapatid na
babae ni Rizal sa Dapitan at ito naman ay
napagbigyan.
Buhay ni Rizal sa Talisay

 May 4, 1893 – Si Carnicero ay napalitan ni Kapitan


Juan Sitges

 Si Sitges ay ayaw na may kasama sa bahay, kung


kaya pinatira niya si Rizal sa bahay na malapit sa
headquarters.

 Inutusan niya din si Rizal na magreport sa kanya


tatlong beses sa isang linggo
Buhay ni Rizal sa Talisay

 ipinadala ng mga heswita ang kanyang dating


propesor sa Ateneo, si Fr. Francisco de Paula
Sanchez- para akitin siyang bumalik sa Simbahan.

 tumulong siyang linisin ang plaza ng Dapitan,


pinailawan at sinindihan ito sa gabi gamit ang mga
lampara ng langis ng niyog.

 Nahulog ang loob ni Rizal sa isang 18 years old na


dalaga na si Josephine Bracken.
Buhay ni Rizal sa Talisay

 Sinubukan nina Rizal at Josephine na magpakasal


sa mga ritwal ng Katoliko ngunit hinihiling ni Fr.
Obach na bawiin ni Rizal ang kanyang mga
paniniwala.
 Tutol ang mga kamag-anak at kaibigan ni Rizal kay
Josephine dahil pinagsususpetsahan nila itong
espiya ng mga Prayle.
 Manuela Orlac- ang naging tour guide nila
Josephine.
Buhay ni Rizal sa Talisay

 Pablo Mercado- ang naging espiya ng mga prayle.


Nagpanggap itong kamag-anak ni Rizal. (Florencio
Namaan- ito ang kanyang tunay na pangalan)
 Pio Valenzulea- sugo ni Andres Bonifacio, humihingi
siya ng payo kung paano maglulunsad ng
rebolusyon. Inalok niya na tulungan siya ng
Katipunan sa pagtakas sa Dapitan.
 Reymundo Mata – siya ang dahilan kung bakit
nakapasok si Valenzuela sa Dapitan. Siya kasi ay
naging pasyente din ni Rizal.
Buhay ni Rizal sa Talisay

 Tinutulan ni Rizal ang planong rebolusyon dahil sa


mga dahilan:
1. Kailangan nila ng sapat na armas para labanan ang
mga Espanyol.
2. Kailangan nila ng suporta mula sa mga rich at middle
class na pamilya upang may mag-ambag sa kanilang
mga gagamiting armas.
3. Kailangan ang mamuno sa rebolusyon ay may pinag-
aralan o yung tinatawag na illustrado.
4. Inabisuhan niya din na si Antonio Luna ang maging
pinuno ng rebolusyon.
Ang pagtatapos ng Dapitan Exile

 Noong ang Cuba ay nasa ilalim ng rebolusyon at


patuloy na epidemya ng yellow fever, sumulat si
Rizal kay Gobernador Heneral Ramon Blanco na
nag-aalok ng kanyang serbisyo bilang isang doktor
militar.
Gobernador Heneral Ramon Blanco – inaprubahan
niya ang panayam ni Rizal noong Hulyo 1, 1896. At sa
gabi ay umalis na si Rizal sakay sa steamer na
pangalang España
Si Rizal ay nag-stay sa Dapitan ng Apat na taon, labing
tatlong araw at ilang oras.
 August 6, 1896 - pagdating sa Manila Bay, hindi
agad nakaalis si Rizal patungong Espanya dahil
nakaalis na ang sasakyang Isla de Luzon.
 Inilipat siya sa Spanish cruiser na Castilla at nanatili
doon ng isang buwan mula Agosto 6 hanggang
Setyembre 2, 1896.
 August 19, 1896 - ang balak ng Katipunan na
pabagsakin ang pamamahala ng mga Espanyol sa
pamamagitan ng rebolusyon ay natuklasan ni Fr.
Mariano Gil matapos ang pagbubunyag ni Teodoro
Patino ng mga sikreto ng organisasyon.

 Noong panahong iyon, natuklasan na ang Katipunan


at nagngangalit na ang Rebolusyong Pilipinas.
 August 26, 1896 - Itinaas nina Bonifacio at ng
Katipunan ang Cry of Revolution (Sigaw sa
Pugadlawin) sa mga burol ng Balintawak, ilang milya
sa Hilaga ng Maynila.
 Noong hapon, ipinahayag ni Gobernador Heneral
Blaco ang estado ng digmaan sa unang walong
lalawigan para sa pagtataas ng armas laban sa
Espanya.
- Manila, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna,
Pampanga, Nueva Ecija at Bataan.
 Nakatanggap si Rizal ng mga liham mula kay Gob|ernador Heneral Blanco
na nagpawalang-sala sa kanya sa lahat ng kasalanan sa nagngangalit na
rebolusyon.

 Lumipat si Rizal sa barkong Isla de Panay na naglalayag patungong


Barcelona, Espanya.

 Don Pedro Roxas - nagpayo kay Rizal na manatili at samantalahin ang


proteksyon ng batas ng Britanya.
Pag-aresto at Paglilitis
 September 30 - ang Isla de Panay ay naglayag na
sa Port Said sa Egypt at ngayon ay naglalayag sa
Mediterranean.
 Isang mensahe sa telegraph ang natanggap na nag-
uutos na ipaaresto si Rizal.
 Bernardino Nozaleda - Arsobispo ng Maynila na
nagsumikap na arestuhin si Rizal na sinasabing siya
ang diwa ng Rebolusyong Pilipino.
 October 3 – ang Isla de Panay ay dumaong sa
Barcelona at si Rizal ay ipinadala sa prison-fortress,
Montjuich Castle.
Pag-aresto at Paglilitis
 October 6 – si Rizal ay naaresto habang siya ay
patungong Espanya.

 Ininterview ni Despujol si Rizal na siya ay


papabalikin sa Manila.

 Noong gabi ng araw ding iyon, pagkatapos ng


panayam, isinakay si Rizal sa Colon na lulan ng
mga tropang Espanyol ay naglayag patungong
Maynila.
 Dr. Antonio Ma. Regidor and Sixto Lopez - ginawa
nila ang lahat ng kanilang pagsisikap upang
makahanap ng isang abogado sa Singapore na
maaaring tumulong sa kanilang kaibigan.
 Atty. Hugh Fort- English lawyer na mula sa
Singapore.
 Sa kasamaang palad, tinanggihan ni Chief Justice
Lionel, ang hukom sa Singapore ang kahilingan.
 November 3, 1896 – ang barkong Colon ay
nakarating na sa Manila Bay, kinuha at dinala si
Rizal sa Fort Santiago sa Intramuros.
 November 20, 1896 - Dinala si Rizal sa tribunal ng
militar ng Espanya na pinamumunuan ni Colonel
Francisco Olive.
 May mga nagbigay ng testimonya na si Rizal ang
naging utak ng rebolusyon upang mas madiin si
Rizal.
 Hinirang ng Gobernador Heneral si Captian Rafael
Dominguez na magsampa ng mga kaso laban kay
Rizal.
 Lt. Luis Taviel de Andrade – ang naging abogado
ni Jose Rizal.
 December 13- ang kaso ay ipinasa kay Gobernador
Heneral Camilo de Polavieja- ang pumalit kay
Blanco.
 May mga nagbigay ng testimonya na si Rizal ang
naging diwa ng rebolusyon upang siya ay mas
madiin. Ang aktwal na paglilitis kay Rizal ay
nagsimula noong Disyembre 26, 1896 at ito ay
ginanap sa Hall of Banners of the Cuartel de
Espana sa Fort Santiago.
 Kinasuhan si Rizal ng: Rebellioin, Sedition, at
formation of illegal associations.
 Sa pagtatanggol sa sarili, nagharap si Rizal ng
labindalawang argumento. Hinatulan ng hukuman si
Rizal na nagkasala para sa mga kaso at bumoto
para sa parusang kamatayan.
 Disyembre 28, 1896 - Nilagdaan ni Gobernador
Heneral Polavieja ang death warrant ni Rizal na nag-
uutos na barilin siya alas-7:00 ng umaga sa
Bagumbayan
 Pinirmahan ito ni Rizal na nagsasabing siya ay
inosente
Ang mga Huling Sandali ni Rizal
 Inilipat si Rizal sa kapilya ng bilangguan
 Mga bumisita kay Rizal:
- Fr. Miguel Saderra Mata- Director ng Ateneo
de Municipal
- Fr. Luis Viza – nagdala ng imahe ng Sacred
Heart of Jesus
 Fr. Antonio Rosell - sinabayan kumain si Rizal ng
umagahan.
 Lt. Taviel de Andrade- dumating din at
pinasalamatan ni Rizal para sa kanyang serbisyo.
Ang mga Huling Sandali ni Rizal
 Fr. Balaguer – sinamahan si Rizal hanggang hapon
 Sa ganap na alas tres ng hapon, si Fr. Balaguer ay
bumalik at sinubukang hikayatin si Rizal na bawiin
ang kanyang mga paniniwalang Mason ngunit
nanatiling matatag si Rizal.
 Nang nakaalis si Fr. Balaguer ay dumating na din
ang kanyang ina at mga kapatid na babae.
Ang mga Huling Sandali ni Rizal

 Binigyan ni Rizal ng alcohol stove si Trinidad na


regalo ni Pardo de Tavera at ibinulong sa kanya sa
English ‘There is something inside’.
 Sinabi din ni Rizal na tingnan ang loob ng kanyang
sapatos pagkatapos ng pagbitay sa kanya.
 Pagkaalis ng kanyang pamilya, muling dumating sina
Fr. Vilaclara at Balaguer upang kumbinsihin si Rizal
na bawiin ang kanyang mga ginawa.
Ang mga Huling Sandali ni Rizal

 Pagsapit ng alas-otso ng gabi, bumalik si Fr. Balaguer


kasama si Fr. Viza at muling nakipag-usap kay Rizal sa
mga usaping panrelihiyon. Sa puntong ito, sinamahan
sila ni Fiscal Gaspar Casteño ng Royal Audencia.
 Bandang 10:00, dumating ang draft ng retraction mula
kay Arsobispo Bernardino Nozaleda, ngunit ito ay
hindi binasa ni Rizal dahil napakahaba daw nilalaman
nito.
 Muling nakatanggap si Rizal ng draft of retraction mula
naman kay Fr. Pio Pi – superior of the Jesuit Mission in
the Philippines.
Ang mga Huling Sandali ni Rizal

 Sa 11:30, pinirmahan ni Rizal ang kanyang pagbawi sa


Freemasonry at ito ay sinaksihan ni Juan del Fresno-
the chief of the guard.
 Matapos lagdaan, si Rizal ay nangumpisal siya kay Fr.
Vilaclara at nagpahinga na pagkatapos.

 Disyembre 30, 1896- Alas 5:00 ng umaga, huling


almusal ni Rizal, pinirmahan niya ang mga natitirang
libro na naging huling souvenir niya.
Ang mga Huling Sandali ni Rizal

 Dumating si Josephine Bracken kasama ang kapatid


niya na si Josefa, at nag-request si Rizal na ikasal sila
ni Bracken.
 Dr. Balaguer – ang nagsagawa ng marriage rites ni
Jose Rizal at Josephine Bracken.

 Iniregalo ni Rizal kay Josephine ang isang libro na


Imitacion de Cristo by Thomas Kempis na may
kasamang authograph niya.
Ang mga Huling Sandali ni Rizal

 Pagkatapos, sumulat siya ng tatlong liham paalam sa


kanyang mga Magulang, Dr. Blumentritt, at Paciano.
 Bandang 6:30, kinuha si Rizal mula sa selda at
nagsimula ang martsa patungong Bagumbayan. Isang
colonel ang nagdala kay Rizal sa lugar kung saan siya
bibitayin.
 Nagrequest si Rizal na huwag siyang patamaan sa ulo
at ito naman ay sinunod. Nirequest din ni Rizal na siya
ay barilin ng nakaharap pero ito ay hindi pinagbigyan.
Ang mga Huling Sandali ni Rizal

 Mayroon din mga pari na nagbasbas sa kanya para sa


kanyang mga huling sandali.
 Dr. Felipe Ruiz Castillo – ang tumingin sa pulse rate ni
Rizal, at laking gulat nito na normal ito at hindi bakas sa
mukha ni Rizal na siya ay kinakabahan o natatakot.
 Noon si Rizal ay binaril ay nagawa pa niyang
mapaluhod at tumingala sa langit. Isang opisyal pa ang
lumapit sa kanya upang tingnan ang kalagayan niya.
Meron pang pulso si Rizal, at isa sa miyembro ng firing
squad ang lumapit at muli siyang binaril.
Ano ang huling salita na nabanggit ni Rizal matapos siyang barilin?
Ano ang huling salita na nabanggit ni Rizal matapos siyang barilin?

CONSUMMATUM
EST
 Nagsigawan ang mga Kastilang nanonood ng Viva
España!
 Ang military band ay nagpatugtog ng Marcha de Cadiz
 Ang bangkay ni Rizal ay lihim na inilibing sa Paco
Cemetery kung saan kalaunan ay natunton ito ng
kanyang kapatid na si Narcisa. (2 araw na naghanap)
 Ang mga labi ni Rizal ay nilinis sa bahay ni Higino
Mercado sa Binondo at ibinigay kay Donya Teodora.
 Ang kanyang mga labi ay inilagak sa loob ng
monumento ni Rizal sa Luneta
TRIVIA!!!

You might also like