Esp5 q2 w4 Studentsversion v4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Opinyon Mo, Opinyon Ko,
ay Mahalaga
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Pangalawang Markahan – Modyul 4: Opinyon Mo, Opinyon Ko, ay Mahalaga
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rosanna R. Ramirez

Editor: Maria Cristina H. Morillo at Narcie Fe M. Solloso

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Venus A. Arce

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang bawat isa sa atin ay may karapatang magpahayag ng ideya. Ang lahat ng tao, bata
man o matanda, lalaki man o babae ay may iba’t ibang opinyon. Malaya natin itong
masasabi ngunit dapat tandaan na ito ay dapat ipahayag sa isang wastong paraan.
Anuman ang ating nais ipahayag ay nararapat isaalang-alang ang damdamin ng ibang
tao sa ating paligid.

Makikilala natin kung alin ang tamang ideya/opinyon sa pamamagitan ng pag-iisip


kung alin sa mga ito ang makakabuti para sa nakararami. Kanya-kanyang kahusayan,
kaala- man at karunungan. Subalit dapat nating tandaan na anomang ideya/opinyon
ng bawat isa ay dapat isaalang-alang at igalang upang hindi pagmulan ng anumang
kaguluhan.

“RESPETO” ang dapat itanim sa ating puso at damdamin upang matanggap natin ang
ideya/opinyon ng kapwa natin. At sikaping alamin ang saloobin ng bawat isa upang
makapagbigay ng tama at mabuting ideya para sa nakararami.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakapagpapahayag nang may paggalang sa anumang ideya/opinyon at
pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang bawat taong nilalang ay may ______________na tanging sarili lamang niya ang
masusunod kung tama ba ito o mali ayon sa sarili niyang pananaw at kadahilanan.
A. ideya/opinyon
B. galit/poot
C. isip/gawa
D. hirap/tiis

2. Halimbawa may nasabing mga ideya/opinyon ang iyong kaklase tungkol sa pag-
uugali mo. Ano ang iyong gagawin?
A. Respetuhin ang kaniyang opinyon
B. Sisigawan
C. Pagsabihan ito
D. Awayin

3. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pag-uugali?


A. Si Kris na hinahayaan lamang niya ang mga kagrupo niyang gumawa ng
proyekto.
B. Si Angelo ay nagpahayag ng kaniyang idea sa kaniyang kasamahan para
sa kanilang proyekto.
C. Si Rovy ipinipilit ang kaniyang idea sa kaniyang kasamahan kahit alam
niya na mayroong mas magandang idea ang iba kaysa sa kaniya.
D. Si Mateo ay nahihiyang ipahayag ang kaniyang opinyon sa kaniyang mga
kagrupo

3
4. Si Joan ang lider ng grupo, nakikinig siya sa opinyon ng mga kasama sa pangkat.
Tama ba ng ipinapakita ni Joan?
A. Oo, dahil wala lang siyang ideya para sa kanilang proyekto.
B. Hindi, dahil magkakagulo lang ang kaniyang pangkat.
C. Oo, ipinapakita niya na malayang nakakapagbigay ng saloobin ang
kaniyang mga kasamahan.
D. Hindi, dahil siya ang lider ng grupo, siya dapat ang pinakikinggan.

5. Lahat ay nagpapakita ng tamang pamamaraan sa pagpapahayag ng saloobin


maliban sa isa.
A. Magdadabog kapag hindi nagustuhan ang ideya ng napiling lider.
B. Malugod na tinatanggap ang mga saloobin ng mga kasamahan.
C. Nagtatanong sa mga nakatatanda o sa may karanasan.
D. Nagpapahayag nang may paggalang tuwing may sasabihing opinyon.

Aralin
Opinyon Mo, Opinyon Ko,
1 ay Mahalaga

Bawat nilalang ng Diyos ay binibigyan niya ng iba’t ibang kaalaman, karunungan,


kahusayan at kaisipan. Bilang tao, mayroon tayong pagkakataon na magbigay ng sarili
nating ideya/opinyon. Ang pakikining nang mabuti sa saloobin at opinyon ng ibang tao
ay nakatutulong sa pagpapasya at pagkilos nang may katatagan ng loob.

Balikan

Muli nating balikan ang mga mahahalagang konsepto na natalakay noong nakaraang
linggo.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Paano naipakikita ang paggalang sa mga dayuhan?

A. _____________________________________________________________________________

B. _____________________________________________________________________________

2. Paano ninyo maipakikita ang paggalang sa natatanging kaugalian o paniniwala


ng mga katutubo at dayuhan na iba sa atin ang kinagisnan?

A. _____________________________________________________________________________

B. _______________________________________________________________________

4
Tuklasin

Basahin ang usapan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Ang Proyekto
G. Norberto C. Ebuen

Sina Armin, Ned, Robert, Jay-jay at Richie ay mag-aaral sa ikalimang baitang at


magkakagrupo. Sila ay may proyekto sa asignaturang EPP. Kailangan nilang
makapaghanda kung ano ang pinakamainam na paninda at kung paano nila ito ilalako
sa loob ng paaralan. Sa utos ng kanilang guro, sila ay nagpulong upang malaman ang
kanilang gagawin. Si Ned ay ang lider ng grupo. Bagama’t may ideya na si Ned para
magtagumpay ang kanilang proyekto ay iniisip niya na hindi dapat sa kaniya
manggaling ang lahat ng pagpapalano. Naniniwala siya na maaaring makapagbigay ng
sariling suhestiyon o opinyon ang bawat isa para sa ikagaganda ng proyekto.

Ned: Magandang umaga sa ating lahat. Ano ba ang maaari nating gawin para sa
proyektong ito?

(Nagkatinginan na lamang sina Armin, Robert Jay-jay at Richie. Walang ibig magsalita
sa kanila dahil nahihiya silang magkamali.)

Ned: Kailangan nating magbigay ng suhestiyon para sa ikagaganda ng ating proyekto.


Hindi sapat na sa akin lamang manggagaling ang ideya. Naniniwala ako sa inyo
na mayroon pa kayong mas mainam na plano para dito.

(Magkakatinginan silang muli at mapayuyuko)

Ned: Ikaw Armin, napakahusay mo sa Math, Robert mahusay ka sa pagsasalita, Ikaw


naman Jay-jay mahusay ka sa Araling panlipunan, At ikaw naman Richie
maraming humahanga sa iyo dahil sa iyong kabaitan at pakikipagkaibigan sa
lahat. Baka maaari nating magamit ang ating kahusayan sa ating proyekto.

(Magtitinginan silang muli na nakangiti at magtataas ng kamay si Robert)

Robert: Salamat Ned, maaari siguro nating obserbahan kung ano-ano ang gustong
kinakain ng ating mga mag-aaral. Puwede natin silang tanungin kung ano ang
kanilang paboritong pagkain tuwing meryenda.

(Magtataas na rin ng kamay si Armin, Jay-jay at Richie, ituturo ni Ned si Jay-jay)

Jay-jay: Ako ang gagawa ng sarbey para malaman nating ang kanilang gusto.

Armin: Dapat mura at masustansiya, parang tulong sa kanilang kalusugan.

Richie: Ako naman ay tutulong sa pagtitinda. Sasabihan ko ang lahat ng aking


kakilala na suportahan ang ating proyekto.

Jay-Jay: Kaya mong gawin iyon? (Magta thumbs-up at kikindat si Richie)

Ned: Maraming salamat sa iyong lahat. Sa palagay ko ay kompleto na ang ating


gagawin at magiging matagumpay ang ating proyekto

5
1. Tungkol saan ang proyekto ng mga bata?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Tama ba ang ipinakita ni Ned? Bakit?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay magiging matagumpay kaya ang kanilang proyekto? Bakit?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Malaya bang naipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang opinyon o saloobin?


Magbigay ng patunay.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

5. Sa paanong paraan nahikayat ni Ned ang kaniyang mga kasamahan na


ipahayag ang kanilang mga opinyon o saloobin?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Suriin

Ang mga dapat isaalang-alang sa pagpapahayag ng mga opinyon na nais


sabihin sa ating kapwa.

✓ Mag-isip nang mabuti bago magbigay ng isang ideya.


✓ Sumangguni sa mas nakatatanda o sa mas may karanasan.
✓ Alamin ang mga benepisyo at maaaring maging kapalit nito bago
ipahayag ang isang ideya o opinyon.
✓ Alamin ang maaaring maging epekto nito sa iyong sarili at sa
ibang tao.
✓ Magpahayag sa maayos na paraan nang may paggalang at
pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba.
✓ Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang anomang opinyon ng
ibang tao.

6
Pagyamanin

Gawain A
PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong
kaisipan at MALI naman kung hindi.

___1. Si Mateo ay nagsabi ng kaniyang mungkahi tungkol sa kanilang proyekto,


ngunit hindi nagustuhan ng nakararami ang kaniyang sinabi. Nagalit si Mateo
at umalis sa grupo.

___2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak
ni Grace na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil
dito ay magkasamang ipinagbigay-alam ng magkaibigan sa opisina ng Lost and
Found ang napulot na pitaka.

___3. Nag-away ang dalawang kaibigan ni Tanya. Pinakingan niya ang panig ng bawat
isa. Kinalaunan, pinagbati niya ang kaniyang mga kaibaigan.

___4. Ang magkaibigang Mika at Mara ay namimili ng mga kandidatong nais nilang
iboto sa darating na halalan ng SPG. Napagtanto nila na magkaiba pala
sila ng mga napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap ng magkaibigan ang
kanilang mga napagdesisyonan.

___5. Ang magkapatid na Jane at Grace ay nanood ng The Voice Kids. Pagkatapos ng
panonood, sinabi ni Jane na mas magaling si Kendra. Ngunit hindi pumayag si
Grace, ayon sa kaniya ay mas magaling si Heart. Dahil dito, nagtalo ang
magkapatid.

Gawain B:

Panuto: Magbigay ng sariling opinyon ukol sa balita.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

7
Isaisip

Gumawa ng iskrip, maaaring humingi ng opinyon o saloobin ng iyong kaklase.


Isulat ang sagot sa speech bubble.

Sitwasyon: Ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na maging lider ng isang


pangkat. Tatalakayin ang ilang pamamaraan kung paano makatutulong ang
bawat mag-aaral sa pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan.

Pangalan ng Lider Pangalan ng Kaklase

Pangalan ng Kaklase Pangalan ng Kaklase

8
Isagawa

Gawain A.

Panuto: Iguhit ang simbolong puso kung ang pangungusap ay nagbibigay ng


mabuting opinyon /saloobin para sa nakararami at ekis kung hindi

______1. Iminungkahi ni Maki, ang lider ng grupo na magbigay ng iba’t ibang


ideya ang kaniyang mga kasamahan para sa kanilang gagawing
proyekto sa Filipino.

_______2. Ibinigay ni Angelo ang kaniyang pinal na desisyon sa pagpupulong


kahit alam niyang di sang – ayon ang mas nakararami.

_______3. Ipinilit ni Kylie ang kaniyang ideya sa guro gayong alam niyang
malaki ang magagastos dito kompara sa ideya ni Ronan na ma-
baba ang gastos.

_______4. Ibinigay ni Ana ang kanilang pinagsama-samang opinyon kaugnay sa


bagong proyektong gagawin sa kanilang lugar. Tinanggap
naman ito ng kapitan ng barangay at muling pinag-isipan ang ga-
gawing hakbang.

_______5. Si Juhan ang pinuno ng klase. Tuwang – tuwa siya sa kaniyang ma –


giging proyekto sa kanilang klase. Napansin niyang nagtaas ng kamay si
Nina na may nais sabihin ngunit hindi niya ito pinansin at ginawa nang
pinal ang kaniyang desisyon

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Sa paanong paraan dapat mong sabihin ang iyong saloobin?


A. Gumamit ng magagalang na pananalita sa pagsasabi.
B. Hayaan nalang sa sarili ang saloobin
C. Ipagpilitan na tama ang iyong saloobin.
D. Iutos sa iba ang nais na sabihin

2. Nagkaroon ng pagpupulong sa inyong barangay tungkol sa pagpapanatili ng


kaayusan at kalinisan sa inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan lang ang barangay sa napagdesisyonan.
B. Balewalain ang sinabi ng barangay.
C. Magdagdag ng mga ideya para makatulong sa barangay.
D. Sumang-ayon lang sa lahat ng sinabi.

3. May kaibigan kang may kapintasan. Medyo iba ang amoy nito kapag
pinagpapawisan. Ano ang dapat mong gawin bilang kaibigan?
A. Ipagkalat ang kapintasan ng kaibigan sa iba.
B. Iwasan ang kaibigan.
C. Pagtawanan ang kaibigan.
D. Sabihin nang maayos na medyo iba ang kaniyang amoy at
kailangan na niyang gumamit ng deodorant.

9
4. May kasabihang “Ang dila ay di nga patalim, ngunit kung sumugat ay ma-
lalim.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Mag-ingat sa mga salitang binibitiwan.
B. Magsabi ng hindi kaaya-aya sa iba.
C. Masusugatan ang dila kapag laging nagsasalita.
D. Pagtawanan ang mga maling magpahayag ng kanilang opinyon.

5. Sino ang nagpapakita ng tamang kaugalian sa pagpapahayag ng kanilang


opinyon?
A. Si Karen na ipinipilit ang kaniyang ideya sa mga kasamahan.
B. Si Miko na masayang nagbigay ng kaniyang idea kahit hindi ito
tinanggap ng mga kasamahan.
C. Si Bless na sumisigaw tuwing may nais sabihin sa kaniyang
kasamahan.
D. Si Dino na pinakikingan ang bawat isa at pinag-iisipan niyang
mabuti bago niya sabihin ang kaniyang opinyon sa mga
kasamahan.

10

You might also like